wayndo

Sa patag home,
nakaharap ang bintana sa kanluran.

4th floor, 12/22/2012, pasado alas-nuwebe ng gabi:
Napamulat ang aantok-antok kong mata nung sumilip ako sa bintana. 8O May nakita akong “UFOs”. Tinawag ko si misis para ipakita sa kanya ang spectacular sight.

May peryahan kasi sa likod namin tuwing buwan ng Disyembre,
at nagkataong mababa ang ulap nung gabing iyon… Parang faint spotlights na tumatalbog sa ‘langit’ ang mga ilaw mula sa umiikot na mga rides.
Sinubukan kong kunan ng celfoncam, pero dahil madilim e walang lumitaw.

Magtutok ka ng dalawa o tatlong lowbatt na flashlights sa kisame ng bahay mo (naka-off ang houselights), taz paikut-ikutin mo — ganun ang hitsura… Mas maganda pa itong nakita namin, dahil parang nasa loob o ibabaw ng translucent clouds ang mga liwanag na tila naghahabulan.

————————————————————————————————

Since September 2012, ibinalik na namin ang kama sa dati nitong pwesto — malapit sa bintana. Kitang-kita ang mga bituin sa gabi kahit kami’y nakahiga; at kapag may buwan (Awooooooo!), para kaming naliligo sa moonlight habang… natutulog. [ Fly me to the moon, and let the moon fly over me… ♫ ]

————————————————————————————————

Ito ang ilan pa sa mga di-sinasadyang nakita namin last month (Dec 2012):

*Dec 07. Nagising ako ng madaling araw, sunod-sunod ang nakita kong ‘falling stars’. Kinunsulta ko ang aking old research notes… Tama ang hinala ko: periodic (annual) meteors showersGeminids: Dec 7-15, extreme limits Dec 14, maximum shower strength, strong.

*Dec 23. Kinahatinggabihan ng ↑ UFO sightings :lol: — nagising naman si misis at “parang anlapit daw ng tala at mga bituin” eka sa akin. “Klaro,” ang ibig nyang sabihin, dahil wala naman nang ilalapit pa ang stars & planets… Then, naalimpungatan sya around 5:00 am dahil wala na raw syang makita kahit isa na parang lahat e nabura! :roll: Bumalik kasi yung mga ulap (nalimutan nilang magpaulan), taz umambon.

*Dec 24. Dalawang magkasunod na jetliner ang napansin kong dumaan sa dakong kalayuan. Southward bound, wala pang 5 minutes ang pagitan. Kung napagtripan kong magbilang ng eroplano, hindi lang siguro sampu ang dumaan dito — domestic or international flights. Krismas bisperas, derpor holideyras.

Btw: Gayt ang post ko last new old year; This new year, “wayndo” naman.

————————————————————————————————

Sa hayland home, nakaharap ang bintana sa silangan.
Ang tanawing yan sa bandang kalayuan ay kinunan ko mula sa window
ng aming ismol bahay-bahayan.

————————————————————————————————

Like all my December 2012 posts, auto-published ang entryng ito
(walang ganitong feature ang fb): Sinulat ko at ipinost bago kami umakyat nung Dec 30, pero lalabas as scheduled on 01 Jan 2013.

Nangako ako kina neybor na duon kami magnu-new year.

Wala akong time mag-internet pag nasa bundok.

Saka na ang hayland kronikol, pagbaba ko…
Maligayang pagbubukas ng taon sa inyong lahat!

Hayland kronikol ( PAGE 2 )

Pages: 1 2

Published in: on 1 January 2013 at 5:00 am  Leave a Comment  
Tags: , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: http://homebodyhubby.wordpress.com/2013/01/01/wayndo/trackback/

RSS feed for comments on this post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: