Ipinasok sa lungga

 

Wala talaga ako ka-plano-planong ipasok ito ngayon. pero hindi ko mapigil. gusto ko lang ibulalas ang nag-uumalpas na init ng puson ko.

Sentimyento ko lang ito. pag hindi ko i-post baka magkasakit ako sa puso.

Ha? hanuyun? puson? …anong puson? tama naman ispeling ko a:

p! — u! — s! — o! …PUSO!

Ay yung nasa first paragraph ba? honga noh!? sori ha… init kasi ulo ko e. pati daliri ko sumasablay na ng tipa sa kibord.

Nakngpota… hindi ka na nga naglalalabas ng bahay para wala kang masamang makita. kumbakit sa tuwing magbubukas ka ng TV ay nakaka-buset ang mga ibinabalita.

Kaya nga yoko ng manood ng NEWS. hindi na “new” ito e. natututo lang akong magmura… gardemet! salamagan! pakdatshet!

Dito samin sa probinsya, pag my RAT-hunting campaign, pini-flame thrower ang lungga para maglabasan ang mga daga.

Kagabi nakakita ako ng ganitong eksena sa TV. hanep full-battle gear. akala mo yung TV series nuon na sina Rik Dyeyson at Bik Morow ang istaring. nu ngang taytol? “Kembot” ba yun? …ay Combat pala. 😆

Kitang-kita nyo naman… pinagta-target. pinagti-teargas. kawawang Manila Pen. Pati yung armored vehicle ipinasok sa loob ng lobby. baka di alam parking rules. kelan pa nagka-parking space sa loob nun? ahehe

Kelangan ba yuuuuuun…!? ewan ko senyo… basta dito na anlayo-layo na sa Manila e abot pa rin ng carpyu. haruuuuuuuump!!!

Hayst… PINOY gyera PINOY. kelan mai-istap ito…

Tama na nga. mahahayblad lang ako. baka memya mo matigok lang ako sa araw na ito. bertdey pa naman ni Bonifacio.

Pansin nyo ba? si Ka Andres lang ang may berdey na pula ang araw sa kalendaryo? bakit kaya? bakit hindi dedo-dey paris nung kay Rizal? ahehe…

Baka naman kasi me gustong itago ang mga gumawa ng holiday na ito nuong panahong iyon. iwas-pusoy na pag-usapan kung paano “nagpakabayani” si Bonifacio… na iniligpit sya ng kapwa Pilipino? … ay, ewan ko uli sa inyo.

Tama na Robert. mahirap nang maging detalyado pa. 😯 baka memya maipasara nang wala sa oras ang iyong lungga. dito ka na nga lang “sa loob” malayang nakapagsasalita.

1998 (Ka Andres)
Lawton, Ermita (1998)

Ahehe… ngayon lang umiksi ang post ko a. sana laging ganito.

ay nakngpot — …! … hoy, hoy, huwag na oy!