Hello, life…

( Hello, world…, part 2 )

Narinig nyo na ba itish?

In the chase between a cat and a mouse, the mouse mostly wins. This is because the cat is running for its FOOD and the mouse for its LIFE. PURPOSE is more important than NEED.

Ow kayo naman… sa cellphone text message lang yan na-received ng misis ko. Mainit-init pa nga e. Kayo kasi… blogging lang nang blogging ang inaatupag nyo komo bago yang mga laptop nyo. Hindi nyo na pinapansin ang mga cellphones nyo. So cheap at low tech na, eka nyo. Akin na lang…!?

Bakit eka nyo nabanggit ko? Ala lang… kasi bida yung mouse?

Napansin nyo siguro “taglish” pa rin ang tirada ko. Kase hindi pa naman purong tungkol sa ka-DAGA-an ang ibibida ko ngayon. Sa tutuo lang, mas gusto ko ngang puro tagalog ang gamitin dine dahil garil ako sa ingles. Namimilipit ang mga dalire ko sa pagtuldok sa kibord. Kaso mo lang, anong magagawa ko inglis-ispokening ang mga hamster ko.😆

Ngayon… eka nyo ule, baket first post part 2?

Mga wordpress.com bloggers kayo kaya dapat alam nyo ito. Pag hindi, dapat kayong suspindihin! Anlupet. Hanep! — sa unang hirit ng pagba-balag nyo e “Hello, world” ang bubulagang depolt na taytel ng first post nyo. O di ba? Naaalala nyo na! Yung iba nga hindi na binabago ang title paris nung ginawa ko sa first post ko nung September 7.

Oebaket nga me part 2 pa (eka nyo ule), meron pang ‘first’ na ‘second’?

Well ganire po ayon. Pwede nyo tignan maski ano sa tatlong sumusunod ang gusto kong ipakahulugan sa pamagat na yaon. Kung gusto nyong pakdawan yung iba e kayong bahala, pero kung babasahin nyo lahat e mas lalong mainam. Sige na pliiiiis…!

O etong title ule ha:

Sep 7, 2007 — Hello, world… (first post part 1)

Nov 7, 2007 — Hello, life… (first post part 2)

Eto naman yung gusto kong ipakahulugan:

  • viewpoint # 1 : Mas malalim at may espiritwal na kahulugan,
  • viewpoint # 2 : Pangkaraniwan at usapang buhay-buhay lang, at
  • viewpoint # 3 : Pinakamababaw at usapang-DAGA la-ang

DISKUSYON:

byupo-wint (bigkas sa “viewpoint” ng kakosa kong bisaya na kababayan ni Pacquiao) # 1:

You may say that we were born by chance but whether we will ‘live’ or not will depend upon our choice.

Ipinanganak tayo sa mundo (world) na taal nang may minanang kasalanan (mula kay Eba at Adan) at tayo’y patungo sa walang hanggang kamatayan. Ang buhay (life) na walang-hanggan ay posible lang kung pipiliin (choice) nating tanggapin si Jesukristo bilang tagapagligtas at Panginoon ng ating buhay.

Hindi ko na masyadong hahabaan ire ha, dahil knows ko naman na malimit kayong makornihan sa ganitong klaseng usapan. Oebaket baga, pede naman nating pag-usapan nang hindi nagkaka-dyahi-han o nagdedebatihan. miski kwentuhan lang kumbaga. Pero kung gusto nyo itong maintindihan, i-click nyo lang yung “On births and deaths” sa sidebar dyan sa kanan. Iyan nama’y parati nang nandyan… Kung tinatamad naman ang mouse nyo na dalhin ang cursor nyo sa sidebar, o ayan inilapit ko na: “On births and deaths

byupo-wint # 2:

You may say that you were born by chance but how you will live depends upon your choices.

Hindi mo kasalanan kung paano ka ipinanganak, pero pananagutan mo na kung paano ka mabubuhay at mamamatay. Samakatuwid, hindi mo kasalanan kung ipinanganak kang mahirap at mangmang pero kasalanan mo na siguro kung mananatili kang ganyan at kung mamamatay ka pa ring mahirap at mangmang.

Kaya nga hindi ako naniniwala dyan sa “mahirap pa sa daga” e! At iyang kamangmangan hindi naman ibig sabihin e komo ika’y hindi nakapag-aral. Sa bahay mas nahuhubog yan. Dahil hindi naman lahat ng nag-aral ay natuto, at hindi naman lahat ng natuto ay nag-aral. Gets nyo? Sabi nga e iba yung intelligence sa wisdom.

Okey, me mga pagkakamali, kung saan ang mga pilat e malinaw na ebidensya. Mga pilat na naghilom mula sa mga sugat. Pero ang pilat na itinatago at ikinahihiya, sa isang banda ay may kabutihan: ito ang nagpapa-alala sa ating mga naging pagkakamali sa buhay.

I am NOT saying that you must ruminate on your past mistakes. Me kasabihang “ang pilat kapag kinamot, muling magsusugat”. (Para ding “ang pigsa pag tiniris ay muling magnanana” yaiiiiks…:mrgreen: Kadiri ka dudong!). Kaya mga p’re at mga m’re, huwag nyong kamutin kahit na pagkakati-kate. Lalo na yang pigsa? kamukat-mukat nyo baka sa bibig nyo pa tumalsik ang mata niyan. Argsss…! Stop it! Stop it…!

Ang sinasabi ko ay ito: Matuto tayo sa bawat pagkakamali. Consider scars as your badges — and each scar should raise you up at least one step wiser. Halimbawa kahapon, aksidente kang nadulas doon… Kung memya at bukas, madapa ka ulit doon — ay ang lakeng katangahan na iyon…!

At eka din nung isang text message:

“From every wound there’s a scar, and every scar tells a story — a story that says ‘I survived.’”

So mga pren mahalin nyo ang mga pinagkatagutagong mga peklat at bakokang nyong yan, nang higit pa sa pagmamahal nyo sa mga idinidispley- displey nyong TATTOO sa mga puwet nyong pagkakaitim naman. Tsk tsk tsk… sobra. Ay di na makita ang tattoo! Banil na yan. O eto haloblaks, hiluran mo! 😆

en the last en the least, byupo-wint # 3:

Gusto nyo pa bang pakinggan? Huwag na kaya? Baka lalo lang kayong mapikon saken. Oedisige yamang ako’y pinipilet nyo. But I warn you: Ito ang maaaring para sa inyo ay ang pinakawalang-kakwenta-kwentang bagay. Olrayt mangagsipakinig kayo… yo… yo… yo… yooooo….. (echo saun epek yan)

Simula po nung ila-unch ko ang pan-DAGAng blog na ito dalawang buwan na ang nakararaan (Sep 7) wala po akong ikinuwento kundi ang talambuhay ng bawat dagang aking inaruga at minahal. Dalawampung daga na po ang aking pinaglamayan at inilibing simula nung ako’y nahibang sa pag-aalaga nito nuon pang August 2003. Kaya kung pagtyatyagaan nyong basahin ang lahat ng post entries ko before November 1, puro piktyur at pelikula ng mga namayapa nang daga ang inyong matutunghayan.

Nagpe-frame po ako ng mga krostits at litrato, sayang naman kung tatapon ko lang ang mga retasong frame na pinagtabasan. E di gawin ko nang kabaong ng daga, diba? Sa ngayon nga pinag-aaralan ko kung kaya kong magframe ng singlake ng tao kase nagpaplano akong mag-bisnes ng punerarya. 😯 Awwwoooooo…! (“tama na yan, Robert. tapos na undas. maligo ka na!” — yan ang prating sigaw ng misis ko)

Nasan na nga ako…? Okey sa pagkatapos ng undas.

Ngayon ay November 7… “Hello life” ang title ko.

Napanuod nyo ba yung 2-minute “Hamsdertaker” Halloween horror video ko? Dalawang minuto lang yon. Sige i-click nyo yang pulang word sa itaas kung hindi pa.

Okey! … E itong bagong entry ko? Sige na, i-click nyo na… 35 seconds lang yan ano? Ang tatamad-nyo! magpa-DSL na kasi kayo para bumilis-bilis ang pagda-dawnlowd ng kompyuter nyo hehehe.

Today, I am talking about life…😎 this is my second journey.

Basta ito siste nun:

First video — Hamster haunted house na may dagang mortician at isang patay na daga sa kabaong,

Second video — The same hamster house-cage, but this time “bouncing with life”.

Gets nyo na? Ganda simbolosim at kontrast no? Umo-o na kayo tutal ako’y papawala naman na. Ini-spoon-feed ko na nga senyo kasi hindi nyo naman sinusubayan ang kwentong-daga ko.

So there you go… ! Starting November 14, I’ll be posting about the 13 living family members (naman). Kung me mamamatay man ule e sapat na sigurong i-post ang isang lapida man lang.

“O eno sa’kin?”. “Anong pakelam ko”, eka nyo siguro…

Walalang… takot ko lang sa mga pusa nyo! …Pero sige …KUNG AYAW NYO, DI WAG NYO! Ngatngatin sana ng mga dagang-bahay ang mga keybols ng kompyuter nyo hehehe dyok lang…

Kita-kita tayo kulismas! Mangangaroling ako…

Babuuuuuuuu…! wit! … Babuwit bubwit! 😀

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2007/11/07/hello-life%e2%80%a6-first-post-part-2/trackback/

RSS feed for comments on this post.

6 CommentsLeave a comment

  1. psssssst… oist! pang-ilang babay mo na yan a.
    papansin ka lang yata. wala nang papatol sayo kase mukha ka nang daga!😆 ahahuuuy…!

  2. yabang nito a😡 …ikaw ang mukhang daga!
    wag ka mang-atat, sumbong kita sa bespren kong pusa! raaaawr!!!

  3. uy uy uy! inaaway mo naman yung avatar mo ha..hehe
    naniniwala ka ba sa concept ng original sin?

    homebodyhubby: oy parekoy! salamat sa pagpasyal mo.
    ala kaseng nagko-comment e kaya nag-aaway-away na ang mga iyan. hehehe
    original sin? sa tutuo lang kung pwede sanang hindi e.
    kaso yun ang nasa Bible. siguro kung may makikita akong convincing na kasulatan at mas plausible explanation na higit pa sa pagpapaliwanag ng bibliya, malamang e hindi.
    kaso mo wala nga akong makitang iba e.

    syanga pala. isinara ko na yung kararaang lungga (post). punta ka me konting drama lang ako dun😉

  4. waaahhhhh! parekoy, naiiyak na talaga ako sa post mo tungkol dun sa lungga. bakit may special mention pa ako dun? Aym beri tats mah prend. thank you so much. ginaganahan akong mag-blog sa mga taong kagaya mo. keep in touch na lang (naks, parang bestfriends forever talaga). sige pare, Godspeed!

    homebodyhubby: opkurs naman hehehe kase sa inyong lima, dalawa lang kayong nagsabing believer kayo. hindi ko naman sinasabing hindi believer yung tatlo pa, i understand — masyadong ‘korni’ ang ganitong mga usapan. dalawa lang kayong hindi nakornihang mag-declare — ikaw at yung isang hinihintay kong hindi dumating.
    sige… Godspeed den! 😉
    basta parekoy, isipin mo na lang na isa akong RADIKAL na kristyano. kung gusto nilang (not the five of you ha) isiping ganito ako😈 bahala sila hehehe

  5. ok ah, 😀 awayin daw ba ang koment nya hehe

    talagang ganun, subukan mong about sex i post mo, chak daming koments😆

    eh di b nga, sa langit daw, ka kipot kipot ng daan pero ni inde magka bungguan ang mga dumadaan, samantalng sa impyerno, ka lawak lawak eh siksikan😈 daig pa concert ng F4😆

    homebodyhubby: o kaya istampid sa wawawi…

  6. wasstiigg… kuya robert… two thumbs up!

    “From every wound there’s a scar, and every scar tells a story — a story that says ‘I survived.’”

    -gusto ko yun!😀

    homebodyhubby: thanks. 🙂 nakita ko lang din yan sa
    mga e-mails na nareceived ng misis ko. nagustuhan ko rin
    kasi ako man maraming “scars” na naiwan ngayon — ebidensya ng mga naging “sugat” ko nung medyo ‘bata-bata’ pa ako. 😛
    eto ko ngayon — buhay pa rin… at andami nang natutunan. 🙂 salamat sa Diyos…

    ikaw man… may isang magandang buhay at kinabukasan
    ang naghihintay sa’yo. 😉


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: