( Hello, world…, part 2 )
Narinig nyo na ba itish?
In the chase between a cat and a mouse, the mouse mostly wins. This is because the cat is running for its FOOD and the mouse for its LIFE. PURPOSE is more important than NEED.
Ow kayo naman… sa cellphone text message lang yan na-received ng misis ko. Mainit-init pa nga e. Kayo kasi… blogging lang nang blogging ang inaatupag nyo komo bago yang mga laptop nyo. Hindi nyo na pinapansin ang mga cellphones nyo. So cheap at low tech na, eka nyo. Akin na lang…!?
Bakit eka nyo nabanggit ko? Ala lang… kasi bida yung mouse?
Napansin nyo siguro “taglish” pa rin ang tirada ko. Kase hindi pa naman purong tungkol sa ka-DAGA-an ang ibibida ko ngayon. Sa tutuo lang, mas gusto ko ngang puro tagalog ang gamitin dine dahil garil ako sa ingles. Namimilipit ang mga dalire ko sa pagtuldok sa kibord. Kaso mo lang, anong magagawa ko inglis-ispokening ang mga hamster ko.
Ngayon… eka nyo ule, baket first post part 2?
Mga wordpress.com bloggers kayo kaya dapat alam nyo ito. Pag hindi, dapat kayong suspindihin! Anlupet. Hanep! — sa unang hirit ng pagba-balag nyo e “Hello, world” ang bubulagang depolt na taytel ng first post nyo. O di ba? Naaalala nyo na! Yung iba nga hindi na binabago ang title paris nung ginawa ko sa first post ko nung September 7.
Oebaket nga me part 2 pa (eka nyo ule), meron pang ‘first’ na ‘second’?
Well ganire po ayon. Pwede nyo tignan maski ano sa tatlong sumusunod ang gusto kong ipakahulugan sa pamagat na yaon. Kung gusto nyong pakdawan yung iba e kayong bahala, pero kung babasahin nyo lahat e mas lalong mainam. Sige na pliiiiis…!
O etong title ule ha:
Sep 7, 2007 — Hello, world… (first post part 1)
Nov 7, 2007 — Hello, life… (first post part 2)
Eto naman yung gusto kong ipakahulugan:
- viewpoint # 1 : Mas malalim at may espiritwal na kahulugan,
- viewpoint # 2 : Pangkaraniwan at usapang buhay-buhay lang, at
- viewpoint # 3 : Pinakamababaw at usapang-DAGA la-ang
DISKUSYON: i-KLIK MO ITO, ay…












