Pamana ng isang DAGA

The storyteller behind Ikabod tower. The tower, “aerial” shot (at right).😀

Kilala nyo ba si Bitoy?

Bitoy and Bebang are the names of the first pair of hamsters in this family. They are the ancestors, so to speak. If you want some detail, you can go to the second post of this blog:

A tribute to Bitoy and his girlfriend

Yung mga alerdyik sa daga e okey lang kung hindi nyo type ang blog ko — no problem. Meron nga dyan alerdyik sa pusa, o kaya sa aso… maski sa surot pa nga.😆 Alam ko naman ang feeling ng mga me “allergies” na paris nyo.

Pero TIP lang: if you have a phobia (irrational hate or fear of something) there is something wrong with you — maski tanungin nyo ang bespren nyong saykayatris. Learn to overcome it. Okey lang kung hindi kayo magkahilig sa kina-alerdyik-an nyo, just do away with the “prejudice”. Hindi ko naman ipipilit sayo itong blog ko kung ayaw mo. Maglaro ka ng apoy hangga”t gusto mo ahehe. Daig mo pa ang sumuntok sa buwan.

Dun naman sa mga tatay na alerdyik sa ingles: maghintay lang kayo ha… may foreign readers din kasi ako — tutal nakakaintindi naman kayo. (Yang allergy sa foreigners, xenophobia yan. Dapat balanseng pananaw sa bagay-bagay). Usap tayo mamaya tungkol sa mga DYUNYOR nyo. Pramis mananagalog ako…

I was a former government employee — a desktop artist, video editor, exhibit developer, photographer, and scale-model-maker. As a research photographer my forte was shooting small insects in rice fields for crop protection. When public officials here and from abroad were visiting our company I did also shoot them. Mga scientists, ambassadors, congressmen, senators, presidents from Cory to Erap, maski mga barangay kapten barbel pa kung minsan. So that was one of my jobs — shooting insects and politicians. Pero nung kalaunan e hindi ko na malaman kung SINO ang insekto at ANO ang politiko. So I resigned in 2000. Sayang hindi ko na inabot si mama Glo. When I resigned I have chosen custom-framing as my hobby and profession.

Now, in my framing jobs, frame moulding scraps abound in every corner of my house. It’s a waste if I’ll just throw them away, so I decided to recycle them. I constructed some domicile for my hamsters. Thru this, my wife and I are entertaining some kids who visit our small home. Makita lang naming namimilog ang mga mata ng mga paslit sa excitement, kami ni misis ay masaya na. Entertaining these children was not part of the plan. Nataon lang. I construct the homecages because scale-model making and simple carpentry are among my hobbies.

I invite you to watch these three short video footages of the homecages:

Bulwagang Bitoy” (Bitoy Hall) with the Lupindilayk Wheel

The hamster was Faramir, direct descendant of Bitoy. Faramir was the grandfather of Ispidbol on the father side. This was taken in May 2005.

Bahay ni Lola” (Bebang Pension House)

The hamster was Boromir, Faramir’s elder twin brother. Boromir was the grandfather of Ispidbol on the mother side. This video was taken during the house’s early stages of construction (03 July 2005).

Mansyon ng Daga” (Hamster Mansion, still unfinished)

This was taken on September 30, 2006. Ikabod tower is the structure at right. The hamster was Bebong, one of the offspring of Faramir. He was like just me, unable to sire. 😆 No big deal. (Mga fathers, yung sabi ko kanina ha? Usap tayo.)

So that’s it…! A father hamster’s legacy to his sons and succeeding generations. Ang pamana ng isang ninunong daga sa kanyang mga anak-anak at mga kaapu-apuhan. (Yun lang? anubayan…)

Mga bata, hanggang dito na lang tayo, hane? Maglaro muna kayo sa labas at kakausapin ko lang ang mga tatay nyo.😉

To my foreign readers, the next topic concerns a ‘national issue’ and is an Usapang-Pinoy lang. Thank you for reading about my hammies. 😀

————————————————————————————————

“And, ye fathers, provoke not your children to wrath…”

(Ephesians 6:4)

“Mga magulang, huwag ninyong ibuyo sa paghihimagsik laban sa inyo

ang inyong anak…” (Efeso 6:4)

Kayo mga tatay? Ano ang IPAMAMANA nyo sa mga anak nyo? Galit din ba ng mga anak nyo sa inyo, paris ng minana nyong galit sa mga tatay nyo?

Obvious sa isang kantang nauso nuon:

“Kabilin-bilinan ng lola… ♫

huwag kang uminom ng serbesa…!” ♪

Walang masama sa pag-inom ng serbesa, ako man nakauubos ng sandosenang bote ng REDHORSE… sa loob ng isang taon! Ahehe, isang bote tuwing katapusan.😆 Kaya ko lang in-example yan ay dahil malinaw sa mga kanta — maraming kabataan ngayon, nasa poder ng mga lolo’t lola. Maganda din naman yung si lolo’t lola e nasa poder ng mga apo’t mga anak nya, pero kung si totoy at si neneng ay nakina lolo’t lola dahil wala ang nanay at tatay nila, aba e ibang usapan na yun.

Bakit kanyo? Nasaan ang mga nanay nila? Ayun… nagbabanat ng buto. Malimit sa abroad pa dahil kayong mga ama nasa ibang ‘asawa’. Or kung ito naman ang second (or pang-“nth”) wife nyo, kasi pagkatapos nyo anakan, basta nyo na lang syang iiwan para buhayin ang anak nyong dalawa.

Hindi ko sinasabing komo kaya nyong bumuhay ng ilang anak e pwede nyo na ring bigyang-katwiran ang pag-anak nang marami maski mag-anak pa kayo sa labas. Hanyo na ang ibang relihiyon at kultura nila iyon. Sa batas at kultura natin hindi angkop ang polygamy.

Baka naman pilosopohin nyo ako sabihin nyo bakit si Abraham at si Solomon maraming asawa?

Olrayt… sa Bible ikinuwento ang mga yon pero hindi sinabing aprubado ng Diyos ang gayon. Kaya nga nagkagulo-gulo ang buhay ni Solomon e. Ang mga anak nga ni David sa iba’t-ibang asawa ay nagkapatayan pa.

At tignan nyo — ang mga Hudyo at Arabong parehong nagmula sa lipi ni Abraham. Si Isaac at Ismael — dalawang anak sa MAGKA-IBANG asawa, hanggang sa kasalukuyang panahon e naggigiyerahan pa.

Marami akong kakilala, noong mga bata pa sila ganito ang prinsipyo pero ngayon kakaba-kaba dahil natatakot sa ‘karma’. What you sow you will reap. Kung ano ang itinanim, syang aanihin.

Mahahalata mo yan sa may mga anak na babae. Paano, takot silang ang mga ito ang magbayad ng mga “utang” nila. Kaya nga minsan ang biruan pag babae ang anak sabi nila “pambayad-utang” (hindi ako pabor dito). Maraming ama na dating babaero nuon e galit at takot na paligawan o pagnobyohin ang mga anak nilang dalaga. Baka nga naman ang mga ito ay lokohin lang at maging mga kabit lang din.

Pero sabihin ko sa inyo, anak na babae lang ba ang pwedeng magbayad? Paano kung ang anak nyong lalaki naman ang ma-pendeho? Marurumihan ang apelyido nyo, lalong masakit iyon para sa inyo.

Hindi nyo kailangang pamanahan ang mga anak nyo ng mansyon o kayamanang materyal. Importante at dapat ang material needs pero hindi sapat iyon para magkulang kayo sa higit pang mas mahalagang bagay. Tutuo ito maski sa mga matitinong tatay.

Maging TATAY kayo sa mga anak nyo. Maging magandang modelo. Bumaba kayo sa lebel nila nang hindi naman sila kukunsintihin. Makipaglaro kayo. Makipagbarkada sa kanila. Magka-iba yung TAKOT at RESPETO.

Kung nangyari nang may anak kayo sa labas e nandun na yon. Bigyan nyo ng pangalan. Sustentuhan nyo. Papag-aralin nyo. Maging tatay din kayo sa kanila. Pero balikan nyo ang mga anak nyo lang, HUWAG ang nanay nilang kabit nyo. Balang-araw naman ay makakatagpo rin ang mga iyan ng responsableng lalake na hindi na sila lolokohin nang paris ng ginawa ninyo. At kayo naman, maging TAPAT na kay misis.

Sa inyong mga namber tu, o maski pang-ilang namber pa kayo: kung hahanap din lang kayo uli ay huwag dun uli sa pamilyado. Pag umulit kayo ay tatanga-TANGA na kayo niyan.

Meron kasing talagang mga habitual mistress e. Mga home-wreckers. Kasalanan nyo rin naman kung bakit kayo tinatawag na KABIT. Pwede naman kayong MAGPAKATINO kung gugustuhin nyo.

MAAWA KAYO SA MGA ANAK-ANAK NG MGA PAMILYANG NASISIRA NG DAHIL SA INYO.

Tigilan nyo na. Sisira lang kayo ulit ng panibagong pamilya. At ng buhay ng isang na namang “putok-sa-buhong” magiging bunga.

MAAWA KAYO SA MGA ANAK NINYO.

Hindi nila kasalanan kung sila ay mabansagang mga bastardo. KAYO ng pamilyadong ama na kinakasama nyo.

Sa bawat pagkakamali may daan para sa pagtutuwid. Sa bawat pagkakadapa parating may pagkakataon para muling bumangon. Mag-ingat kayo. Baka sa huling pagkatisod nyo ay hindi na kayo muling makabangon.

“A man who remains stiff-necked after many rebukes will suddenly

be destroyed — without remedy.” (Proverbs 29:1)

“Ang taong ayaw magbago ay hindi maliligtas,

Ang hindi makinig ng payo ay mapapahamak.” (Kawikaan 29:1)

So… mga tatay — mga SIR… Mga PADRE-DE-PAMILYA! Malaking responsibilidad ang pagiging HALIGI ng tahanan. Kayo ang leader dyan. Para ding TEAM ng basketball yan — tulad ng kwento ng isang blogger dito… Buti pa sya bata pa mas matino pa kaysa sa inyo. Kayo ang pangunahing LEADER dito. Kayo ang coach. Kayo, higit sa lahat, ang magdadala ng inyo-inyong mga pamilya. Kung pulpol ang namumuno? Tiyak na ang inyong pagkatalo. Bagsak ang tahanan.

Huwag nyong bigyang-daang magalit ang mga anak nyo sa inyo.

Maski hindi nyo tignan sa Bible. Maski sa praktikal na pag-uusap lang.

Iwasan din ang labis na kahigpitan at kaluwagan. Paano eka nyo? Aba e pag-aralan nyo kung paanong babalansihin. Kayo ang tatay nyan.

Dun sa mga tatay na babaero: Mag-isip-isip kayo. Huwag yang LIBOG nyo ang parating pinaiiral ninyo. Hindi sa ganyan lang makikita ang pagiging BARAKO. Dahil tinitiyak ko sa inyong mga ama na barako lang sa “pundya” nila: Balang araw liliit at manlalambot din yan. Sa malaon at madali pag nagkaisip na ang mga paslit nyong anak na iyan — sila ang magpapaluhod sa inyo at dudurog sa matigas na dibdib nyo.

Hindi na bagong kwento ito. Tignan nyo ang ginawa ng rebeldeng si Absalom sa tatay nyang si Haring David. Hagulgol si David ah! — Isang hari na dating ASTIG na mandirigma o sundalo! (2 Samuel 18:33) Maiksi lang ang verse na yan. Kung hindi nyo kilala si David, yan ang dating pastol na nagpabagsak sa SUPOT na higanteng si Goliath. Nampota, kung PINOY ka hindi bale nang BAOG ka kesa naman SUPOT ka!😀

Mas babarako pa kaya kayo kaysa kay haring David? Pwede nyong basahin ang buong kwento kung gusto nyo. Tatawa-tawa kayo? Sige lang, lubus-lubusin nyo hangga’t malakas at bata pa kayo. Hehehe, tignan ko lang…

Ngayon pa lang huwag kayong maging MAKASARILI. Hindi pinili ng mga anak-anak nyo na kayo ang maging mga tatay nila. Gayun din sa inyo mga nanay — mga ILAW ng tahanan.

HINDI KO KAYO KINOKONDENA. ANG KINOKONDENA KO AY ANG KAPALPAKANG PINAGGAGAGAWA NYO.

This is NOT A THREAT, but let this be A WARNING. Tutal hindi naman ako ang ‘magpaparusa’ sa inyo balang araw. Ang Diyos (sige makornihan kayo hehe) — sa pamamagitan ng ANAK nyo.

Ito nama’y hindi para sa akin. Para ito sa inyo… at LALONG HIGIT SA MGA ANAK NYO.

Mag-isip-isip kayo mga pare at mare ko. Kung hindi, magiging wala nang katapusan ang MANA-MANA-hang galit na iyan…

Alam naman nating ang tao’y mas lalong higit pa kaysa sa isang hamak na DAGA.

————————————————————————————————

Next posts: “Si Lolo at si Lola” (28 November 2007)

“Baog na DAGA” (28 November 2007)

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2007/11/21/pamana-ng-isang-daga-bitoy%e2%80%99s-legacy/trackback/

RSS feed for comments on this post.

23 CommentsLeave a comment

  1. ayos parekoy, medyo mahaba pero sulit basahin. ikaw gumawa nung frame na nsa picture? ayos ah. sana makapagpagawa rin ako sa iyo niyan. hehehe..medyo pinaplano ko pa lang mag-alaga ng mga bubwit kasi takot si gerlpren ko sa mga hamsters at daga. eniweis, i like your topic about fatherhood. ang sarap makabasa ng mga bible verses dito. supot ba talaga si Goliath? malamng pati si haring david supot din no? hehehe
    daan-daan lang ako parekoy.😀

    homebodyhubby: uy parekoy! ambilis mo naman kapo-post ko lang at ipino-format pa. hehe thanks anyway.
    saan ka na ba ngayon at mukhang ang kalye vente siyete mo biglang nawala sa mapa? buti na lang nai-saved ko yung last post mo maski akala ko nung una nagbibiro ka lang na idi-delete mo yung blog mo.

    Tama yung nabasa mo: si Goliath ay isang higanteng SUPOT😆 pero si David HINDI supot. mga Hudyo nga lang halos ang mga TULI nuon e. nalimutan mo na bang kay Abraham nagsimula yang circumcision?

    sige parekoy. regards na lang sa gerpren mo.

  2. ang haaabaaa nga pre! hehe! pero binasa ko lahat..hindi nako nagbabasa ng bible pero pamilyar yung mga kwento mo..galeng pwede ka pala mag-pari through blog (baka naman pari ka talaga?😀 )

    astig yung hamster mansion mo! husay…nakakalibang naman talaga panoorin yung mga hamsters pag ganyan ang tinitirhan.

    homebodyhubby: pagtyagaan nyo na yung haba tutal lingguhan lang naman ako kung lumabas hehe.
    lalo ding nagmumukhang mahaba p’re kasi makitid itong template na gamit ko. ito lang naman kasi ang nakita kong angkop sa heritage theme sa blog ko.

    hmmm… pari!? 😆 mga daga ko lang ang mga listeners ko dito. kaya lahat sila mga born-again na rin ahehe!

    yang mansyon… palipas-oras lang pag wala sa mood si misis. dinadaan ko na lang sa kapupukpok sa paggawa ng bahay ng hamster. kaya nga antagal na, hindi pa rin tapos😆

  3. uy, welkam bak😀 pwede ka rin bang gumawa ng doll house, hehe… alam mo, idol na kita dahil sa iyong mga binitawang salita para sa mga taong libog lang ang ginagamit at pinapasintabi ang utak… minsan kasi pa macho epek lang yan di nila alam e mas nakakawala ng macho ang di marunong umako ng responsibilidad. mas macho ang isang lalakeng may responsibilidad…

    homebodyhubby: ay… ahehe! nandito lang naman ako sa tabi-tabi kaya lang weekly lang ang pagba-blog. minsan di mapigil ang sumilip man lang pag nakabukas itong PC at nagko-computer si misis.

    doll house sana talaga yan para ke misis 🙄 kaya lang nauna ng reserbeysyon ang mga daga😆

    yung tunay na ka-macho-han sana mas marami pang babae ang magsabi nyan. at sana din mas maraming lalake pa na panghawakan ang prinsipyong ganyan. 😉



    ahehe…! naalala ko lang: yu sey “welkam bak”… bakit? naipunan mo na ba ako ng tag? 😆

  4. oo nga pala, sa jews nagsimula ang circumcission. nagkaron nga ng diskusyon si Paul tungkol sa mga gentiles na hindi tuli. remember ko na. tagal na rin kasi akong hindi nagbabasa ng bible. bigay ko sa iyo link ng bago kong blog once ma-update ko na…😀

    homebodyhubby: ayun. hehe …in-update lang pala.
    may mga kakilala din kasi ako na nagtatanong kung bakit hindi maka-link dyan sa name mo sa sidebar.

    and about circumcision: to be exact kay Abraham nagsimula yan — he was NOT a Jew then, but a HEBREW (Israelite).
    pagkakaalam ko kasi (but not so sure) the word “Jew” comes from the name “Judah”, apo sa tuhod ni Abraham.
    nuong na-divide ang bansa nila, JEW ang tawag duon lang sa mga taga-south kingdom of Judah, in contrast to the north kingdom of Israel… after the babylonian captivity, all Hebrews are called JEWS… But Jew or Hebrew, “Hudyo” sa tagalog.

    anobayan, ni-lecture-an pa kita ng Jewish history! hehe
    magpari na nga lang kaya ako?😆 kaya lang pano na si misis? pagma-madrehin ko? ahehe

    sa tutuo lang hindi ko na rin masyado nahahawakan ang Bible. naalala ko lang. at medyo ni-research ko uli ng konti bago ko sinagot itong comment mo. 😆

    but now it doesn’t matter kung Jew or Gentile, tuli o hindi tuli — tulad nga ng sabi ni Paul… namana lang nating mga Pinoy yang pagtutuli. “lukaw” pa nga noon 😆 …at naging tradisyon na rin.

  5. haba ng post, bukas ko hihimayin hehe. nipanuod namin lahat ng dadi ko, mami ko at ni bentong video ng “mansyon ng daga” mo,😀 pinakita ko sa knila, sabi ko galing mo gumawa, dadi ko kc mahilig lng gumawa, kaha ng gagamba eh😀 mahilig din sa kalikutin

    homebodyhubby: ay ganun? hehe… ni-advertise mo
    na pala ko — thanks! …natutuwa ako pag may nanonood ng videos ko. regards mo ako sa kanila, esp kay Bentong😆

    sige bukas pagtyagaan mo basahin ito post ko ha? 😉

  6. “dahil tinitiyak ko sa inyong mga ama na barako lang sa “pundya” nila: balang araw liliit at manlalambot din yan”.😯 manliliit din ba? kala ko manlalambot laang😆

    ay eka, bat b yun ang napansin ko,nagulat laang kc ako😆

    hmmn.. koment ko?
    wel, totoo nmn lahat cnabi mo, pero kaso minsan din, di natin masasabi kung ano at pano talaga, unless, tayo mismo ang nasa sitwasyon.

    im not saying dt ur being judgmental or samting. it rili is just d ryt thing 2 say..

    kc ako nuon, may slyt panghuhusga din ako sa mga bagay bagay, in a way lyk for ex.

    sa mga bading, naiisip ko, pwede nmn cla maging bakla, lyk sa kilos kung ganun talaga ang natural na nararamdaman nila pero wag na ung 2 d point na pumatol pa sa lalaki. pero now, na realyz ko, di ko nmn cla fully mauunawaan, dahil kahit kelan, di ako magiging isang bakla.

    dati din kay kris aquino, i was lyk, ano ba xa, halos nasa kanya na ang lahat, nagpapaka gaga pa xa. pero naisip ko din, i wil nvr understand her fully 4 i wil nvr b lyk her.

    and u know y ko na realyz lahat ng to? nung dumaan na din ako mismo sa mga pagsubok. na naisip ko, madami pala talagang madali lang sabihin pero napaka hirap gawin.

    pero empre, di din nmn dahilan yun para i justify ang mga pagkakamali, im just sayin na napakaraming bagay sa mundo ang di natin kayang totoong maunawaan dahil madaming bagay sa mundo ang di natin mararanasan…

    (senxa na, super haba, parang post😀 )

    homebodyhubby: hehe… yung unang napansin mo —
    well iba-iba kasi ang “et-et” ng mga lalaki e (ewan ko kung ilan na nakita mo😆 jokes!)

    meron iba parang sa hobbit pag “tulog” o flaccid,
    pero ala-kay-Hercules naman pag “galit” o erected…
    meron naman “tulog” man o “galit”, ganun din ang size, parang tumigas lang… so flaccid size is not the indication of how large a penis is.
    napag-aralan ko lang ito sa kababasa at sa statistics —
    wala akong ibang et-et na nakita ha… potangina! 😆

    ayan nalektyuran pa tuloy kita ng MALE SEX anatomy — ikaw kasi e 😆

    yung tungkol naman sa “madaling SABIHIN pero mahirap GAWIN” etong point ko:

    i DON’T consider this a judgement (bahala yung makikinig, GUILTY lang sila siguro), but rather a WARNING…
    hintayin ko pa bang maranasan ko bago ako mang-REBUKE? basta nakikita ko maraming nasisirang buhay (lalo na ang kabataan) dahil sa mga ganyang KAPALPAKAN.

    i don’t want to sound SELF-RIGHTEOUS here — that is why i am saying na AKO MAN pwedeng mahulog sa tukso… at alam ko marahil yan ang hinihintay na mangyari ng marami para mahusgahan naman nila ako. hehe… syet sila. HINDI ang SARILING LAKAS KO ang pinanghahawakan ko kundi ang PANANAMPALATAYA ko sa mga UTOS ni KRISTO.

    “Not by might, nor by power, but by my spirit…”
    (Zec 4:6)

    WALANG IMPOSIBLE sa PANGINOON! …to GOD be all the GLORY! (not GMA ha?)

    mayroon ako nuong kaibigang BAKLA — nuong makakilala
    sa Panginoon naging ganap na lalaki, nakapagpakasal, nagkaanak, nagkapamilya at naging ganap na PADRE DE PAMILYA!

    MATIGAS lang naman ang ulo ng marami… mas sinusunod ang “DESIRE of the FLESH”… nagpapadala sa “EMOTIONAL WEAKNESS” — kaya lalo silang NALULUBOG…

    wala naman silang mahirap na gagawin kundi ang BUONG-PUSONG pagpapasakop sa Panginoon… at lahat ng IMPOSIBLE sa tingin ng maraming tao, magaganap — PANGINOON NA ANG BAHALA DOON! 😉

  7. ‘mine’? …anu na? …hindi ka na kumibo?

    me utang pa ko sa’yo… e-mail ko nalang siguro?

  8. hala, na anu na ako😆
    anong utang? ehehe cge email ko na lang sayo, hanapin ko..

    At FYI 5 lang, nakikita ko ng live😉 pero sa pix mdami na😆

    homebodyhubby: hehe… yung limang yun —
    sana hanggang “kita” lang. 😆
    sige email mo, antay ko… ayoko me malabo ako sagot e — indi ako makatulog?

    btw… ‘nu to? — “hala, na anu na ako😆 ” …misyado ka matalinghaga! 😛

  9. ang gulo mo talaga! o ako magulo?😆

    ‘mine’? …anu na? << yan o? sabi mo anu na :p kaya sabi ko na anu na ako😆

    ..yung 3 sa 5 di lng kita😳

    homebodyhubby: huh? 😯 hehe… nagbilang ka din pala! 😆
    tsk tsk tsk… last na yan, ha? …TAMA NAAAA !!! 😕

  10. nagbilang p b yun?
    now a days, santa na yan!😆

    hmnn. promiscuous na b yun? wel, mhirap bumili ng kotse na inde nite test drive!😆

    kaso nangyayari, rental car lang nite test drive pa eh no? nyahaha😆

    homebodyhubby: test drive? hehe… siguro nga.
    kasi ako lang ang ni-test drive ni misis ayan tuloy hindi sya mabuntis hehe… pero hindi naman ako kotse e saka kaya ko naman sya ilipad sa himpapawid. 😛

    yung promiscuity alam ko e yung sabay-sabaw? …pero miski na “wan at a taym lang” — grabe BALIK nun sa “feelings” at buo pagkatao.

  11. hmmn, mukang mahabang diskusyon itong napunta sa pamana ng daga! nyahaha..
    lam mo, very idealistic ka talaga. w/c is gud and lucky you, nka tagpo ka ng katapat mo in d person of ur wifey.

    pero aq, hmnn, wel of kors, mas ok sana kung success agad sa umpisa di ba.. pero parang mas ok din nmn yung mag “choices” ka kumbaga😆 twisted talaga ako, pag pasenxahan mo na!😆

    ikaw? si misis mo din lang ba na drive mo?

    homebodyhubby: i won’t say i’m “lucky”…
    i’d rather use “BLESSED”.

    yung “choices” tutuo yun, though hindi na sana
    umabot pa sa “ganun”… at kung hindi man successful sa umpisa at HINDI NA TALAGA kayang i-RESTORE pa,
    well nandun na yun, wala na tayong magagawa…
    pero yung SUSUNOD, sana LAST na. 😉
    😯 ambigat na tanong yung huli… 😳
    pede ba sa email na lang? 😛

  12. uu daw, ang mabuti daw asawa ay biyaya ng Panginoon.
    cge, Blessed na lang😀 kc lucky pag “get laid” lang hehe

    nag email na ko sa arrobac mo

    homebodyhubby: hehe… ganun? 😆
    sige memya ko punta sa yahoo ha? …tapusin ko muna framing ko kasi papadilim na naman dito sa nag-iisang bintana ko …another SUNSET?

  13. […] Sa year of the RAT, tatapusin ko ang tatlong buildings na bubuo sa mansyon ng daga ko! […]

  14. […] (Pwede nyong balikan ito: “Pamana ng isang DAGA”) […]

  15. […] My Choice. Nandito yung “project” kong mansyon ng daga para sa mga hamsters ko. Dito ko rin parang naibuhos ang lahat ng mensaheng nais na iparating ko (mukhang dito may ilang nagalit sa akin — sowee, hindi ko naman talaga alam na may ganun sa inyo). Nagsusumigaw na katotohanan sa ilang mga nilalang na mas matalino pang di hamak kaysa sa isang DAGA. […]

  16. […] “There is a generation that curseth their father, and doth not bless their mother.” (Proverbs 30:11) […]

  17. […] As usual, the reasons are priorities – marami akong dapat pagtuunan ng pansin. First ang matagal nang planong paglipat sa Baguio (the sunflower land of my dreams?)😆 at second ang mansyon ng aking mga daga😆 (uli). Itong huli ay tsikenpid lang naman, yang una ang mas mabigat. Slopey kasi ang nabili naming lupa ni misis, kaya hindi pwede ang basta-basta na lang na tatayuan yun ng maski isang kubo – dapat talagang super-tatag ang pundasyon. Ibig sabihin, mas malaki ang pwedeng gastusin (Ibenta ko na lang kaya?🙄 – joke) […]

  18. OH MY GOSH. . .
    WAT A WONDERFUL SITE

    . / .SHIROH. . .

    ————————————————

    HBH: Thanks…🙂

  19. HOPE THAT THIS SITE WILL TELL MORE ABOUT IN A PERSON WHO PLAN TO CREATE A FAMILY. . .GOODLUCK. . .
    TXT ME POH 09297765930 THANKS

    ————————————————

    HBH: I rarely go out, so I don’t use a mobile phone.😳
    Visit ka na lang; welcome ka parati dito sa blog ko.😉

    Thanks, Jeroh… and God bless.

  20. […] Kaya eto ngayun ang role ni Doray (at nang ilang madadagdag pa) : Katuwang ni Boolaboy Berio bilang caretaker ng maiiwang ipinundar ng mga nauna kong alaga, domestic-watcher o taong-bahay — eheste, dagang-bahay ng Blungga.*

    [*Blungga — Blog na lungga; pede ring Bonggang-lungga,
    ang Mansyon ng Daga] […]

  21. ..anG ganda ng mga cnaBi mo..
    sana mabasa din ng mGa parents,lalo na ung mga daddy na medyo pasaway..
    hmMm..
    i’ll kip reading..
    nice ng videos..

    ————————————————

    HBH: Salamat.🙂 You’re always welcome.

  22. Hi ho diggydee!
    Ayos, sana sa lahat ng mga ama, soon-to-be daddies, at sa lahat ng mga kabataan lalo na tayong mga men,
    STICK TO ONE LANG! Ang Gaba di mag-saba!
    At sana God will bless us with loving children and a healthy family!
    Mga misis out there, supportahan sana si Hubby, wag palaging nagseselos, keep up your sweetness, and care! The family that prays together stays together.
    GOD BLESS TO ALL FAMILIES!
    God Bless Dude! and Dudettes!🙂

    ————————————————

    (04 Feb 2010)
    HBH: Thanks!🙂

  23. […] Sapul pa nuon, “laban” ko na ITO… […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: