Balik sa lungga

2007-02-08 (Isnohontas)

Pagkatapos ng mahaba at nakakapagod na bakasyon nitong nakaraang undas, ang inyong lingkod ay muling ipamumuhay ang kanyang ipinamumudmod na screen name o pangalan. “homebody” — salitang ingles na ang kahulugan ay isang taong mas piniling mamarati sa bahay. “hubby” — mula sa salitang ingles na “husband” — asawang lalaki, sa tagalog.

Ang pangunahing layunin ng PET BLOG na ito ay ang isalaysay ang kasaysayan ng aking mga alagang imported na daga na kung tagurian sa wikang ingles ay “hamster”. At dahil kakaunti naman, o maaaring ako lang ang Pinoy na nahihibang dito sapat upang magpakahirap pang igawa ng natatanging blog ang mga ito, minarapat kong sa simula’t-simula pa lang nang i-launch ang blog na ito ay sa wikang ingles ilapat ang pagsasalaysay nito.

Gayunpaman, bilang isang makabayang Pilipino na humahanga sa mga kaugalian at kulturang likas na maka-Pinoy, hindi po mapigilan ng inyong lingkod na hindi lumabas pa-minsan-minsan sa kanyang ‘lungga’ at makihalubilo sa mga usaping napapanahon sa tuwing sasapit ang anumang pagdiriwang o selebrasyon. Ang mga usaping ito ay mas lamang na nasusulat sa wikang Tagalog at matatagpuan sa katergoryang “Usapang Pinoy la-ang.”

Tapos na ang undas. Sa madaling salita, ang inyo pong lingkod ay muling mawawala sa sirkulasyon ng mga Tagalog WordPress.com bloggers dahil aking ibabalik sa ingles ang “interface language” sa general options ang blog na ito. Mananatiling bukas ang pinto ng blog na ito para sa lahat ngunit asahan nyong sa mga susunod na araw ay pawang mga daga na naman ang inyong masusumpungan.

Kaya mga friends, for the meantime, goodbye muna sa inyo… “PASS” nyo muna ako sa mga tag-ing gimik natin. Balik muna ko sa once-a-week posting schedule ko. Balik din muna akong Flickr at YouTube. Pag may pagkakataon, lagi akong papasyal sa mga blog nyo. Anyway nandyan lang naman sa sidebar ko ang mga pinto (links) na maghahatid sa akin papunta sa inyo.

Salamat higit sa lahat sa mga nag-comment (ang kukulit nyo😀 eniway, I layk et…! tenkyu sa mga panakot-sa-daga na nangagsisulputan sa sidebar ko😆 dyok onli!). Salamat din sa mga panay lang ang basa at tawa pero ayaw namang magsipag-comment (ang kukunat nyo…!) dahil miski papano nakatulong kayo sa pagtutulak, hindi ng shabu (tsk tsk tsk, bad yun, ha!), kundi ng mga post at blog ko pataas, dahilan upang maibandila ko ang mga mensaheng nais na iparating ko. I doubt it kung talagang binasa nyo! pero for your convenience, ginawa kong parating available ang dalawang post na ito sa sidebar ko.

Tengkyu mga friends:

Kengkay… hindi kita malilimutan habang ako’y nabubuhay… ikaw ang naging dahilan ng pagratsada papailanlang ng pito-pito at abakadabra ko…
Maldito salamat sa pagpapasakit mo sa tyan ko… parati kitang aalalahanin pag nalulungkot ako.
Jeckass maski hindi mo namamalayan, para akong dagang parating sisilip-silip mula sa mga imburnal ng kalye vente-siyete mo.
Paurong tuloy lang ang pagsulong ng buhay. tuloy lang sa pagsusulat. nawa’y masumpungan natin ang pinakamimithi ng lahat na isang plantsadong buhay.

Salamat sa inyo at paalam… I’ll be back on Christmas!😉 hanggang sa muli… li… li… li… li… l… (echo yan)

…ooops ops ops! bago maglaho ang eko saun. gusto ko habol yung indi makitang blog:

Gasti… hehehe. sayang din yung hams-tartel…! akyen kelangan na bili mulami akwalyum!:mrgreen:

okidok! babay uli… li… li… li… li… l…

Published in: on 6 November 2007 at 12:00 am  Comments (7)  
Tags: , , , , , , ,

7 Comments

  1. kakaiyak naman ito-to-to-to (echo din yan😀 )… sige, kita kits tayo ulit sa pasko. ipunan kita ng tag, heheh.

    homebodyhubby: halu, mare! kabilis mo naman sumagot! kapo-post ko la-ang… pero sa tutuo lang…😥 mami-miss kita! (arooo, drama) hehehe

  2. huwaaat?! hindi ka na magiging active? tama ba pagkakaintindi ko? purong tanong eh no?
    medyo nanghinayang ako bro, akala ko ito na ang simula ng magandang pagkakaibigan natin. paano na ang jewel bloggers?
    wala. masaya lang ako kasi may nakilala akong blogger na may pagkakaparehas sa pananaw ko sa buhay. wala man akong alagang hamster eh natutuwa ako kasi isa ka sa magaling at mabait na blogger na nakilala ko dito sa wordpress (halata bang naiiyak na ako). bro, parang kahapon lang ako nag-comment sa blog mo pero sinama mo pa ako sa espasyo ng pet blog mo. thank you talaga. (naiiyak na talaga ako)
    o sya, pasyal pasyal na lang. pag nagkaroon na ako ng alagang gunya (guinea) pig, balitaan kita. hehehe
    Godspeed!

    homebodyhubby: oo p’re… (😥 singhot!) gusto ko man huwag lumisan wala ako magawa, sa daga ako maligaya eh huhuhu😥 singaaaaaaa…!
    o etong tishu ko pigain mo’t eto na lang gamitin mo…
    (iyaaaan ang natutunan ko sa pagkaligaw ko sa kalye mo — ang pagse-share ng tishu!) hehehe
    sige pag dumami gunya pig mo bigyan mo rin ako ng babae paris nung hinihingi kong iskwirel ke maldito. pakastahan ko din sa barakong hamster ko😆 ahahahuy…! bigla naman
    ako ngayong tawa …prekoy me sayad na yata ako:mrgreen:
    sige ‘tols Godspeed den! lam mo bang paborito ko ring expression ito naunahan mo lang ako😀

  3. parang kelan lang ah (kahapon lang pala yun)..kung kelan naman ako dumating saka ka mawawala..aguuuuy! ang drama! haha! mabuhay ka pards! alagaan mo ng maigi mga alaga mo..meron akong 3 pagong sa bahay gusto mo pakasta rin natin dyan sa hamsters mo? sa mga isda ko kaya? sige hanggang sa muli!

    homebodyhubby: oonga ‘tols. nagkasalisi tayo.
    ibang klaseng proposal to a… hehehe …isda …pagong!
    gasti ka nga parekoy… nakana mo ko ron. di ko ma-imadyin🙄 — hamster na me saklob sa likod at pa-langoy-langoy!
    ayush… apat nang breed ang maibebenta ko hehehe.:mrgreen:
    anong panama ni Charles Darwin?
    maisama nga kita sa mga panakot sa daga hehehe

  4. ay bakit ganun?indi pa nga ako nagsawa sa pangungulit dito eh…huhuuu..bad bad bad!pero ill wait for your the come back buddy!kahit indi ko gaanong ma gets kung bakit ka aalis at mangulekta nalng ng hamster galing sa moon ay tatangapin ko ang desisyon mo..ang tagal na kaya nating magkakilala..wala pang one week ata yun..magugulat ka nalang if madami na akong squirrels..cge ka..dapat balik ka.hu hu hu..i hate goodbyes..charush!!pero lets take it as a welcome party!!ayush???balik balik balik ka ha!!ang indi bumalik walang bones at betlog!

    homebodyhubby: upkors naman babalik din ako. me word op onor ang bols ko. matitiis ko ba naman kayo… hehe.
    kung gusto mo naman sama na lang kayo. uwe akong iraq. punta ako lungga lolo Saddam ko. indi ko nadalaw nung nakaraang undas e ehehehehe!

  5. wala lang, napadaan ulit at mamimigay ng tisyu… salamat sa instant prendsip, parekoy. sa susunod ha. kalabitin mo ako kapag andyan ka na. *kaway, babay…

    homebodyhubby: uy si kengks, nakadalawa na dito😀 aroooo… kunwari ka pa! aminin mo na namimiss mo ko! dyoks lang sis. tama ka. nagkaka-ubusan na nga ng tisyu e. hindi ko pa maisara ang lungga, me hinihintay pa ko.

  6. nakipag-swap ako ng mukha sa isang daga,
    ngunit hindi pa makapagsara ng lungga.

  7. yamang mukhang hindi na darating ang taong hinihintay ko e magsasara na ako ng lungga. salamat sa company nyo.
    sa maniwala kayo’t hindi e iyan ang tunay at natural na pagkatao ko. i am not pleasing anybody here. nakita nyo naman kung paano kong halos minura na ang mga dapat e katu- katulong ko. ang mga taong kabarkada’t kabiruan ko e mga komikero ring paris nyo. not a bit of sarcasm that i said were aimed at you.🙂
    i hate too much formalities and stiffness na maaaring very typical sa mga kilala nyong mga kamananampalataya ko. danga’t nga lamang e wala na akong pisikal na pangangatawang malakas na paris nyo para patuloy na sundin ang gusto kong makipag-blogging-blogging sa inyo. malabo na ang mga mata ko at lalong pinalalala ng malimit na pagko-computer ang vertigo ko. i’ll be back to my once-in-a-week posting, as usual — just as how i started it. and i don’t intend to delete it. hindi na nga lang ganuon kadalas ang entries ko. kelangan ko rin kasing mag-frame — maghanap-buhay.
    doon naman sa mga lubos na nakakikilala sa akin maaaring sabihin nyong nakipag-compromise ako sapat upang ikahiya’t itakwil nyo ako. it’s up to you… alam ko ang ginagawa ko and i am willing to take the cost of my actions for which i am accountable. pero pakiusap lang: huwag nyo sanang unahan ang Panginoon sa paglalapat ng anumang judgment sa akin.
    okey bago pa ako tuluyang maiyak🙂 i am closing any further comment on this post because i want it exclusively just for these five people. salamat uli sa pang-unawa ninyo, especially sayo jeckass.😉


Comments are closed.

%d bloggers like this: