Byudang Ina ka!

NOTE: Paalala ko lang yung post ko kaninang umaga —

Teenage Mom and Dad baka hindi nyo pa nababasa.😉

My featured hamster this time is the widowed wife of Berio. If you want to know more about Berio, the big hamster with a small testicle, click on this:

Size didn’t matter

Mochahontas is the wife of Berio. Her husband died when Mochahontas was five days pregnant of their still unborn litter.

“Boolagang” was the name of the posthumous litter. Mochahontas gave birth to them 11 days after their father died. Of course, Berio’s death didn’t matter in any way to his preggy widow. They are just hamsters. And besides, I am here — their master, protector and care-giver.

Mochahontas was a very protective mother to a litter of six baby hammies. One time she had bitten me so nicely when my hand got its way into her cage. Nice shot. A finger of mine bleed profusely.

Mochahontas is still alive today. Three of her Boolagang litter are still staying with this family. (More about the Boolagang on 21 Dec 2007)

Mommy Mochahontas with the Boolagang (4 April 2007)

Mga nanay, ganyan ba kayo sa mga anak nyo? PASAWAY na nanay!😆

————————————————————————————————

— USAPANG PINOY —

Kamusta na kayo mga byudang ina? Sana sa mga panahong ito, nakaraos na kayo sa dalamhati sa pagkamatay ng inyo-inyong asawa.

Siguro hanggang ngayon nag-aalala pa rin kayo. Mahirap talagang magpalaki ng mga anak nang nag-iisa. “Sa hirap ng buhay ngayon…” Yung iba nga, dalawa na silang mag-asawa ang kumakayod ay hirap na hirap na — yun pa kayang nag-iisa?

Pero alam nyo ba? Minsan mas madali pa nga ang lagay ng byuda, kesa dun sa inabandona ng asawa. Ang byuda, pwede uling mag-asawa; yung iniwan lang, hindi. Unfair ba eka mo? E di ipa-annul mo ang kasal nyo kung naiingit ka! Kung yan ang gusto mo e, bahala ka. Pero pilitin mo ang ama na buhayin ang mga anak nya sayo. Kung ayaw, idemanda mo.

Tulad ng sabi ko, allowed na mag-asawa uli ang isang byuda. Pero obvious namang hindi dapat agad-agad pagkamatay ng mister nyo!

At kung mag-aasawa uli kayo, hingin nyo muna ang palagay ng mga anak nyo. Hindi kayo agad-agad makakapagpasya kung ayaw nila. Ingat din kayo sa paghanap ng magiging pangalawang tatay nila — baka tarantado pa yang makuha nyo, sya pang gumapang sa anak nyong dalaga.

Marami dyan, byuda pa ang sinasamantala. Lalo na yung hirap na hirap na buhayin ang mga anak nyang naulila sa ama?

Kung ikaw ang lalaki at mahal mo sya, olrayt pakasalan mo ang byuda. Kung handa kang bang akuin ang responsibilidad ng namayapa nilang ama e. Ang tanong ko lang, BINATA ka ba? O kaya, BYUDO ka rin ba? Hindi pala e! Bakit nag-a-apply ka!?

Kung isa ka nang mister na may asawa, maging tapat ka kay misis. Baka sa kalokohan mo me rumesbak sa iyo! Ma-byuda rin nang wala sa oras ang misis mo!

Sabagay napupuna ko: Mas maraming mga byudo ang nag-aasawa uli kaysa sa mga byuda. Natural yan. Ang mga byudo nag-aasawa uli, kasi karaniwan sa aming mga lalaki, hindi kayang tiisin ang lungkot at pangungulila. Hindi lang yung sexual needs ang tinutukoy ko dito, ha?

Syempre din kung may mga anak kami, kelangan nila ng nanay. Pero ang malimit at pangunahing dahilan ay kailangan namin ng katuwang at kasamang asawa. Kaya nga nilikha ng Dyos si Eba mula sa tadyang ni Adan — dahil si lalaki ay nangungulila. O… malinaw yun ha? Mula sa tadyang, hindi sa bukong-bukong para tadyak-tadyakan. Hindi sa kamao para gawing punching bag. Sa tadyang… malapit sa PUSO — para mahalin at yakapin!😳 (naks! kinikilig ang mga misis)

Ang mga byuda naman, karaniwang nakakaisip mag-asawa for security reasons. Nangangamba kung papano bubuhayin ang mga anak nila. At syempre kailangan ang isang lalaki na haligi ng tahanan. Kaya kayong mga mister: maski buhay pa kayo pero iresponsable naman, MASAHOL pa sa byuda ang asawa nyo. Daig pa ang naulila sa ama ang mga anak nyo.

Iniisip ko tuloy: ano kayang nangyari kung si Eba ang unang ginawa? Ahehe, siguro wala tayong mga boys ngayon. Malamang ang hihingin ni Eba ay isa ring babae para me kasamang ka-tsika-tsika.😆

Ang kapatid kong panganay na babae, nabyuda nung 40 anyos sya. Naaksidente ang bayaw ko. Lima yung mga anak nilang naulila sa ama. Mag-isa akong kapatid na lalaking nakipaglibing dahil nasa abroad ang tatlong kapatid kong lalaki. At frankly, talagang INIYAKAN ko ang pagkamatay ng bayaw ko. Maski medyo galit ako dito nuon dahil itinanan ang ate ko. Kunsabagay naging mabuti naman syang asawa’t-ama. Hindi rin naman naging masamang bayaw. Napakabait na tao. Nung burol at libing, maraming nakiramay.

Naalala ko nung libing. Kahit ako’y kapatid at tyuhin ng mga naulila, nag-cover ako ng litrato. Umuulan nung funeral march. Yung lens ng camera ko, nanlabo sa basa ng ulan. Ang mga mata ko naman lumabo din dahil sa mga luhang hindi ko mapigilan. Nakadyaket ako nun at MAHIGPIT na kipkip ko sa kilikili ang perang pinag-abuluyan. Thirty (30) thousand, malaking halaga na yun nuon. Ako na’ng nag-volunteer na magdala dahil baka sa ‘kalituhan’ ng mga namatayan ay mawala pa. Nasa isip ko nuon: walang pedeng magnasa sa perang ito nang di dadaan sa ibabaw ng aking bangkay! Para sa mga pamangkin ko ito eh.

Naawa ako sa Ate ko, at higit sa lahat sa limang pamangkin ko na kay-agang naulila sa ama. Sa awa naman ng Diyos, mapalad ang ate ko dahil nandyan ang nanay at bunsong kapatid naming babae. Financially speaking, nasa abroad naman ang tatlong brothers ko.

More than seven years ago na yun. May grumadweyt na akong pamangkin at may trabaho na rin. Maayos namang nagsisipag-aral ang mga kapatid nya dahil mga iskolar.

Sa mga byuda: Huwag kayong mangamba. Maraming nagmamahal, maraming nagmamalasakit. Marami dyang tutulong sa inyo para makaraos.

“… his name is the LORD — and rejoice before him.

A father to the fatherless, a defender of widows…”

(Psalm 68:4-5)

“Ang pangalan niyang Yahweh,

magalak na papurihan.

Ang Diyos na naroroon sa tahanan niyang templo,

Tumitingin sa ulila’t sanggalang ng mga balo.”

(Awit 68:4-5)

————————————————————————————————

Next post: “TUKSO… layuan mo ako?” (14 December 2007)

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2007/12/07/byudang-ina-ka/trackback/

RSS feed for comments on this post.

16 CommentsLeave a comment

  1. pasaway na nanay! nang aagaw pa sa anak nya! ouch! parang ako, nang aaagaw ng PC sa anak ko! hehe

    ..di po ako byudang ina, pero nagpapalaki ng anak na mag isa😀 in ader words, Separada🙂

    napakahirap talaga sa mga babae mkahnap ng “replacement” kumbaga compared to lugaw este sa lalaki, w/c is kinda understandable nmn kc mahirap ang buhay ngayon at mhirap mgdala ng “xcess baggage”

    pero sana lang,wag nmn samantalahin din ng lalaki, kc yung iba, tingin nila pag byuda o separada e “uhaw” at pde na pang past time.

    and sadly, bihira din sa mga babae ang kayang maging independent at hindi umasa sa lalaki para sa ikabubuhay nya at ng anak nyam kaya ang nagiging resulta, lalong dumadami lang ang lalaking nagdadaan sa buhay nya..

    ay eka, haba ng koment ko, sbgay, haba din nmn ng post mo😀

    *** kyut mo magbigay ng names sa pets mo, di ko alam san mo napagpupupulot hehe and ok ah, puro buhay daga na tama sa tao mga post mo. nice😀

    homebodyhubby: may anak ka pala… boy or girl?
    pakita mo naman minsan sa blog mo o… 🙂
    that is, if you won’t mind.

    equally important ay yung presensya ng isang fatherly figure sa bahay. wala ba syang lolo? o tito kaya?

    yung name ng pets ko usually galing sa traits nila.

  2. 9 yr old boy po, cge, gawan ko ng post. hehe,

    pinanood uli namin to ng anak ko, mami mocha na daw tawag nya sakin hehe.. hala inuungutan tuloy ako ng hamsters amf! at take note, tinandaan URL mo, papanoorin nya daw mga videos mo, di kc mka singit sa akin sa PC nya. hehe

    homebodyhubby: ay malaki na rin pala!
    mga ganyang edad yung mga pamangkin ni misis nuon na gustong-gusto akong kasama …pano akong si tito Robert nila — parang kalaro lang pag kasama. 😆

    sige intayin ko yung post niya.
    sana with matching pictures pa! 😉

    mami mocha? ahahahahaha…! 😀
    ayan tuloy, naging nanay-hamster ka pa!

    sige ‘mare’ (charush)… panuorin mo lang ng videos.
    pero huwag mo pabasa yung ibang write-up — pang-matanda yun e. 😳 baka me “adult content” pa.

    pero my assumption is: hindi maiintindihan o pagtyatyagaan man lang basahin ng isang bata ang ganuong kaliliit na letra at kalalalim na pananalita. yung iba nga matanda na, tinatamad magbasa ng pagkahaba-habang mga sermon ko.

    gayunman, magandang may parental guidance pa din. 😛

  3. ay chapter ang passtime k! nyahaha di mo ni edit😀

    ..pero u know wat, di ako ma “censor” na kinda mom eh. kasabay ko na yan manood ng friends, sex n d city at CSI kaht nung maliit pa and hes riliwatching wd me.
    ewan q b, malamang mahintakutan ang mga konserbatibo, bsta feeling ko, i tel him kung ano yung di dapt, i treat him lyk adult kc o ako ung isip bata.
    wel, kc ako, lumaki din akong sexually aware kumbaga😀

    homebodyhubby: uy, sori hindi kita nasagot agad… nag-lunch kasi ako, tapos nakatulog. 😳

    hamo pag natapos ko lahat pine-frame ko, minsan ako naman tatambay sa minahan mo. hindi naman siguro ako makatulog dun kasi namamahay ako. 😛

  4. Mahirap talaga ang maging byuda sa panahon ngayon lalo na sa aspeto ng financial at emotional.

    Siguro ito ang isa sa mga matinding test sa taong naiwanan kung papaano nya mapapagtagumpayan ang buhay ng mag-isa kasama ang mga anak.

    Nakakaaliw ang post mong ito at maraming puntos na nagsasabi ng reality ng buhay ngayon.

    homebodyhubby: salamat myepinoy sa pagdaan
    at pagkumento mo. 🙂

    nung nakita ko ang isang ‘cap’ na puti at name mo sa comment sidebar ko, naalala ko ang isang post tungkol kay “Makoy” — ang aso ng tatay mo, hindi ang diktador
    na inabot ko. 😆

    ako man pare bilib sa mga posts mo na naglalahad ng
    realidad sa buhay-buhay ngayon.

  5. kailangan palang mbasa ni mudang ito dahil isa na siyang byudang ina…

    homebodyhubby: repah, sino si mudang?
    kakilala mo ba yun o karakter sa tele-nobela? 😛

    soweee, repa. 🙂 …’mother’ pala ibig sabihin ng “mudang”? nisabi lang sakin ni ‘mine’ dun sa comment nya sa ibaba. nanay ko rin “BYUDANG MUDANG” for more than
    20 years na.

    Sa Bible marami pa kayo mababasa about widows
    and orphans. 😉

  6. mahirap maghanap ng pangalawa kasi may nauna na🙂 pero kung uukol, bubukol, hehe

    homebodyhubby: pero sino kaya ang mas may ayaw?
    si byuda, o si lalaki na pwedeng prospective na asawa ng byuda?

  7. 😀 di ako ask mo pero di ko matiis na di sumagot😀 natatawa kc ako 😀 mudang = mother. pde ding mujey,muder😉
    (uuyyss. di xa gay hehe )

    homebodyhubby: tsalamat, ‘mine’… buti nisabi mo.
    indi ko ‘lam na badaf lingua pala yun? … indi NA kasi ako misyado nagtatatambay sa parlor o sa gaybar paris
    nung araw e. 😆

    hulaan ko… ang ‘father’ siguro e 🙄 … PADANG..!?
    sige nga turo mo pa sakin iba alam mo… :mrgreen:

  8. […] ByuDAGA […]

  9. […] Mochahontas — apo sa talampakan […]

  10. […] Byudang ina ka […]

  11. […] Mochahontas, the widowed wife, a mother of ‘posthumous’ litter of six. […]

  12. […] Litter affiliation: Panapanagang
    (sons and daughters of Arrow) […]

  13. […] To Boolagang tunnel. Pwedeng entrance or exit,
    to and fro ‘graun sero’ ng Bulwagang Bitoy. May ‘viewing capsule break’ naman ang subway lagusan na ito (Bulaga!!!)
    na tatawaging Boolagang-oldies station. […]

  14. […] ◙ Nanay-daga posts […]

  15. […] Litter group: Boolagang. […]

  16. […] Litter group: Boolagang. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: