Larawan ng dalawang ina (Part 1)

Dalawang malapit pang “nanay” na kilala ko: (1) “Lola Liit” – mommy ng dad ko, at (2) “Mamay” – kilik ang one-year-old nyang panganay.

May dalawang pang nanay na directly related sa akin:

Lola Liit

“Mommy” sya sa tatay ko, Lola Liit naman sa aming magkakapatid.

Galante, parating may dalang pasalubong pag pumupunta sa amin. Maski yata hindi ko nakitang may kinarga sya sa aming mga apo niya, mas nakaka-relate ako sa kanya, dahil mas makwento sya. Malimit at matagal din sya kung mag-stay sa amin, at hindi miminsan lang kung sila’y mag-away ng nanay ko (at ng isa pa nyang manugang na asawa ng uncle ko). Alam ko nga pag ‘hostile’ sya sa mom ko: kastilaloy ang usapan nila ng dad ko para hindi namin maintindihan. That was what she thought – may subject na español yata kami nung highschool, at may 4 courses na 3 units each (total, 12 units) nung college.

City-bred, independent, high-class society career woman who speaks Spanish and English very fluently, drinks socially and smokes heavily during her heydays. (May piktyur nga syang kasama sa isang mahabang dinner table si Rogelio dela Rosa, would you believe that? At first or second cousin nya ang mother ni Jose Mari Gonzales, making me a distant cousin of Kring-kring? Lols!) She worked for some time in an American company based in Okinawa (Japan) right after World War II, leaving her sons to their “Bita” (grandma) in Manila.

Her two sons had a common ‘father’ – a Pangasinense (or Ilocano? am not sure) she met in Manila, a man whom she cannot claim as her husband (Read my post “Sori anak… Part 1”).

Her sons died much earlier than she did – the younger in 1981 at age 37 because of liver cancer; the elder (my dad) in 1985 at age 46 due to cancer of the pharynx. Both were heavy smokers and drinkers (not drunkards, though), and for sure “life’s bitterness” had contributed much to their illness.

How does a mother who lost even just a single son feel?

When my father died, my mother cried for losing her husband. So did I and my siblings for losing our father. For my Lola, the pain was much more unbearable. When my father – her very last family member – “left her”, I began to worry more about her.

My Lola was left on her own, in the solace of her two daughters-in-law and their offspring, but had chosen to stay in a small rented room of a boarding house for student bed-spacers in Legarda. She didn’t stop working part time, tutoring Spanish to sons and daughters of wealthy friends and acquaintances, or assisting a cousin teacher in checking test paper results of her students. Two of her sisters, each married to an American, were sending her financial support from the US.

I witnessed how she’d been spending so much time and money to pay for several copies of blow-up pictures of her demised sons which she later distributed among us and our cousins. She was a frequent visitor of her sons’ graves, offering flowers and lighting up candles, and even paid for special masses “for the repose of their souls.” She became mellow toward her daughters-in-law, and despite her frequent coughing, she’d chosen not to give up her smoking.

My poor Lola… Were all of these her “penance”? Was she trying to castigate herself for all her deeds – mistakes in the past which I feel she considered as the root of her sons’ miserable fate? She almost denied being taken cared for even in her last days in a hospital in Quezon City. I was more inclined to say that it required a tremendous amount of reassurance for her to forgive herself.

My “Lola Liit(in dotted yellow dress) joined the family to witness my “Pinakamasayang araw.” The two women at the second photo were her daughters-in-law (mom ko yung nakatayo); 1st brother ko yung nasa dulong kaliwa.

The final chapter of her life was characterized by her ‘kwentos’ of her good old days, about Okinawa and about people whose faces used to appear in TV shows or magazines – people who were her former friends, or relatives we’d met once or twice, but never had a chance to get bonded with. But not a single ‘kwento’ about Erasmus.

My Lola loved a man who was incapable of offering her a lifelong commitment. It was a MISTAKE! Considering she had two sons, she was mistaken AT LEAST twice! BUT She was NOT a bad mother after all…

She died of lung cancer in 1991, age 74, ‘alone’ in a hospital.

Mamay

“Mamang” sa mom ko, Mamay naman sa aming magkakapatid at magpipinsan.

Probinsyanang lumaki sa Palauig, Zambales. May pagkamahinhin nuong dalaga. Malalim kung mag-isip. Isang mapagpakumbabang asawa, ina at lola. Sa kanya kami dinadala ng nanay ko “sa tuwing may problema” sa aming sariling tahanan.

Minsan, nakabakasyon kaming four brothers sa mamay kong ito. Kinakantyawan ng makulit at ‘parayaw’ nuong pinsan ko ang 2nd brother ko. Napuno si brother, nasapak si pinsan sa mukha. Palibhasa malimit balinguynguyin (nose bleeding due to heat ), dumugo ang ilong. Umiyak nung makita ang dugo. Duon nakikitira ang walang trabaho nuong tiyuhin ko na tatay ng pinsan kong ito; at dahil sya nga ang umiyak at dumugo ang ilong, si pinsan ang ‘kinampihan’ ng mamay ko.

“Ano ba naman kayong mga bata kayo! Problema ko na nga ang mga magulang nyo, problema ko pa kayo!” nasambit ng mapasensyang mamay ko. Alam kong hindi lang naman ang nanay ko ang tinutukoy nya, kundi pati na rin ang anak niyang lalaki na tatay ng pinsan ko.

Napaluha ako nuon na nauwi sa paghikbi. Si pinsan (mas peborit ng mamay?), natameme ang pag-iyak. Ang mamay, hindi nakakibo. She added insult to injury. Unintentionally, naipamukha niya sa akin ang talagang ayaw ko namang sitwasyon sa pamilya namin nuon. Away-bata lang yun (maski dumugo ang ilong?) Na-realized nyang hindi nya na dapat sinabi yung tungkol sa mga magulang namin, lalo na’t ang pagkakabakasyon namin duon nung panahong yon ay bunga na naman ng isang problema sa pamilya. Hanggang sa pananghalian, walang kumikibo. Si Lolo, hindi alam kung paano ako susuyuin, panay ang wika ng: “Kain na, apo…”

Hindi ko masisi ang mamay ko, dahil talaga namang sobrang laki na ang kunsumisyon at sakripisyo niya sa pamilya ng ibang anak nya nuon. Ilang beses na nga itong dumadahak nang may kasamang dugo dahil sa sakit na tuberculosis, naisalba lang ng maagap na pagpapagamot sa tulong ng dalawang mga anak niyang nasa Amerika.

Lumaki tuloy akong hindi umaasa ng maski anumang maliit na tulong mula sa kanila, maski sa sinuman sa “nibi” kong tiyuhin at “nars” kong tiyahin na mga anak niya na nasa “istets.” Nuon, sikat ka duon sa probinsya ng Zambales pag nakakabit sayo ang alinman sa tatlong terms na yan – nibi, nars, istets!

Kahit na ba naranasan kong sumubok na mag-exam at magpa-interview sa loob ng base sa Olongapo nuon, hindi ko type mag-US navy. Ano, magpapa-alila sa mga kano? Pinagbigyan ko lang sila dahil wala na ngang maipagpaaral sa amin nuon.

May halong pride, pero hindi naman pagtatanim ang dahilan ng hindi ko paghingi ng tulong sa mga uncle at auntie ko. Ang pangalan at integridad ng tatay ko ang higit na pinangangalagaan ko. Buti na lang nakapasa ako sa UPCAT. Oedi maski papaano, naibangon ko ang apelyido at dignidad ng tatay ko!

Hanggang sa makapag-college nga ako (ahehe… lalo kong in-abhor ang colonial mentality nung nasa UPLB ako). Ang lolo at mamay ko, pinitisyon ng auntie ko patungong States. Ako naman, maski painot-inot ay naka-graduate; napasok ng trabaho sa PhilRice-Los Baños pagkaraan ng halos dalawang buwan.

1990, namatay ang Lolo ko matapos syang umuwi at mag-stay ng ilang panahon dito sa Pilipinas. Sakit sa kidney, at may diabetes pa yata? Umuwi din ang mamay ko, mga ilang araw bago tuluyang yumao ang asawa.

Sa Olongapo ang burol. It has been years since I last visited this city of my birth, and for the first time, kasama ko na ang misis ko – ilang buwan pa lang kaming nakakasal.

Nuong makita ako ng mamay ko, walang kibo-kibong lumapit sa akin, niyakap ako at tahimik na humagulgol sa dibdib ko. Natameme ako… wala akong masabi kundi:

“Mamay… ito po si Choi, asawa ko… mabait po sya.”

Bumalik sya sa States ilang araw matapos ang libing.

1997, umuwi ulit sya ng Pilipinas, at nagkaroon pa ng panahon para dalawin ako sa staff housing naming mag-asawa sa Nueva Ecija. Ramdam ko ang tiwasay nya nang isip nuon dahil sa nakikita nyang ‘nakaraos’ na halos lahat kaming magkakapatid sa mga pinagdaanang hirap. Maging yung pinsan ko, nagnenogosyo naman ngayon.

Ang “Mamay(in gray checkered dress) sa edad na 80. Kasama sa litrato ang mom ko at dalawa pang tiyahin ko.

Puring-puri ng mamay ko ang mommy ko, dahil nakatapos kaming magkakapatid ng pag-aaral nang wala syang pinansyal na suporta – lalo pa’t byuda na ang nanay ko nuon pa mang nagsisipag-aral pa lang kami.

Naalala ko tuloy yung pagalit na naibulalas ng Lolo ko nuong nagdidiliryo na sya sa ospital:

“Kung bakit sa lahat ng mga manugang ko, si Monching pa ang namatay!”

Dad ko po ang Monching na tinutukoy nya. Nakaka-flatter para sa isang tulad ko na anak ng tatay ko. Pero napakasakit siguro nuon para sa ibang mga pinsan ko na anak ng ibang sons-in law ng lolo ko?

Gusto na sana ng Mamay na hindi na bumalik ng States at dito na lang pumirmi sa Pilipinas, pero nanghihinayang rin sya sa pensyong nakukuha nya ruon, lalo pa’t kasusunod lang na nagpunta ruon ang anak nyang lalaki, nag-a-adjust pa lang, kaya wala pang magandang trabaho duon nung mga panahong iyon.

Yumao ang Mamay dahil sa aneurism sa edad na 83, duon din sa Amerika, ilang buwan matapos akong mag-resigned sa trabaho nung taong 2000.

Mga Lola ko sila. Pero dumaan din ang mga iyan sa pagiging nanay – yung isa ng tatay ko, yung isa ng nanay ko; at obviously tumayo ring mga “nanay” naming magkakapatid at magpipinsan. Hindi ko na sila pwedeng batiin dahil sumakabilang buhay na sila. Naibida ko lang, baka may mapulot kayong leksyon sa buhay.

Eka siguro ng iba: “Ano ba naman yang si homebodyhubby? Ikinuwento na yata ang lahat ng sekreto ng mga ninuno nya.”

Not really… At kung sakali man, e ano naman? Hangga’t maaari nga, niu-euphemize ko ang paraan ng paglalahad para hindi “garapal” ang dating. Pinapakita ko ang maganda at pangit na mukha ng kanilang naging buhay, dahil ang layunin ko lang naman ay magpalakas ng loob (encourage ) o magbigay ng babala (warn ) sa sinumang makakatsansang magbasa. Later on, you will forget about the details, about us and about me, but I hope not the lessons or ‘principles’ behind them, maski gaano pa iyon kababaw o ka-obvious. May each story serve as a testimony.

Wala akong intensyong ipagyabang ang aming mga naging ‘tagumpay’ o kaya’y ipangalandakan ang aming mga naging pagkakamali sa buhay. Hindi ko hangad na linisin o dumihan ang mga naiwan nilang alaala. Wala namang taong hindi nagkamali.

————————————————————————————————

Mag-side-track muna tayo at magsampol uli mula sa Bible:

Si Haring David — “the greatest of Israel’s kings”… “the most famous ancestor of Christ”… inilarawan sa Bible na a man after God’s own heart (1 Samuel 13:14). Pero naipakita rin bilang isang adulterer at kriminal — duon din sa Bibliya (2 Samuel chapters 11 and 12). Ang pastol na naging hari na sumulat ng Psalm 23 — hindi pinagtakpan ng sumulat ng aklat ni Samuel sa Bibliya!

The Bible clearly illustrates the moral range of human nature in the life of David. Ipinakikita lang dito kung ano ang nagagawa ng tukso (temptation) na kaakibat ng lakas o kapangyarihan (might or power), ano mang uri pa iyan — talino at galing… kagwapuhan o kagandahan, kamachohan o kaseksihan… kasikatan, katanyagan… kuneksyon, kayamanan… ‘tagumpay.’ Maganda lahat iyan, inaasam-asam ng sinuman. Ang tanong lang – kaya ba nating i-handle o panghawakan?

Ngayon, mas ‘acceptable’ na ng ating lipunan ang paris ni David na maraming asawa, o ang ‘status’ na paris ng sa lola ko sa una kong istorya. Ang pagtanggap (approval?) na ito ay may kanais-nais at hindi na naging bunga sa mga anak: sa isang banda’y ang hindi nila ‘pagseseryoso’ sa isyu nang labis para i-condemn ang mga magulang o ang mga sarili nila; sa kabilang banda nama’y ang attitude na Okey lang yun, ganun din ang gagawin ko paglaki ko! Maraming artista sa showbiz na parang nagpapalit lang ng damit kung magpalit ng asawa; at ang mga anak, iba’t-iba ang mga ama-ama at ina-ina. Tsk, tsk, tsk… — sila pa naman ang iniidolo ng maraming mga kabataan.

Tayo din naman ang aani ng mabuti o masamang ibubunga nyan. At mas masakit kung “makiki-ANI” rin sa mga hindi kanais-nais na bunga ng mga itinanim natin ang ating mga anak-anak at kaapo-apuhan (just like what happened to David’s).

————————————————————————————————

Kumusta na ang mga “Lola” nyo diyang mga BUHAY PA? Lalo na yung mga hanggang ngayon ay tumatayo pa ring “nanay” hindi lang sa inyong mga magulang, kundi pati sa inyo na kanilang mga apo-apo.

Marami nang pinagdaanan ang mga iyan. Minsan masungit… na sa mura nyo pang isip ay hindi nyo malaman ang dahilan. Maaaring may mga pagkukulang sila sa mga magulang nyo na matagal na nilang pinagsisihan; mga alaalang pilit nang kinakalimutan. Learn from their mistakes… pero huwag na kayong magtanim sa kanila ng galit, huwag nyo nang dagdagan ang pasakit.

Mga APO – kayong mga kabataan na nagsasabing mga “amoy-lupa” na sila: Pansinin nyo naman si Lola at pasalamatan. Eniwey, wala naman yatang “Grandmother’s day”? Meron ba?

At ikaw, NANAY o TATAY ng mga apo NIYA: Giv ‘em a “hug” – huwag naman masyadong mahigpit at baka maglagutukan ang mga butu-buto niyang pinalutong na ng osteoporosis . Bakit hindi mo siya i-greet ng:

Happy Mother’s Day! ?

Published in: on 11 May 2008 at 12:00 pm  Comments (9)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: http://homebodyhubby.wordpress.com/2008/05/11/larawan-ng-dalawang-ina-part-1/trackback/

RSS feed for comments on this post.

9 CommentsLeave a comment

  1. buti ka pa, nakilala mo pa mga lola mo.
    ako isang lola na lang inabutan ko, taz bata p din ako ng mamatay kaya la ako grannys na napag lambingan

    minsan nga naiinggit ako kay bentong kc spoiled na spoiled sa lolo at lola nya hehehe

    *** bilib tlga ako sa memory mo ha :D saka kakabilib ka din kc tlgang ur very open sa lyf story mo.. not ol of us can be that way…

    ————————————————

    HBH-3X: Minsan, nagdadalawang-isip rin ako.
    Pero pag naaalala ko yung mga Bible characters… at yung naging life ng father ko… at ang mga kabataan ngayon,
    kilala ko man o hindi kaanu-ano…

  2. hanep, “fashionista” pala si “lola liit” mo… parang model ng magasin (naalala ko bigla mga dating movie posters ni gloria romero) :-)

    ————————————————

    Bok: Gloria? Hehe… buti na lang nilagyan mo ng apelyido. ‘Ismol bat teribol’ din kasi yun e.
    May pulseras pa sa paa… anklots ba ang tawag dun?
    By the way, Bicolano’t Bicolana ang parents ng lola kong yan. :)

  3. [...] Enrique – lolo ng dad ko; tatay ng Lola Liit (nanay ng tatay ko). Nuno kong Bikolano na hindi ko na inabot nang buhay nuong ipinanganak [...]

  4. [...] Lola (Dad’s mom, also deceased) was dressed in striking stripes. [...]

  5. [...] “Mame” ang tawag naming magkakapatid sa aming ina, mispronounced ng “mommy” – pagtawag na namana namin sa kung papaano tukuyin ng dad ko ang lola ko. Sosyal kasi ang pinanggalingang clan ng Lola Liit ko, samantalang ang angkan ng nanay ko, kahit masasabing medyo nakaririwasa, ay probinsyano. [...]

    [...] Palibhasa Papang’s girl ng Lolo Pinong ko, maldita itong si Zenaida (buong ngalan nya) nung kabataan. Alaga naman sya ng mapang-unawang pagdidisiplina ng Mamay ko na Mamang niya. [...]

  6. [...] Nyay! 8O Kadami ko pa namang kamag-anak na ka- birthmonth: inumpisahan ang buwan ng Lolo Pinong ko (Sep 1), at piniryudan naman ng Lola Liit ko (Sep 23). [...]

    [...] Nung panahon kasi ng kasal ko, kasalukuyan syang nagbabantay sa Papang nya na naka-confine sa ospital. Naging shock-absorber nga ang tita sa mga pagsusungit ng Lolo Pinong ko nuon dahil sa sakit (sa kidney or diabetes). Nakauwi na lang kasi ang Mamay ko (asawa ng lolo) nung malapit nang mamatay ang asawa nya. Buti nga at umabot pa. [...]

  7. [...] Nakumpleto ko na pala ang lahat ng short account ko tungkol sa mga taong pinakamalalapit sa puso ko – magmula sa mga lolo at lola ko, thru my dad and mom, tatay at nanay – isama mo na rin ang mga peborit kong auntie, uncle at lolo uncle. Ang aking bestfriend, meron din. At syempre, hindi pwedeng wala si misis ko. ;) [...]

  8. [...] ◙ Nanay posts [...]

  9. [...] Nung nagbabakasyon ako sa mga lola ko sa Zambales, isa sa mga gawain ko ay ang pag-i-irrigate ng tanimang gulay sa loob ng kanilang bakuran. [...]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: