Masasayang araw

Ano navi-visualize nyo pag nakikita nyo ang emoticon na ito: 🙂 ? …o kaya ito: 😀 ? …o ito: 😛 ?

oo… ako din nakikita ko nakangiting mukha ng TAO. pero parang hindi bagay? …kasi bilog sya. …tapos dilaw pa. maliban na lang siguro kung may MANAS at HEPA ka. (patingin ka na!)

Ang mas nakikita ko ay mukha ng isang nakangiting ARAW. kasi naalala ko yung “SMILEY” na icon na nipauso ni “Pores gam” — ang slogan nun ay “Have a NICE day!”

Ano? …hindi nyo kalala si “Pores gam”? …yun yung movie na pinasikat ng “baks op sokoleyt” ni Tom Hanks! 😆

Nung ‘sang araw namasyal ulit ako sa Europe at nikalabit ko si Kengkay. hinihintay na pala ng peborit kong blogger ang paglabas ko ng lungga. kaya ayun… pigdating ku dun, may bi-TAG nang nakaumang!

Hokey lang Kengkay… di bale nang TAG — huwag lang maws-trap ehehe…

Alam ko namang hulog ka ng langit sakin. hindi ako nagsisisi na nikalabit kita nung undas. totot yun — peborit kitang blogger. 😛 …sekon si ‘maldito’, den si… oops! …huwag nyo ko tag ng ganito ha?

Ang TAG nya sakin e yung SUNSET. hindi ko nagawa agad kasi p’rati makulimlim dito… pero okey sakin ito. kita nyo naman hitsura ng avatar ko.

Ayoko nang tawagin itong “ARAW-ARAW”. kasi yung unang tag sakin ay “PITO-PITO”. tapos yung pangalawa ni eloiski e “BUWANG-BUWANG” ahehe.

So hayun ang taytol ko ngayon sa taas. hay salamat… sa wakas hindi na rin “MURA” at “KABASTUSAN”! … sana hanggang new year …pwede siguro kung medyo “discreet” lang. :mrgreen:

Gusto ko ring ipaalam sa inyo ang bagong kategori ko dyan sa blogroll ko. mahirap naman na puro yung ARAW na lang na ke-layu-layo ang parati nating tinatanaw kung di naman natin mapansin itong MUNDO na ating tinatapakan… nasa mundo ko na ba kayo?

Olrayt… eto po ang sunset photos ko. puro shot yan sa nag-iisang bintana ng aming nasa 4th floor na kwarto. ineksakto ko nang pito para isa kada isang araw sa loob ng isang linggo. vertical shot muna ha? nekstaym maski indi nyo ko tag, mag-post ako ng horizontal naman.

sunset 1sunset 2sunset 3sunset 4sunset 5sunset 6

sunset 7

Napalaki itong huli… ibig sabihin, sa loob ng one week, pahinga naman kayo maski isang araw lang… tignan nyo o — nakalubog na yung araw… mahirap yang masyado WORKAHOLIC… take it from me.

Oops! …huwag muna kayo alis me VIDEO bonus pa ako... 2 mins 39 secs lang ‘to.

Ang gawin nyo para di kayo inip sa pagda-download e iwan nyo muna. pag nadawnlod na lahat saka nyo panoorin para diri-diritso …para hindi rin mawala ang “suspengs”.

SERIOUS:

To MKB-XXX,

“Your music” and stories have inspired me to ‘produce’ this very short video. With GOD, NOTHING IS IMPOSSIBLE. may all your POEMS be heard, all your PRAYERS answered.

This video is dedicated to Filipino couples — and especially to you…

‘MINE’

PAMILYANG PINOY — MABUHAY KAYO!

Published in: on 10 December 2007 at 10:30 pm  Comments (28)  
Tags: , , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2007/12/10/masasayang-araw/trackback/

RSS feed for comments on this post.

28 CommentsLeave a comment

  1. ay ang ganda naman ng sunset nyo dyan. at ang taas ng bahay nyo, fourth floor… pwede pasilip, hehehe. salamat sa pag gawa ng tag ko ha. at may bonus pang romantic video, oo naman, every year nag re renew kami ni kengkoy ng vows… kakakilig nga e.

    homebodyhubby: oo tita kengks. actually marami
    na akong shots ng sunset sa area na yan, all-year round. maski hindi mo ako na-TAG plano ko talaga mag-post sa january pa (hanep! nakaplano na hehe). nung una nga inisip ko napaaga yata yung TAG mo. pero blessing in disguise din pala kasi thru ‘mine’ bigla ko rin naisip yung video.

    ang ‘tutyal’ nyo naman — yearly vow-renewal! …sabagay pede naman yun miski wala handaan. nakailang renews na kaya kayo ahehe.

  2. oh my! sobrang touched naman ako😥 muntik na ko mahulog sa upuan kc nagulat ako, as usual napunta na nmn agad ako sa flicker mo pag kakita ko ng mga shinut mo na sunset, pagbalik ko,meron pa pala sa ibaba nun😀 tnx po

    ..bat kaya parang iba ang langit pag ikaw ang nanyut😀

    grabe ang ganda ng sunset noh, ala tayong mabibiling painting na ganyan kaganda🙂

    sweet naman ni mister kay misis, sana lahat ng mister gaya mo😀

    homebodyhubby: now lang ako nakareply… soweee! pagkasagot ko kasi sa comment ni kengkay bigla brown-out dito kanina 9:30am… nagkaroon magtri-3pm na… hehe. napilitan tuloy ako magframe lang.

    ako man halos😥 nung ginagawa ko yan… thanks!
    marami rin akong na-realized personally.

    dyan ko express ang langit ko — sa LITRATO… kaw yung depenisyon mo sa langit bukod sa pomboron mo isa pa lang nakikita ko. 😛 memya siguro silip ulit ako sa minahan mo.

    hehe salbahe din naman ako kay misis minsan… di lang masyado nagtatagal kasi prating nauuwi sa lambingan.
    HINDI dapat LULUBOG ang ARAW nang paris dyan sa
    mga shots ko sa itaas nang hindi kami nagkakabati —

    “In your anger do not sin”: Do not let the sun go down while you are still angry… (Ephesians 4:26)

  3. panalo sa mga kuha, bok! anong digicam gamit mo? wannabe digifotographer din kasi ako… tips! tips! tips!🙂

    homebodyhubby: Konica Minolta DiMAGE A1…
    luma na ‘to pards, 5.0 megapixels — bigay lang ng utol ko. itinigil na rin ng Konica Minolta ang pag-manufacture nila
    ng camera, i dunno why.

    sa timing din ng maganda at makulay na sunset, kaya PINAKAMADALI lang na subject ito… maski yung simpleng point-and-shoot or celfone cam basta sharp yung lens mo okey na.

    sa composition, huwag mo PARATI ilalagay ang araw sa gitnang-gitna… medyo lapit mo nang konti sa either side
    or sa itaas o ibaba ng frame. same with the line of horizon — itaas o ibaba nang konti, huwag lang gitnang-gitna.
    pero usually nasa babang-baba ang horizon line kasi mas concerned tayo sa sky and less of the land na madilim na.

    one more thing: pag “nanyunyut” ka ng sunsets — huwag mong tagalan ang tutok ng lens mo sa araw dahil pwedeng ma-damage ang CCD or CMOS devices nyan. hehe

  4. hehe mga langit langitan ko lang yun😀

    ..re: anger – eh pano b yun kc ako inde ganun, ayoko na nikokompronta agad pag may pagtatalo lalo na, kc pag inis ako, lalong napapasama eh, gus2 ko, layuan muna ako at pabayaang matulog, pag lipas na yung inis ko, saka mas maayos ang pag uusap, kc pag galit pa, puro pambabara aabutin sakin eh😈

    homebodyhubby: kami ni misis kasi pag medyo mainit na ulo ng MASKI ISA lang pahinga muna usapan. pag medyo okey na usap uli. sa tingin ko depende lang din kung pano kabilis humupa yung init ng ulo namin.

    saka hindi naman kelangan i-settle agad yung PROBLEM sa loob ng isang araw… yung GALIT — hindi yung problem. mas mahirap nga settle problem kung pilitin namin LALO NA kung PAREHO mainit na ulo namin.

  5. great vid po.. naiyak ako…
    ..add po kita sa roll ko kuya.. teeway po!!!

    homebodyhubby: thanks din sa pagsilay mo sa aking masasayang araw…😛

    add din kita sa roll ko…

  6. Kuya pag nakikita ko smiley faces, I always think of myself (self centered talaga hehehe) k’se bilugan face ko. Pwede kaya rectangular? Imagine myself with a rectangular face🙂

    Btw, I like the “sunset photos”…kinda cool! I am so envious right now…depressing weather dito. I am probably having a midlife crisis😦

    homebodyhubby: haha. thank you… 😀

    i think rectangular is fine. huwag lang square, kasi si
    “Sponge bag” na yun hehe… pero mukha mas maganda kung oval 🙄 (patayo, hindi pahiga!). o kaya heart-shaped… 🙂

    ay oo… talagang mahirap yang nag-ii-snow. timing din talaga ang pagkaka-TAG ni kengkay sa akin. 😛

    dumaan din ako dyan sa midlife crisis — katindi!
    si misis ko hindi gaano kasi ‘sanguine’ sya, hindi paris ko na ‘melancholic’ ang temperament… pero lumilipas din naman agad yan lalo na kung Spirit-controlled ka. 😉

  7. PS: I forgot to comment about the video..whoa! how sweet! Sobra, very touching and simply the best! Saludo ako! Kakainlove! Kiligzzz! Oy ha, wedding day nyo yun ni Ate (ate na rin tawag ko coz Kuya ikaw)? Sweet! Awwwww!

    homebodyhubby: hehe… the wedding was more than one and a half decade ago — kaya dapat laging i-RENEW para hindi “ma-EXPIRED”. 😛

    no problem… gusto nya na tinatawag syang ate. 🙂

  8. Ang galing naman ng mga kuha, iba’t-ibang anyo ng paglubog ng araw… Ganda ng mga kulay, sarap titigan.

    Yung video naman wala ako masabi kundi, ang sweet!🙂

    homebodyhubby: uy, napasyal yung mukhang artista!

    sige lang misyel… my sunsets are always available for all
    your ‘staring’ pleasure. 😉

    thanks sa pagdaan… lagay kita sa mundo ko. 😛

  9. ang ganda naman ng mga shots mo pards…may talent ka rin pala pagdating sa photography

    homebodyhubby: oo gasti… photography WAS once my profession… kung may time ka click mo ito at hanapin yung maliliit na litrato ng ‘insekto’ at ‘politiko’:

    “Si Lolo at si Lola”

    …and photography will always be my PASSION. 🙂

  10. paborito ko ang smiley.. avatar ko yan kung san man ako mapunta kc ang laking bilo na dilaw tlaga iya.. aha.. my sunset factor k rin pla.. galing kay ate kengks.. ganda tlaga ng dapit hapoonnn!!

    homebodyhubby: hehe bakit repah? mayroon ka na rin bang sunset factor? kung wala pa… gusto mo i-TAG kita? 😛

  11. nice video. the transition blends well with the mood of the video. sayang, walang video nung wedding. maganda yun lalo na kung may mga slow motion. i like the lens flare effects. medyo kakaiba lang yung choice of fonts, out of the conventional ones – that was “kids” or “kirsten”, right? overall, it’s a pretty cool video.

    Tito Arleen😎: May raw footages ako ng wedding namin
    kaya lang VHS.

    Yung choice of FONTS (Kids) , that was INTENTIONAL… Gusto ko kasing i-convey yung child-like (not childish) atmosphere ng kasal namin ni Tita mo — witness ka naman nuon, ewan ko kung natatandaan mo pa. 😆

    Even the choice of music was DELIBERATE. 😛

    Yan din ang gusto kong i-convey sa mga mag-aasawang medyo “nagkakasawaan” na — balikan nila yung “sweetness” at “THRILL” nung mag-boyfriend pa lang sila…

  12. ang ganda.

    homebodyhubby: ang tipid, Fau a?
    pero mukhang loaded hehe… thank you, p’re! 😀

  13. aww yes me? “Mine:😳 hehe tnx balik muna ko work. enjoy ur “happy days” MKB-XXX

    homebodyhubby: thanks! 😛
    hindi na ko gaganti ng “pirma” dito ha? …baka intrigahin na naman ako, magba-blushed lang uli ako haha …same to you! 😳 …understood na yun — alam mo na yun! 😉

  14. tito, pa-transfer mo na yung VHS copy mo. i think that will cost you 400 – 500 per cd. medyo may kamahalan lang. kc yung vhs tapes, may tendency na amagin. di bale, kapag nakabili ako ng capture card, transfer natin.

    Tito Arleen😎: Ilang beses ko na ngang ni-rewind at
    ni-fast-forward yun para matanggal yung konti amag.

    Actually dalawa yun — VHS na raw footage at Betamax😆 edited copy… Kuha yun ng ka-churchmate nun ng tito R mo. Nung una iniisip ko nga kung pede pagkabitin yung VHS
    (o Betamax😆 ) player at computer hehe… Hindi ko na makita ngayon yung tapes. Baka nasa mga in-laws ko.

  15. ang romantic.. ang romantic talaga…

    homebodyhubby: thanks, angel! 🙂

    kelangan talaga ang “romance” sa marriage lalo na habang tumatagal — para hindi nae- ‘expire’… para hindi nagluluko si mister, o maski man si misis… lalo na sa tulad naming mag-asawa na walang anak — na kung tutuusin walang “hadlang” para magkahiwalay?

    aside from LOVE and COMMITMENT plus, yes… “romance” — kailangan ang ‘basbas’ ng Panginoon (Psalm 127:1)…

    dapat parehong may pagkakilala at banal na pagkatakot sa Diyos. 😉

  16. […] Pero ano’ng magagawa? ang dating magkaibigan, unti-unting nagka-in-love-an. after 18 months of engagement, nag-commit sa isa’t-isa at nagpalitan ng wedding vows. […]

  17. […] Guys, iyan yung pramis ko — “Olrayt… eto po ang sunset photos ko… …nekstaym maski indi nyo ko tag, mag-post ako ng horizontal naman.” […]

  18. kuya, gusto ko nga po palang malaman yung title nung song.. hehehe

    homebodyhubby: no problem! maganda di ba? 🙂
    pag naririnig ko yung melody nyan naaalala ko si ‘mine’ …
    pag pinapakinggan ko naman yung lyrics, naaalala ko nung magboypren pa lang kami ni misis ko.

    Let me take you there” by Plain White T’s.

    kay ‘mine’ ko kinopya yan puntahan mo ito at i-CLICK dun yung “Make Your Own” sa “slide” :

    LandMINE

  19. […] Masasayang araw. Kung naghahanap kayo ng “tikbalang” maghanap kayo sa undas, dahil ang mga maligno, duon lang lumalabas. […]

  20. […] in all cases, she is my wife, my “sister” and my friend, so let me choose THREE. We started as friends. But a few years before, even without knowing each other, we became “brother and sister.” Eventually, we became husband and wife. […]

  21. […] Ni-post ko na lang uli ito aming walang kamatayang “Tikbalang bidyo!” Salamat uli sa mga kaibigan kong nakapag-inspire sa akin para gawin ito. […]

  22. hellow kuya.. bunz po ito, nagbabalik!!!!

    homebodyhubby: hi! 😀 musta ka na…?

  23. hindi ako magsasawa sa pagsulyap at pagsunod sa araw.🙂

  24. The tower and mountains in the sunset photos shown in this post are marked on the Platial map at the bottom of this blog’s sidebar.

  25. wowwwwww!!!! ang ganda sobra! mas maganda ang mga sunsets mo!!!!

    ————————————————

    HBH: Salamat. 😀 Araw-araw kung magpalit ng Kanyang “painting” ang Panginoon, dito sa labas ng bintana ko.
    Yung shapes at colors ng ulap ang nagbe-break ng monotony.

    Yung sunset shot na paris ng sa’yo, may dagat — na habang tinititigan mo ay maalala mo ang tunog ng alon at simoy ng hangin nung kinunan mo.
    Nami-miss ko nang ma- “nyut” ng ganun. 😛

  26. […] Marrying my wife is the happiest moment of my life; Knowing Jesus Christ is my most joyous one. […]

  27. […] Sa ika-dalawampung pagkakataon,
    ang pinakamasayang araw ko. […]

  28. […] ◙ More about marriage ↑ in this link […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: