Si Lolo at si Lola

Walang PINOY dito sa ‘Pinas na hindi alam ang kantang ito:

“Lo…!

Mabuti pa kayo… ni Lola! ♫

Namulat sa matitinong bisyo…!” ♪

Isa yan sa mga nag-hit na reggae ni Joey Formaran, ang singer na mas kilala sa pangalang “Blakdyak.”

Hindi niya ako fan, naalala ko lang — Kasi mga hamsters kong senior citizen ang kwento ko ngayon, at nagkataon pa na ang mga dagang ito ay anak ng namayapang HAMSTER ko na pinangalanan kong BLAKDYAK.

Tatlo ang matatandang hamsters ko dito ngayon: sina Isnowitwit, Isnobol at Ispidbol. Pero for a special feature, next post na lang ang BUNSONG LOLONG si Ispidbol. Bago malagas ang dahon ng araw na ito sa kalendaryo, lalabas yan ngayon, mamayang gabi siguro…

Minwayl, yung kambal muna ang ikukwento ko — isang lolo at isang lola, pero hindi mag-asawa. Pareho na silang byudo at byuda.

Granduncle in “Bahay ng mga Kuya” (25 Nov 2007)

The hamster is Isnobol (Snowball). The homecage was named after the Harurendilayk brothers Blakdyak, Bebong and Bugoy. The noisy wheel (yung parang gulong ng pison) was named “Arrowangkada”, after Arrow, the late husband of Isnowitwit.

Isnobol is my most patient hamster. He can be handled in almost any way. Maski lapirutin mo pagmumukha pag hawak mo, hindi nagpipilit kumawala, hindi nangangagat.

Grandma in hamster playpen (22 Nov 2007)

The hamster is Isnowitwit Kotonbol (Snowitwit Cottonball) in the unfinished hamster playpen. She was named so because she was round and fluffy when she was young.

In her senior days, Isnowitwit is still active and strong. She is, in fact a great grandma already. My youngest hamsters Syma and Amboy are her great-grand-offspring.

Parehong puti ang buhok ng dalawang matandang yan, pero hindi uban. Talagang puti na sila maski nung mga beybi pa — albino hamsters kasi, ahehe.

:) :D :lol:

O… ano pang hinihintay nyo? Iyon lang… tapos na! Kwits. Wakas. Period. Tuldok! dot. com. Fin. The end.

————————————————————————————————

Alam ko na! …naghihintay kayo ng few words para kay lolo at lola nyo? O sige! pero mga ‘lolo’ ko muna… :D

Natandaan nyo yung ibinida ko last week? Yung trabaho ko as cameraman or research putokraper bago ako mag-resign; Yung panu-nyut ko ng insekto at politiko? Hare ang ilang sampol ng pikyurs — kayo na mag-decide kung SINO insekto at ANO politiko:

spiderbrown planthopperdamselflies1997-04-15 (Ramos and Escudero)

Naispatan nyo ba ang suwail na abang-lingkod nyo? Sya ang bukod-tanging iba ang “kaway” sa pikyur. Bihira akong mapagsasama sa ganitong mga kodakan, kasi nga ako ang mangongodak! Naisipan ko lang makigulo ahehe.

Baka naman isipin nyo yabang lang ito…

Ganun naman daw talaga… Pag bata ka pa, mga plano sa buhay ang prating laman ng kwento mo; pag medyo may idad ka na, mga nangyari sa buhay ang malimit mong ibida — maski tanong nyo sa tatay o lolo nyo.

Para din pagha-hike o trek ang buhay… mountain-climbing. Yung mga paakyat pa lang, excited sa pupuntahan at mga dinadaanan:

“Tara, sa hanging bridge tayo dumaan!”

“Dun tayo pumunta, may falls duon!”

“Pakpak-lawin o! Akyatin natin!”

Yung mga pababa naman, uwing-uwi na. Sila yung mga nagtuturo ng direksyon at nagbibigay-babala sa mga paakyat pa lang:

“Huwag kayo kakaliwa, may mga limatik.”

“Umiwas kayo sa madawag, maraming ahas at sawa.”

“Dito kayo dumaan, may kumunoy doon.”

“Lumayo kayo sa bangin, marupok ang batuhan dito.”

Syempre mas mainam kung may dala kang mapa. Sa buhay ng tao, Bible ang pinaka-accurate na mapa. Subukan mong basahin, pare at mare — maski yung Proverbs lang muna? Si Solomon ang sumulat nyan karamihan, puro praktikal na aplikasyon sa buhay ang iyong makikita.

Eto pa dalawang pikyur, para naman ma-break itong haba ng post ko. Piktyur ni BAROK, isa tao-bundok :D nuong mga panahong hindi pa sya nagpa-pastol ng mga daga (1987-88).

Bundok MakilingBundok Banahaw

Itong una tripping ko lang :lol: sa isang volcanic outlet ng Bundok Makiling na kung tawagin ay “Mudspring” — nakawalong balik na ko dito. Nasubukan ko na ring mag-overnight dito nang mag-isa. Sa paanan lang kasi ng bundok na ito ang school campus namin. Narating ko na rin ang tuktok nito na kung tawagin ay “peak 2.” Nag-bidyo-video kami for a documentary ng tatlo pang kasama ko. Tatlong oras naming inakyat.

Yang pangalawang piktyur, sa Banahaw. Mas mataas, pitong oras naming inakyat kaya dun sa tuktok na kami nag-overnight. Yung sukbit sa likod ng mga kasama ko, mga tsaang-gubat.

Naalala ko… naubos ang singkamas na dala ng kaibigan ko (di pa uso bottled water nun). Ako ang pinag-igib ng inumin… may patay na sapa dun sa itaas — “tatlong tangke” kung tawagin. E tag-init nun, syempre hindi umaagos. Yung pinagsalukan ko (hehehe) puro mga itim na butete. Sinabi ko lang sa pren ko nung makababa na kame… ahehe — ako’y halos gulpihin. (Hello Juni my pren!) may puritabs naman…

Ang trip kong sunod akyatin ay Mt Apo. Pinakamataas na yun, wala naman na kasing Mt Lolo, hehe. Pag may pagkakataon lang… kaya pa naman siguro, malakas pa naman ang tuhod ko. Sa mountain-climbing naman, will power ang mas kelangan.

Naparami yata pikyur ko hehe. Nahili kasi ako dun sa isang blog na napasyalan ko nung isang araw, me mga pikturs sya. Okey lang… makita nyo man lang itsura ko nung medyo slim pa ko. :D Puro pikyur ng daga ang blog ko, minsan naman e kelangan kong magpakita ng pikyur ng mga tao…

————————————————————————————————

O ano… pag-uusapan pa ba natin ang lolo’t lola nyo? Huwag na kaya…

Hindi ko sila pwedeng sermonan, mas matatanda pa sakin ang mga yan! Gusto nyo bang matungkod ako ng arnis nilang yantok-Mindoro? Hindi ko pa sila ka-bagang — kumpleto pa ngipin ko o… :mrgreen: Pero sigurado ako: natuto na sa karanasan ang mga iyan, maliban na lang kung… ahehe … tumatanda sila ng paurong.

Marami nang pinagdaanan ang mga yan. Sila nga itong malimit magsabi: “Papunta ka pa lang, pauwi na ako!” Ang iba ngang tawag sa mga senior citizen e “seasoned citizen” — alam nyo ba yun?

Magtanong-tanong tayo sa kanila, paris nung sabi ni Blakdyak. Maski me pagka-KJ at ol-pasyon e pagpasensyahan nyo na. Impluwensyahan nyo na lang na maging dyaporms o dyologs.

Pansinin nyo kasi. Makipag-usap kayo. Turuan nyo si Lolo ng Naruto, si Lola isali nyo sa Friendster kaya. ;) Pag nawili yan, humanda kayo… baka hindi na kayo makasingit sa laptop nyo. Huwag iinit ang dugo nyo sa mga lolo’t lola nyo.

Yang treatment nyo sa ibang tao e ibinubulgar lang naman kung ano kayo. Poreksampol, kung hindi ka tapat sa asawa mo — o maging sa girlfriend mo — ibig sabihin wala kang respeto sa mga babae. Malamang wala kang kapatid na babae, o baka galit ka sa nanay mo? Yung iba nga nanggugulpi pa ng asawa.

Kung mainit naman ang dugo mo sa mga bata, mas immature ka — siguro ginanyan-ganyan ka din nung bata ka pa, kasamaang-palad… ahehe ‘nakalakihan’ mo na. You grew OLD but you DIDN’T grow UP.

Pag maiksi naman ang pasensya mo sa mga matatanda, malamang hindi ka naturuan ng paggalang sa kanila.

Kung tumatanda sila nang paurong e pagpasensyahan nyo na. Ang importante ay kung paano kayo magre-resbak — magre-respond o magre-react. Maski gusto nyo nang sakalin dahil sa kakulitan e huwag. Balang araw naman e tatanda rin kayo, pwera na lang kung maaga kayong madededo. 8O

Gabayan natin sila. Papahina na ang katawan ng mga iyan. Malabo na mata. Hindi na ultrasonic ang tenga. Nirarayuma. Binabalakang. Me osteoporosis na. Baka nga nag-u-ulyanin pa.

At maski tutuo, huwag nyong sasabihing “amoy-lupa” na sila. Lahat naman tayo galing sa alabok — at babalik sa alabok… mauuna lang sila. Parang yung kanta ni Rico J Puno:

“Nagmula sa potek… ♫

magbabalik sa potek…!” ♪

Ay potek…! Diritsong tagalog ako ngayon a! Kawawa naman ang mga poren readers ko! Eniway hindi naman nila kilala si BlakDyak. Sori na lang muna sila…

Okey. Basta ang punto ko: unawain nyo na lang si lolo at si lola. Mahabang panahon din silang nagsilbi sa inyo… this time, KAYO NAMAN. :)

“The glory of young men is their strength,

gray hair the splendor of the old.” (Proverbs 20:29)

“Karangalan ng kabataan ang kanyang kalakasan,

Ang putong ng katandaan, buhok na panay uban.” (Kawikaan 20:29)

————————————————————————————————

See next post today: “Baog na DAGA” (28 November 2007)

The URI to TrackBack this entry is: http://homebodyhubby.wordpress.com/2007/11/28/si-lolo-at-si-lola/trackback/

RSS feed for comments on this post.

9 CommentsLeave a comment

  1. eka, haba ng post, isa lang muna ask ko, bat yung kuha sa tutubi magkaduktong, nag me mate b cla ng tym na yan? :D

    homebodyhubby: oo nagme-mate yan. :oops: :mrgreen: ba’t anlinaw ng mata mo sa mga ganyan? :lol: tignan mo o… tinatawanan ka nung gwapong mama dyan sa kanan hehe.
    me comment ka rin yata sa flickr hindi ko pa nare-reply-an. :P

  2. uu meorn din,. tagal mo mag reply dun eh mega kyuryus na ko sa posisyon na yan :oops: :lol: kaya d2 ko na ni ask hehe

    homebodyhubby: hungah e… anggaleng!
    kaya lang i doubt it kung kaya ng tao yan. :mrgreen:

  3. hmmnnn wag mo i uundermine cpabilties at ingenuity ng tao pag dating jan ;) nyahaha

    homebodyhubby: kaya siguro ng tao kung ‘contortionist’ sila. :P
    :roll: pero… hmmm… :roll: kasi tignan mo… parehong nakabitin
    sa ere… pwede kaya yun? :roll:

  4. [...] Chocho (a name later given by her girl pet-owner) was a Boolagang for adoption. Before living this family, she was given as wife to Isnobol and the mating was successful. She was almost three months old then (just one day short) when she gave birth to the Chochobebes (The Boolagang’s birthday was March 5; the Chochobebes, June 4). [...]

  5. [...] Isnowitwit Kotonbol (25 Mar 2006 – 11 February 2008) [...]

  6. [...] Matandang kambal — yung isa kate-teggy lang [...]

  7. [...] Eto si Juni (NAC and UST alumnus), constant na kasama ko sa pamumundok. (Kung pamilyar kayo sa award-winning short/experimental film sa super 8 na “Kabaka” ni Raymond Red, itong co-hiker ko ang lead actor dun). Kaming dalawa lang ang magkasama nung akyatin ko ang mga highest peak ng Bundok Banahaw (mentioned in “Si Lolo at Lola” post) at ng Bundok Makiling nuong may tsansa pa akong mamundok pag holidays at weekends. [...]

  8. [...] Snowball reached the end of the slope. [...]

  9. ————————
    Doray Daga
    [...] Inilagay ang ebun sa hawlang gagawin pa lang nuon na bahay ni Lola Isnowitwit, ginawang kumbento ni Tita Syma, at syang type na tulugan ko ngayon. [...]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: