Si Outgoingwifey ni Homebodyhubby

Matagal ko nang hinihintay na may mag-TAG sa akin nito. Naiinip na ako kaya kahit wala pa, ni-TAG ko na ang sarili ko… 😛 Pasensya na po kayo — sana huwag nyo isipin na rude o conceited ako.

This tag is simple. If you feel comfortable and your better half does too, you can post a picture of her in your blog (but if not, a description will do). It may be a baby picture, anything that you like with the following:

1. First name: if she doesn’t like her name plastered all over the internet, a pet name will do.

2. How and where did you meet?

3. Characteristics.

4. Your plans 20 to 30 years from now.

Dyaraaaaaaaaaaaaaaaaan…!!!

Hubby & Wife with ‘kids’

O ayan ang pikyur… Sinamahan ko na sya kasi kung pwede lang maski sa pikyur gusto ko parati kaming magkasama. At alam nyo naman si ako, pag na-TAG parating may “BONUS” pa, hehe. Kasama po namin ang aming mga anak — ang aming LITTER na kambal ding paris nina Wigwam at Teepee. 😆

Jokes lang po… Gusto ko lang ipakita ang itsura ng magiging anak NAMIN kung sakaling kami’y biyayaan pa ng Panginoon ng supling. Ako po yung lalaki, si misis naman po yung babae — nuong limang taong gulang pa lang kami.

“Nagkita na pala kayo nung 5-years old pa lang kayo?” — `eka nyo siguro.

Hehe, parang ganun na nga… Kasi personally, I do believe na sapul pa nung pareho kaming ipinagbubuntis sa sinapupunan — AKO sa tiyan ng byenan nya, SYA sa tiyan ng byenan ko — ay nasa plano na ng Panginoon na kami ang magiging mag-asawa.

Napeke ko po ba kayo sa litrato? …soweee.

CLICK mo dito para sa Family tag ko sa sarili ko!