‘Pinas? Mahirap pa sa daga? …Hindi a!

Pahinga muna ‘ko… birthday ko naman ngayon e. ‘di muna ako magpe-frame o magsa-surf. Nood na lang kaya ako ng Ratatouille? Magtri-three months na yung naipapalabas, ‘di ko pa napapanood! Pwede rin naman palang yumaman ang daga!? Haven’t heard about it yet? It’s too good for the family to miss! Click on this link for a sneak peview: http://disney.go.com/disneypictures/ratatouille/

Pero sa tutuo lang, dito sa amin sa Nueva Ecija, mayayaman at malulusog ang mga daga… yung dagang-bukid ha? Maski nga ang ilang mga farmer dito – maykaya, hindi lang halata.

Hindi naman talagang mahirap ang Pilipinas e… Kung masasabi mang mas MAHIRAP PA SA DAGA ang ibang Pinoy, yun e dahil lang sa maling stewardship natin sa ating mga resources. Kadalasan pa kasi, ang stewardship na tinutukoy ko e nasa kamay ng mga mas ‘nakaaalam’ at mas ‘nakaaangat’ na nanggugulang sa mga ‘ignorante’ o mapag-walang-bahalang mas nakabababa. At ‘di kumpleto yan kung walang nakasingit na ‘alalay’ sa gitna na wala nang ginawa kundi bumulong at sumipsip ke Bosing para maambunan ng ‘biyaya’ ng pananamantala (tsk!tsk!tsk!). Kaya kung ikaw si Bosing, makunsensiya ka naman; kung ikaw naman ang Obrero, gumising ka’t huwag parati na lang nagpapauto… At ikaw na tsutsu ka, huwag kang bolero’t balimbing! (tsk!tsk!tsk! uli) Basta walang bolahan at walang gulangan. Minsan tuloy parang ayoko nang manuod ng balita – natututo lang akong magmura… (bad yun ha!)

O sya, tama na nga muna… araw ko pa naman ngayon.
Thanks to Mame’ (Aling Aida) – today is my real Mother’s day.

Published in: on 18 September 2007 at 7:00 am  Comments (5)  

5 Comments

  1. huy happi berdey ha. eniway.
    hindi nga naman talaga ganun kahirap ang pinas. sa totoo e marami pang bansa diyan ang sobrang nagugutom.
    hay. birthday din pala ni madir. hapi verdey.

  2. hapi bday tol – kamustahin naman daw ang kalagayan ng PINAS. hindi nga talaga mahirap ang PINAS, kasi marami namang mayayaman dito – at saka hindi naman mananatiling “mukhang mahirap” ang bansa nating kung magiging maayos ang sistema ng bawat tao at hindi puro na lang sarili ang inaatupag – GISING!

  3. halu.🙂 napadaan lang at na-curious sa daga.😀 belated happy birthday pala🙂

    homebodyhubby: no problem! daan ka lang parati, marami pang dagang darating…🙄 and thanks for the greeting.😉

  4. Hindi ko pa pala alam kung papaano magre-reply sa comments nuon?😆

    Check this out:

    One year after
    2008 birthday post

  5. […] Sa isang sulok-korner ng mundo, kapuna-puna ang bansang naka-mahigit isangdaang ikot nang malaya ay tila hindi pa rin makaalis sa kinalalagyan (nuyan roedor en una rueda?) Sa loob ng 111 rounds ay nanatili pa rin dehado, hindi malinaw kung ang laban sa kahirapan ay ipapanalo. Bakit ganun!!! Mayaman naman ang Pinas, ‘di ba? […]


Comments are closed.

%d bloggers like this: