Timaura ni Antipas Delotavo, 1991
Mga obrero… Hindi basta lilipas ang isang araw na wala kang makakahalubilo na kauri nila. Hindi lang sila gaanong nabibigyang-pansin.
Sa bansang tulad ng sa atin, lamang kaya sila – sa bilang. Pag kasagsagan, pagpag sa trabaho ang katawan; pag kalugihan, mga nauuna sa mga pabrikang nagtatanggalan.
“Dagdag na trabahong mapapasukan!”
Naglilingkod sa lipunan, para sa kapiranggot na sahod na panlamang-tiyan lang. Sa pamamagitan nila, natatamasa natin maging ang mga luho sa katawan, samantalang sila kapos sa mga pangunahing pangangailangan. Mga uring manggagawa – isang kahig, isang tuka? Trabaho lang, trabaho lang… paano naman ang kanilang mga ‘personal’ na pangangailangan?
“Umento sa sahod! Mababang buwis!” (huwag na lang buwisan?)
“Murang presyo ng bigas at bilihin!”
Mga anak-pawis kung tagurian. Matitipunong mga bisig at kalamnan lang ang puhunan dahil walang mataas na pinag-aralan. Hanggang saan kaya ang kanilang itatagal?
“Mas murang gamot?” – mas mainam kung malayo sa sakit!
“Insurance? Benepisyo?” – baka kahirap kubrahin, tapos kakapiranggot lang naman (meron ba)?
Ang kanila bang ‘propesyon’ ay mamanahin pa ng kanilang mga kaapu-apuhan?
“Mabuhay ang Mga Uring Manggagawa!” – gagad na sigaw nating mga maski hindi nila ‘kauri’.
Oo na, oo na… pero hindi sapat lang ang tawaging (bolahing) mga ‘bayani’ sila. Marami na tayong nakausap sa kanila, pero nauunawaan ba natin ang talagang kalalagayan nila?
Padayon. Tuloy lang ang pagbasa dahil meron pa. KLIK mo ito.














