Anak – tagapaghango sa kahirapan?

Sem-break na naman… Malamang, para na namang karera ng dagâ sa ‘paghahapit’ ang buhay ngayon ng marami nating mga estudyante. Eh baka naman kasi iba ang inaatupag kapag malayo pa ang bakasyon? Nagsusunog daw ng kilay… Ow? Sigurado kayo?

Meron akong nabasang ‘letter joke’ na gusto kong i-share sa inyo — ito naman eh nasiklot ko lang sa mga e-mail messages na natanggap ng misis ko. Hindi ko na alam kung sino ang maykatha o pinakapuno’t-dulong pinanggalingan nito, pero ihinihingi ko po ng paalam ang paggamit nito dito. Thank you, mam o sir… O ayan ha, hindi ako nag-plagiarize. Alam nyo naman, maski joke lang e dapat me intellectual property (IP) rights na rin. Baka lang ‘ekako hindi nyo pa naririnig o nababasa e me mapulot kayo; makapagmulat man lang sana sa mata ng ating mga anak — at pati na rin sa mga magulang. Eto po:

Dear Anak,….

Musta ka na?… Naipadala ko na ang 50 thousand pesos na pang-tuition fee mo, kasi ipinagbili na namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE ano?.., wala na din pala tayong baboy…. naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N75, ang mahal naman ng project na yun. Kasama na din doon ang 7 thousand na para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA ha!, anak malayo ba yun?? mag-i-ingat ka sa pagbibiyahe mo.

Para sa iba mo pang kailangan sa iyong pag-aaral, plano namin ng itay mo na isasanla namin ang palayan natin para mabili mo na yung instrumentong I-POD na kakailanganin mo sa laboratory nyo.

Anak komportable ka ba dyan sa boarding house mo? maayos ka ba dyan sa VICTORIA COURT na inuupahan mo? – maganda ba dyan? di ba mainit anak sa inuupahan mo?..

Anak…. kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT? napailaw nyo na ba? mataas ba nakuha nyo na grado dun.

Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari-arian natin ay maka gradweyt kana, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL, sana pag gradweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya… para mabawi natin ang mga ari arian nating sa sanglaan.

Ay cya nga pala anak diba sabi mo sa JOLLIBEE / Mc DONALD ka palagi kumakain ok ba naman sa yo ang mga ulam dyan baka hindi masarap kawawa ka naman. Eh yung school bus nyo na TAXI sabihin mo sa driver mag ingat cya sa pag da-drive. Anak hanggang dito na lang at sa susunod ay ipapadala ko sa yo ang pera na pambili mo ng ALTIS na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.

Ang nagmamahal,

Itay at Inay

P.S. Anak mag aral kang mabuti. Ingatan mo katawan mo. Huwag ka muna mag-aasawa. Ikaw lang ang pag-asa namin para mahango tayo sa kahirapan…

Iyan na nga bang sinasabi ko! Paano tayong di mas hihirap pa sa dagâ nyan? Tsk tsk tsk… aynakuanak! Siguradong katakut-takut na palusot at paliwanag na naman ang gagawin mo pag-uwi ngayong bakasyon. Ay, magising ka naman…

Kayo d’yan, ‘nong say n’yo? Mag-comment naman kayooooo!

Okey, maski usapang Pinoy lang ito, here’s a video just added recently after the second comment below was posted. Let us see what Russell Peters has to say about such a thing: *

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2007/10/18/anak-%e2%80%93-tagapaghango-sa-kahirapan/trackback/

RSS feed for comments on this post.

5 CommentsLeave a comment

  1. Aus ah. parang ako lang. hehehe

    Tito Robert😎 : Hey, yo! …‘musta na, pamangkin?
    Mabuti ka namang anak, kayo ni Kuya mo… At hindi lang mabuting anak — uliran ding apo. 😉 Yang pagpi-PC-gaming
    e okey lang naman yan paminsan-minsan basta balanse ang libang at pag-aaral… Naalala mo nuon tayo? Hindi pa uso counter-strike… laro natin “Captain Claw”😆
    (anu yun?🙄 sabi siguro ng iba) hehehe…

    Pinanuod nyo na ba ni Kuya at Tito Ding “horror movie” ko?😯 Ano sabi ni Tita Nene?😆 Papanuorin mo na rin si Lola mo…😀

  2. i remembered a performance by Russell Peters which i think is connected to this. It’s really funny but he got a point.

    Here’s the link of the video:

    Tito Arleen😎: Hahaha… Beat the mother fuckers!
    Yeah… it is Russell Peters’ response to the “white folks'” over-permissiveness. He got a point… there — I posted it
    hehehe… beat the mother fuckers.

    By the way, Ian may blog ka ba?
    Hindi clickable yung name at ‘avatar’ or buddy icon mo dito.

  3. hello mga bro musta na po kayo thanks po sa comment nyo sa blog ko, kala ko ako lang gumagawa ng mga kwentong tagalog sa blog ng wordpress, meron din plang iba..Thanks ha

    homebodyhubby: Walang anuman, sister.🙂
    At salamat din sa tugon na pagbisita.

  4. * Choli poo…😳 matagal na pala indi abeylebol yung video.

  5. […] Pagtapos mong magsunog-kilay
    (paris nito? → “Ansipag mo bata!”)
    grumadweyt ka na rin (yehey!) …………🙄 Now what? […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: