Si Outgoingwifey ni Homebodyhubby

Matagal ko nang hinihintay na may mag-TAG sa akin nito. Naiinip na ako kaya kahit wala pa, ni-TAG ko na ang sarili ko…😛 Pasensya na po kayo — sana huwag nyo isipin na rude o conceited ako.

This tag is simple. If you feel comfortable and your better half does too, you can post a picture of her in your blog (but if not, a description will do). It may be a baby picture, anything that you like with the following:

1. First name: if she doesn’t like her name plastered all over the internet, a pet name will do.

2. How and where did you meet?

3. Characteristics.

4. Your plans 20 to 30 years from now.

Dyaraaaaaaaaaaaaaaaaan…!!!

Hubby & Wife with ‘kids’

O ayan ang pikyur… Sinamahan ko na sya kasi kung pwede lang maski sa pikyur gusto ko parati kaming magkasama. At alam nyo naman si ako, pag na-TAG parating may “BONUS” pa, hehe. Kasama po namin ang aming mga anak — ang aming LITTER na kambal ding paris nina Wigwam at Teepee.😆

Jokes lang po… Gusto ko lang ipakita ang itsura ng magiging anak NAMIN kung sakaling kami’y biyayaan pa ng Panginoon ng supling. Ako po yung lalaki, si misis naman po yung babae — nuong limang taong gulang pa lang kami.

“Nagkita na pala kayo nung 5-years old pa lang kayo?” — `eka nyo siguro.

Hehe, parang ganun na nga… Kasi personally, I do believe na sapul pa nung pareho kaming ipinagbubuntis sa sinapupunan — AKO sa tiyan ng byenan nya, SYA sa tiyan ng byenan ko — ay nasa plano na ng Panginoon na kami ang magiging mag-asawa.

Napeke ko po ba kayo sa litrato? …soweee.

# 1 — Tawagin na lang natin si misis na “outgoingwifey ni homebodyhubby”.

Yung “outgoing” — hindi “papaalis” ang ibig kong sabihin dito ha? Dahil kahit kelan wala maski sa hinagap ko man lang na ako ay kanyang lalayasan, at wala din akong planong siya ay palitan… And please Lord: huwag nyo namang itulot na ako’y mabyudo nang napakaaga… “Outgoing” means friendly and extroverted — yan ! po ang misis ko.

# 2 — Nagkita kami sa unang job ko sa UP Los Baños (year 1987).

Kaga-graduate ko lang nuon ng college ng April. June na-hire ako as one of the 8 pioneering workers ng isang research institute na nasa initial operation pa lang. July, sya naman ang na-hire. Naging magkakabarkada kami. Parati akong nakabuntot sa kanya maski hindi kami magsyota. Wala sa plano nya na boyprenin ako, nata-turn-off kasi sakin ang ilang babaeng kaopisina namin dahil mahilig akong manghuli ng ahas.

Pero ano’ng magagawa? Ang dating magkaibigan, unti-unting nagka-in-love-an. After 18 months of engagement, nag-commit sa isa’t-isa at nagpalitan ng wedding vows.

# 3 — Nasabi ko na yung dalawa sa number one — friendly and extroverted.

Down-to-earth, hindi plastic, malapit sa mga tao lalo na sa kabataan. Maamo sa kanya ang halos lahat ng mga BATA, paris nang kung paano kaamo sakin ang aking mga DAGA.😀

“Shy-type”… shy-magulo, shy-maingay, shy-makulit — in the positive way. Nakakahawa ang tawa at ngiti. a good initiator of conversation — poreksampol sa dyip, maski hindi magkakakilala ang mga istrangherong pasahero, nagsisimula ang isang masayang usapan nang dahil sa kanya. Nanggigigil sa ANAK ng may anak maski hindi nya kilala ang may kilik na INA. At ang ina kadalasan napapangiti din maski gaano ka-snob at ka-suplada.

# 4 — 20 to 30 years from now?🙄 … Hindi pa naman sya siguro byuda nun!

Kung kalooban ng Diyos, nakatira na kami nun sa Baguio — May naipatayo na kaming bahay sa loteng may sampung taon na naming nabili. At kung kaya pa naming alagaan at papag-aralin, siguro maski kami’y medyo uugud-ugod na’y mag-aampon pa rin kami ng maski isa lang na chikiting. Gusto ko nga isang street child… o kaya isang beybing AETA — pagdudokturin ko o kaya abogado — para naman magkaron ng aetang doktor o abogado na magtatayo ng hospital o korte para sa mga taong katulad ni Barok.😛

Nagpapasalamat ako sa Diyos… Dahil sa mga nagre-respond sa aking mga post, HE made me realize one thing: maraming mga mag-asawa napipilitan lang na magsama o magkita alang-alang lang sa mga anak nila… Samantalang kami, wala ni isa mang anak, walang anumang hadlang para maghiwalay eto hanggang ngayon magkasama.

For these couples, I really feel very sorry for you, but I do thank you for teaching me. When I made “that video” — I realized na though we are childless we are truly blessed with the strong bonds of marriage… And for all those years, I FORGOT to thank my Lord for that.😥

Those strong bonds of marriage — sana meron din kayong lahat, lalo na yung may mga anak.😦

To God be all the glory…🙂😀

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2007/12/18/si-outgoingwifey-ni-homebodyhubby/trackback/

RSS feed for comments on this post.

13 CommentsLeave a comment

  1. wow,sarap sana nung family pic pero sabi mo nga kayong dalawa lang is sapat na. at yun ang importante.

    alam mo,naisip ko tuloy,kung kadalasan nagiging cause ng paghihiwalay ng mag asawa yung di magka anak, pde ring maging rason yun para hinde maghiwalay eh.
    kc less yung responibilities kumbaga so mas less yung problema, kadalasan kc dun sa pag handle ng mga problema nagkaka diprensya eh.
    di b sabi nga pag puro problema na eh lumilipad na sa bintana yung love.
    kaya everyday be thankful at nkatagpo ng isang “outgoingwifey” si “homebodyhubby”..
    di lahat kasing “blessed” mo😉

    homebodyhubby: thanks, ‘mine’… you taught me a lot.

    mahirap makita ng isang katulad ko ang “problema” ng may mga anak; kung papaanong napakahirap din ng isang tulad mo para maramdaman ang “disadvantages” sa relasyong mag-asawa ang hindi pagkakaroon ng anak.

    pero ito malinaw na makikitang pareho ng mga taong tulad ko at tulad mo: “dun sa pag handle ng mga problema nagkaka diprensya” as what you’ve said…
    and i believe that that INABILITY to handle such problems — MAY ANAK o WALA — stems out of the SELFISHNESS of one or both members of the married relationship.

    paris nung naririnig kong katwiran ng maraming NANGANGALIWA o KABIT — “WALA AKONG PAKIALAM MASKI SINO ANG MASAKTAN, BASTA NAGMAMAHALAN KAMI.”

    that is SELFISH “love” (?).

    …paano ang asawang iniwan? — “wala akong pakialam!” …paano ang batang nadadamay? — “wala akong pakialam!” …paano ang wasak na tahanan? — “wala akong pakialam!”
    … and it goes on, and on… and on:

    — “wala akong pakialam, basta maligaya AKO!”

    i’d rather call that EMOTIONAL GREED… and i believe that that is one’s CHOICE more than one’s NATURE.

    salamat talaga, ‘mine’… sana hindi ka magsawa sa pagba- basa ng regular posts — at maging ng mga past entries ko — para patuloy na makakita ng mumunting gintong aral
    mula sa buhay ng aking mga DAGA. 😉

  2. blessed pa rin kayo ni God pards…successful naman kayo pareho sa mga careers nyo at sa tingin ko pag nabiyayaan kayo ngn supling eh magiging mabuting magulang kayo…hanga ako sa faith mo..pati sa advices mo parang tatay na ang dating saming mga nakababatang bloggers..mabuhay ka pards! isasama ko na kayo sa prayers ko.

    homebodyhubby: uy pareng gasti! …salamat at hindi ka nakatiis na hindi sumagot. 😉

    hehe… sa tutuo lang parang musika sa pandinig ko pag
    pabiro akong tinatawag ni ‘maldito’ ng “TAY” nuon…
    sanay kasi akong tinatawag na “kuya”… o kaya “tito”.
    yung “TAY” ngayon lang. 😛

    salamat sa prayers pards… pero maski konti lang dun
    sa magkaroon kami ng anak (marami na akong DAGA😛 )…
    mas damihan mo ang prayers dun sa lalo pang ikai-igting (hpst! …hanglalim!) ng aming pagsasama — at maging pag- papala kami sa ikaiigi ng marami pang pamilyang PINOY. 🙂

  3. waw blessed talaga kayong dlwa. hehehe
    to God be the glory
    sana ako din. haha tagal pa nun wah!

    homebodyhubby: oist! klasmeyt! huwag mo muna
    hisipin yun! tapusin mo muna title nung thesis mo. 😆 hehe…
    salbahe ko ‘no? nipaalala ko pa?

  4. naku.. nakakatuwa naman kayo.. wag kaung mag-alala ipagsasyaw ko ku sa obando ng magkaanak na kyo ng tsikiting patrol ung pupuno ng cuneta astrodome.. hehehehehe.. ska sasama ko kyo sa wishlist ko nagung simbang gabi na kinakarir kong mabuo.. ang sweet nyo bibihira lng tlgang magkainlaban ang 5 yrs. old.. este ang mga bagets na bagets na tulad nyo hanggang ngaun.. awww!!!wag kaung mag-alala pag wla ng pangsustento ang mga magulang ang aking mga pamankin ko eh paaadopt ko n lng sa inyo.. heheheb

    homebodyhubby: whahahah! grabe ka talaga humirit!
    😆 hindi pa ko humihinga sa katatawa sa unang linya mo, matatawa na naman ako sa pangalawang linya, at pangatlo… ahahaha — hak hak! 😆 …haissst! …mamamatay akoooo!

    sige nga repah… sama mo na rin ako sa new year
    wishlist mo …awww!!!

  5. Kuya alam mo napakaswerte ni misis dahil hindi naman masyadong obvious na mahal na mahal mo sya. Nakakatuwang basahin at nakaka-inspire yung mga ganitong posts. Napakahiwaga ng Pag-ibig; Dios ay Pag-ibig; You’re very blessed…
    Kaya kahit naman ilang beses na akong nasaktan, ayos pa ren sa ‘kin; hindi sa hindi ako nadadala- kundi dahil naniniwala ako sa kapangyarihan ng pag-ibig.. at isa kayo sa mga halimbawa nun…😀

    homebodyhubby: uy salamat ha? 😛
    hmmm… pero hindi talaga kami “swerte” kung ‘kapalaran’ at ‘kapalaran’ din lang ang pag-uusapan. hehe malimit din kami away nyan nuon e… eto lang talaga sikreto: Psalm 127:1 — sinabi yan dun sa video. 😉

  6. walastik, bok! ganda ng family piktyur ninyo🙂 parang “guy n pip and children” ang dating🙂

    artistahin ka palang tunay… pero sino yung hippie sa likod mo? hehehe

    homebodyhubby: aha! inabot mo pala ang tambalang nura-tersu ha? 😆 …si maryayonorateresa?

    yung pehips si John Lennon yan 😆 nung indi pa malabo mata.

  7. penge akong ganyang family picture, wala akong ganyan e😀 ayaw ng magpakodak ng mga anak ko ng matino itsura nila. panay pang comedy na ang family picture namin, hehe.. ang sarap naman ng introduction mo kay misis. suwerte kayo dahil meron kayong isat-isa, mabibilang lang ang ganyang klase ng tunay na pagmamahalan. at ang masarap pa, buong buo ang buhay nyo – may pang isports, pang comedy, pang love team at pang sermon😀 it is nice to meet your misis. mabuhay kayong dalawa!

    homebodyhubby: hehe… kung alam mo lang tita kengkay. maski dadalawa kaming aalog-alog dito sa bahay grabe kami kaingay… minsan daig pa namin ang mga bata kung mag- istiran at magharutan! 😆

    yung “pang comedy na family picture” nyo, palagay ko
    mas maganda nga yun! kesa dun sa conventional na formal family portrait? …mas candid pa ang dating o di ba?
    bakit hindi mo try magpa-blow-up ng isa, pa-frame yo
    tapos sabit yo sa wall? hehe… i mean for a change? 😛

  8. Bilib talaga ako sa pag-iibigan ninyong dalawa ni wifey mo. OO nga maswerte ang iba na may mga anak pero ang iba sa kanila di nila nakikita yung blessing na bigay ni God at kayo? Hanga ako! Yaan mo I will pray for you guys, si God naman di madamot eh.🙂

    homebodyhubby: ay, thank you! 😀
    sige… samahan mo na rin ng fasting, ha? 😛 😉

  9. naku, kung isali ko pala ang mga anak ko sa harutan nyong dalawa e sasabog ang buong bahay. dito sa amin akala siguro ng kapitbahay e parating may kinakatay kapag kaming pamilya ang naghaharutan, makulit din kasi si kengkoy e, minsan mas makulit pa kesa sa mga little kengkays, hehehe…ako naman type kong kulitin ang mga bata lalo nat kapag pikon na pikon na sila, ahahaha

    homebodyhubby: ay ganun? hahaha. ang una kong impression basta European e istrikto at pormal… maigi’t nakakita ka rin pala ng kasingkulit mo wahehe… parang nakikini-kinita ko na ang mga little kengkays e pinagsamang kulit nyo ni kengkoy! 😆

    sa tutuo lang angsarap mang-atat ng mga bata ano? 😆
    ilang pamangkin ko din yung inalagaan ko nuon — kasama
    na rin yung ibang “kalaro” ko na mga pamangkin ni misis — talagang sumusuko sa kaharungasan ng tito nila! 😆 aha-aha-ahaha!

  10. naman! kababayan ko yata si Nura! Bikolano ini uy!🙂 pero di ako bumibili ng kape sa mga naglalako sa estasyon ng tren… kasi may baon ako. hehehe… de baterya ba si maryaliyonorateresaaa?🙂

    homebodyhubby: malamang p’re di-bateri yun hehe…
    ‘nung sinabi ng mga usong barbidals ngayon?

    tatay ni misis (byenan kong di ko na inabot) taga-Bikul din. kaya si misis magaling magluto ng peborit ko — Bicol express. yung authentic na maanghang — Bikol ekpres pag kinain, Bikol ekpres pa rin pag in-ebs! 😆

  11. […] Outgoingwifey ni Homebodyhubby. Get to know our “kids”. […]

  12. […] in all cases, she is my wife, my “sister” and my friend, so let me choose THREE. We started as friends. But a few years before, even without knowing each other, we became “brother and sister.” Eventually, we became husband and wife. […]

  13. […] As usual, the reasons are priorities – marami akong dapat pagtuunan ng pansin. First ang matagal nang planong paglipat sa Baguio (the sunflower land of my dreams?)😆 at second ang mansyon ng aking mga daga😆 (uli). Itong huli ay tsikenpid lang naman, yang una ang mas mabigat. Slopey kasi ang nabili naming lupa ni misis, kaya hindi pwede ang basta-basta na lang na tatayuan yun ng maski isang kubo – dapat talagang super-tatag ang pundasyon. Ibig sabihin, mas malaki ang pwedeng gastusin (Ibenta ko na lang kaya?🙄 – joke) […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: