Baog na daga

NOTE: Gusto kong ipaalala yung unang post ko kaninang umaga — Si Lolo at si Lola baka lang hindi nyo pa nababasa. May pikyur duon ng “taong-bundok”😀

Ispidbol (♂)

One may consider Ispidbol (Speedball) as a sterile hamster. But this is far from the truth.

Technically speaking, neither Ispidbol nor Teepee (his wife) is infertile or sterile. They just failed to sire offspring on their first and second matings — and that I decided to stop aiming further for a third. The reasons may be as simple as to control my hamsters’ birth rate, to as much complex a reason unknown to non-hammie-lovers. That is what I am going to talk about.

I read from my internet surfing that in-breeding, or mating closely related individuals (maski pala sa hayop) is not advisable. Babies are more likely to die young immediately after birth resulting to less number per litter. Resulting breeds tend to be less smart (daw), smaller, have ‘undesirable’ physical appearance, sickly and have a shorter lifespan. This I learned just recently — after breeding up to almost the 7th generation!

Well… Less number per litter may be an advantage considering their fast population growth. But the poor babies who die… never mind the ‘advantage’ ; I have to stay away from ‘impractical breeding’.

One hamster expert in flickr commented that it is even possible for unborn babies “being absorbed back into their mother whilst they are still in the womb” (this is her exact words). Meron palang ganun?

Yes, I think this is true. Because I remember Teepee’s tummy has grown big on her second mating with Ispidbol. Obviously she was pregnant. Sixteen days had passed but no sign of babies nor blood. Her tummy just went back to its normal size after a few days. Ibang klase! But I am happy she didn’t die like the elder Beria and the younger Beria-girdel.

Considering their skills and talents, I can say that my hammies are all smart, tamable, and trainable. Not one is a moron or retarded.😆 It’s just that I see the “pay-offs” of in-breeding in the smaller body-built and the not-so-good fur coats of most of my long-haired males. But whatever, I love all my hamsters, of course.

Incidence of illness, I think, is a matter of how you foresee the possibility of it and how you respond quickly to it just in case it strikes. Lifespan? It’s just the same — two years on the average — just the same as when I had started caring for this family since 2003. But anyway, I learned a lot. This time I have to breed very carefully.

So what is my declaration? Ispidbol is not sterile! No, not even his wife. 😀 Walang baog sa daga ko, ‘no!

Okey. Watch Ispidbol’s video. Yun malimit na “ahehe” ko wag kayo mapikon. Hintayin nyo sa huling part nitong video kung ano sound ng “ahehe” na yun. Ahehe!

Ispidbol in “Bulwagang Bitoy” (Bitoy hall, 31 Oct 2007)

Ispidbol is a fourth generation hamster. He is the current occupant and steward of the Bulwagang Bitoy.😆 He is so far the only tenant who does not chew the woodwork of the Hall.

Ispidbol’s the most “nosey” of all my hammies. When I hold him close to my face, he stretches his body to smell my nose. Kung minsan nga didilaan pa.

In his ‘golden days’, Ispidbol is still enjoying an active retirement.

————————————————————————————————

Gusto nyong marinig naman ang kwento namin ng misis ko?

Maari nyo ring sabihing BAOG ako, o ang misis ko.😀

Etong sagot ko: Hindi. At hindi naman namin kelangang patunayan ito.

Nasa 30s na kami nung nagpakasal ni misis. Pangatlo sya sa naging gerpren ko; una’t huling boypren nya naman ako. Three years na kaming kasal pero hindi mabuntis si misis. Puro delayed, parating mainit ulo maski enjoy naman kaming pareho. Dysmenorrhea… kaya akala mo buwan-buwan naglilihi.

Unang teorya namin, stress sa trabaho. Pero pa-check-up din. Low sperm count daw ang sakin, which later e pinadami naman ng mga vitamins na inireseta sa akin. Endometriosis naman ang kay misis, pero nag-o-ovulate.

Sa madaling salita, may laman ang itlog ko, sya naman ay ‘nangingitlog’. Kulang lang siguro sa LIMLIM kaya prating nabubugok hehe. E di limlim… limlim, at limlim pa…😳 enjoy lang! — Mag-asawa naman.😀

Nagpawork-up si misis with a female obygyny na ka-church-mate namin. Kung anu-anong test at gamutan dahil may pag-asa naman daw. Nagpahilot na rin. Pero later nagsawa din kami. Kasi masyado magastos. Naaawa na rin ako kay misis dahil kung anu-ano nang nararamdaman sa gamutan. Di bale na lang, sabi ko.

Hindi naman kami nagsisisi ngayon (baka matulad lang si misis sa dalawang buntis na daga ko). Dalawa lang naman kami nung ikasal, walang kaso kung dalawa pa lang din kami hanggang ngayon.

“Oe baog na rin yun!” sabi mo siguro.

Oedisige, kung ganun ang gusto mong itawag sa hindi basta makabuo. Kung dun ka ba liligaya, suportahan pa taka ahehe. Mahirap patulan ang mga panunukso, baka kung saan pa ko makarating…

Gusto ko pa sanang i-discuss yang tungkol sa “TUKSO” — kaya lang lalo lang hahaba itong post ko. Ireserba ko na lang muna.😉 Sa diskusyon ko na lang tungkol sa magkapatid na sina Wigwam at Teepee ko yan ikukuwento… Sa December 14, abangan mo. [Sige Mr Barako… kumusta na lang sa bading na dyunyor mo na nagmana sayo.:mrgreen: ]

Kaya eto kami ngayon: isang kumpletong pamilya maski dalawa lang kaming magkasama. Para pa ring magboypren lang maski midlifers na, nagagawa ang lahat ng gusto dahil walang batang istorbo.

May mga nagsasabi: “E paano pag tanda nyo, sinong mag-aalaga sa inyo?”

Tsk tsk! Akala ko tapos na tayo sa matatanda sa “Si Lolo at si Lola” post kanina. Oedisige… Praktikal na tanong, pero puno ng pangamba.

Kung mag-aanak kayo, o mag-aampon kaya, huwag nyong unahing maging motibo ang magiging kapakanan nyo. Isipin nyo muna kung ano ang maibibigay nyo sa anak (o aampunin) ninyo.

May kilala nga akong mag-asawa, hindi rin magka-anak. Nag-ampon — para lang hindi mahalata na hindi sila makabuo — para makaiwas sa kantyaw! Ngayon hiwalay silang mag-asawa; Ang kawawang ampon, kinuha nila sa magulo, mauuwi rin pala sa magulo…😦

Ano bang ikinatatakot nyo? Kunsabagay, mahirap alisin sa isip ng iba yan. Me mga kaibigan nga kaming missionaries, karamihan babae na walang asawa at tumanda na sa pagmi-misyon — in service to mankind, for the glory of God. Sila man minsan nalalagay din sa ganitong pangamba.

Eto lang ang mae-eksampol ko:

Ang Syrian hamster ay isang solitary creature, ibig sabihin, SOLO-SOLO kung mabuhay yan, hindi grupo-grupo. Nagkikita lang ang lalaki at babaing hamsters pag magme-mate. Eto e pag in-heat o naglalandi lang ang babae.

Sa lugar na pinanggalingan nila (Aleppo, Syria), hindi sila umaabot sa full lifespan. Kasi pag matanda na, humihina na sila. Kumpetensya ang paghahanap ng pagkain, kanya-kanya. Dito pa lang kita na ang disadvantage(?) nila. Hindi sila NANGUNGUYOG na kaparis ng mga hyena — mga mababangis na aso.

Pag ganitong kumpetensya, pwedeng mapatay ang isang matandang hamster ng kapwa nya hamster na mas bata at malakas pa. Pati ang pagiging alerto sa panganib, nababawasan pag matanda na. Madali syang madagit ng kwago o lawin, o kaya ahas o mababangis na pusa.

Dahil dito, bihira sa mga hamster ang mabuhay nang mahigit sa dalawang taon. Mangyayari lang ito kung sila ay “pets” o mga alaga — kaparis ng mga daga ko. Kasi hanggang sa huli nilang hininga, naibibigay ang kanilang mga pangangailangan.

Eto ngayon ang punto ko:

Kung naging tao kaya ang mga hamster ko, magwo-worry kaya sila sa kanilang pagtanda gayung alam nila merong isang tao (ako yun) na nag-aalaga sa kanila?

Kung kaya kong gawin ang ganito sa aking mga daga, hindi kaya MAS LALONG HIGIT PA ang magagawa ng aking AMA sa langit na sa aming mag-asawa’y nagmamahal at nag-aalaga?

Kaya kayong mga walang anak… kayong mga “BAOG”, tulad ng sabi nila… huwag kayong mapikon. Huwag kayong mangamba. Kaloob ng Dyos ang anak. Kayamanan ang maraming anak …pero hindi sa dami ng anak lang nasusukat ang lahat.

Maraming ibang uri ng kaloob. Maraming iba’t-ibang klase ng yaman. Basta’t ang mas lalong higit sa lahat — sa kanyang mga anak may isang AMA na sa atin ay nag-iingat at kumakalinga.

“Even to your old age and gray hairs I am he,

I am he who will sustain you.

I have made you and I will carry you;

I will sustain you and I will rescue you.”

(Isaiah 46:4)

“Ako ang inyong Diyos.

Iingatan ko kayo

Hanggang sa pumuti ang inyong buhok

At kayo’y tumanda.

Kayo’y nilikha ko kaya’t tungkulin kong

Kayo ay iligtas at laging kalingain.”

(Isaias 46:4)

————————————————————————————————

Next posts: “Teenage Mom and Dad” (07 December 2007)

“Byudang Ina ka!” (07 December 2007)

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2007/11/28/baog-na-daga/trackback/

RSS feed for comments on this post.

11 CommentsLeave a comment

  1. very nice parallelism kuya… *clap clap*!!!

    homebodyhubby: salamat, a-ding! 🙂
    (a-ding means younger brother or sister)

  2. tay!ang haba..hinigal ako..ahhee..cge lang…..if thats the will thats the will talaga…you still have other people who will love you, regardless kung ano ka..okies tay??

    Just be around….trying to catch some falling stars..hahaha…ang layo naman ng statement ko.

    homebodyhubby: ay salamat anak!
    masaya na naman ako at nadalaw ka rin sa wakas ahhee. muntik na akong manawagan.

    anlayo nga ng stetment mo p’re. pero ay anderstang. 😛

  3. alam mo kung ukol bubukol… itong si kengkoy ang sabi ng doctor nya for soo many hundred years e di daw sya mag kaka-anak.. e nung ika 200th year nya ayun, nabuntis si kengkay at nasundan pa ulit nung ika 202th year dyan, ahaha… mabuti kamo kamukha nya ang mga chikiting🙂 eto ang punto ko.. tama ka dyan, sinabi ko nga dun sa isang post ko na kung hindi handang maging magulang, itigil ang tulak ng laman. kasi kawawa naman di ba? yung baby boy na request nyo ni misis pala…

    homebodyhubby: oks lang maski hindi muna bumukol. pero yung “tulak ng laman” basta parehong nasa mood,
    sa aming dalawa enitaym ay okey lang ahehe.

    yung baby boy Aleman joke la-ang yon. baka totohanin mo, mapasubo ako… bata pa naman kame ni misis e ahehe.
    siguro saka na lang, mga after… 40 years. 😆

  4. ahehe, balls nya b ung na syt ko e:D

    awww now ko lang nabasa dhil dun sa koment mo, wel, npaka laking advantage na “nakakakilala” kayo.

    minsan nga, maiisip mo, bat yung ibang pabaya, kung mag anak sandamakmak, taz kung cno p yung deserving, yun nmn ang inde ( imagine, kung ano ichu ng kuna at toys ng anak mo, eh sa mga daga pa lng hataw na)

    pero God has better plans 4 us and only with a humble and understanding heart can we be able to comprehend wat he has in store 4 us…

    ***John 14 – …

    1DO NOT let your hearts be troubled. You believe in and adhere to and trust in and rely on God; believe in and adhere to and trust in and rely also on Me…
    ..14 I will grant whatever you shall ask in My Name.

    homebodyhubby: oo… indi naman talaga baog si Ispidbol.

    uy, uy… mukhang nalilimit na ang pagko-quote mo from the Bible a? sige tuloy mo lang pagbabasa. 😉

  5. Saludo ako sayo Bro!, ako man gusto ko na rin magkaanak sana biyayaan kami ng DIYOS ng malusog na sanggol, bagamat malayo kami sa isa’t isa sana pagbakasyon ko ngayong taon magdalangtao na sana ang misis ko, dalangin ko sana pareho tayong biyayaan ng Maykapal na nasa langit ng Anak ngayong Taong 2008 Bro!, maraming salamat sa column mo medyo lumiwagan ang isipan ko sa mga bagay bagay sa paligid ko,

    at sana sa mga taong mahilig manlait at pumuna, nawa ay danasin ninyo ang habang buhay na walang kasiyahan at masaganang kalungkutan sa buong buhay ninyo upang maranasan ninyo ang hapdi, lungkot at pighati sa landas ng buhay na iyong tatahakin bilang parusa ng Diyos na nasa itaas sa mga taong mahina ang pang-unawa. Masaming salamat kaibigan

    Jacob

    homebodyhubby: walang anuman, kaibigan. 🙂

    baka kailangan din magpatingin kayo ni misis sa espesyalista brod? may mga babae namang obygyny o infertility specialist, baka may konting kelangan lang na iayos sa matres ni misis. at ikaw man baka kelangan mo lang ng konting vitamins. 😉

    ngayon, halimbawa lang — na kahit manawari ay huwag — na talagang wala na kayong pag-asang magkaanak, huwag kayong malumbay. ang pagkakaroon naman o hindi ng anak ay hindi dapat makaapekto sa pagsasama at pagmamahalan nyong dalawa ng iyong asawa.

    maski wala kayong anak, basta isipin mo na lang na KUMPLETO pa rin kayo… malay mo, baka may misyon na ibinigay sa inyo ang Panginoon na mas magagawa nyo nang lubusan kung dadalawa lang kayo.

    kung talagang gusto nyong magkaanak, pwede pa rin naman kayong maging mga magulang kahit na hindi galing sa inyo. maraming bata dyan na pinagkaitang magkaroon ng mga magulang — pwede kayong mag-ampon.

    tungkol naman dun sa mga taong nanlalait at pumupuna, magtatagumpay lang naman ang mga iyan kung papansinin natin at kung tayo’y mapipikon… HUWAG MO NA LANG SILANG PATULAN — at mas makabubuti ring huwag ka
    na lang maghangad ng ikasasama nila.

    alisin mo na lang sa puso mo ang anumang hinanakit sa kanila, gaano man kasakit para sayo ang mga panlalait na ginagawa nila. pag pinatawad mo sila sa kabila ng patuloy
    na panlilibak nila, mapupuna mong GAGAAN ANG LOOB MO
    at mas maluwag mong matatanggap ang kalagayan nyo ngayon ng asawa mo.

    kami ni misis ko, antagal na naming ikinasal, pero masaya
    pa rin kami kahit na walang anak. 😉 …hindi nakakahiya ang pagiging walang anak. basta ang importante, nagmamahalan kami.

    kung talagang kalooban ng Diyos na magkaanak kayo, pasasaan ba’t mangyayari yan — sa tamang panahon na itinakda ng Panginoon, kung hindi man sa taong ito. hangad at dalangin ko na matupad ang lahat ng pinakamimithi mo.

    basta tandaan mo — KUMPLETO pa rin kayong dalawa, maski wala kayong anak… MAGMAHALAN KAYO. 😉

    Pagpalain ka ng Panginoon, brod… 🙂

  6. […] Ispidbol na “no use” ang bols […]

  7. […] maski pa umekstra ang French actoRAT na si Ratatuwe, yung isang BAOG at Isang BYUDO na mga hamsters ko pa rin ang BIDA! […]

  8. […] and his master have one thing in common. CLICK THIS for a short account his […]

  9. […] Ahehe, aktwali hindi naman ako napipikon diyan. Ang paminsan-minsang pagbanggit ko ng salitang “baog” dito ay hindi naman para umani ng panlalait o kaya’y simpatiya… Hindi rin naman para ibaba ang aking pagkatao – unang-una’y kumpirmado ng mga duktor na talagang hindi (defensive pa e ‘no? ); Pangalawa’y sa tingin ko nama’y bagama’t ang pagkakaroon ng anak ay sya na yatang pinakamagandang biyaya ng Diyos para sa mag-asawa, ang kawalan nito ay hindi naman talaga napakalaking kabawasan o kakulangan. Gusto ko lang i-cheer-up yung ilang mga baog ding (tsk tsk tsk… inulit pa) “walk-in” na napapasilip dito sa blog ko, lalo na duon sa mga dumadaan sa ganitong mga pagsubok. Paris ng anonymous commentor na ITO. […]

  10. […] Sa case namin ni misis, balistad ang ‘problema’ (?) namin nuon… hindi ba nga’t kami ni misis ay nagsawa nang gumastos sa kung anu-anong gamutan at work-out para magkaanak lang – dahil ayon sa mga duktor wala naman daw may “diperensya” sa amin. Wawa naman si misis ko nuon… kung anu-ano na ang nararamdaman nya sa mga inerereseta. Ahehe, high-risk pregnancy na rin lang kung itutuloy pa, ay di bale na lang. Kumpleto naman kami ni misis kahit kami’y da-dalawa lang. […]

  11. […] Sapul pa nuon, “laban” ko na ITO
    Hindi ako nagbubukas ng TOPIC na maaari ko (daw)
    na ikapaHIYA para lang mag-sour-grape o umani ng
    paglibak o simpatya. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: