
Hindi po ako nagkamali ng ispeling. Hindi po Bantay-BATA o Bantay-DAGA ang ibig kong tukuyin dito. You got it right — Bantay-BAGA. LUNGS. PULMON. (awoooooo!!!) tsk tsk tsk… ayan ka na naman. korni mo. Full moon yun!
May pinausong tag kasi si Repah na pinamagatang “Think, don’t smoke.” At isa ako sa siyam na ni-TAG niya.
Okey… cool! Salamat, Repah! Hehe… Ako pa! Grade III pa lang ako nung una kong makasubok manigarilyo (syempre hindi alam ng nanay at tatay ko). Ang dahon de-papayang ekstrak na pang-kapreng tabako.
Medyo mahaba uli itong post ko… Kung yung tag lang ang gusto nyong basahin e di sige — maikli lang yun, nandun sa baba.
MAIKLING KWENTO TUNGKOL SA PAGYOYOSI KO
Kung sa ngayon ay may papaya extract para sa malasutlang kutis nyo, nung henerasyon namin may pausok-bagang yari sa papaya. Dahil ang “yosi-yosihan” namin ng mga kararo ko, dinurog na tuyong dahong papaya na binalot sa dyaryo *ubo! ubo! uhuboooo!* …hindi na kami umulit dahil kami’y masuka-suka at nagka-liyo-liyo. Yan ang napapala ng mga batang walang magawa. ![]()
Sumunod na yosi ko nung college na ko, and this started as sort of rebellion ko sa father ko, who died at age 46 due to cancer because of smoking. (Don’t worry about the rebellion — we both considered this as part of growing up, wala naman sa aming mga boys ang nagrebelde nang grabe). Ako lang ang naging habitual smoker sa aming magkakapatid, palibhasa mga health-conscious yung tatlong brothers ko — yung sumunod nga sa akin ay body-builder pa.
More than four years din akong naging chain-smoker, 2 packs of Philipp morris na walang filter. Mas mura kasi, kayang-kaya kong bumili mula sa scholarship allowance ko.
…minsan nga may kasama pang patikim-tikim ng ‘damo’ (kaya yata nagka-baog-baog ako)… Tumigil lang akong manigarilyo nung maging gerpren ko na si misis… Kasi kawawa naman sya, magigi syang “passive smoker.”
By the way, uso pa ba itong “damo”? Naalala ko etong tino-tyonggi namin nun sa iskul grounds namin sa LB. Pag me sikyo, biglang tago ahehe. Ngayon ang naririnig kong uso e “bato”
Bukod sa singhot, pano ba tininira ito? Mukhang matigas e, hindi ba nakakabungi? Ahahuy! — daig mo pa siguro ang pumangal ng tubo!
Teka muna, bago tayo tuluyang magka-bangag-bangag…
Matagal nang tapos yung benteng tag a? Bakit nga pala may BENTE PESOS dyan sa itaas?
Aanhin ko ba yan?
Ahehe… sempre kasi nandyan si President Quezon… Hindi ba namatay sya sa tuberculosis (TB)? — Kaya nga “Quezon Institute” ang ipinangalan dun sa retokehan ng BAGA sa E. Rodriguez sa Quezon City.
At eto pa, maalala ko: yung tabako de papaya na niroroling-roling paper namin nuon, matagal na palang nauso? — Nung panahon ng Hapon (1943), malapit nang mamatay si Quezon. Eto o, i-quote ko na lang…












