Ang dakilang Tita

NOTE: Have you read my post this morning? —

An exceptional bRATherhood

Today is December 21, a ‘moment’ in a year known to astronomers and meteorologists as winter solstice. The winter season “officially” begins today in the Northern hemisphere, where the daytime is at its shortest and the nighttime at its longest. The sun rises and sets at its farthest southward reach in the eastern and western horizon. Those at the Arctic circle (near the North Pole) are experiencing 24 hours of ‘sunless’ nighttime each day.

(In the Southern hemisphere, the reverse is true: longest day and shortest night; people who live there are now enjoying a warm summer Christmas! Hello to you and your wife, my best and greatest friend in Adelaide! Rain’s here, solo nyong mag-asawa ngayon ang ‘mundo’! ;) )

winter solstice sunset

This photo was taken a few hours ago today (Dec 21). The sun sets at left — a point in the western horizon far from the power line and the faint mountain at right (compare this with my SUNSET photos).

Most rodents in the wilds have been hibernating underneath their burrows, sleeping most of the day, waking up from time to time to nibble some of their stored food to keep themselves warm and alive.

For hamsters, the onset of the cold season is quite of little significance. Hamsters are nocturnal and hoarders in nature, spending most of the daytime sleeping, waking up in the night to get some food. But of course during the winter, they almost never get out of their burrows like their distant cousins.

For Bebang-girdel this sleeping trait is somewhat at its extreme. She is my most lazy and drowsy hamster, putting the Maine coon cat Garfield into shame.

Bebang-girdel is a banded orange Boolagang, the only surviving daughter of Berio and Mochahontas. Because of what had happened to her banded brown counterpart sister Beria-girdel, I decided to make her a celibate hamster for the rest of her life. It is not my objective to deprive her of her sexual urges — I just don’t want her to die early, that’s all. I want her to live her lifespan at its fullest.

Fortunately on her part, Bebang-girdel rarely gets into “heat”.

Two Boolagirls on their 2nd month together

Bebang-girdel is the hamster at the deck, Beria-girdel is the one below.

I appended the “girdel” in their names because both have a girdle-like band of color pattern underneath their abdomen.

A third Boolagirl named Chocho was given for adoption. She died while staying with her foster owner, leaving her husband Isnobol with their 28-day old babies, Syma and Amboy. (More about my two youngest hamsters on 28 Dec 2007)

On their 3rd month, Beria-girdel began do harass Bebang-girdel, I needed to separate them.

Bebang-girdel in a ‘Hamtaro’ pose

Drowsy Bebang-girdel

Aside from eating and engaging herself into a frequent body-grooming frenzy, what you saw are Bebang-girdel’s ‘favorite habits’ — stretching and yawning.

————————————————————————————————

— USAPANG PINOY —

Maliban na lang kung “nag-ladlad” na, pag lalaki ang walang asawa, ang glamour at ang astig ng tawag: bachelor; Pero pag babae ang tumandang dalaga, ang tawag spinster … Ansagwa!

Old maids. Nilubugan na ng araw. Mga babaeng hindi nakahabol sa ‘huling byahe’. Malimit silang tampulan ng panunukso: wala daw magkamaling manligaw… Pangit daw siguro kaya walang magkagusto… Aysus napakasakit!

Hindi naman siguro pangit. Baka kasi sobrang pakipot lang at napaka-pihikan. Sa kaka-collect ay hindi nakapag-select, kaya nagsawa ang mga manliligaw nang hindi niya namamalayan.

Meron ding mga broken-hearted. Hindi lang mga “dalaga” kundi mga “dala na”.

Hoy, mga bayaw! Baka memya pag nakatalikod ang misis nyo e kayo ang kumakalantare sa mga hipag nyo — BAD yan!

O bakit ka namutla? Hehe …tinamaan ka ba? Bigla ka napasulyap sa likod mo! Baka kasi nandyan si misis sa likod mo… T’antado ka! It is tantamount to killing your wife — read mo ang Leviticus 18:18! (Sa Bible ito)

“Do not take your wife’s sister as a rival wife and

have sexual relations with her while your wife is living.”

O… o…! Huwag kang mag-exit sa blog ko at me ikukwento pa ako sayo:

Tiwalang-tiwala itong si misis kay mister. Nakikitira itong si hipag sa ate nya. Palibhasa itong si hipag ay naging habitual mistress ng iba’t ibang mister nuon, isang malalang away lang ng mag-asawa, ang magbayaw ay nagkaigi.

Matagal-tagal ding niloko ng magbayaw si misis. Kalaunan nabasa ni mister itong Lev 18:18. Nagulo ang pag-iisip. Malimit napapahagulgol sa sarili, at dahil hindi na makaharap sa hiya kay misis ay si hipag ang piniga para umamin. Si hipag maski magaling magsekreto ng mga past affairs nya nuon, nakunsensya yata dahil kapatid nya na ang kanyang dinedehado.

Sa madaling kwento, nalaman din ni misis ang nangyari. Parang pinagsukluban ng langit at lupa itong si misis; Sinumbatan si mister, at talagang ito ay lalayasan. Inaway ang mas nakababatang kapatid. Si mister, halos mabaril ang kanyang sarili. Akala nya kasi komo pastor na sya at “kristyano”(?) na parating may hawak na bibliya e santo na syang hindi na tatablan ng tukso. Nilabanan lang ang tukso? Hindi tinakbuhan? Ay kalaking “banal” na gago!

Buti na lang marunong magpatawad si misis. Tinanggap ulit ang naglulumuhod na asawa; at bagama’t pinatawad din ang kanyang kapatid ay pinauwi na lang sa kanilang magulang at ibang kapatid.

Ikaw kasi bayaw… Anuba talaga, KUYA!? Maski na may masamang nakaraan yang si hipag dapat nga ay tinulungan mo yang mapabuti. O huwag na lang ikaw ang tumulong, lalo pa nga sigurong mabuti? Sayang ang pagtitiwala ni misis sa’yo. Maski anu pa sabihin mo, mas malaki pa rin ang kasalanan mo. Eniwey, kung talagang nagsisi ka na naman. Huwag ka nang uulit. Alam mo na ang dapat gawin sa TUKSO!

Ikaw naman auntieng mistress, pakabait ka na. Tignan mo yan, pamilya pa ng ate mo ang muntik mo nang sinira. Buti na lang mahal ka ng ate mo.

Anu ba talagang problema mo? Bakit ayaw mo magpaligaw nang seryoso sa kayang panagutan ka? Akala mo kasi, dahil sa nakaraan mo wala nang tatanggap sayo? Kalukohan yan. Maski na dating hostess ka pa, kung nagtino ka naman na, may mga binata na handang maging asawa ka. Sa isang taong nagsisi at nagbago na, walang kwenta ang nakaraan.

Ahehe ikaw naman, mister na nagbabasa nito: Muntik mo nang patayin ang kompyuter mo nang hindi mo sina-shut down a? Salbahe ka. Pakabait ka na. Gusto mo bang ‘patayin’ ang iyong asawa? (Leviticus 18:18) Kahit ba wala pa yan sa Bible, sintido-kumon lang yan — hipag mo yan. Maski ba hindi mo hipag, hindi mo yan asawa! Hindi mo dapat iniiyo yan!

— BALIK KAY OLMEYD —

Nasan na nga ba tayo? Nasabat kasi ang ating usapan ng isang bayaw na BANTAY-SALAKAY.

Okey, balik tayo sa ibang kaso ng pagiging old maid. (Ansama talaga pakinggan… Sige, “blessed singleness” na lang… ayan!). Pero tapusin muna natin yung usapan tungkol sa mga broken-hearted.

May ilan, sa takot na hindi na makapag-asawa, hindi na kinikilatis kung binata o hindi ang mga didikit-dikit sa kanila. Sayang daw, baka mahuli sa byahe, tuloy nauuwi sa pagiging ‘kabit lang’.

Alam nyo bang may mga KULTO pa nga na ang itinuturo ay ganito: Ang mga birhen daw ay magiging alipin lang sa langit? Huwag kayo maniwala dito; Gusto lang kayong maisahan ng mga lalaking miyembro nila — lalo na nung cult leader. Napakagaga nyo naman kung maniniwala kayo sa kanila. Baka type nyo lang talaga? Hindi lang kayo gaga… nawawala kayo sa sarili nyo!

Pero eto ha: may iba naman, wala lang talagang kahilig-hilig mag-boyfriend at hindi kasama sa plano nila ang pag-aasawa.

“Tibam siguro!” eka nyo. “Or ‘bato’ o frigid. Dry na dry, walang kabuhay-buhay!”

Anubayan! wala na silang lusot sa inyo! Sila nga’y inyong lubayan! Kung ganun man ang kaso, ito’y bihira lang. At pakelam nyo ba? Marami pang ibang dahilan — napakadakilang dahilan.

May mga may “Panata” para iukol ang buong buhay nila sa paglilingkod sa Panginoon. To that, I have no question. May mga nabuhos ang atensyon sa kanilang career o propesyon, at nawala na ang isip sa pag-aasawa. Yung iba ginagawa ito para lang bumuhay ng anak ng may anak at magpa-aral ng mga pamangkin.

May mga hindi na halos makaalis ng bahay dahil nabuhos na lang ang buong panahon sa pag-aalaga ng kanilang mga pamangkin. Sa pagsisilbi bilang “katulong” sa bahay ng mga kapatid na mas nakatatanda o medyo ‘mayaman-yaman’. O kaya, para alagaan ang may sakit na mga magulang. Hindi na nila makuha pang magpaganda at ayusan ang sari-sarili nila. (Buti pa ang hamster kong si Bebang-girdel, panay ang hilamos at suklay)

Pag tanda nila, wala silang inaasahang mga anak na mag-aabot ng sweldo sa kanila. Baka halos magmakaawa pa para lang patirahin nyo sya sa bahay nyo, pakainin sa hapag nyo, at patulugin sa papag nyo.

Nilubugan na sila ng araw. Dumaan na sila sa “autumn” ng buhay nila — nilipasan na ng taglagas. Maraming “winters” na ang dumaan sa mga malalamig na gabi nila nang wala man lang silang makasama at makausap.

Para silang si Sleeping Beauty na nakatulugan na ang pagkadalaga. Iba nga lang, kasi bago pa man sya halikan ng isang Prince Charming, paggising at pagharap nya sa salamin ay isa na syang kupas na binibini. Kaya ayun — wala nang prinsipe na gusto pang mag-kiss para manggising. Nalimutan na ang para sa sarili alang-alang sa mga magulang, kapatid o pamangkin.

Isama na rin natin dito ang mga tita na hindi naman talaga tumandang dalaga, paris nung mga nag-asawa nga pero hindi naman nabuntis hanggang maging byuda, o kaya ay nagkahiwalay sila ng kanyang asawa. Karaniwan, ang mga tiyahing nagkakaroon ng lubos na panahon sa mga pamangkin ay ang mga walang anak, pero mas nakahihigit yung walang asawa at anak. Hanggang “dakilang tita” na lang sila.

Mga pamangkin… siguro kayo’y may mga pami-pamilya na rin. Tumanaw kayo ng utang na loob sa inyong mga tita. Dalawin nyo naman sila, lalo ngayon magpapasko? Regaluhan nyo — maski isang daster man lang galing sa ukay-ukay. Kung T-back ang type ay maano namang ibili nyo na, tutal mas mura-mura naman siguro yun kaysa sa daster dahil kakapiraso (jokes). Nung bata pa kayo, malamang maski hindi yan ang ninang nyo, panay ang bigay sa inyo ng regalo.

Bigyang pansin ang inyong dakilang tita.

“He heals the brokenhearted and binds up their wounds.

Bible verse (English) line 2”

(Psalm 147:3)

“Yaong mga pusong wasak ay kanya ring lulunasan,

Ang natamo nilang sugat, agad-agad tatapalan.”

(Awit 147:3)

“Are you married? Do not seek a divorce.

Are you unmarried? Do not look for a wife.

But if you do marry, you have not sinned;

and if a virgin marries, she has not sinned.

But those who marry will face many troubles in this life,

and I want to spare you this.”

(1 Corinthians 7:27-28)

“Ikaw ba’y may asawa na? Huwag kang makipaghiwalay.

Wala ka pa bang asawa? Huwag mong hangaring magka-asawa.

Kung ikaw ay mag-asawa, hindi ka nagkakasala,

at kung ang isang dalaga’y mag-asawa, hindi sya nagkakasala.

Ngunit magdaranas sila ng mga kahirapan sa buhay na ito,

at iyan ang ibig kong maiwasan ninyo.”

(1 Corinto 7:27-28)

————————————————————————————————

Next posts: “Kulang sa pansin” Part 1 and Part 2 (28 December 2007)

“Bakit isa, bakit dalawa?” (28 December 2007)

The URI to TrackBack this entry is: http://homebodyhubby.wordpress.com/2007/12/21/ang-dakilang-tita/trackback/

RSS feed for comments on this post.

15 CommentsLeave a comment

  1. naalala q tuloy ung acctg. clerk namin ngaun, kc matandang dalaga xa, pero yun nga, xa palage ang “ina ng laging saklolo” para sa mga pamangkin nya..
    ***
    pero ako,duwag ako. lagi ko naiissip yung pagtanda ng mag isa, cguro kc naranasan ko na yung maging “isang” anak lang na napakahirap na, pano pa kung mag isa, kaya tanda ko pa noon, sabi ko, di bale na akong maging disgrasyada, wag lang tumandang dalaga.

    pero maiiba din pala, kc ngaun, iba na kinatatakot ko, natatakot p din akong mamatay pero di na dahil sa sarili ko, natatakot na ko kc may Bentong na ko at di ko kayang isipin na maiwanan xa d2 sa mundo…

    homebodyhubby: mabuti naman at thru Bentong ay medyo naiba ang pananaw mo sa pagtanda. dapat lang na magpaka-nanay ka na kasi nga mommy ka na. :P
    kung sakaling babalik uli ang mga pangambang tulad nyan, alalahanin mo lang yung mga HULING sinabi ko dito:

    “Baog na daga”

    pagnilay-nilayan mo parati yung Isaiah 46:4.

    at si Bentong man, hindi Nya pababayaan. ;)

    syanga pala, ‘mine’… nai-upload ko na rin (sa wakas!) yung pangatlong video sa itaas. walandyo, dalawang gabi akong wala halos tulog dahil hindi ko maipasok-pasok yun. medyo pinaiksi at binabaan ko lang ang resolution para mas madali i-upload… panoorin mo — mas “CUTE” yun. :lol:

  2. parang ako si bebang Girdel.. Heheh… Tamad din..

    Pero.. uhm..?? sige na nga, aaminin ko na, medyo tinamaan nanaman ako.. pero ayos lang.. Nakaraan na yon, diba kuya? :D

    homebodyhubby: :roll: anu naman kaya yun, ha, bunso?

    tama ka ‘angel’, nakaraan na yun… at kung babalikan mo
    man e HINDI NA PARA GAWIN ULI, kundi alalahanin at magsilbing ARAL para sa mga susunod mo pang gagawin. para ding PEKLAT ang lahat ng pagkakamali… sabi nga:

    “From every wound there’s a scar, and every scar tells a story — a story that says ‘I survived.’ ”

    bawat peklat, isang LESSON sa buhay. pero HUWAG NA HUWAG MO KAKAMUTIN ang peklat — kasi magsusugat yan ulit… ibig sabihin huwag mo nang gawin uli ang pagkakamali mo nuon.

    kung gusto mo ng mahaba-habang sermon :lol: basahin mo yung viewpoint # 2 ko dito:

    “Hello, life… first post part 2?”

    sana makauwi ako sa nanay ko para magkita tayo. pakilala ko sa’yo misis ko. :)

    may idinagdag akong bagong video (yung pangatlo) sa itaas. mas CUTE si Bebang-girdel dun, may matching music pa… panoorin mo nga at tignan kung ganun ka nga? :lol:

  3. alam mo ako late na rin nag asawa; nakini-kinita ko nga rin na baka maging old maid din ako kasi nga masyado akong tutok sa pamilya ko at dun sa mga pamangkin ko, mabuti na lang at may nauto akong kengkoy, kundi magiging isa akong old maid na nakatambay sa mga disco pubs, ahahahaha… sa totoo lang, tama yan; dapat ma-alala din natin ang mga singles sa ating buhay lalo pa kung parati silang andyan para sa atin at sa ating pamilya.

    homebodyhubby: wahehe ibang klaseng old maid yan… tambay sa disco pubs? …ala e daig mo nyan —

    “si annie batumbakal na taga-frisco!
    gabi-gabi na lang ay nasa disco!”

    yung kanta ng bandang grupo ng “hotdog”? aminin mo na, alam ko inabot mo sila :lol:

  4. hala, ngaun lang ako nakakita ng dagang naghihikab :D
    hangkyuuttt, parang hippo :lol:
    super tamarendong ang bebang, lagi mugto mata :D ganyang ganyan ako matulog, nkadapa na nkapamaluktot! :D :lol:

    homebodyhubby: hehe… nagulat naman ako — nandyan
    ka pala! :mrgreen: ‘musta na?

    medyo matagal din akong naging ‘tahimik’ dahil busy ako sa hirap mag-upload ng videong yan… 4 na oras tapos pag nasa 98 o 99% na biglang madi-disconnect! haruuuuuuuump!!! :mad: na-missed tuloy kita kasi ilang araw na hindi kita makulit- kulit. :lol:

    hindi kasi ako pede magmulti-tasking — yung nagsa-surf
    sa ibang blog habang nag-a-upload? …nag-a- “ang” ang kompyuter ko. :lol:

    maigi nang mugto ang mata sa antok, huwag lang sa kaiiyak! …ganyan ka rin ba maghikab? — ingat baka mapunit ang gilid ng iyong bibig. :lol:

  5. ma22log na tlga dpt ako, binisita ko lng comments ko,kaya nabsa ko reply mo, kaya nipanood ko na yung video, lalo ako inantok sa music at kay bebang,
    pa DSL ka na kc, sa tagal mo mag upload (at madalas din) parang mas makaka tipid ka pa kesa sa card. kc madalas din kayo OL ni misis di ba.
    niweis, suggest lang :D cge po, nyty.

    homebodyhubby: talaga ni-design ko yang video —
    visuals and music — para magpa-antok ng manonood. :lol:

    hindi kami card, fix na P850 bayad namin sa PLDT landline, unlimited internet access. hamo pag-isipan ko yung DSL.
    gudnite. :)

  6. ay ganun ba. kc ako sa bayantel 899/mo lang taz dsl na eh (kso bk alang bayantel jan :D )

    homebodyhubby: ay!!! ang mura! …patanong ko nga kay misis, konti lang pala diprensya!

  7. [...] Dalaga pa [...]

  8. [...] Bebang-girdel — apo sa ____? [...]

  9. [...] May experience ka bang ganito? CLICK THIS for a post on this — baka sakaling makapag-isip-isip ka at ma-heal ng Panginoon ang galit mo — first sa “ex” mo, and later sa buong “ka-lawit-an” sa mundo. [...]

  10. [...] Bebang-girdel (05 Mar 2007 – 06 April 2008) [...]

  11. [...] This photo was taken yesterday (Sep 20), the last day of summer. The sun set at a point in the western horizon (at the middle of the photo) somewhere behind the trees (compare this with my SUNSET photos of December, March and June). [...]

  12. [...] Because Beria-girdel perished at a very tender age (6 months 15 days) of birthing problems, I decided that her sister Bebang-girdel be celibate for the rest of her life. The ironic and remarkable thing is that Bebang-girdlel succumbed to cancer at age 1 year 1 month 1 day, which if counted in days is 398 days – exactly double that of his sister (199 days) . [...]

  13. [...] Offspring: 6 (only one litter, the Boolagangs) [...]

  14. [...] ◙ Nanay na rin post [...]

  15. ————————
    Doray Daga
    • Because Beria-girdel perished at a very tender age
    (6 months 15 days) of birthing problems, her sister
    Bebang-girdel was made celibate for the rest of her life.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: