Putok sa buho

Kung hindi kayo absent sa Pilipino subject nyo nung itinuro ang alamat na ito, kilala nyo ang nasa pikyur. In our own Philippine mythology, sila’y sina Malakas at MagandaPinoy version of Adam and Eve, kumbaga.

Ayon sa kwento, isang pagod na ibong sarimanok ang dumapo sa isang napaka- laking puno ng kawayan. Dahil may naririnig syang tunog mula sa loob ng kawayan, tinuka nya ito. Nabiyak ito sa gitna, at mula sa loob ay tumambad ang isang wafung mensu (si Malakas) at isang sexbomb-byuting girlalu (si Maganda). Ang magdyowang iyan ang naging magulang ng mga unang naninirahan sa islang ito.

Napakaiksi… makukuha mong isalaysay sa isang paragraph lang. (May long version, click nyo na lang dito)

Simpleng kwento. Simula ng isang magandang lahi (naks! I’m proud of it!). Isang lipi mula sa mag-asawang iniluwa ng kawayan.”

Paano kaya kung isang batang – eka nga sa matalinhagang paraan ng pagtukoy o pagbabansag – putok sa buho?”

Simpleng pagkakamali. Simula ng isang buhay na maaaring humantong sa masalimuot na kinabukasan.

Bastardo. unwanted child, more or less. Napakasakit pakinggan. :( Isang topic na iniiwasang pag-usapan.

Wala po akong inaaway, at hindi po “rantings” itong post ko. Gusto ko lang sana “irepresenta” ang aking sarili sa ngalan ng mga batang ito. Mga inosenteng nilalang na AKSIDENTENG sumulpot lang daw sa mundo.

Shut up, you bastard!

Naging MURA na ang salitang “bastard.” Walang ipinag-iba sa “Son of a bitch” o “Hijo de puta” o “Anak ng puta” o “Putang-ina mo” (Hay grabe, talagang kinikilabutan ako tuwing ikinikibord ko ito – kahit pa ba hindi ako pari o pastor). Sori uli mga kapatid, kelangan lang talagang imuwestra ko.

Bakit nga ba naging mura na yang salitang bastard? Di bale pa siguro(?) ang Hudas – accountable ang may pangalan sa kanyang pagkukulang. Pero ang illegitimate child? Kasalanan ba nya kung sya’y naging isang “love child” lang ? Naalala ko tuloy yung bumentang ‘tough hits’ album nung hayskul ako, may pa-joke na kanta duon na “Anak sa love bus” ‘eka nila. Kung ikaw ang “anak sa labas” na makaririnig nito, ano kaya ang mararamdaman mo? Marahil palihim kang susulyap sa paligid, para i-comfort ang sarili mo:

“May iba kayang nakarinig ng kanta? Baka may nakatingin sa akin!”

Eto ang isang true story na mababasa sa Bible:

“Jephthah the Gileadite was a mighty warrior. His father was Gilead; his mother was a prostitute. Gilead’s wife also bore him sons, and when they were grown up, they drove Jephthah away. You are not going to get any inheritance in our family,’ they said, ‘because you are the son of another woman. So Jephthah fled from his brothers and settled in the land of Tob, where a group of adventurers gathered around him and followed him.”

– Judges 11:1-3

Sa Tagalog translation ng Bibliya, ang “adventurers” na tinutukoy dito ay isinalin bilang “ilang taong itinakwil ng lipunan.”

Tulad ka ba ni Jephthah? Ikaw ba’y isang ‘puto sa buho’ lang, nakihalubilo sa mga katulad mo ang naging kapalaran? Walang masama kung nagkakatulungan kayo, dahil hindi nyo kelangang maging dungo. Yes… if they say “Shut up, you bastard!”, I’d rather say Speak up, my son!

Pero kung patuloy lang kayong magkikimkim ng galit sa mga tatay at nanay nyo, nagkakagatungan lang kayo… Wala itong mabuting maitutulong sa inyo. Hindi nala- layong susunod ka rin sa yapak ng tatay o nanay mo!

Maaaring hindi ginusto ng mga magulang mo ang pagkakaBUO sayo… Pero naisip mo na bang posible rin namang laking ligaya nila nuong sumulpot ka sa mundo? Kung hindi man sa araw ng iyong kapanganakan, maaaring sa pagdaan lang ng konting panahon ay napamahal ka na rin sa kanila. May ilan ngang anak, maski legitimate, iniwan ng tatay nila. Siguro nga… wala sa plano ng mga magulang mo na maging anak ka nila, pero hindi yun nangangahulugan na unwanted ka na nila.

Let me first tell you this: God knows YOU, the moment you are conceived in your mothers womb! The BIBLE has so many verses to support this, eto ang isa:

For you created my inmost being; you knit me together in my mother’s womb.

I praise you because I am fearfully and wonderfully made; your works are wonderful, I know that full well.

My frame was not hidden from you when I was made in the secret place.

When I was woven together in the depths of the earth, your eyes saw my unformed body.

All the days ordained for me were written in your book before one of them came to be.

– Psalm 139:13-16

Life begins NOT, let’s say, a few hours or days after a zygote has turned into an embryo, nor a few weeks after an embryo has developed into a fetus. Human flesh and blood – a LIFE with a soul, begins right there, at the moment of conception… so a BIG NO to abortion! (You may want to see the links on the first comment below, LATER).

Kesyo planado o hindi ng tatay o nanay mo ang pagsulpot mo, eto ang sigurado: may magandang plano ang Diyos para sayo. Gasgas na nga sa pagiging peyborit ng marami ang verse na ito:

For I know the plans I have for you, declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.

– Jeremiah 29:11

Libre naman, ay di peyboritin mo na rin! Hindi naman talaga magagasgas yan maski gamitin pa nang paulit-ulit ng lahat ng tao sa mundo (Jesus said in Luke 21:33: “Heaven and earth will pass away, but my words will never pass away.”)

You can be a CHILD of God. Ang magandang plano naman ng Panginoon ay HINDI para sa mga legitimate children lang – para ito sa LAHAT ng tao.

Kung ipagpapatuloy mo lang ang pagbabasa sa istorya ni Jephthah, makikta mong nangyari ang plano ng Diyos sa kanya. Sya ang hinirang ng Dyos na maging pang- siyam na hukom ng Israel para lupigin ang mga dayuhan na nuo’y kumukubkob sa bansa nila. At ilang libong taon pagkaraan, isa sya sa mga inihanay ng maanunulat ng “Hebrews” sa Bible sa listahan ng men of great FAITH.

“And what more shall I say? I do not have time to tell about Gideon, Barak, Samson, Jephthah, David, Samuel and the prophets, who through faith conquered kingdoms, administered justice, and gained what was promised; who shut the mouths of lions, quenched the fury of the flames, and escaped the edge of the sword; whose weakness was turned to strength…”

– Hebrews 11:32-33, 34

“You may be a product of your past, but you don’t have to be a prisoner of it.”

Nagpapasalamat ako dahil maski papaano ay nagkaroon ng bukas na isipan ang lipunan upang igalang ang karapatan at pagkatao ng mga katulad nila. Pero gusto ko lang linawin na iba yung pagtanggap nang may pang-unawa sa pag-ayon nang may pangungunsinti. Kaya sa mga magulang at magiging magulang: Huwag nyo namang abusuhin ang pagluluwag na ito para magparami pa ng mga tulad nila.

“Bakit kasi nag-post ka na naman ng napakasensitibong topic? I feel uncomfortable eh naiilang tuloy akong mag-comment dito sa blog mo! :? Makita ko pa lang yang taytol mo sa dashboard ko, naiinis na ako!” :mad:

“O, o… cool ka lang! Nakaka-relate ka lang yata eh – baka ikaw ang ama?”

Eh di huwag kang mag-comment, hindi naman ako nagpaparami ng comments. Ang importante binasa mo ito (maski pa ba hindi ko malalaman). Baka sakaling ‘magising’ kita… Kung hindi ikaw, magkaroon ka man lang ng burden para alalayan ang mga kaibigan mo at mahal sa buhay na dumaraan sa mga sitwasyong katulad nito. Matagal ko nang topic ang mga ganitong bagay (mag-iisang taon na nga, alam mo yan), bago mo pa masumpungan itong blog ko.

Wala lang… naalala ko lang ang isang taong nagpursigi para maging isang modelo ko. Sa kabila ng lahat, hindi sya naging babaero… sa halip naging tapat sa kanyang nag-iisang asawa. Isang taong naging napakahalaga sa paglaki ko.

Today is supposed to be his birthday. I was not so sure if he cherished it, but we used to celebrate it, though on a day of his own choosing, which is two weeks earlier than August 26. There’s no more use celebrating it today; all I want do is to pay a tribute to him, for all the good things that he had done. :)

Sana mangaunti na ang magiging mga anak pang tulad nila… Ngunit harinawang dumami pa at magkaroon ng lakas na galing sa Panginoon ang mga Dad na gaya niya.

The URI to TrackBack this entry is: http://homebodyhubby.wordpress.com/2008/08/26/putok-sa-buho/trackback/

RSS feed for comments on this post.

10 CommentsLeave a comment

  1. Related post about abortion:

    “The 17-day mother”

    or you may go directly to and watch this powerpoint show:

    A letter from an unborn baby

  2. mahusay po tlaga ang post na ito!
    meron akong kakilalang isang taong napaka-close sa puso ko… although gamit niya ang apelyido ng tatay niyang nagkaron na ng pamilya bago sila ng nanay niya.

    ndi mo siya mariringgan ng hinanakit sa tatay niya kahit pa maituturing pa rin siyang illegitimate dahil nga sa ndi naman kasal ang nanay at tatay niya. un ay dahil nga kasal na sa unang asawa ang ama niya. ang tatay niya mahal na mahal niya dahil ndi nagkulang sa kanila at hanggang sa namatay ang ama niya nasa piling pa rin nila ito.

    bilib talaga ako sa kanya!

    gumawa naman po ikaw ng entry about ‘abortion’… :D

    ————————————————

    HBH: Samakatuwid, sa pangalawang asawa (at anak nya dito) nag-stay si lalaki? :roll: Hmm… palagay ko, lalo na kung hindi naman masyadong ‘maramdamin’ itong kakilala mo, ay hindi gaanong mabigat ang sitwasyon nya.

    Sa mga kilala kong lalaki na may pangalawang asawa, mas nakahihigit ang bilang ng mga pumiling pumisan sa ‘bagong pamilya’ kaysa duon sa ‘legal’ na asawa – at bihira lang dito
    ang mga kaso na ang anak ay nagkimkim ng galit sa ama
    dahil lang sa rasong ‘illegitimate’ sya.

    Mabigat para sa isang illegitimate ang pagiging bastardo,
    higit na mabigat yung hindi ‘inangkin’ o kaya’y inabandona.

    Matindi rin ang kaso ng anak na inabandona ng tatay nya
    ang kanyang ina (at siya) , maski pa ito ang legal na asawa.

    Mas lalong matindi ang struggle kung ‘illegitimate’ na nga, inabandona pa. Dagdag pa yung hindi na nga nakapiling si ama, hindi pa nakaranas ng pag-aaruga at pagmamahal mula sa nanay nyang pinag-iwanan sa kanya… Karaniwan sa kanila sa lola napupunta (pano ang ina, nagbubuhay-dalaga) , lolang (minsan) sa halip makaunawa ay lalo pang naisusunganga sa bata (even unintentionally) ang kapalpakan ng tatay at nanay nya.

    Ibang usapan pa yung parehong iniwan ng kanyang ama at ina na sumama sa kanya-kanyang pangalawang asawa.

    Yung kaso ng kakilala mo, o yung sitwasyon na nabanggit ko dyan sa 2nd paragraph nitong reply ko – hindi ko sure kung bakit nagde-decide na sa pangalawa sumama si lalaki.
    Tatlo ang nakita kong una at karaniwang dahilan:

    • Mas “compatible”(?) si lalaki sa pangalawang asawa nya,
    at yung una ay itinuring nyang pagkakamali.
    • Mas matapang si number 2 kaysa kay misis, or die-hard
    sa pananakot at pang-e-emotional blackmail kay lalaki, kaya ‘para wala na lang gulo’ – iwan na lang si misis at pumisan na lang kay number 2.
    • Napagtanto ni lalaki na mas marami pang masasaktan
    kung iiwan ang pangalawang pamilya at babalik duon sa una. “Mas bata pa ang mga anak ko dito,” eka siguro nya sa una… “kayo naman ang legal at mas matatanda na para makaunawa.”

    Wateber na rason, malalim o mababaw man, mga anak ang
    mas nasasaktan… mga anak na kung hindi malalagpasan ang struggle ay posibleng sumunod sa yapak ng mga nauna sa kanya.

    In the end, maski ano pa ang nakaraan nya, syang may katawan ang magiging accountable sa kahihinatnan ng kinabukasan nya.

    Mapalad yung kakilala mo, kapiling si tatay nya hanggang sa huling sandali. I hope (am sure) naging maunawain din yung mga legitimate na anak sa unang asawa.

    Abortion? :roll: …nyay! :P Hamo pag naisipan ko, ahehe.

  3. great post like the way you comcined yung reality at yung mga nasa bible
    i like it superb and post na ito

    ————————————————

    HBH: Salamat, bluedreamer. :)

  4. O, please, remember me. It’s me.

    ————————————————

    HBH: Of course, I always do. ;)
    Cliché na itong question, but I mean it: “Kumusta ka na?”

    Gagamit lang sandali si misis ko ng PC, balikan ko uli mamaya ang site mo.

  5. … mga unang nakilala nung ako’y inosente pa (sa blogging)…

    ————————————————

    HBH: How can I forget my very first commentor?

  6. ngayon ko lang nalaman yung meaning nung bastard na yun. Na gi guilty ako kase nagmumura ko pag sobrang galit ako.. :( Yun lang yung dapat ko nang maiwasan..

    Meron akong kakilalang ganun. pinapakita nya madalas na masaya sya na okay lang yung lahat sa kanya. Tapos nung recollection dun ko lang nalaman na halos ipagtabuyan na daw sya lagi ng step mom nya at lagi pa syang sinasaktan hanggang ngayon kasi nga anak sya ng daddy nya sa ibang babae..

    Pero hanga ako sa kanya kasi hindi masama yung loob nya sa parents nya kahit pa dun sa step mom nya. Sabi niya pa, palagi naman daw niya pinapatawag yung stepmom nya sa twing nakakarinig sya ng hindi maganda dito..

    ————————————————

    Kuya Teddy Bear: Technically speaking, “bastard” ang batang ipinanganak sa panahong hindi pa married ang kanyang mga magulang. “Anak sa labas” kasi born outside of marriage. Kaya maski sa unang naging karelasyong babae pa nya nagkaanak ang isang lalaki, kung hindi sila kasal, “bastard” din. Malimit na case ay sa mga mistress ng mga lalaking married na naiaanak sila.

    Ansakit pakinggan kasi may halong panlilibak… :( – illegitimate or “love child” kung iyu-euphemize.

    Grabe naman yung step-mother niya ano? Pero maganda yung attitude ng kakilala mo; sana magpakatatag pa sya hanggang sa maging independent na sya… pasasaan ba’t matatauhan din ang step-mom niya.

  7. [...] Ang tatay ko ay ipinanganak ng August 26, pero mas maniwala pa ako sa “mana” o yung pagpasa ng genetic traits ng magulang sa kanyang anak, kaysa sa epekto sa tao ng mga kilos ng bituin at planeta na yan. (Pero syempre mas malaki ang impact ng kung papaano pinalaki). Ang mommy ko na lang halimbawa (September 10) – hindi naman sya kaparis kong grabe ang ‘saltik.’ [...]

  8. [...] • Estudyanteng matalino – nitamad mag-aral nang mapagtantong siya’y ampon o putok sa buho. [...]

  9. [...] Finally, eto na nga: August 19, ang araw na sine-celebrate namin bilang kaarawan ng aking ama,
    nuong nabubuhay pa sya. [...]

    August 19 ang naitala sa birth certificate nya,
    sa halip na August 26.

  10. [...] Sapul pa nuon, “laban” ko na ITO [...]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: