kabinet

jeniffers-award-2k9-badge

Yung dating content ng page na ito, dito ko inilipat Homepage and index. Kaya yang first 21 comments dyan sa ibaba (before mine with sunflower avatar) ay mga puna sa pahinang iyon — mula sa linyang Isang kwentong-Daga, pababa. Kung gusto nyong mag-comment sa page na yun, dito nyo na rin ilagay. Front page kasi yun, para hindi sya masyadong humaba.

Dito ko rin naisip ilagay ang isang personal award na tinanggap ko mula sa ka-blog kong si ‘RJ’ ng Chook-minder’s Quill.

Gusto ko sanang ipasa pa sa iba ito, pero hangga’t hindi ko mai-embed sa wordpress ang original na animated plaque nito, hindi muna. Screen shot lang kasi ito… Sayang din, kasi maganda sya, di ba?

Eto pa… More blog awards from Milton of bluedreamer’s TOP 5!

bluedreamers-award-goldcup-2009

Hindi ko isinama sa page na ito ang mga tags at awards for a specific post, naruon sila sa kanya-kanyang post under “TAGo sa lungga” subcategory.

best-follower-award-by-3-bp-blogspot-com

Click ↑ icon

Nakatuwaan kong maglagay din dito ng blog-rating chorvahs.

blog readability test

[ I don’t know why their website suddenly became unavailable... Anyway, this is my readability rating as of November 2008 ] :

Tutuo ba ito? (Sana!) Kung may mga blog kayo na magkakaiba ang platform (blogspot, wordpress, etc) at provided na almost pareho lang ang content at style ng writing nyo, bakit hindi nyo subukang i-rate pareho? Obyusli, purong ingles na blog lang ang kaya nitong i-rate with accuracy.

Sabagay, worth using din naman as a hint to readers; or sort of katuwaan kung ibig nyo. Kaya lang huwag naman komo “genius” ang rating nyo ay saka nyo lang idi-display, pag “elementary” ay hindi na. :lol: You are writing to make an impression nyan — not to express or make yourself understood.

Kung ito nga ang talagang readability (and understandability?) ng blog ko, ay maigi! — samakatuwid madaling maintindihan ang mga sinasabi ko dito. :D

Eto pa…

May mga adult words akong ginamit dito a!? Walang kwentang kwento post categories… (Ahehe, ano ba talaga, kuya?) Kaya nga eka ko na lang parati sa mga parents or guardians:

“Always be there with the KIDS!”

———————————————————————————–

One lost soul in a world full of people

Looking for something to cling on to

A missing piece to make me whole

To find a friend, one that is true

And as I travel a less acquainted path

I stumbled on a safety raft

Buoyed up my sinking faith

Realized it is never too late

Words are good but not enough

Action more than intention is really tough

Thank you for bridging the gap

I’m so thankful I lost my map

———————————————————————————–

Back to INDEX

Published on 20 September 2007 at 11:02 am  Comments (32)  

32 CommentsLeave a comment

  1. ayos ‘to ah hehe

    ibang klase ka talaga! isa kang alamat!! hehe

    kukunin kita pag may wedding coverage, ikaw ang photographer basta ung couple kukunan mo ha wag yung mga animals, khit ung mga mukang animals ok na…hehe

    Tito Robert :cool: : oldataym!
    Kabilang na kayo sa aking libo-libong DAGA-hanga!
    Humayo kayo at ipahayag ang makabagong alamat… :lol:
    Hey, yo! …yes yes yo! ‘musta na, mga pamangkin? ;)

  2. Sayang, di natin nagawan ng video si bitoy.

    Tito Arleen :cool:: Oo nga… medyo poor pa kasi sya noon, inunang ipundar ang “mansyon ng daga” (he, he, he!)… :lol: Musta na ba DV production natin d’yan?
    Si BJ nagvi-video edit na rin, nakahiligan din lang.
    Kumusta na, mga nephews and nieces ko dyan…? ;)

  3. ASTIG!!! the best website i’ve ever seen…. ang lupet tlga….

    Tito Arleen :cool:: Ahahuy…! Haw r yu my niece!
    Very happy :D :D ako napadaan ka! …’Musta na erpats at ermats mo dyan, regards sa kanila!

    Pero wetaminit… si gladys ka nga ba talaga? :roll:
    Hirap nitong malabo na mata. kase parang kay shirmaine
    ung e-mail add mo eh… Pero donk yu wori iha, ako lang ang nakakakita. ;) Regards also sa kapatid mo my other niece der! (or nieces kung si gladys ka)

  4. You have a very interesting blog. Type ng mga bata yung photos ng hamsters!

    homebodyhubby: salamat sa pagtugon mo kabayan! nakita ko kasi sa tag surfer ko yung wordpress blog mo. natutuwa ako at hindi lang pala ako ang Pinoy sa wordpress na nagpo-post ng mga tungkol sa alaga nila.
    salamat naman at napangiti ko ang mga anak mo sa mga photos ng mga hamster ko :D mga “youth” talaga ang nasa isip ko sa pag-post ng mga litrato. yung mga write-ups naman e siguro tama na sa mga “gayut” nang tulad ko :D
    thank you ulit. sana manalo si “ngiaw” mo sa talent contest ano? :)

  5. You’ve got some really cute shots of your hamsters. I wish mine were that photogenic, but they rarely sit still for even a moment once I take them out to play.

    homebodyhubby: hello! thanks for accepting my invitation. :) well… i think all hamsters are photogenic. but taking a shot of these very fast ‘critters’ really takes a lot of practice! :D

  6. Ayyy ang cute ng hamsters! Meron ka ferret? Gusto ko ferret kaso may rainforest na ako! Di kaya kainin ng mga ibon ko ferret? O vice versa? Nice blog! Nangiti ako! :)

    homebodyhubby: hi! …and thanks! :)
    maganda yang ferret! parang squirrel yan diba? …kaya lang me nabibili ba nyan dito sa ‘Pinas? parrot lang ang alam kong meron dine. :lol:
    yang birds okey din. kung me malawak na bakuran lang ako, malamang magre-rainforest din ako. kaso mo naka-rent lang ako sa 4th floor ng isang building kaya hamsters lang alaga ko hehe …pag nakalipat na siguro kami ni misis ng Baguio.
    sa ngayon kuntento muna ako sa isang birdhouse malapit sa bintana ko. ;)

  7. wow… bow ako sa effort mo, kapatid, to maintain this blog… this paean to your hamster pets (past, present and future) :-) asteeg!

    homebodyhubby: oo brod. ahehe.
    musmos pa ko hilig ko na ang pets …nakatandaan? :lol:
    inggit talaga ako pare dun sa piktyurs ng 3 dekada mo. :cool: tomoro mag-post din ako.

  8. bro, pakiupdate ng link ko..hindi na kalyeventesiyete..jecklly27.wordpress.com na..thanks.. :D

    homebodyhubby: hello bro. kaa-update ko lang pero sa WP application form ng blog ako dinadala.

    okey na parekoy. nakaka-link na ko uli. :)

  9. ganda ng kuha ni sleeping arrow. chenes, ang tututyal talga ng mga daga mo :D di k p b nag pa publish ng kalendaryo ng mga pix nila? oorder ako :D

    homebodyhubby: hmmm… kalendaryo :roll:
    honga ‘no! 8O ba’t indi ko agad naisip yun!? baka yumaman pa ‘ko haha.

    hamo turuan ko munang mag-pose nang kaparis nina
    angelica panganiban at katrina halili. :lol:

  10. oist serious ako ha, y dont u try 2 consider it, ako nga lagi nabili ng kalendaryo ng aso’t pusa, mamahal kaya,kaso ang ku kyuuutt kaya ok lang (ang totoo mga june ko na binibili yun :D ). eh di nmn papahuli mga kuha mo dun. kala ko nga nung una mga japeks pix mo at nipulot mo lang eh

    homebodyhubby: hehe. sabagay kung kalendaryo din lang, kaya ko rin mag-design at layout. dating trabaho ko rin ang desktop publishing.

    pero sa tutuo lang hindi pa ‘ko masyado satisfied sa kuha ng mga alaga ko. kadudugyot na ng mga balahibo lalo na yung mga long-haired boys kasi 5th to 7th generation inbred na sila… magkakamag-anak.

    kung makita mo yung hamsters ng mga “klasmeyts” ko sa flickr. kasi mostly hybrid yun. binibili nila para alagaan lang. bihira ang nagpapaanak.

    hindi ko naman ikinahihiya sa kanila ang mga alaga ko.
    kaya lang photogenically speaking hindi pa masyado qualified sa kalendaryo mga daga kong mahal. hehe. siguro try ko bumili later ng asawa yung mga binata hamster ko para hindi nila kamag-anak. para magka-anak ng magaganda balahibo.

  11. hmmnn cge na nga kaw bhala, pero one last hirit :D
    self critical ka lng kc maalam ka sa hmasters,pero kaming mga taga “ang kyuuuuttt” laang ( na usually bumibili) eh yung candidness ng shot yung nakikita namen. wel, cge gudlak sa future models mo ;)

    homebodyhubby: oo nga… kasi marami din nagsasabi basta sa trabaho metikoloso ako.

    pero hamo subukan ko din improve pa nang konti shot ko para maitago yung genetic flaws at ma-enhance naman yung candidness sa pagkuha ko. ;) tenkyu…

  12. kuya.. daan ka po sa blog ko.. na-tag kita!!!! :-D

    homebodyhubby: hehe, basyang, kita ko na yung tag mo sakin — three times na ako na-tag ng ganuon, :lol: sabay-sabay ko lang sinagot… eto o:

    Triple-tripleng-bente :P

    sya pa rin ang recent post ko ngayon.

  13. Cool the mouse…

    homebodyhubby: thanks for the visit. :)

  14. astig ka po tlga tito… xa nga po pla, we miss you all na… sna po mgkta-kta na ult tau.. kmusta na po kau ni tita?

    Tito Arleen :cool:: Hehehe… pag biglang napauwi uli si Tito R
    at Kuya Oald mo, baka wala na naman akong lusot para hindi tayo uli mamundok! :D

    Okey lang kami ni Tita mo dito — magboypren pa rin! :P
    Kayo dyan, naibibida ng Lola nyo pag pumupunta sya dito — sama-sama daw kayo sa GCF satellite church dyan… Pagpatuloy lang! ;)

  15. haha.. tito, nbsa ko po ung response msg nyo dun sqa una kong comment, opo, ako po si gladys, pmangkin nyo, what a co-incidence nga po kc nagkapareho pa e-add nmin ni ate shirmaine, eto na po ung bago.

    Tito Arleen :cool:: Yung comment sa itaas? :roll: oo nga…
    Itong bagong e-mail add mo oks lang, ako lang nakakakita. :)

  16. yup.. vry blessed nga po kc at least, mdyo ngbbgo n c daddy…
    sna po m2loy ung pg-uwi nila tito raymond and kuya roald pra po hiking ulit tau noh… ang saya nnman ntin for sure…excited na ko…sna ms mrmi n po tau…

    Tito Arleen :cool:: Ahehe, hindi ko kasi basta maiwan
    itong mga hamsters ko, kelangan maiwan si tita mo dito… Sabagay, willing naman sya, dahil hindi naman mahilig mag-hike. :)

    Just in case, i hope wala na yung mga ‘holdaper’ (?)
    na naka- bonete sa makiling… Last time kasi ‘isinara’ ang paakyat ng rainforest park at mudspring kaya hanggang national arts center lang tayo — walang thrill :(
    At yung sa dampalit, medyo bitin?

  17. Oo nga po, sna po wla n po ung issue about sa mga “holdaper” n un pra ms msya ang hiking ntin and pra ms mlayo ung mrating ntin.. sna hnggang peak 2 n tyo po nxt time…bitin last time po eh pro mgnda rn nman po sa art center. tska nga po pla tito, sna nxt time, mgswimming tau dun sa resort na nkita ntin no po?…
    Ingat po kau lgi.. pki-kmuzta nlang po kmi ky tita choi… God Bless po

    Tito Arleen :cool:: Hehe, sana nga…
    Wala naman ang mga nangho-holdap na yun nung estudyante pa ako… Nag-overnight na nga ako twice sa mudspring nuon — mag-isa lang ako nung 3rd na punta ko, at may kasama nung 4th visit ko… Nung 6th na akyat, may dala pa kaming malaking video — hanggang sa peak 2 na yun.

    Medyo delikado na ngayon, :? kaya ingat kayo…
    Huwag kayo aakyat pag kakaunti kayo, mahirap na.
    Tama ka, dapat mas marami — mga 20 :D at mas maigi kung may matanda o matured na, or kilala sa UPLB campus…

    Nung estudyante ako may nabalitang magsyota na nagde-date na pinatay nuon, ni-rape pa yung babae — sa flat rocks o sa forestry botanical garden pa lang yun. :(

    God bless din, :) at regards na lang dyan…

  18. takot ako sa daga.. nakakatakot kaya ung mga mata nila.. minsan pag nakaka eye to eye contact ko sila, parang gusto nila akong i-laser gamit yung mata nila. yay. katakot. mas gusto ko pang i-pet yung mga oktopuuuuuus… o kaya squid.. hehehe.. xD ayos toh ah.. buti buhay pa mga hamster mu.. pag lumaki lutuin mu na. hahaha. yikees. haha!

    ————————————————

    HBH: Lutuin? :roll: huhuhu… :cry: ay, anlupit mo pala … mas bagay nga sayo ang “Bato, bato, pik!” kaysa “Pik, pik bato?” – kasi maski girl ka, dobol-dobol stone-hearted ka (jokes).
    Hindi ‘no? Hindi ko pede luto mga anak ko. :lol: Ankulit ‘no?

    May naging bisita na rin ako dito nuon na takot sa daga, pakilala ko sayo:

    Daga-phobic na chick

    Dito naman, may machong mama na takot sa daga:

    Ayyy, dagaaaa!!!

    In peyrnes, mas kayut naman ang mga hamsters kaysa sa mga tutuong gada – wala pa silang mga buntot. :P

  19. ang husay naman! sayang lang at sumakabilang buhay na si Beria… salamat nga po pala sa pagsilip din sa aking balay!

    pwedeng pahingi ng hamster hahahaha.. joke lang parang takot yata ako jan.

    ————————————————

    HBH: ‘alang kaso yun… :)
    Medyo ‘creepy’ din kasi ang dating ng mga hamsters dahil identified sila with vermin. Pero pag nasanay ka sa kanila, mapatunayan mong kyut at napaka-harmless nila. :P

    So far, hindi pa naman sila nag-o-over-populate para maging rodent pests tulad nung mga rabbits nuon sa western countries (and even Australia yata?) . Sa ngayon, useful ang hamsters as laboratory animals… and pets.

  20. Hi
    Nice site!

    G’night

    ————————————————

    HBH: Hello and thank you! And a pleasant evening too! :)

  21. Hi!
    My name is Jessika!

    ————————————————

    HBH: Ooh, what a lovely name! :D Mine’s Robert. ;)

  22. “About this blog” content of this page,
    transferred here → Homepage and index

    [go back to top of page] ▲

  23. so cute!!!!

    ————————————————

    HBH: Thank you!!!! :oops:

  24. dropped by again. good evening :) tc!

    tahnk you for visiitng my blog :)

    ————————————————

    HBH: You are welcome… :)
    Thanks din.

  25. senxa na tito robs, naks! now lng me nkapsok ulit d2, dumadme na daga mo ha at mga daga-hanga hehe gnda nng pic ni arrow, nice shot…=) mgaalaga dn ako ng hayop pro iniicip ko pa kng ano mhirap kcng alagaan ang babae eh hahaha lalake nlng kya hmmm…hehe

    gus2 ko sna langgam eh gya nung kay kevin dti e kso naapakan ko sobrang liit kc eh.wahehe tutubi nlng cguro o kya alitaptap, ikaw ang photographer ha, gus2 ko nkaupo dn pagkinunan gya ni arrow..hehe! toinks! =)

    Tito Obot :cool: : Nyay! 8O Lalakwe?
    Ahaaayyyy, charot ka manay! :lol: Apir!

    Seryus:
    Nag-alaga nga pala ng guyam si Kev nuon ano?
    Buti na lang hindi termayts inalagaan nya –
    yung nakatira sa nuno sa punso? ◄ (click mo iyan)
    Delikado maapakan yun – agagalit a dwende ◄ (click ule) eheh
    Ako nun, nanuno na ► Nung hayskul pa si Tito Robert

    Si Dominic, nag-alaga ng linta nuon, ang ipinakakain nya mga butete (children of the kokaks) – tutuo yan, nikwento nya lang ito sa akin:
    Hinahalo nya yung tubig sa garapon kung saan naroon
    yung linta at butete. Mahihilo yung mga butete kaya hindi na makakatakbo — eheste, makakalangoy pala, kasi wala pa sila mga paa. Pag nakana daw sila ng linta, balat na lang ang natitira – parang nasipsip ng aliens?

    Anhirap kayang magpa-upo ng hamster, umaalis agad.* :roll:
    Alam ko na, BJ — Pagong na lang! O kaya garapata – kasi
    pag napahiga yun, hindi na makatayo! :lol:

    ‘Musta na lang kay Kev… saka sa mga nandyan ngayon — kay
    Lola, Tita Nene, at Tito Ding. ;) Merry Christmas! :D :D

    * tinginin mo IyoTubo ko dito ► Dagang ayaw maupo

  26. hehe dapat inistapler mo ung daga pra mapirming nkaupo, di ako nkapunta sa kasal ni dominic ah sbihin mo ung gft ko na bahay at lupa gngwa pa sa sobrang laki ung mga apo na nung mga trabahador ko ung gumgawa haha!! tsaka my tauhan na akong pinadala sa ibang planeta napagalaman kc na my planetang pra sa daga lamang pro hnggang ngayon ay sinisiyasat pa rin…hehe

    kya pupunta ko sa youth camp pra mag-soulsearch nman hehe anlabo!! =))

    Tito Robert :cool: : Istepler? :roll:
    Ayoko baka istepleren din ako ng ipin nya 8O hehe.
    Daga-ibang planeta yun sinisiyasat nyo —
    daga-Mars o “MAuRSeTIAN” :lol:

    Tagal na grumadweyt ni Dominic… :) di ako nakapunta nuon; pati wedding nila last month, hindi rin ako nakadalo. :oops:

    Ang mansyon ng daga ◄ (click) malapit na siguro matapos. Mga apo na rin ni Bitoy ang gumagawa:
    Ratchitect → Mocha da wiggler
    Foremaus → Wigwam wigglerson
    Mga karpinterodents → Boolaboys Bebong and Berio
    Waterboy → Amboy (tiga-timpla ng kape, saka semento)

    DBD youth camp? Sige attend ka! :D
    Sabi ni Tita Choi, baka pede mo daw sama si Kev.

  27. nawindang na naman ako s ablog mo klasmeyt.hehehe

    ————————————————

    Klasmeyt: Ay üü, medyo babagong lagay ko pa nga lang
    ang page na ito. ;) Yung index, kadadagdag lang din sa itaas
    ng dati nang “homepage.”

  28. huy, maligayang pasko po!

    ————————————————

    HBH: Maligayang pasko din, mareng kengkay! :)

  29. merry krismas! ^_^ salamat sa pakikipagkwentuhan… nawa’y pagpalain tayong lahat ni Batman, este ni Papa Jesus.

    hanggang sa muling pagbubungguan!

    ~Ang May-aKDa…

    ————————————————

    Novo Ecijano: Ngyak! Eto naman si batgirl. → (click) :lol:

    Aheh.. tagal na nga rin indi ko nakakadayo ng hunta sa blog mo; ikaw man dito, eto last silip mo o. → (click uli)

    Hindi ka ba umuuwi senyo, pate?
    Halos magkapit-bayan lang naman tayo :roll: EB kaya tayo?

    Merry christmas din, aKDa! :)

  30. kuya homebodyhubby…misyu po.

    merry christmas.

    magwa-wanyir ku na din po ikaw kilala…

    masaya!GB

    ————————————————

    HBKuya: → (click)
    Merry christmas din, koolai. :) God bless.

  31. Anyways, of all my websites, password dito ang malabo kong makaligtaan. #1 cyber-home ko pa rin itong Blungga.

  32. ano po bah ang english sa butete ??
    ————————————————
    (16 Aug 2010)
    HBH the ‘exorciser’: Asows, gusto mo LANG yata akong bulaga-in dyan sa ni-link mong mukha ni Linda Blair! :lol: Napanuod ko na maski yung unang labas nyan sa sine nung grade VI ako (1974)… Tinanggal ko yung link ha? — Baka may musmos na batang makapindot e hindi makatulog!
    Anyways, madali naman yang tanong mo ay di sagutin ko
    na rin:

    There are 2 kinds of BUTETEs:

    1.Children of the kokaks – “tadpoles” sa ingles… May post ako about kokaks, tinginin mo dito. → Et-et-et ← (niki-click yan, bata)

    2.Buteteng-laot o buteteng-dagat – “puffer fish” sa ingles.
    Eto naman ang post na merong nabanggit na ganyan → Sagwan

    Eto iba’ng sipeling → BUTEKE

    Kilala kita — nakita ko sa subscription, saka bistado sa istilo at IP address mo. :) Neks tym huwag you na gagamit ng pangalan at URL ng iba.
    Balik ka apter nayn deys, may ipo-post akong bago… meanwhile, mahilig ka naman sa horror, eto muna komiks basahin mo. → This is YOUR life.
    ————————————————
    (31 Oct 2010)
    ‘Exorciser’ part 2 (the herector): Undas naman ngayon, pakita na natin sa iba ang ini-linked mo… DITO ↓

    READERS,
    Bago nyo CLICK, PAKIHINA MUNA ANG VOLUME NG PC SPEAKER NYO dahil baka mairita lang kayo… O ano, redi na ba kayo?

    CLICK → Bwehehehehe! :twisted:

    Napaisip ako dyan sa kwento ng Exorcist movie: Paanong nasapian ng demonyo ang katawan nung isang bidang pari? Hindi ba posible lang ang demon-possession sa isang taong walang Kristong umuukupa?

    [ Hintayin mo yung post bukas (01 Nov 2010) ... istok ka ule ha? :lol: ]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: