Ipinasok sa lungga

 

Wala talaga ako ka-plano-planong ipasok ito ngayon. pero hindi ko mapigil. gusto ko lang ibulalas ang nag-uumalpas na init ng puson ko.

Sentimyento ko lang ito. pag hindi ko i-post baka magkasakit ako sa puso.

Ha? hanuyun? puson? …anong puson? tama naman ispeling ko a:

p! — u! — s! — o! …PUSO!

Ay yung nasa first paragraph ba? honga noh!? sori ha… init kasi ulo ko e. pati daliri ko sumasablay na ng tipa sa kibord.

Nakngpota… hindi ka na nga naglalalabas ng bahay para wala kang masamang makita. kumbakit sa tuwing magbubukas ka ng TV ay nakaka-buset ang mga ibinabalita.

Kaya nga yoko ng manood ng NEWS. hindi na “new” ito e. natututo lang akong magmura… gardemet! salamagan! pakdatshet!

Dito samin sa probinsya, pag my RAT-hunting campaign, pini-flame thrower ang lungga para maglabasan ang mga daga.

Kagabi nakakita ako ng ganitong eksena sa TV. hanep full-battle gear. akala mo yung TV series nuon na sina Rik Dyeyson at Bik Morow ang istaring. nu ngang taytol? “Kembot” ba yun? …ay Combat pala. 😆

Kitang-kita nyo naman… pinagta-target. pinagti-teargas. kawawang Manila Pen. Pati yung armored vehicle ipinasok sa loob ng lobby. baka di alam parking rules. kelan pa nagka-parking space sa loob nun? ahehe

Kelangan ba yuuuuuun…!? ewan ko senyo… basta dito na anlayo-layo na sa Manila e abot pa rin ng carpyu. haruuuuuuuump!!!

Hayst… PINOY gyera PINOY. kelan mai-istap ito…

Tama na nga. mahahayblad lang ako. baka memya mo matigok lang ako sa araw na ito. bertdey pa naman ni Bonifacio.

Pansin nyo ba? si Ka Andres lang ang may berdey na pula ang araw sa kalendaryo? bakit kaya? bakit hindi dedo-dey paris nung kay Rizal? ahehe…

Baka naman kasi me gustong itago ang mga gumawa ng holiday na ito nuong panahong iyon. iwas-pusoy na pag-usapan kung paano “nagpakabayani” si Bonifacio… na iniligpit sya ng kapwa Pilipino? … ay, ewan ko uli sa inyo.

Tama na Robert. mahirap nang maging detalyado pa. 😯 baka memya maipasara nang wala sa oras ang iyong lungga. dito ka na nga lang “sa loob” malayang nakapagsasalita.

1998 (Ka Andres)
Lawton, Ermita (1998)

Ahehe… ngayon lang umiksi ang post ko a. sana laging ganito.

ay nakngpot — …! … hoy, hoy, huwag na oy!

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2007/11/30/ipinasok-sa-lungga/trackback/

RSS feed for comments on this post.

10 CommentsLeave a comment

  1. tay, cge lang….ganyan talaga ang mga swapang sa tinawag na power….basta ako, happy ako sa state ko, wag lang akong pakialaman at gyera ang aabutin..wahahhaha…..hay nako…walng tigil ang ulan….o nasaan ka araw?

    homebodyhubby: salamat ule anak at dinalaw mo ako. pinatawa mo na naman ako. nawala tuloy init ng olo ko! hahaha.

    hokey ka anak. ahehe. bilib naman hako sa’yo e. at me tiwala ako sa barkada mo. hamo p’rati din kitang papasyalan para makita mo araw ko. ahehe

  2. Sira kasi ang tools sa office kasi nag restart ang server sa USA..kaya ito idle time..silip silip..kung indi ko pa nilakihan mata ko, indi kita makikita sa dambana ni bonifacio..ahehhee

    homebodyhubby: oaysi…! okey lang. basta dalaw-dalaw ka lang miski ayaw mo basahin pag sobra haba post ko. p’rati kayo welkam dito (charuuush!)

    yung mama sa dambana ni Ka Andres — isa yan sa mga rebultong katipunero na binuhay ni Bonifacio. 😆

  3. asteeg sa ranting, kapatid, nakakahawa ang iyong galit. hehehe… laki siguro ng problema nung valet parking pipols nung tumambad yung tanke sa driveway. malamang napa-isp yung pobre ng “paksheet… sana power steering ito!”

    Mabuhay si Bonifacio (pati ang mga hamsters mo!)

    homebodyhubby: ay ganun ba!? 😛 inis pa nga lang yan. kasi bawal na saken ang magalit “tumataas ang hayblad” ko ahehe… yung tabak-de-katipunero ko e pang-tuli na lang. :mrgreen: kaya nga ko nag-alaga ng pets para bumaba-baba ang BP ko. 😆

  4. ay uu nga! asar na asar tlg ako! akalain mo ba namang bubuksan ko ung tv eh yan ang tatambad sa akin! di ko 2loy napanood ung iba na palabas! amp!!!!
    Ayos pic natin kay mang boni ah! wakekekekk!

    homebodyhubby: uy napasyal ang scholar namin! 🙂 matagal-tagal din bakasyon nyo ano, 3 days.
    anlayo ko pa nga dyan sa piktyur e… sana close-up ahehe.

  5. uy, prends mo pala si boniface ha🙂 hanakenampucha talaga ang mga jinayupaks na gustong tumambay sa mga pasosyal na hotel e wala naman palang pambayad… pero teka, sabi ni trilla boy sa balita e sya daw magbabayad dun sa damage ah, waw, nanalo ba sya sa lotto, huh? kung pinamigay na lang ba nya yung kadatungan na yon sa mamamayan edi mas marami pa sya napasya ngayong pasko, hmp.

    homebodyhubby: ahehe…
    si boniface? …hindi ko prend yan …LOLO! 😆
    ang talagang prends ko e si bonafart — napolyon bonaFART! (mabangong “dig-low” sa tagalog)

    lotto!? …talaga ha!? aba e kung magbibigayan ng datung, luluwas at makiki-UZZI ako 😆
    anggulo nila dito! …buti ka pa tita kengks …mag-abrod na lang din kaya hako? …lahat ng brods ko abrod na.

    ay mare… memya lalabas uli ako… ni-tag ako ng isang estudyante ko ahehe.

  6. Nung ‘sang araw, napasyal ako dun sa isang blog.
    tungkol din sa nangyaring ito ang post n’ya. and i was reminded (or rebuke, i want to call it) by the Bible verses she quoted. salamat a-ding… i’m so glad you found my blog. that way i got to know you. 😉

    ito ay tungkol sa isang uri ng “pakiki-alam” na dapat na ginagawa nating mga Pinoy. dapat nga mauna ito, hindi kung kelan wala na tayong magawa — at talaga namang wala kung hindi tayo “makikialam” sa paraang ganito:

    PRAYER. you read it right… PANALANGIN!

    “If my people, who are called by my name, will humble themselves and pray and seek my face and turn from their wicked ways, then will I hear from heaven and will forgive their sin and will heal their land.” (2 Chronicles 7:14)

    yung iba hindi naniniwala dito. nasasa inyo yun, bahala kayo.

    Kung inabot nyo na nuon ang 1986 EDSA revolution,
    PEOPLE’s POWER ang tawag dito. but we should know that it is more of the PEOPLE’s PRAYER that made it possible.

    “Not by might, nor by power, but by my spirit…” (Zec 4:6)

    and when we say PRAYER we mean prayer to GOD —
    to HIM ALONE — hindi sa kung sinong icon lang ang ibig nyo. marami ding born-again christians ang nagmartsa nuon, nakiisa sa peaceful revolution at taimtim na nanalangin.

    kayo? anung “pakikialam” ang ginagawa nyo?

  7. […] indifferent. reactionary. minsan ambivalent… hindi ka Pinoy kung manhid ka. or balimbing kaya. maki-alam ka. diskarte mo na kung paano. huwag yung u-uzzi-uzzi ka lang […]

  8. Ganyan talaga. Nakakainis nga kasi kasama ako sa EDSA 2. Dapat pala di na lang nagtagumpay yun. Pati media di pinatawad. nasanay na yata ako. Kahit sa school, wala rin magawa ang publication.

    ‘nga pala, here’s my blog: pixelinterface.wordpress.com. Yun nga lang, wala pa akong time magsulat. Pagwala ako sa PC, dami ako naiisip. Pag nasa harap na ng PC, nawawala yung ideas ko. I’ve written something about Camera Flash. Pakitingnan nga po kung tama yung idea ko.

    Tito Arleen😎: Kita ko na blog mo. 🙂 ‘tuloy mo lang!
    Hindi ko nakita dun yung re camera flash, nasa e-mail mo ba? Sige check ko na lang pag punta ko hotmail.

  9. […] Taga. May naalala ako… malapit na naman pala.
    Sana wala nang ratratan. Ehe… siguro, kasi sa dyokdyokan
    at volahan tutok-pansin ang lahat ngayon. […]

  10. Ewan ko lang senyo pero sakin Yeheeey!!! ito → Amnesty

    Aush na rin kahit di ibalik sa kani-kanilang dating posts.

    Eniweys, kahit naman ibalik e mukang wala nang dapat ipag-alsa*

    bumaba na eh (literali, talagang bumaba lang ng pwesto😆 )**

    * Well, as I said earlier, parang gusto ko maging mas optimistic ngayon.

    ** Harinawang maibaba na rin yung tanso

    (yung idsashra-en dun — hindi yang nasa itaas)

    ibenta ito ↑ ng por kilo at ‘ipamasko ang datung’ sa mamamayan

    mahihirap.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: