Ang pito-pito at abakadabra ni homebodyhubby

Nangaluluwa ako sa blog ni Kengkay nung undas, ayun ni-tag tuloy ako… yari ako. (sabi ko na, sana nagpunta na lang akong sentemeryo hehehe.)

Instructions: Each player starts with 7 random habits/facts about themselves. People who are tagged need to write on their own blog about their seven things, as well as these rules. At the end of your blog, you need to choose 7 people to get tagged and list their names. Don’t forget to leave them a comment telling them that they have been tagged and to read your blog!

The 7 Facts about Robert (homebodyhubby):

1. ipinaglihi ako ng nanay ko kay Leonardo ‘da Bingchi’, kaya may pagka-artistic ako. artistic, sa tagalog ‘maarte’.

2. metikuloso ako at perpeksyonista dahil naniniwala akong ang perpeksyon ay kung ano ang abot-kaya mong gawin.

3. pag nasa katwiran talagang lumalaban, maski magkahambalusan.

4. madaling kausapin huwag lang kukulit-kulitin.

5. may takot sa Diyos …at kay misis (love ko kasi eh).

6. imbyerna sa mga plastic at masyadong magpa-glamour. dun sa mga ipokrito at mapagmataas na hindi marunong makinig kapag nakikipag-usap dahil ang parating iniintindi ay yung susunod na sasabihin nila. yung mga sarado ang utak, kumbaga.

7. hapi sa piling ng mga taong totoo at mapagpakumbaba. kalimitan naman ang taong mayabang at matapobre ay yung mga mangmang at maraming insecurities sa buhay.

Ang aking abakada:

A – Age: T6 – oo nga’t wala na sa kalendaryo, pero nakasulat pa rin sa BINGO
B – Band Listening To Right Now: Petra (Christian ROCK music) meron ding ROCK ang born-again, ano!
C – Career: sa bahay lang, pa-framing-framing at pakompyu-kompyuter — homebody husband nga e!
D – Drink or Smoke: hindi na pwede… nahihilo ako dahil may vertigo
E and F- Easiest Friends To Talk To: yung hindi binge, marunong makineg, yung walang bara o tulo ang tenga
G – Gummy Bears or Gummy Worms: ano ba ito? sige gummy bears na lang
H – Have a Boyfriend: hindi ‘nooo!!! lalakwe akwoooo…!
I – In love: oldataym basta si misis lang
J- Junk Food You Like: maneng may sili at bawang
K – Kids: wala…!!! hindi kami makabuo ng BATA, kaya nagpaparami na lang ng mga DAGA!
L – Longest Ride Ever: RTR Agusan to Butuan to Lake Mainit to Lipata Surigao to Tagum thru Digos Davao to Midsayap Cotabato walang stop (dyingel lang) — diridiritso (eka nga ni Pacquiao)

– nasan ang M? bakit walang eMMMMMM…!?😡 sinong promotor nitoooo!?
N – Names For Your Future Kids: angkulet… ‘ala na nga e! basahin mo blog ko para malaman mo bawat pangalan ng mga DAGA ko. i-kilik mo ito.

O – One Wish You Have Now: PINOY bati-bati, magkaka-akbay at kilala ang tutuong Kristo na sinasabi sa Bible (koreksyon: hindi ako Iglesia ni K_ _ _ _ _, or “Dumating Doon” ano? at lalong hindi ako miyembro ng maski na anong kulto!)
P – Phobias: ipis na bigla na lang dadapo sa mukha ko sa gabi habang natutulog ako… yaaaiiiiks!!!
Q – Favorite Quote: “Hirit ng busog: dighay (dig-high) sa itaas, utot (dig-low) sa ibaba”. utot yung tinaguriang “mababa ang ubo”… ingat lang kayo mga guys… baka pag-ubo nyo e me sumamang sipon!
R – Reasons To Smile: ang aking misis, ang aking mga ka-DAGA-an, at ang mga ‘walang kapararakang’ pinagsasasabi natin (daw) dito sa mga blog ng WP

S – Sleeping Time: depende sa ingay ng mga DAGA
T – Time You Woke Up: pag nakatindig na si manoy dahil ihing-ihi na ako
U – Unknown Fact About You: dalawa itlog ko… ay ganun ba talaga? malay ko ba? yung akin lang ang nakikita ko eh, hindi akwo bakla anoh!?
V – Vegetable You Hate: wala… laman-tiyan din yan
W – Worst Habit: pangangalabit kay misis sa gabi maski hindi makabuo…😆 oks lang…
X – X-rays You’ve Had: sa balls din paris ni maldito (e sa duon din e, baka isipin nyo nangopya lang ako). mahirap na baka may TB (tumaas-bumabang) itlog na ako
Y – Yummy Foods: maski ano… laman-tiyan din yan. pero sa tutuo lang yung Bicol Express. yung authentic na maanghang ha? yung “bicol express” habang kinakain, “bicol express” pa rin habang ini-ebs
Z – Zodiac Sign: virgin ako!

Walandyo, Kengks… pinuyat mo ako. pero tenkyu, miski papano nakilala nyo ako …masaya pala dito.😆

pero nakngtete, pano pa ko makakapag-tag e mukhang na-tagged na yata ang buong mundo!?😥 tag-nang buhay ‘to… hmp!

‘arooo… me nasiklot akong isa. ‘ere o: eloiski

Published in: on 4 November 2007 at 8:58 am  Comments (13)  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2007/11/04/ang-pito-pito-at-abakadabra-ni-homebodyhubby/trackback/

RSS feed for comments on this post.

13 Comments

  1. Hehhehehe.sa.ganun ba…pausuhin natin ang xray sa itlog…awooo!!!hhehe…sa totoo lang mahilig lang ako tumingin sa mga hamsters…indi ko naman gusto ang mag alaga…..medyo kakapagod kasi ang mga niyan…hehhee….dami ko nang kapithabay…add kita sa blogroll ko..

    homebodyhubby: wala ‘tol eh… mahirap talaga yung mga masyadong barakong paris naten. kulang pa nga ang xray e. dapat siguro yung… ano nga ba yon…? yung ipinansisilep sa buntes para malaman kung lalake o bading ang magiging anak? ay oo… ultrasa-und!😆 haw haw haw

  2. you just made my day, kumpareng ‘bingchi’ – nagpanik ka ba nung wala ka ng ma-tag, ahahahah…

    homebodyhubby: walastek… para akong pusang hindi mapa-anak!
    wetaminit… oebaket nawala yung maganda mong avatar na puro tenga mo lang ang nakikita?😆

  3. Robert pala ang pangalan mo. Salamat sa pagsubaybay sa Missteryosa. Maraming salamat sa pag-anticipate. Magaling na pagmamasid sa tunay na nilalaman at intensyon ng may-akda sa pagsulat.

    homebodyhubby: salamat din… nabasa mo na ba yung tula (hindi ako ang may-akda) sa “On friends… and souls” ko? nawa’y ito’y magsilbing isang hamon sa’yo…😉
    (sabi nga nung uncle ni Spiderman:
    …’with great power comes great responsibility’.)🙂

    kung nagkaanak lang kami ng misis ko, malamang sing-idad mo na ang bunso ko. mapalad ang mga magulang mo sa pagkakaroon ng isang anak na kaparis mo.

  4. Wala ako sa mga magulang ko. Iniwan nila ako.

    homebodyhubby: alam ko, ‘tol. nabasa ko noon sa isang artikulo mo. mapalad sila sa’yo, pero maaaring sabihin mong malas ka na sila ang naging magulang mo. hindi ko maiaalis na magalit ka sa kanila. hindi mo malilimutan ang nakaraan maski pilitin mo. kaya mas makabubuting tanggapin mo na nang maluwag sa puso mo ang nangyari, or else, sarili mo lang ang pahihirapan mo.
    may sarili kang buhay — at talento. accountable sila sa ginawa nila. pero ikaw, sa bandang huli, ang magiging accountable sa sarili mo. hindi natin kasalanan kung paano tayo ipinanganak at pinalaki. pero kasalanan na siguro natin kung patuloy nating kalalakhan at ikabubuhay ito hanggang sa mamatay tayo. yes, maybe we were born ‘by chance’ but we will live according to our choices. hawak mo na ang sarili mo ngayon. you have the choice now. alam kong mahirap, pero hindi imposible.

    subukan mong pagtuunan ng pansin ang mga maaaring napakaliliit pero napakagandang bagay. ipagpasalamat mo kung ano yung may mga meron ka pa at huwag nang panghinayangan yung mga wala ka na.

    look at a half-filled glass of water
    NOT this way: “kalahati na LANG”,
    BUT this way: “may kalahati PA”.
    again… alam kong mahirap — pero hindi imposible.

  5. ayon sa aking bubuwit..dami mo palang alagang hamsters..nag aruga din kami nyan dati kaya lang napeste eh nilamon ng malalaking daga.

    dami na pala sumagot ng tag na ito..hehe! nga pala sana makabuo na kayo ng misis mo. yung baby tao.

    homebodyhubby: tenkyu gasti… at ako’y lubusang nakikiramay sa malagim na sinapit ng iyong mga daga (asus, drama! hehehe). salamat sa pagdalaw.

    baby? bata? anak? …istorbo lang yan! ang importante… MASARAP! 😆 …ang aming pagsasama! (dirti maynds yu ha!)🙄 hehehe

  6. Tito hamster ako nalang ang gwin nyong anak…wala kayung problema saken…ahehhe..promise..with papers pa ako galen sa DOLE….hehhehe

    homebodyhubby: ‘alang problema, iho! basta ba uubra kang kumain ng pigeon pellets at sunflower seeds lang araw-araw eh. 🙄 maski malakas ka lumapang, aush lang😆

    at maalala ko, anak… marunong ka bang magpa-ikot-ikot sa hamster wheel? ahahahuuuuuuuuy!!!

    kelan naten aayusen ang adapsyon pepers?😆 😆 😆

  7. ay kuya! hahaha! cge papa2lan ku yan! bwahahahaha! tamang-tama wala kasi akong mailagay sa blog ku!

    homebodyhubby: uy! saan ka ba nagsuot na bata ka at ngayon lang kita uli nakita…!
    sige nga anak… marami nang nag-aabang sa’yo.😀

  8. ay kuya! natapos ko na sa wakas! hahaha! pasukan na naman po kasi kaya wala naman kayong makita ni anino ko! Hahaha! Pero magsisislip pa rin akO!

    homebodyhubby: ay pasukan na nga pala ano?
    oedi sige i-post mo na ng makaliskisan na hehehe…😀
    tapos matulog ka nang maaga at baka ma-leyt ka bukas
    sa eskwela…

  9. si eloiski kinulit, muling humirit! eto o puntahan nyo na…

    ‘eka nya:

    7 Random facts about me ay mula kay Kuya homebodyhubby. Hala heto na:

  10. T – Time You Woke Up: pag nakatindig na si manoy dahil ihing-ihi na ako <😆

    homebodyhubby: wooops! …yun na naman ang nakita mo.
    ‘kaw talaga uuu…! 😛

    tutuo naman yun miski kanino… tanong mo kay Bentong. 😆

  11. waaaa bat yun lang lumabas waa dami ko nisulat ah😈

    homebodyhubby: bakit? ‘nu pang iba nakita mo? 😯

  12. dugtong q na lang uli😆
    ni open u p kc eh😆

    W – Worst Habit: pangangalabit kay misis sa gabi maski hindi makabuo… oks lang…
    <<< Di worst habit yan, khit ask mo pa c misis, dats 1 factor to keep d rel. “alive & kicking”😆

    homebodyhubby: opkurs i was just speaking ironically. :mrgreen:

    saka “kalabit” lang talaga yun… kasi tuwing gabi,
    meron kaming hindi “mabuo-buong” DYIGSAW PASEL? 😆

  13. […] ‘kauna-unahang tag.’ […]


Comments are closed.

%d bloggers like this: