Teenage Mom and Dad

The featured hamsters this week are the three midlifers — Mochahontas, Mochawonka, and Isnohontas. They are the offspring of Isnowitwit and the late Arrow.

Again I divided the discussion into two posts. Here I wrote about the “teenage couple” Mochawonka and Isnohontas. Later today on the next post, I will talk about Mochahontas the widowed wife, a mother to six hamsters.

I named this litter the Panapanagang after their father. The siblings were not separated until after more than 40 days from their birth enabling the mating of the young pair Mochawonka and Isnohontas. Silang dalawa ang mga daga kong naging ‘mas marunong’ pa sa amo. :lol:

It never occurred to me that Isnohontas was pregnant. I didn’t prepare the cage for parturition. On 29 November 2006, I heard feeble squeaking coming from her cage. Surprised but sure about what I heard, I peered through and found two small babies squirming. Four small lifeless bodies were aligned side by side on the pan below the cage. Surely they died instantly upon falling on the wet and cold excreta right after their birth.

Fortunately I separated the Panapanagang so soon before this happened. Otherwise, Mochahontas and Mochawonka could have killed all the six babies. Or, with the presence of her two siblings, Isnohontas — the mother herself — could have eaten all her babies because of protective cannibalism.

Mochawonka in his cage (19 Dec 2006, 29 Nov 2007)

Kita nyo kung papano mag-wheel si tatay Daga — HAPIT, parang bubuyog! Ganyan siguro kumayod ang mga young fathers?

I named Mochawonka “the wiggler” because of his habit of wiggling whenever I handle him during his active hours. He and his wife were two months old when they became parents — the youngest to become a father and a mother among their hamster-kin.

Isnohontas with her two babies (19, 25 Dec 2006)

Though her pregnancy was ‘unplanned’, Isnohontas had pleasantly mothered two healthy white offspring — Wigwam Wigglerson ♂ and Teepee Pompom ♀.

(More about this twin on 14 Dec 2007)

Isnohontas Kotonbol is my most friendly female hamster. She doesn’t bite (unusual for females of her kind) nor wiggle when handled. She likes to stay in my hand still, stares at me blankly, whiskers moving. She always feels at home in other cages — except her husband’s (if she’s not in heat), where she only likes to ‘steal’ and hoard all his food stack. Baka naman kasi hindi nag-iintrega si mister? Hehe, nag-iintrega naman — “Bisi as a bambolbi” na nga e! :lol:

————————————————————————————————

— USAPANG PINOY —

Kumusta na, mga totoy at neneng na kay agang “lumagay sa tahimik”? Siguro disillusioned na kayo. Hindi pa kasi kayo natuto sa karanasan ng mga tatay at nanay nyo. Tama… History repeats itself. But this is more of your CHOICE than a “rule”.

Hindi ko kayo pinapagalitan ha? Pinaaalalahanan lang. Alam ko namang katakut-takot na sermon na ang inabot nyo sa nanay at tatay nyo; pwera pa dyan ang sermon ng mga lola at lolo nyo.

Ngayong nandyan na yan, wala na kayong magagawa kundi HARAPIN ito nang maayos — at piliting huwag nang maranasan ng mga anak nyo ang nangyari sa inyo.

Kulang yang puro “LOVE” lang e.

Yang love, emosyon lang yan — napaka-unstable. Pag nag-aaway na kayong mag-asawa e tumatalon na sa bintana ang pa-labs-labs na yan. Nagbabangayan na kayo… nagmumurahan… baka memya nga nag-aala-Pacquio-Barrera pa kayo ahehe. Hindi naman makapag-reperi ang anak nyo dahil ayun — nanginginig na sa takot at nerbiyos.

Maawa kayo sa ANAK nyo. Trauma sa kanila yan. Alam nyo bang nai-insecure ang isang paslit kapag nakikita niyang nag-aaway ang kanyang mga magulang? Yung iba nga sinisisi pa yung bata:

“Kung hindi dahil SAYO — kung hindi ako nabuntis ng ‘ulangyang ama mo —

sana hanggang ngayon buhay-dalaga pa ako!” eka nyo siguro.

Mahiya kayong dalawa! Bibigyan nyo pa ng GUILT ang bata? KAYO ang may gawa nuon HINDI SYA!

Sa marriage ang higit na importante ay ang inyong COMMITMENT sa isa’t-isa. Commitment na hindi na kayo magiging selfish. Isakripisyo nyo na ang pansariling hilig lang! Maski ang barkada, kung hindi ito nakakatulong sa inyo — may pamilya na kayo. Pwede rin naman kayong mag-enjoy — kayong mag-asawa kasama ang inyong anak.

Marriage is NOT ONLY about love, it is more of a commitment. Dyan masusukat ang talagang pagmamahalan. Sa hirap at ginhawa magkasama kayo. Hindi ubra yung “sayo ang hirap, sakin ang ginhawa!” Kaya nga nagpapakasal ang magsing-irog:

“For better or for worse

For richer or for poorer

In sickness or in health

Till death do us part!”

Haaaay… Ansarap pakinggan! Sige nga i-recite nyo ulit, hawak-kamay… …naman! Nagkakahiyaan pa! Nakita nyo na nga ang pinagkatago-tago ng bawat isa!

Marriage is something you should enjoy, NOT endure. I-renew nyo ang vows. Ingat lang baka one-month old pa lang si baby e masundan na agad. :lol:

Malimit sinasabi ko sa mga magulang na pag nabuntis ang anak nilang teenager ay huwag basta ura-uradang ipakasal agad. Sa kaugaliang Pinoy kasi talaga namang nakakahiya na mabansagan ang dalagang anak na isang “disgrasyada”.

Sabagay mahalaga ang puri at dangal… pero nakuha na nga e! Ibibigay mo pa bang lalo? Mas importante pa ba ang pride kaysa sa kinabukasan ng inyong anak at magiging apo? Pano kung aadik-adik pa ang boypreng nakabuntis dyan?

Ikaw naman boypren… hindi komo sinasabi ko ito e mambubuntis ka na lang at tatakasan mo ang pananagutan mo! Magpakatino ka na at panindigan ang ginawa. Hindi ka parating makakalusot, makakahanap ka rin ng katapat mo. Isang araw magugulpi ka ng mga naglalakihang kapatid na lalaki ng babaing binoldyak mo. Kung “minamalas-malas” ka pa e baka mamulot ka pa ng gumulong mong asset sa semento nang wala sa oras hehe. Sayang ang highly qualified sa sperm bank na binhi mo. Mapuputol lang ang artistahing lahi mo.

Pero kalimitan wala ring magawa ang mga magulang. :( Nakikita ba namang tuliro ang anak na bombo, e di kakabahan nga. Baka kung ano pang gawin ni buntis. Kaya kalimitang nangyayari, wala-sa-oras na kasalan.

Kaya mga gerpren huwag ilalaglag ang bandera sa inyo-inyong mga boypren. Kung true LOVE ka nyan makapaghihintay yan. Huwag sasama sa biglang-liko. Pag magkaholding hands kayo bitaw muna agad pag may “kuryenteng” naramdaman. May mga boypren na talagang pursigido. Nangungunsyensya: “Pakipot ka naman!” o kaya pa-AWA epek para lang makuha ang gusto: “Kung lab mo ako, patunayan mo nga!?”

In the end, nasa inyong mga gerpren ang kontrol dyan. Hindi naman kayo mapipilit nyan kung hindi kayo papayag. Kaya pag nabuntis kayo nyan, huwag na kayong magmalinis — pumayag kayo e! Maliban na lang kung ni-rape kayo — aba e iba nang usapan yan! Boypren ba yang ganyan? In the first place, bakit kasi nagtiwala ka?

Minsan ako man ay nagtatanong e: bakit nga ba nilikha ang tao na unang nagma-mature ang sexuality kaysa sa emosyon? Maraming kabataang babae, mas malalaki ang dibdib at balakang kaysa sa utak. Sa mga kabataang lalake ganun din — mas pinagmamalaki ang asset na “pundya” nila kaysa sa utak. Talaga bang ganun? O ngayon lang yun sa mga panahong ito?

Kung sa tingin nyo’y nasa hustong edad na kayo, e kayong bahala. Alam nyo naman na siguro ang ginagawa nyo. Mag-live-in pa kayo kung yan ang trip nyo. USO naman ahehe. Tanong ko lang, kaya nyo na ba? May mga trabaho na ba kayo? Baka memya magdagdag lang kayo ng isa pang palamunin ng tatay at nanay nyo. At higit sa lahat kaya nyo na bang magpaka-NANAY at magpaka-TATAY?

At dun uli sa mga teenage couples, maski hirap pa kayo:

Pag nabuntis uli si Kikay, huwag na huwag kayong mag-iisip na ipalaglag ito. Iwasan nyong gagawa ng isang bagay na pagsisisihan nyo balang araw. May mga kilala ako na hanggang ngayon e hindi alam kung papano sasabihin sa mga anak ang pagpapa-abort nila nuon sa mga dapat ay buhay na mga kapatid nito.

Maraming paraan ng family-planning, magpa-counsel kayo. Pero syempre ang higit na importante ay ang displina. Yung concern sa asawa at anak — sa pamilya. Lalo na sayo, mister buratchongIkaw na ang padre de pamilya dito.

At huwag ginagawang pang-emotional blackmail ang mga anak para i-manipulate ang mga lolo’t lola nila. Kahit naman hindi nyo sila takutin, matitiis ba nila kayo?

Yung iba nga nalagay sa ganitong sitwasyon — sa maagang pag-aasawa — dahil sa pagrerebelde sa tatay at nanay nila. Parang ‘isinakripisyo’ ang sarili para pasakitan at ‘makaganti’ sa mga magulang. Ow… kalokohan! :?

Kung may pagkukulang man ang mga magulang nyo, hindi ko maiaalis na magalit kayo sa kanila. Pero huwag nyong sirain ang buhay nyo dahil sa kanila. Papauwi na ang mga iyan e. Baka naman nagsisisi na sila, patawarin nyo na. Huwag nyo na hintaying magsori baka nahihiya lang, o kaya umiiral ang pride. Baka kasi pag humingi ng tawad sa inyo ay lumaki lang ang ulo nyo at lalo lang nyo silang hindi igalang.

Kaya mga ineng, pag nangyari ang ganito sa inyo, huwag basta gagawa ng kung anu-ano dahil hindi pa katapusan ng mundo. Tell it to somebody who cares and mature enough to give you sound advice… sa ninang nyo. O kay Ate nyo o tita kaya, kung takot kayo sa parents nyo — am sure they won’t let you down.

At sa mga tinedyer na nanay at tatay: Isipin nyo na lang — kapag hindi pa kayo nagpakatino, MAIPAPASA nyo lang uli ang problema nyo sa mga anak nyo… E di paulit-ulit na lang ang history na iyan?

“Children, obey your parents in the Lord, for this is right.

‘Honor your father and mother’ — which is the first commandment

with a promise — ‘that it may go well with you and that you may

enjoy long life on the earth.’ ”

(Ephesians 6:1-3)

“Mga anak, sundin ninyo ang inyong magulang,

alang-alang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat.

‘Igalang mo ang iyong ama at ina.’ Ito ang unang utos na may kalakip

na pangako; ganito ang pangako: ‘ikaw ay giginhawa at lalawig ang

iyong buhay rito sa lupa.’ ”

(Efeso 6:1-3)

————————————————————————————————

See next post today: “Byudang Ina ka!” (07 December 2007)

The URI to TrackBack this entry is: http://homebodyhubby.wordpress.com/2007/12/07/teenage-dad-and-mom/trackback/

RSS feed for comments on this post.

16 CommentsLeave a comment

  1. hehe dahil kna Mochawonka and Isnohontas nasermunan lahat :D (kunsintidor ang amo sa mating taz nanermon hehe)..btw, ask ko lng, y b yung mga daga, hilig mag “wheel”? parang jerk off b s knila yun :D wee, sowee, muka kcng ganun eh :D

    homebodyhubby: uy kaaga mo a! hehe.
    …o tinanghali lang ako ng gising? medyo pina-polish ko pa ito masyado mahaba e… past 12 midnight ko na kasi ito ipinost kaya medyo hilo na ko kagabi. :P

    well… hamsters are very active creatures. they need
    a lot of exercise. parang tao din yan. pag inactive pwedeng magkasakit — ma-high blood o kaya ma-heart attack. :lol: …lalo na pag nasa cage lang? kaya araw-araw, isa-isa ko yang inilalabas at hinahayaang magtakbo-takbo sa kama
    o sa mesa. sa sahig sana kaya lang semento ang floor namin, malamig baka sipunin (hehe) …solitary creatures din itong Syrian hamsters na variety kaya hindi pwede sabay-sabay kasi mag-aaway-away.
    pag matutulog na kami, kailangan balik na yan sa kulungan. dun sa wheel naman sila… malimit magdamag yan ha? kasi nocturnal. they can keep treading on their wheel for hours. sabay-sabay sila kung mag-ingay… sa araw naman maghapong byuti rest at tulog. :lol:

    hehe… ang haba na naman ng sagot ko :oops:

  2. bakit nila pinapatay ang mga babies nila kaya? anyway, di ba nagtalak na rin ako tungkol dyan sa ganyang topic dito http://kengkay.wordpress.com/2007/11/26/lintek/

    asa pa-alala rin kasi yan ng magulang, at sempre asa utak ng mga bata rin. kung gusto nilang maging maganda ang buhay nila at ang buhay ng mga magiging anak nila, aba, they need to work for it. control, yan ang tunay na tatak nitong usapang ito. dapat may control ang utak sa laman… hindi lang magpakasarap para sa ilang minutong lambingan kundi isipin rin na pwedeng maging ilang taong libingan iyon. ang swerte natin ay pwedeng manggaling sa atin. tulad ko, di na nakapalag si kengkoy, ahahaha.

    homebodyhubby: wala ka na nga sakit, kengkay… makwento ka na uli! …yan gusto ko sa’yo e — makwento paris ko hehe.

    yung sa hamster… traits nila yon pag natataranta sila —
    sa mga bagong panganak na babies lang naman,
    after about one-week old hindi na.

    yung “sunset tag” mo sakin ha? sa midweek ko i-post. :P

  3. hehe. senxa na po sa tanong ko, mahaba ang sagot, interesado kc sana aq kaso hi maintenance pala :D di ko make keri, di aq kcng chaga mo :D hanggang “ang kyuuttt!” lang aq :D

    homebodyhubby: no problem ‘mine’… enjoy ko naman
    ang magkwento e — at makinig din sa mga kwento.

    well… my “lungga ng mga daga” is always open and available for all your “ang kyuuttt!” viewing pleasure! ;)

  4. grabe! nanermon si tatay uliT! ahahahah!
    maganda homily dito! ahihhi1
    pro may punto per punto ka tay! hahaha!
    marami tlgng mga ganyan! maagang nakakajuntis at najujuntis! hayyyy!
    mga ewan an nilalang!

    homebodyhubby: ahehe. tenkyu anak. :P
    pero ikaw hindi ka na kelangan sermunan.
    kasi alam ko mabait kang anak. talagang aral ang inaatupag.
    kita ko nga grades mo last semester — antataas! :)

  5. nakanang. anlupet na mga “daga” nito…………… me sariling blog. bwa hahaha. koooooooolllleeeeeeeet!

    homebodyhubby: ahahaha!
    me bago akong ka-koooooooolllleeeeeeeet-an! :lol:

  6. so yu min ikaw ang ama ng mga daga… hahaha. para ka palang si big brother.

    homebodyhubby: tama ka ‘tol…
    ‘surrogate pader’ ako ng mga yan! :lol:

    kaya hindi ako big brother… isa akong “big father” –
    in lower case kase i have a “Bigger Father” — in fact,
    the “BIGGEST FATHER” of all! ;)

    nakita ko na ‘tol ang blog mo… asteeeeg!
    dahil dyan at dahil na rin dalawang beses kang ‘nag-bwena mano’ sa pagbisita ngayong araw na ito, idadagdag kita sa mundo ko. :P

  7. ang galing.. talga gumawa ng post… naiirelate sa mga nagyayari sa real life… kala ko tungkol lng sa mga hamham kya dapat tlagang basahin ito hangang end..awww!

    homebodyhubby: …awww! marimar yun diba?
    hehe… yung aw-aw! kay pulgoso…

  8. [...] Teenage dad and mom [...]

  9. [...] Mochawonka & Isnohontas (‘The wiggler’ hubby and ‘Hello hammie’ wifey), teenage dad and mom. [...]

  10. [...] And this is their father Mochawonka fortifying
    proposed bridge’s Wigglerdock. [...]

  11. [...] Parentage: Mochawonka the “wiggler” + Isnohontas Kotonbol [...]

  12. [...] Eight days ago (Nov 13) was the “honeesyewtoo”
    (honeys year 2) or second wedding anniversary of couple Mochawonka the wiggler and Isnohontas Kotonbol. [...]

  13. [...] Litter affiliation: Panapanagang
    (sons and daughters of Arrow) [...]

  14. [...] Litter affiliation: Panapanagang
    (sons and daughters of Arrow) [...]

  15. [...] “Mission accomplished!” :D eka ng Nak-ng-Wigol-Daga. [...]

  16. [...] ◙ Nanay-daga posts [...]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: