Masasayang araw

Ano navi-visualize nyo pag nakikita nyo ang emoticon na ito: 🙂 ? …o kaya ito: 😀 ? …o ito: 😛 ?

oo… ako din nakikita ko nakangiting mukha ng TAO. pero parang hindi bagay? …kasi bilog sya. …tapos dilaw pa. maliban na lang siguro kung may MANAS at HEPA ka. (patingin ka na!)

Ang mas nakikita ko ay mukha ng isang nakangiting ARAW. kasi naalala ko yung “SMILEY” na icon na nipauso ni “Pores gam” — ang slogan nun ay “Have a NICE day!”

Ano? …hindi nyo kalala si “Pores gam”? …yun yung movie na pinasikat ng “baks op sokoleyt” ni Tom Hanks! 😆

Nung ‘sang araw namasyal ulit ako sa Europe at nikalabit ko si Kengkay. hinihintay na pala ng peborit kong blogger ang paglabas ko ng lungga. kaya ayun… pigdating ku dun, may bi-TAG nang nakaumang!

Hokey lang Kengkay… di bale nang TAG — huwag lang maws-trap ehehe…

Alam ko namang hulog ka ng langit sakin. hindi ako nagsisisi na nikalabit kita nung undas. totot yun — peborit kitang blogger. 😛 …sekon si ‘maldito’, den si… oops! …huwag nyo ko tag ng ganito ha?

Ang TAG nya sakin e yung SUNSET. hindi ko nagawa agad kasi p’rati makulimlim dito… pero okey sakin ito. kita nyo naman hitsura ng avatar ko.

Ayoko nang tawagin itong “ARAW-ARAW”. kasi yung unang tag sakin ay “PITO-PITO”. tapos yung pangalawa ni eloiski e “BUWANG-BUWANG” ahehe.

So hayun ang taytol ko ngayon sa taas. hay salamat… sa wakas hindi na rin “MURA” at “KABASTUSAN”! … sana hanggang new year …pwede siguro kung medyo “discreet” lang. :mrgreen:

Gusto ko ring ipaalam sa inyo ang bagong kategori ko dyan sa blogroll ko. mahirap naman na puro yung ARAW na lang na ke-layu-layo ang parati nating tinatanaw kung di naman natin mapansin itong MUNDO na ating tinatapakan… nasa mundo ko na ba kayo?

Olrayt… eto po ang sunset photos ko. puro shot yan sa nag-iisang bintana ng aming nasa 4th floor na kwarto. ineksakto ko nang pito para isa kada isang araw sa loob ng isang linggo. vertical shot muna ha? nekstaym maski indi nyo ko tag, mag-post ako ng horizontal naman.

sunset 1sunset 2sunset 3sunset 4sunset 5sunset 6

sunset 7

Napalaki itong huli… ibig sabihin, sa loob ng one week, pahinga naman kayo maski isang araw lang… tignan nyo o — nakalubog na yung araw… mahirap yang masyado WORKAHOLIC… take it from me.

Oops! …huwag muna kayo alis me VIDEO bonus pa ako... 2 mins 39 secs lang ‘to.

Ang gawin nyo para di kayo inip sa pagda-download e iwan nyo muna. pag nadawnlod na lahat saka nyo panoorin para diri-diritso …para hindi rin mawala ang “suspengs”.

SERIOUS:

To MKB-XXX,

“Your music” and stories have inspired me to ‘produce’ this very short video. With GOD, NOTHING IS IMPOSSIBLE. may all your POEMS be heard, all your PRAYERS answered.

This video is dedicated to Filipino couples — and especially to you…

‘MINE’

PAMILYANG PINOY — MABUHAY KAYO!

Published in: on 10 December 2007 at 10:30 pm  Comments (28)  
Tags: , , , , , , , ,