Tukso… layuan mo ako?

Wigwam and Teepee are the twin son and daughter of the teenage couple Mochawonka the “wiggler” and Isnohontas Kotonbol.

Wigwam Wigglerson is the husband of the departed Beria-girdel, a Boolagang. Beria-girdel died because of birthing problem, leaving Wigwam a widower.

Teepee Pompom is the wife of Ispidbol. The post entitled Baog na Daga explains why Ispidbol and Teepee have no hammies of their own.

(Tatlong paragraph, tatlo agad ang link… tsk tsk tsk, hanep!)

Wigwam’s morning exercise

Hamsters are also active during the very early morning. Wigwam is shown here ‘warming down’ in preparation for his all-day sleep, to wake up again at around 5pm for another ‘warming up’ for the approaching activity in the evening.

Teepee’s vocal languages

The sound you heard is typically exhibited by males. I presume that this is their expression of loneliness, boredom or drowsiness.

Ispidbol is the hamster in the bigger cage at left. Teepee is the white one at right. The sounds they make are the hamsters’ SEX and MATING call languages.

————————————————————————————————

— BUNTONG-HININGA —

Puyat na naman ako kagabi. Kakapagod mag-produce ng DAGA-BIDYO. Katagal pang mag-upload sa YouTube lalo na’t naka-dial-up lang ako, mga dalawang oras kada isang pelikula! Pag naputol internet connection, balik ako sa umpisa!

Hirap pa pag ganitong wala si misis. Lumuwas uli sya ng Maynila, sa byenan ko sya tutulog o kaya sa isang ka-churchmate. Kagabi, duon naman sa bahay ng isang kristyanong German na misyonera.

Mag-isa na naman akong naglilinis ng haybols ng aming labintatlong daga! :lol: Dalawang gabi na naman syang wala, malamig pa naman ang gabi dito pag ganitong Disyembre. :mrgreen:

Kayo mga mister, anung pinaggagagawa ninyo pag wala si misis?

— USAPANG MISTER (PWEDENG SUMABAT SI KUMANDER) —

Kung byudo kang paris ng hamster kong si Wigwam, madali sayong remedyuhan ang pangungulila mo sa sex. E di mag-asawa ka uli. Pero di ko sinasabing yun lang ang dapat mong rason para mag-asawa uli ha?

E paano kaya kung nalagay ka sa sitwasyon na paris ng hamster kong si Ispidbol? Hindi naman sya byudo, pero hindi makasiping sa asawa?

May ilan pwedeng dahilan para malagay ka sa sitwasyong ganyan, maglista tayo ng tatlong pangkaraniwan:

1. “Meron” si misis. Maghintay ka na lang, apurado! — ilang araw lang yun e.

2. Buntis si misis. Maghintay ka pa nang kaunti! Magiging tatay ka naman na e, ayaw mo pa nun?

3. Wala si misis. Kasi nasa abroad, o kaya ikaw mismo ang nasa abroad!

Ang hirap ano? … Dyan! Sa mga sitwasyong iyan malimit —

LUMALAPIT ANG PALAY SA MANOK

Yung pangalawa, malabo kong maging problema. Tagal na naming nagsasama di pa kami makabuo. Malimit ako nuong tuksuhin ng ilang kakilala ko:

“Patunayan mo ngang hindi ka BAOG… ‘TRY’ mo sa iba!”

Ay lalo nang hindi! Yun nga ang isang ikinakaba ko — baka nga hindi ako baog! Magka-anak pa ako sa labas?

Mahirap patulan yang mga panunukso e… Baka memya kung saan pa ko makarating para lang patunayan hindi ito tutuo. E di baog na kung baog! :lol:

Marami ngang mga tatay dyan na sanrekwa ang anak. Hindi naman sila maipagmalaki ng mga anak-anak nila, tutulad pa ba ako sa kanila? Kung magpapadami rin lang ako ng lahi na wala namang miski kaunting genes na galing kay misis e huwag na rin. Maski na ba hindi naman pang-Miss World ang beauty nya. Sya pa rin ang MISIS Universe ng buhay ko.

Ibang ‘binhi’ ang gusto kung ihasik. Ibang lahi ang gusto kong palaganapin. Suwi ako nung ipinanganak kaya ambisyoso akong maging kumadrona. :lol: Tagapagpaanak lang ako — “midhubby” sa mga magiging anak ng Diyos.

Chauvinistic ka pare e. Paano kung si misis naman ang mag-try magpabuntis sa iba? Baka i-dare ka ng misis mo ng: “Kung kaya mo, kaya ko rin!” … E di ngayon kakaba-kaba ka?

Sa inyong mga misis na kinaliwa ni mister: Baka nakakaisip kayong gumanti? Maniwala kayo sakin, pag gumanti kayo ng pangangaliwa din, napakalaking GUILT ang mararamdaman nyo. Later on para mai-justify nyo lang, ay nagiging MANHID na kayo.

Dun naman sa mga inabandona: Matuto kayong i-differentiate kung ano ang talagang kailangan nyo o gusto lang. Baka sa paghahanap nyo ng “replacement” e daan-daanan lang kayo ng maraming lalaki na gusto lang magsamantala. Mawiwili lang kayo sa promiscuity.

Kung talagang hirap kayo e humingi kayo ng sustento para sa anak nyo. Putangna, apelyido nya ang dala nyan e! Baka kasi nag-o-offer naman ng sustento e kayo itong tatanggi-tanggi?

Kung galit kayo sa kanya, huwag nyong idamay ang kinabukasan ng anak nyo. Mahal nyo din kasi ang tatay nyan e kaya hindi nyo maidemanda ng abandonment o kaya bigamya. O kaya ipa-annul ang kasal nyo para pwede kayo uli mag-asawa.

Pero kung akong tatanungin nyo, kung KAYA nyo rin lang huwag na kayo uling maghanap ng iba. Hanap-hanap pa kayo ng magpupuno sa inyo, lalo lang nagiging EMPTY ang buhay nyo. Baka memya mas malaking bato pa yan na ipupukpok nyo sa ulo nyo.

Pagtuunan nyo na lang ng pansin ang anak nyo. Kung father figure lang naman, kausapin nyo ang lolo nya o ang mga tito kaya. O kaya… ipaampon nyo sakin! (Dyok lang daga pa lang ang kaya naming buhayin at papag-aaralin ahehe)

Teka muna bakit ba si misis na ang sinesermunan ko? Balik tayo sa theme ng post ko — TUKSO!

Baka naman sabihin nyo nagmamalinis lang ako… Hindi a. TAO rin ako. Hindi ako banal na aso o santong kabayo. Ilang ulit na rin akong nasalang sa tukso. Isa lang itong iiistorya ko…

KUWENTO —

Nung 1996, nahiwalay ako nang matagal kay misis. Pinag-JICA-training ako sa abroad ng employer ko. Kulang-kulang apat na buwan lang iyon pero grabe ang kalbaryo ko.

Sa training center dormitory, solo-solo ang mga kenshuin (trainee) sa kanya-kanyang kwarto. Nasa dulo ng men’s hall ang room ko, katabi lang ng kwarto ko ang staircase paakyat sa third floor papunta sa women’s hall.

Mantakin mo yun? Ilang baytang lang paitaas e “LANGIT” na? May makikita ka nang iba’t-ibang international breeds ng naggagandahang mga ANGHEL — Chinese, Polynesian, Indian, Turkish, Aprikana… ‘Mababaho’ ba eka nyo? Hindi naman lahat, me mababango din. Mas nakararami ang mga Latina amerikana. May mga kahawig pa nga ng original na Marimar! Matitino naman at disente karamihan, pero yung iba handang makipag-fling-a-fling.

Marami akong kasabayan, pinapapasok nila ako sa kanya-kanyang solong kwarto. Sila din malayang nakakapasok nang solo sa loob ng kwarto ko. Palagay ang loob sa akin — HARMLESS daw kasi ako. Harudyoskupoooo…! Tulungan nyo ako! Kung makikita nyo lang ang HARMFUL ko!

Kung binata lang ako nun baka dahil sa training na yun e porendyer ang naiuwi at napangasawa ko. Pero hindi rin… kasi Pinay ang talagang gusto ko hehe.

Sa malaon at madali, natapos ko training, natapos rin ang kalbaryo ko. Ano’ng ginawa ko?

Pag nasa ibang kwarto at kausap ko si babae, parating isinisingit ko sa kwento ko ang tungkol sa misis ko. Pag iba na ang “feeling” ko, mabilis na akong umeeskapo.

Sa kwarto ko naman, nakadispley ang litrato ng misis ko malapit sa kama ko. Nandito yung litrato, kaya lang pagpasensyahan nyo na kung nilabuan ko kasi medyo “shy-type” ang esmi ko (shy-maingay, shy-makulit, shy-magulo):

1996 (Japan)

Baka naman sabihin nyo ni-set-up ko lang yan saka kinunan? O eto pa iba… me mapa.

flight 1 (to Japan) flight 2 (Naha to Sapporo) flight 3 (Sapporo to Tokyo) flight 4 (Tokyo to Naha)

1996-06-03 (Okinawa)1996-05-17 (Shuri-jo castle park)1996-06-14 (Sapporo Hokkaido)1996-06-17 (Ginza Tokyo)1996-08-05 (Zakimi castle ruins)

Yeheeeey!!!

Pagkatapos ng training na yun, isinumpa ko na sa sarili kong hindi na ko mag-aabroad nang matagal maski kelan. Maliban na lang kung kasama si misis.

Sabi ng ilang ‘kaibigan’ ko pag-uwi ko ng Pinas:

“Ano…!? Nandun ka na, maski haponesa hindi ka pa ‘tumikim’? (Kalaking tanga!)”

“Ikaw ang tanga!” ekako. “Manyakis! Malibog! Edi ikaw ang pumunta ng Japan. (Ma-AIDS ka sana!)” ahehe…

Yoko ngang magka-AIDS! Kawawa naman ang misis ko… walang kasyang kondom sa akin ano?

Everything what I told you is true — except for that condom thing. Ahehe. Pinoy-standard lang ako.

SERMON

Payo ko sa mga mister na tulad ko:

Mga parekoy normal sa lalaki ang dumadaan sa ganyan, lalo na kung nagmi-midlife crisis kayo. Pero ang banat dyan ay ang pag-iwas nyo sa tukso. Huwag kayo maniwala sa kanta nun ni Eva Eugenio:

“O tuksoooooo …! ♫

Layuan mo akoooooo …!” ♪

Miski anu pang gawin nyo hahabulin kayo nyan. Lalo na kung kayo’y gwapong kaparis ko hehe! Maski “palay na ang lumalapit sa manok” huwag kayo tutuka. Kayo ang lumayo sa tukso. Don’t give it a damned thing to take control over you.

Alam nyo ba yung istorya ni Joseph (hindi si Erap) the dreamer nuon sa Ehipto? Sa Bible din yun (Genesis 37). Etong kwento:

Si Joseph ay ang alaskador na anak ni Jacob. Palibhasa paborito ng kanyang erpats, malimit sinusutil nya ang kanyang sampung mga barakong kapatid.

Minsan naisipang kuyugin si Joseph ng kanyang mga napikong kapatid. Inihulog sya sa balon, pero nauwi ito sa pagbebenta sa kanya sa mga dumaraang Ismaelites na papuntang Ehipto. Naging isang “slave” si Joseph sa Egypt. Alipin sya ng isang Egyptian na ang pangalan ay Potiphar.

Palibhasa si Joseph ay isang gwapo, at marahil pa ang kanyang amo ay isang KAPONado, ang misis ni Potiphar sa ating bida ay nagkagusto. Pag wala si mister, itong si misis ang sinasabi kay Joseph ay “Halika, tayo ay mag-DO and DO!” Ahehe.

Eto ang climax ng kwento (Genesis 39:11):

Wala uli si mister. Niyakap ni misis ang ating bida. Talagang ayaw pakawalan! Ginawa ni Joseph, hinubad ang kanyang sariling damit kung saan si misis ay nakakapit. Naghubad hindi para makipag-DO, kundi para mabilis na kumaripas ng takbo! :lol:

Moral lesson: Ang tukso HINDI nilalabanan; Ang tukso ay TINATAKBUHAN.

Tao din si Joseph ano… MALAMANG naninigas na rin ang kanyang pututoy habang lingkis-lingkis ng asawa (baka SAWA?) ni Potiphar. Pero sinabi ba nya sa sariling:

“KAYA kong labanan itoooooo… !” ?

Hindi a… Malinaw ang nasa isip niya:

“AYAW kong gawin itoooooo…!”

“Baka mabaho si Mrs Potiphar?” eka nyo siguro… E pareho lang naman siguro sila ng amoy dahil parehong silang taga Middle East. At kung alam nyo ang kinahinatnan ng istorya, Egyptian din ang napangasawa ni Joseph.

Palagay ko maganda at mabango si Mrs Potiphar. Ang higit lang na pinahalagahan ni Joseph ay ang respeto nya sa amo nyang si Mr Potiphar, at ang kanyang banal na pagkatakot sa Diyos.

Taliwas naman ang ginawa ni Samson. Talagang inalagaan nya nang husto ang KALIBUGAN nya. Kaya ayun nanghina — Akala nya dahil sa pagkakaputol ng BUHOK nya. Hindi a… Iyon e dahil lumisan na ang Ispirito ng Diyos sa kanya — dahil sa masasamang hilig nya.

Basahin nyo na lang ang kwento (Judges 13-16). Pagod na ko sa kasesermon — ang haba na uli ng post ko o. At alam ko kayo pagod na rin sa pagtitig sa maliliit na letra.

Kaya kayong mga mister na hustler sa mga chikababes. Lalo na kayong mga atsay-killer ahehe. LUMAYO SA TUKSO. Huwag nyo nang antayin na yan pa ang magkusang lumayo sa inyo. Malabong mangyari yun — kasi GWAPO at MACHO kayo (according sa inyo). :lol:

Maging tapat kay misis. Baka maresbakan kayo dahil sa pagiging sobrang “HE-man” nyo! Baka paris ni Samson, mawala din ang “LAKAS” ninyo. At ang masahol pa, baka hindi lang BUHOK ang maputol sa inyo.

“No temptation has seized you except what is common to man.

And God is faithful; he will not let you be tempted beyond what

you can bear. But when you are tempted, he will also provide

a way out so that you can stand up under it.”

(1 Corinthians 10:13)

“Wala pang pagsubok na dumating sa inyo na di dinanas ng lahat

ng tao. Tapat ang Diyos, at hindi niya ipahihintulot na kayo’y subukin

nang higit sa inyong makakaya. Sa halip, pagdating ng pagsubok,

bibigyan niya kayo ng lakas upang mapagtagumpayan iyon.”

(1 Corinto 10:13)

Submit yourselves, then, to God. Resist the devil, and he

will flee from you. Come near to God and he will come near

to you. Wash your hands, you sinners, and purify your hearts,

you double-minded. Grieve, mourn and wail. Change your laughter

to mourning and your joy to gloom. Humble yourselves before the

Lord, and he will lift you up.”

(James 4:7, 8-10)

Kaya nga, pasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang

diyablo at lalayuan niya kayo. Lumapit kayo sa Diyos at lalapit

siya sa inyo. Linisin ninyo ang inyong mga kamay, kayong mga

makasalanan! Linisin ninyo ang inyong puso, kayong pabagu-bago

ang isip. Mamighati kayo, maghinagpis at tumangis! Palitan ninyo ng

pagluha ang inyong halakhakan, at ng kapanglawan ang inyong

kagalakan! Magpakababa kayo sa harapan ng Panginoon at itataas

niya kayo.”

(Jaime Santiago 4:7, 8-10)

————————————————————————————————

Next posts: “An exceptional bRATherhood” (21 December 2007)

“Ang dakilang Tita” (21 December 2007)

The URI to TrackBack this entry is: http://homebodyhubby.wordpress.com/2007/12/14/tukso-layuan-mo-ako/trackback/

RSS feed for comments on this post.

25 CommentsLeave a comment

  1. aray ko! ang haba! pero nitapos ko kahit nagkabukol bukol ako sa tama :oops: :lol:

    kung bakit naman kc nagkalat ang tukso, nkaka tisod talga kaya dpt nkatingin lagi sa dinadaanan, kung sana nga na sa tuwing matitisod at madadapa eh di magsusugat ni gasgas kaso pag di ka talaga nag iingat mas malamang na keloid pa abutin :D

    kung nagmamanifest lang ang weaknesses sa balat bka ang daming galisin :D (isa na ata ako dun :D )

    wel, amm la ko ma say :D Ouch! hehe

    homebodyhubby: hehe… bwena-mano ka uli a?
    buti pa nga kaw, nibabasa mo sermon ko… yung iba yata, piktyur lang ang nititignan…

    magresign na lang kaya ako sa pagpa-PARI?
    balik nude photographer na lang ako? :mrgreen:
    manu-nyut na lang ako uli ng x-rated film ng mga → tutubi :lol:

  2. parang pinaglayong pag ibig si ispidbol at teepee ah :D
    parang ang hirap nun, gus2 nla tapos hanggat ayaw ni “amo” di p pde :D hehe

    pero typical ex. ng “tukso” yung set up nila, nagkaka tanawan, ala nmng magawa, nkaka kunsumi nga nmn yun! :lol:

    homebodyhubby: hehe… hindi nagkakatanawan yan.
    kasi near-sighted ang mga hamster — malalabo ang mata!
    pero malalakas ang pandinig at pang-amoy ng mga yan… kaya pag ganyan, nagkakarinigan at nagkaka-amuyan yan. :lol: …kasi si babae, pag in-heat, may scent na ini-emit!

  3. o di mas lalong tukso yun :lol: nadidinig mo at naamoy ang halina sa malapit taz ni inde maaninagan nyahaha..kaka sira ng ulo yun :D la p bng daga na nagpapatiwakal? :D

    homebodyhubby: sa mga daga ko wala naman. …sa mga dagang-bahay meron na akong nabalitaan. na-broken-heart! hala..! naghamon ng away sa PUSA? :lol:

  4. Well said, ang galing na hubby! Sana ganyan lahat ng guy at gal din, hehe… Mahirap talagang umiwas sa tukso pero kung may takot sa Diyos hmmm, malamang makaka-iwas. :)

    BTW, kyut naman ni Wigwam! ;)

    homebodyhubby: at kung may takot din… kay misis? :P (jokes)

    gwapo talaga ang hamster kong yan. kulang lang sa paligo kaya nag-dugyot dyan. :lol:

  5. awts awts! Hehehe…
    pero galing ng entry na to ha.. :D

    homebodyhubby: hehe, soweee…
    marami pang entries na ganyan… balikan mo lang ang nakaraan — ng blog na ito, HINDI ng nagdaang ‘buhay’ mo. ;) (nabasa ko yung latest post mo — “Dear Lord…”)

  6. been a while.

    homebodyhubby: oo nga… musta ka na?
    hope you’re doin’ fine…

  7. hehehe… pareho pala style natin. syempre, normal na natukso ang lalaki lalo na kung close o malambing ang babae. kung di ko lang talaga mahal ang girlfriend ko, malamang marami na sila. sinisingit ko na lang si honey sa usapan sabay sabi ng gusto ko na magpakasal. so far, effective naman. kasi yung isang friend ko, pinaamin ako na crush ko sya at sabi nya crush din nya ako. buti na lang, na-turn off sya sa akin dahil daw ayaw nya sa prinsipyo ko na gusto na agad mag-asawa at magpamilya. nasa lahi pala natin ang lapitin ng babae. buti na lang may prisipyo pa rin tayo at marunong magdala…

    i made a similar post…

    Tito Arleen :cool:: Hehehe… olrayt din naman tayo sa “kayabangan” e ‘no? Sabagay talaga namang tutuo :lol:
    maski pa ba magkaiba tayo ng apelyido… Mahirap namang mangsinungaling e :lol: …at saka tayo-tayo lang naman ang nag-uusap — mainis na ang maiinis.

    Me girlfriend ka pala, bok? Pakilala mo naman ako.
    Sabagay tagal ko na di nakakauwi dyan…

    Yang prinsipyo tungkol DYAN e talagang napakahalaga. Mahirap na kasing maulit pa ang history ni nunong Erasmus. Nunong-nuno mo na yun hehe.

    Sige nga puntahan ko yung post mo… anu kaya yun? :lol:

  8. wala man lang ako nabasa hehehehe. cge lagay din kitasa blogroll ko. hamster name mo hahahaha

    homebodyhubby: uy… “klasmeyt”! musta studies natin?
    hongah e misyado kasi mahaba sermon ni pader… edi yung piktyurs na lang. :P

    sige, anu lagay mo? Wigwam? Ispidbol? :lol:

  9. alam mo kahit naman hindi ka lumayo sa misis mo ay maraming tukso dyan. sa telepono, sa kanto, sa pandesalan, sa katabi mo sa bus o sa dyip, sa blogging world… ang dapat nating ingatan ay yung huwag lalampas tamang sikot at galaw… na makakasira na rin pati ng tiwala mo sa iyong sarili at sa iyong asawa. may mga harmless flirting na okay din naman, asaran ba na para lang kulitan at mag enjoy pero kung biglang may ibang harutan na talaga… aba e tigil na agad at baka kung saan pa sya mapunta. minsan mas malakas na kaaway ang kunsiyensya ano. si kengkay pasaway din yan kasi masarap talaga makipagkulitan, pero ngayong may bebis at jowawits na ako, matino na ako. pero sinong may sabing kapag magtino ka na ay wala na ring ligaya, of kors not. depende na yon, de vah? pero kung ikasasakit lang ng ulo ko, no tenks na lang…

    homebodyhubby: ayyy! kinikilabutan ako! 8O
    sa “pandisalan” o sa dyip malinaw na posible yun kasi kadikit mo yung tao… pero pati pala sa talepano o sa blogging pede yun! …palibhasa wala ako selpon nanghihiram lang ako sa misis ko. :lol:

    sabagay tama ka dun kengkay. :roll: sabi nga e
    temptation can happen at the very place where
    you least expect it
    ” .

    parang yung nangyari ding “intriga” nung unang labas ko. hindi ko ini-expect sa BLOGGING pero nagawan ako agad
    ng kwento: :?

    Ang muling paglabas

    bigla ko rin tuloy naalala tita yung isang kakilala ko na nagsimula lang sa CHAT (mas TAGO ito kaysa sa blogging)… MAGKASAMA sila ni misis nun ha? …palihim na nag-AYBOL itong si MISTER at si CHATmate …at duon na po nagsimula ang BAWAL NA PAG-IBIG!

    hehe… magkasama na nun si mister at misis — PHYSICALLY… pero may MARITAL RIFT.

    thanks sa reminder mo tita kengkay… this COMMENT should be a PART of the POST sa itaas. ;) …dapat kwidaw!

    gusto ko rin yung quote mo regarding pagiging MATINO at LIGAYA… Right! — mas LILIGAYA ka nga pag MATINO ka kasi wala kang dalahin sa KONSENSYA! …o diba?

    btw… ano yung “jowiwits”? …asawa yun, i presume kasi “bebis” yung isa? … ang cute naman ng term — parang “bubuwits”. :P

  10. alam mo yang chatting na yan tapos tapatan pa ng webcam — ayan ang tunay na kilabot ng tukso. pero balik pa rin yan sa tino ng isip at sa kung anong sakit ng ulo gusto mong makuha, di ba?

    homebodyhubby: oo nga pala yung webcam,
    posibleng baka “kung ano” pa ang ipakita ano? …grabe.
    wala pa kami webcam pero gusto palagyan ito ni misis kasi marami sya ka-chat na kliyente. sabi ko huwag na lang kasi medyo mahal din palagay dito sa laptop.

    tita kengkay hindi mo ba ako ita-TAG? …gusto ko yung kaparis nung may litrato ni kengkoy mo. :P namili pa ano?

    eto o — Si Kengkoy ni Kengkay

  11. [...] O ayan ang pikyur… sinamahan ko na sya kasi kung pwede lang maski sa pikyur gusto ko parati kaming magkasama. at alam nyo naman si ako, pag na-TAG parating may “BONUS” pa. hehe. kasama po namin ang aming mga anak — ang aming LITTER na kambal ding paris ni Wigwam at Teepee. [...]

  12. wahahaha — i ta-tag sana kita kaso tinag mo na sarili mo, binago ko pa talaga yung tag na yon para sa yo :D

    homebodyhubby: wahehe… opkurs naman alam ko yun! — lalo pa nga’t hiningi ko na sayo. :lol:

    kaya lang talaga hindi ako makatulog nun kasi may konti tampuhan kami ni misis. tinginin mo yung time nung posting: 2:54 am ko na natapos yun — madaling araw!

    at dahil sa ‘tampuhan’ namin, hindi lang simpleng ‘tag’ ang
    nangyari… may konting kadramahan pa sa huli. :oops:
    kaya paggising ni misis, napaiyak sa akin nung mabasa
    yung blog entry. :P

    syanga pala kengks… pinag-isipan ko yung mga sinabi
    mo dun sa itaas… palibhasa “inosente” pa ako sa interneting, naging ignorante (no excuse) naman ako sa potential na tukso na pwede idulot nito. bigla ko tuloy nahalungkat yun past posts mo dahil may naalala ako — eto o:

    Multiply = Tukso

    salamat talaga tita sa reminders mo… hamo, hindi lang ako mag-iingat — tatakbuhan ko pa kamo! …pramis yan. ;)

  13. mabuti at bukas ang mga mata mo sa mga tuksong pakalat kalat dito sa internet. itong si kengkoy selos na selos na nga minsan tapos lalong mababaliw yon kasi pinagtatawanan ko lang sya sa selos nya. sabi ko wala syang dapat pagselosan dahil ako ay isang one woman man. i know that in my heart and in my soul… asa sa yo talaga yan e.

    homebodyhubby: oo kasi maski gaano ka-seemingly “harmless” pala ang isang bagay, pwedeng maging “leeway” para mag-lead sa isang “hindi mas simpleng bagay”.
    sabi ko nga sa post ko sa itaas, dapat talaga ang temptation
    e iniiwasan, hindi nilalabanan.

    haisssst! …anhirap din talaga siguro ng burden ng isang counselor. :P

  14. [...] Sex and mating calls [...]

  15. […] maski pa umekstra ang French actoRAT na si Ratatuwe, yung isang BAOG at Isang BYUDO na mga hamsters ko pa rin ang BIDA! […]

  16. [...] Twin hamsters Wigwam and Teepee are 1 yr 10 mos 22 das today. [...]

  17. Tama po kayo, ang tukso ay tinatakbuhan, kaya lang di lahat ng tao ay kayang gawin un. Like sa husband ko, natukso siya sa kachat niya, OFW siya at may naging girlfriend siya sa chat, pinay din. Siguro si Lord na din ang nagturo sa akin na mahuli siya at huwag siyang malubog sa kamalian. Mahirap ang pinagdaanan namin pagkatapos nun, di ko agad natanggap ang nangyari…Hanggang ngayon khit tinanggap ko siya ay bumabalik pa rin sa aking alala ang nangyri, sa tingin po ba niyo ano ang dapat kong gawin para mawala ang hinanakit ko sa kanya. Alam ko na pinagsisihan na niya ang ginawa niya at alam kong malaki na din ang pinagbyaran niya dahil sa ginawa niyang un. Bigyan namn po niyo ako ng advice kung pano ko lubusang makakalimutan ang ginawa nya sa akin at kung pano ko siya lubusang mapatawad. Thanks and God bless…

    ————————————————

    HBH: Pangkaraniwang kaso… :(
    OFW, may ka-chat na Pinay… nagkasundong mag-EB (eyeball) humantong sa pagtatalik, hanggang naging magkabit…
    Maski gaano pa ka-‘harmless’ sa tingin ng iba, delikado yan… Nobody is invulnerable to sexual temptation.
    Sa chat pa lang, namumuro na ang sex through webcam nyan! (Nabasa mo naman siguro ang thread ng usapan namin ng commenter kong si kengkay dyan sa itaas?)

    Bakit kasi hindi na lang si misis ang ka-chat-in ng salbaheng mga mister na ito! :? May kakilala akong ganyang-ganyan ang nangyari, pati tuloy ang mga kapatid at in-laws, apektado hanggang ngayon.

    (So much about that — hindi kita ginagatungang lalong magalit sa mister mo.)

    Anyways, KUNG TUNAY palang nagsisi na ang hubby mo (paris ng sabi mo) , nasasaiyo na yan… Kasi maski ano pang pagsisisi at pagbabayad-utang ang gawin nya kung hindi mo rin naman LUBUSANG tatanggapin ang paghingi nya ng tawad ay walang-saysay din – lalo mo lang patatabangin ang relasyon nyong dalawa.

    Etong advise ko:
    Huwag mong hangaring kalimutan ang ginawa nya, dahil hindi mangyayaring makakalimutan mo yun. Tanggapin mo na lang na nangyari na, at wala na kayong magagawa para baguhin ang nakalipas na. Huwag mo na lang i-entertain ang mga kaisipang negatibo. Sa malao’t madali makikita mo yan sa mas magaang na perspektibo.

    Parang sugat din iyan na habang kinakalkal ay hindi gagaling.

    You mentioned the name of the Lord, so I suppose nakilala
    mo na si Jesus as your Savior and Lord.* Pakinggan mo ang positibong mga payo ng kapatiran mo… Kung hindi mo pa nagagawa, humingi ka rin ng payo sa asawa ng pastor nyo,
    o kaya sa mga nakatatandang babae dyan sa church nyo. (Malinaw ang isinulat ko — sa mga babaeng paris mo; dahil
    kung sa isang lalaki ay baka kayo naman ang mahulog sa tukso) Parating ipag-pray nyo rin ng kapatiran ang burden mo.
    (Kung talagang hirap ka pa rin, and you and your hubby
    can afford it, subukan nyong humingi rin ng advice sa mga professional marriage counselors — hangga’t maaari duon sa hindi puro legalidad lang ang alam na pag-usapan… Hanap
    kayo ng christian din.)

    Pasensya ka na kung ngayon (Nov 3) ko lang nasagot itong comment mo, sunud-sunod kasi ang tatlong posts ko nitong nakaraang undas… Subukan mong puntahan ang dalawa, reminder din tungkol sa may asterisk (*) dyan sa sinundang paragraph… Mas madali mong magagawa ang pagpapatawad kung naranasan mo na rin kung papaano ang mapatawad.

    CLICK mo lang ang mga sumusunod:
    1. Finish line?
    2. Agaw-patay!

    Thanks juliet… sana hindi ka nainip sa sagot ko.
    I hope may naitulong sayo kahit konti ang mga sinusulat ko.

    God bless, kapatid… :)
    Isama ko kayong mag-asawa sa mga panalangin ko.

  18. [...] Litter group: PanapanaIIgang. This is an unexpected litter. The Panapanagang (their young parents) were not separated until after more than 40 days from birth enabling the mating of the young pair. Only two (2) of the resulting six (6) cubs survived. [...]

  19. [...] Offspring: 2 (survivors of 6; only one litter,
    the PanapanaIIgang) [...]

  20. [...] Sired the twin when he and his wife were two months old; They were the youngest to become parents among their hamster-kin. [...]

  21. [...] End part of video: 25-month 2-day old Wigwam Wigglerson spanning the incomplete Mocha bridge of Mansyon ng Daga. [...]

  22. [...] While two Boolagirls died so early, one 5th-generation hammie made it thru all the way till today —
    Wigwam Wigglerson will reach his 26th-month this Thursday, January 29. [...]

  23. [...] Litter group: PanapanaIIgang. This is an unexpected litter. The Panapanagang (their young parents) were not separated until after more than 40 days from birth enabling the mating of the young pair. Only two (2) of the resulting six (6) cubs survived. [...]

  24. CFC husband ko, pero naaapekto siya pag tinutukso ng 2 kuya niya. May ibang asawa na kasi sila pareho at may anak na don, samantalang kami 4yrs ng kasal wala pa. Sinasabi niya sa akin ito palagi hanggang magaway na kami kasi po parang sinisisi niya ako…

    ————————————————
    (01 Mar 2010)
    HBH: CFC is Couples for Christ, right?
    At dalawa kayong CFC ang ibig mong sabihin?

    Anyways, nauunawaan ko ang damdamin nyo…
    Yun na nga lang magkaroon ka ng mga pamangkin sa kani-kanilang legal na asawa (samantalang kayo wala pa)
    ay pangkaraniwang sapat na para mahili ka sa kanila —
    Pero yang magkaroon sila ng anak sa ibang asawa, tapos KAKANTYAWAN ka pa ay tutuong nakaka-DEMORALIZE na. PERO! Tumatalab lang naman ang ganyang mga panunukso kung PAPAYAGAN nyong tumalab sa inyo.

    Gusto ko munang itanong: Tutuo bang tinutukso sya?
    Baka naman pakiramdam nya lang iyon?

    Ngayon, KUNG tutuong tinutukso sya ng mga kapatid nya
    (ang kakapal ano!?) huwag nya na lang kamong PATULAN dahil humahanap lang ng “damay” ang mga iyan! :lol:
    Most likely naiinggit lang sila sa inyo at hangad nilang masira ang pagsasama nyo para pare-pareho na lang silang tatlo.

    Dyan pa lang makikita mong walang pagpapahalaga sayo
    (at sa relasyon nyong mag-asawa) yang mga in-laws mo…
    Huwag syang mahiya o matakot, tapatin nya ekamo; kung ganyan din lang parati ang patutunguhan ng pag-uusap nila’y mabuti pang iwasan na lang nyang makipag-usap sa kanila. IKAW ang dapat na kakampi ng asawa mo, HINDI ang mga kapatid nya.

    Palibutan nyo ang sarili nyo ng magagandang impluwensya — bakit hindi kayo sa CFC magdidikit? Siguro naman mahihiyang bumuntot ang dalawang iyan dahil I suppose hindi tino-tolerate sa CFC ang ganyan.

    May nag-comment na rin dito nuon, halos kaparis nyang ‘problema’ nyo… CLICK mo → ITO

  25. Eka ni Hhb (nakarelate dyan sa sinundang comment) :
    Infernes, ibang isyu yung madaming asawa,
    ibang isyu yung madaming anak… Hindi lahat kame e pagpaparami ng lahi ang dahilan… Eto LINK
    qatar living

    ————————————————

    HBH: Ah… kaya pala tila nagmumurang-kamyas?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: