
Grrrr!!! Raaaaaaaawrrrr!!!
Nalilito talaga ako sa mga palipat-lipat ng mga holidays natin. Kung hindi mo gaanong gamay ang Philippine History, hindi mo na malaman kung kailan ba nangyari ang kung ano.
Tulad nitong Araw ng mga Bayani… Sabi ng isang source, every 26th day of August… Eka naman ng iba, every 4th Monday of August, which, in this year falls on August 25.
Nung tignan ko naman sa 2008 calendar namin, August 31 (Linggo) ang pula… NyAy!? – talaga palang pula, Linggo nga eh.
Tignan ko nung nakaraang taon (2007), August 26! Tignan ko din yung 2006, August 27! Teka muna, bakit nga ba ako nag-iipon dito ng kalendaryo?
“Psst! … ni-move na sa Lunes a? … August 25 !”
“Ha? Nipospon uli? (Ano ba talaga ateng?)”
Haiiii! Wafaaaa!!! Yaaaaaaaaiiiikks!!! (Sigaw-karatista yan!)
Ahehe… huwag po kayong mag-alala – hindi ako talaga galit. Ansarap lang kasing mag-ranting minsan, maski hindi ka tutuong galit.
Hindi naman importante kung anong araw di ba? Yung diwa ng holiday ang mas mahalaga… Kaya yang palipat-lipat ng dates, ayaw ko nang usisain kong may advantages o wala. Sa ganang akin nama’y walang epekto yang mga ipit na araw o extended vacation, dahil dito lang ako sa bahay nagtatrabaho. Sarili ko ang time ko, sarili ko rin ang boss ko – yehey! (Ahehe… bossing ko nga rin pala si misis!) … Pero syempre, makikihapi na rin ako para dun sa iba!












