Pader

Araw ngayon ng San Juan. Sa ilang lugar sa ka-Maynilaan, uso na naman ang sabuyan ng tubig at basaan. (Taon-taon yan nuon, meron pa ba nito ngayon?)

Kabi-kabila na naman ang baha, magbabasaan pa ba tayo? :lol: Ahehe, yung mga supot na plastik… yung paris ng pinaglalagyan natin ng tubig, atsaka natin ibinabato sa mga walang kamalay-malay na nagdadaang tao – hindi kaya naiipon yan sa mga imburnal kaya andaling magbaha ngayon?

Ayon sa “PAG-ASA”, pami-pamilyang bagyo pa daw ang magto-tour sa ‘Pinas, tyak magsasawa na naman tayo sa baha… at sa mga disease outbreak – lalo na yung… :roll: ano nga ba yung sakit na nakukuha sa tubig-baha na ang itinuturong culprit ay ang DYINGGOL ng mga daga?

Nanood ako ng balita nitong mga nakaraang araw. :( Hindi na yata mababawasan ang bilang ng mga napipinsala ng bagyo… at yung taun-taon na lang ay istranded na mga pasahero ng ewpweyn at bawko (baka puwedeng huwag munang magbyahe?) Nakakainis na nakalulungkot… may mga namatay at nawawala na naman. :? Hay buhay…

Saan galing ang holiday na ito? CLICK mo lang.

Published in: on 24 June 2008 at 12:00 pm Comments (4)
Tags: , , ,