iks!

Mukang bangkay,

mubangon sa hukay!

“Iba’t-‘bang-kays”… Iba’t-ibang cases ng ‘akakadyahing iksena tuwing may burol at libing; pero dahil iginagalang natin ang solemnity ng okasyon at damdamin ng mga namatayan e pinalalagpas lang at di na pinapansin.

Hindi naman siguro masamang pag-usapan ito ngayon. Iba kasi ang atmosphere pag ganitong undas: masaya’t maingay — hindi tulad ng sitwasyon pag mismong araw ng pagkamatay & d’ neks mournings.

————————————————————————————————

i“K”s

1.Nakaburol si lalaki. Para i-comfort ang nabyuda, kinantahan ng mga kaopisina ng Kaibigan na pinasikat ng Apo Hiking Society:

“Kaibigan… Tila yata matamlay ang iyong pakiramdam…” ♫

Palibhasa hindi muna prinaktis o nirebyu nitong mga songers ang kanta, wala nang bumigkas ng lyrics pagdating dun sa linyang —

“Limutin sya, limutin sya… humanap ng ibaaaaa!!!” ♫

Isa pang case, narinig ko lang ito ↓ sa isang sermon.

2.Isang ale, dahil sa tindi ng kapighatian sa asawang namatay e sumigaw nang pagkalakas-lakas nung libing:

P_____-i__ mo, Loooord! (Minura nya ang Diyos? 8O )

Ang mga nakiramay, imbis na maiyak ay nagtakip na lang ng pamaypay o payong sa kanilang mukha dahil di-mapigil ang impit na pagtawa.

Eto pa ↓ … lalake uli ang ililibing (Ba’t ba prating mister ang teggy?)

3.Eka nung byuda:

Barakulyo, asawa ko… Ba’t moko iniwan?
Isama mo na ‘kooo!!!

Sa kapapadyak e nadulas at nahulog sa hukay.

Ekkk! Sino tumulak sakin? — Iahon nyo ko dito!

Ahe, NAPANUOD ko lang sa sine nung bata pa ako.

Anader one ↓ …

4.Namatay ang isang son-in-law. Eka nung byenan:

Bakit ikaw pa ang namatay!? Hu hu hu hu!

Para bang sinasabing:

“Bakit hindi na lang yung isa kong manugang?”

Meron pa ↓ … napuntahan ko nuon (hindi pa ako ‘gaanong’ Christian).

5.Sabi nung isang dalagang anak ng matandang lalaking namatay:

Lagpas-lagpasan na nga tatay ko sa langit dahil nagsisimba syang pareho sa protestante at katoliko!

Pinakikiramdaman ko kung ano’ng sasabihin ng asawa ng christian pastor na isa sa mga kausap. As expected, tumango lang ito at wala nang sinabi… Alangan namang kontrahin nya yun at that moment. Wala sya sa teritoryo nya. Baka pag sinabi nya ang plan of Salvation e maghihiyaw yung anak:

“How dare you to say na nasa hell ang tatay ko!?” :mad:

Kung nagkataon, si pastora ang magiging kahiya-hiya sa madla. Yeis! Wrong-timing and inappropriate! Obyusli, pinapaglubag-loob lang ng anak ang sarili na sa langit napunta ang tatay nya.
Kung ang anak nga ng isang menace sa lipunan e pedeng magsabi ng “Kahit drug-pusher ang papa ko, mabuti syang ama sa amin,”
iyan pa kayang anak ng tatay na uber-relihiyoso?

Wawa naman yung bata kung ipamumukha mo sa kanyang nasa impyerno ang papa nya, di ba? At malay mo ba kung sa huling sandali bago ito nabaril at nalagutan ng hininga ay “nakapagsisi” na pala?
Sa pelikula nga lang ba pedeng mangyari ito? Wis, tignan mo → dito.

Common senaryo ito ↓ — mahaba-haba dahil kumpleto mula paghihingalo. Ewan ko kung nakapanuod na din kayo ng ganito.

6.Pag namatay ang isang matanda nang magulang, nagmamanifest sa mga lamay o libing ang pasiklaban ng magkakapatid NA MAY* rivalry o inggitan. Bawat isa ay nagpipilit patunayan na sya ang mabuting anak, at pagtakpan ang kani-kanyang guilty feelings at pagkukulang… (Sometimes di rin mawawala riyan yung mga pumapapel na asa-asawa nireng magkakapatid, na bawat isa rin e gustong maparangalan na sya ang pinakamabait at pinakaulirang MANUGANG. :lol: )

* Malinaw yan ha? HINDI ko sinasabing lahat ng magkakapatid ay ganito —

yun laang “may rivalry at inggitan”. :)

Sitenta-anyos + na ang old man, naka-confine sa ospital… Ang mga anak nya, hiwa-hiwalay ng kinaroroonan, merong mga nasa abroad at merong mga nasa Pilipinas.

Sino inaasahang gagastos sa ospital? Empre, yung mga may pera (DAW) na nasa abroad… Sino naman ang inaasahan na magbabantay? Opkurs itong mga nasa Pilipinas. Wala kang mai-share na pera, derpor ikaw ang mag-alaga! W’eno ba kung mas panganay ka sa’kin?

Pag matanda na, tapos may sakit pa (mamamatay na), syempre masungit; what more kung nagdidiliryo at may mga unconfessed sins, or kahit nakapagsisi at napatawad na e di pa mapatawad ang sarile? Itong pobreng anak na nagbabantay ang escape-goat at shock-absorber — nariyang alimurahin sya, o kaya tuktukin ng arinola.

Ulang‘ya ka, dahil sayo nasaid ang kabuhayan naten!

Sa mga anak mo lang nauubos ang pensyon ko!

Binigyan mo ako ng sama-ng-loob, hindi si Procopiong ‘manok ko’ ang nipangasawa mo!

Imagine the feeling pag nachugi na nga itong magulang? Guiltyng-guilty siguro itong anak na domestik dahil wala na nga syang naiambag sa gastusin e lumalabas na parang nagkulang pa sya sa pagbabantay at pag-aalaga.

Tutulog-tulog ka kase! eka siguro nung mga shufatids na dumating galing abrod para makipaglamay at makipaglibeng.

Etong drama nung libing:

Iyakan lahat, MAPWERA yung domestik caregiver dahil nasaid na nga ang luha nang kaiiyak sa pagbabantay sa ospital; tapos, napuyat pa nang kae-entertain sa mga nakiki-kape’t-tinapay for 7 days na lamay…

Nguynguyan, at nguynguyan pa… :cry:
“Paypayan nyo, baka himatayin!”

Okey, naihugos ang kabaong sa hukay, nitabunan, natapos ang nguynguyan… Paalis na ang lahat — mga namatayan at nakipaglibing, maliban sa anak na ito na tila nakatingin sa kawalan…

Wala na si Pudang? (primero, pabulong) …
Wala na nga si Pudang!?

Wala na si Pudaaaang! …ngaaal—ngalngalngalngalngalngal!!!

Di pa nakakalayo, biglang about face ang tingin ng people →
(Nakatingala: alam nyo naman ang ilang sentemeryo sa probinsya: nasa itaas ng hill o “burol”) — Para syang naka-spotlight sa isang entablado. Hanep sa timing.

————————————————————————————————

Hindi ba tayo pede magluksa nang natural? Baka lang ekako OA na yan? Minsan kase, sinasamantala pa natin ang ganitong mga sitwasyon para ‘magpa-awa’? … Kayo rin… pagkababang-luksa — baka ayaw nyo nang maalala pa yan.

Kayo namang maysakit na naghihingalo: next time, huwag nyo nang kinukunsensya pang lalo ang mga nag-aalaga senyo.

:? :roll: Nekstaym?

♫ Talulwa taming kambing,

Ta pultagoryo po nanggaling! ♫

Hindi pa nagtatapos dyan. Taun-taon, tuwing undas o berdey ng namatay, walang-palya kung magpaputi ng nitso kunsensya… Ekyusmi, mga ateng at mga kuyang — mukang guilty ka nga? … Wala ang guilt sa kung takot ka o hindi sa abo o multo ng namayapang tatay at nanay mo.

Brothers, we do not want you to be ignorant about those who fall asleep, or to grieve like the rest of men, who have no hope.

1 Thessalonians 4:13

————————————————————————————————

Nag-link ako ng six posts, isa kada year ng undas celebration…
Iba’t-bang “Kun”s — teyk ur piks:

1. Kun types u ng bugtong —————→ on births & deaths

2. Kun types u magbasa ng komiks —→ finish line

3. Kun types u ng politikal joke ———→ solstok

4. Kun types u ng kilabots na wentu kabet-kabet

5. Kun types u ng anlufet na sermon dedtrit

6. Kun types u mag-wait, kasi tomoro pa labas nito → insurance

[ Display all → undas posts ]

Published in: on 1 November 2012 at 6:00 am  Leave a Comment  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: http://homebodyhubby.wordpress.com/2012/11/01/iks/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: