Delivered.

new life

Black Saturday. Sabado de Gloria. Araw ng mga “lukaw” at baru-baruan, na tiyak na susundan ng mga isang linggong langgasan ng dahon ng bayabas. :mrgreen: TULI ka na ba? Ahehe… mga tutuy, TULIAN na namaaaan! kanina pa! :lol:

Hindi ang pagpapatuli ko ang ibibida ko ngayon (hindi pa nga yata ako tuli nung mga panahong iyon :mrgreen: ), kundi tungkol duon sa isang babaing nakaitim na naging bahagi ng isang yugto sa aking buhay. Eto yung mga panahong active kaming kasali sa pag-a-“ave–ave” nuon sa mga bahay-bahay (“block rosary” ba’ng tawag dun, o “BLACK rosary”?).

CLICK to continue reading…

Tigok…? “TIGOK!”

Sabado de gloria. Ayon sa mga matatanda, mula alas-tres ng hapon kahapon (Byernes santo), hanggang sa madaling araw ng Linggo (Domingo de Pascua :roll: kulang-kulang dalawang araw lang yun ah?) ay “patay ang Diyos.” Tradisyon lang naman yun, kapatidkaya hayaan na… huwag nang palakihin pa. Basta alam ko at alam mo, parating buhay si Kristo.

Eyun naman pala… Sino ang natigok?