An exceptional bRATherhood

You may want to see these posts for other stories of hamster brotherhood:

The firstborns

Separate lives part 1: The weaker takes all

Separate lives part 2: The humbled big brother

First cousins

[ Hehehe… ito ang talagang pakyaw — apat na links agad! ]

Syrian hamsters are solitary in nature. A male and a female only meet to mate. Aside from that, when two mature hamsters meet, they will immediately fight to the point of killing each other. I have seen it so many times — it’s like two fluffy balls fused into one, rolling violently on the floor nobody could part them without himself being bitten.

Male hamsters belonging to a common litter can get along together well as they grow up. Females are more likely to fight both males and females after around day 21. This is probably because females are more territorial.

When hamsters are in a “rubbing frenzy” they are actually depositing their scent coming from a pair of glands on their flanks. An indication of a hostile hamster is the “clacking” or “gnashing” of its two pairs of incisor teeth. A more ‘deadlier’ language is a hamster on its back with its mouth partly open. Whenever you see these signs, beware!

If you read the story of the Lupindilayk twin (“The Firstborns”) you can see that Boromir and Faramir started their sibling squabble on their 8th month of staying together (They were separated on the 11th month). Eight months was quite a RECORD. Until the Boolaboys came in, BREAKING that record. Berio’s sons are still sharing home together on their 9th month without the slightest sign of misunderstanding.

Boolaboys sharing cage and wheel

Bebong II and Berio II are banded males belonging to the Boolagang litter.

I called them the Boolaboys. There’s a third one, a white brother named Hamty. Hamty was given for adoption and is still alive today.

Are you familiar with ‘d “Pink Panther”? If not, ask your father who he was. Pink Panther is my ‘punch line’ in the second video.

If you read Berio’s story and have seen his ‘horror’ video, you must know by now that he died a mysterious death before the Boolagang was born, and that he was ‘undertaken’ by his younger cousin Ispidbol in this same old house (setting of the video). Since the cause of his early death was still clouded in mystery, his sons decided to conduct a thorough investigation in the house.😆

Boolaboys on the Pension House investigation

Wala ding nakuhang “lead” ang ating mga NBI* fRODENTsic — ehe! — forensic experts pala! Nag-amoy-amoy lang at nagtalon-talon ang dalawang harungas.
*NBI — Naulila ni Beriong Imbestigada😆 Hindi nila kayo…
T A T A N T A N A N !!!

————————————————————————————————

— USAPANG PINOY —

Mga tatay at mga nanay, ang mga sumusunod ay OBSERBASYON ko lang naman. Tiyak ko mas marami kayong alam. Sana yung alam nyo e naia-apply nyo, kasi mga anak nyo — hindi akin — ang pag-uusapan natin dito.

Malimit kong mapansin sa mga magkakapatid, parati na lang may isang SUTIL at may isang PIKON.

Sa mga totoy, pansin ko parating “bully” si kuya sa kanyang mas batang kapatid na lalaki. Ang duwag-duwag sa ibang kalaro pero ang kapatid nya ang gustong inaatat. Pero pag ibang bata na ang kaaway ni bunso, malimit naman kampi na sa kanya si kuya.

Parang mga Pinoy — magkababayan nag-gugulangan. Rehiyonalismo ang pinaiiral. Grupo-grupo. Kami-kami, kayo-kayo, sige-sige… Bisaya lang. Ilokano lang. Kapampangan. Pero pag inaapi na ng dayuhan, natututong magtulung-tulungan.

Normal lang ang away-kapatid, lalo na sa mga bata. Pero minsan ang ganitong sitwasyon ay dahilan ng hindi tamang pagpapaunawa ng mga magulang sa mga anak; Iniisip tuloy ng mga bata may isang kinakampihan. Akala may favoritism, kaya nagkakaselosan.

E mga tatay at mga nanay — wala nga ba kayong peborit? Baka hanggang ngayon ay wala pa rin kayong kamuwang-muwang kung papano nyo pakikitunguhan ang mga anak nyo? Kung paano iha-handle ang mga pagtatalo at pag-aaway nila? Dinadaan na lang ba ni tatay sa sinturon o sigaw; ni nanay naman sa kurot at talak? Nung lumaki na at hindi na masuheto e wala nang ibang paraan kundi pakiusap at iyak. Magtanong kayo sa family counselors o kaya sa mga ninong at ninang nyo sa kasal.

Applicable ang sasabihin ko maski sa mga magkakapatid na babae. Brothers lang ang in-example ko kasi boys ang mga daga ko.

Mayroong kanya-kanyang advantages at disadvantages ang pagiging big brother o little brother.

Sa mga di-gaanong nakaririwasa, prating first-hand sa mga laruan at gamit si kuya. Si bunso, tagapagmana ng napagsawaan o napagliitan lang.

Sa pagpapa-aral si kuya muna. Tigil ka muna bunso at hintay papag-aralin ni kuya pag nakatapos na siya. Minsan hindi nangyayari kasi nagluluko sa pag-aaral si kuya. Sinisisi tuloy ni bunso si kuya kasi pati sya hindi na mapag-aral ng magulang nila dahil naubos na ang pera kay kuya.

Sa mga away-kapatid, si kuya ang inaasahang laging magpasensya. Kaya kahit mali na si bunso, nakakalusot. Nagmumukha tuloy na peborit si bunso. Nai-spoiled. Gumaganti na lang si kuya ng batok kay bunso pag si tatay o si nanay ay nakatalikod. Pag sulyap ng mga magulang biglang himas kunwari si kuya sa ulo ni bunso na kababatok nya lang.

Sa pagpapalaki rin ng mga magulang, palagay ko mas dehado si kuya. Kasi unang anak ng babago pa lang mag-asawa at naging mga magulang. Pinagpraktisang anak ang mga panganay, kumbaga. Samantalang kay bunso, medyo naka-adjust na sila at mas nakakapagpasensya kasi “natuto” na sila kay kuya.

Obserbasyon ko lang naman yan. Ang mga panganay, damay na damay sa away nina tatay at nanay. Sila ang mga mas emotionally battered sa magkakapatid. Kaya siguro (pansin ko lang) maraming bunso mas nagiging economically successful kaysa sa mga panganay paglaki nila.

Karaniwan ang mga advantages at disadvantages na sinabi ko ang nagiging ugat ng inggitan ng mga magkapatid na inaabot hanggang paglaki dahil sa pagtatanim. Namuo ang hatred o grudges sa dibdib ng kapatid na nag-aakalang siya’y inapi. Isinumpa sa sarili: “Paglaki ko dudurugin kita, kuya!” “Bukas luluhod kayong mga tala!” Sira! Yan ang napala mo sa kanunuod ng telenobela… may bende-vendetta ka pang drama!

May istorya ako: Tatlong magkakapatid na lalaki, parang ang mga hamster kong sina Blakdyak, Bebong at Bugoy.😆

Si KUYA sutil, malaki ang agwat ng edad sa dalawang little brothers. Nung mga bata pa sila, trip nya parati pagsabungin ang dalawang kutong-lupa (hanep… ng manok!), pero mas peborit o manok-teksas nya si elder little brother na si DIKO. Syempre halata yun ni younger little brother na si SANGKO — tawagin na lang natin syang “Dyunyor”.

Lumipas ang mahabang panahon, ‘umasenso’ itong si Dyunyor. Ang dalawang kuya nya hindi — jobless si Kuya dahil wala namang natapos, marriage failure naman si Diko… Siya kasi walang asawa, ayaw pa kasing umamin na bading sya.

Itong si Sangko ay nagtanim pala — hanggang lumaki iniismol-ismol ang mga kuya niya. Ang tingin sa sarili ay sya lang ang “GOOD SON”. Makikita mo sa mga kilos at pananalita nya. Pero sa tutuo lang, wala din naman syang sinabe.

Anu sa tingin nyo, nakarma si Kuya? Siguro. Ewan ko. Pero ang masasabi ko sa’yo Dyunyor: magpakumbaba ka. Baka sa taas ng lipad mo bigla ka bumulusok? Away-bata lang yun!

Mga kapatid, kumusta na ang mga brotherhood nyo?

Ikaw Bunso, sumusunod ka ba nuon sa payo ng kuya mo? Naalala mo nung nagpatuli ka hindi ba si Kuya ang sumama sayo? Nauna ka pa nga yatang patuli kaysa sa kuya mo.:mrgreen:

Ikaw naman Kuya, ‘idol’ ka ba nuon ng little brother mo? Hindi ba si Bunso ang parati mong inuutusang bumili ng sigarilyo? Hindi ka nga nyan isinusumbong sa tatay nyo kasi parati kang may lagay. O kaya sa tuwing magsusumbong sya, sinesenyasan mo ng iyong kamao.😯

Ano nang nangyari sa inyo at nagkaganyan kayo ngayon? Antatanda nyo na hindi pa rin kayo nagkikibuan. May tampu-tampuhan pa kayong nalalaman… hehe, para kayong mga misis nyo.

Kayong mga magbilas na misis naman, huwag nyo na kasing gatungan ang mga mister-mister nyo. Ayan tuloy… pati yung mga magpipinsang mga anak-anak nyo, nadadamay sa AWAY-BATA nyo.

Mga bruder, matagal na yung away nyo. Utang na loob, magkaigi na kayo. Magpakalalaki kayo — para naman mapasaya nyo maski sa mga nalalabing araw man lang nila ang mga magulang nyo.

Sana ma-BREAK nyo ang RECORD ng buddy-buddyng samahan ng Boolaboys bRATherhood ko.😉

“When Joseph’s brothers saw that their father was dead, they said,

‘What if Joseph holds a grudge against us and pays us back for all

the wrongs we did to him?’

But Joseph said to them, ‘Don’t be afraid. Am I in the place of God?

You intended to harm me, but God intended it for good…’ ”

(Genesis 50:15,19-20)

“Mula nang mamatay ang kanilang ama, nag-alala na ang mga

kapatid ni Jose. Sabi nila, ‘Paano kung galit pa sa atin si Jose

at gantihan tayo sa kalupitang ginawa natin sa kanya?’

Ngunit sinabi ni Jose, ‘Huwag kayong matakot, hindi ko kayo

paghihigantihan! Masama nga ang inyong ginawa sa akin,

subalit ipinahintulot yun ng Diyos para sa kabutihan…’ ”

(Genesis 50:15,19-20)

————————————————————————————————

See next post today: “Ang dakilang Tita” (21 December 2007)

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2007/12/21/an-exceptional-bratherhood/trackback/

RSS feed for comments on this post.

12 CommentsLeave a comment

  1. di ako mxado maka relate sa “kapatid thingy” kasi di ko naranasan na mayron nun. nitong malaki na ko, saka ko nalamang meron😀 pero di ko nakasama, now, nagkikita kmi at ok pero di nmn kami nkapag “kulitan” kc malaki na kmi ng magka”kilala”

    inggit ako sa mga pinsan ko kahit nga nag aaway sila.
    gus2 ko may ina away at may uma away din sakin😀

    kaya nga c bentong ko, xa lahat sumapo ng kagustuhan kong magka kapatid😀 xa lagi ko ina away😆

    kung disadvantage man ng maraming magkakapatid yung inggitan at agawan, advantage nmn nun ay damay damay din kayo sa problema, di tulad ng nag iisa….

    homebodyhubby: ay may kapatid ka pala?
    anu… girl, boy, bakla, tomboy? 😆 edi may iba pa pala
    tito/tita si Bentong… 😛 sana maging mag-close pa kayo.

  2. hangkulet nung sabay nagwe wheel ng opposite dir. ung 2! papampamas !😆

    homebodyhubby: oo… para ding relasyong ‘partnership’ yan e. pag magkataliwas ang ‘direksyon’ at hindi concerted ang efforts toward a common goal, “hindi iikot ang wheel”.

  3. Galing ng entry na toh..

    Nakakarelate ako..

    Ako bunso samin.. Dalawa kaming magkapatid,.. Actually, medyo naging spoiled ako.. ako lang ang babae sa bahay namin, kase yung mom ko nasa abroad.. Pag may sumpong ako madalas si kuya yung nagpapasensya pero kakaiba pag napuno..😀 Kapag may kasalanan naman, walang laglagan, walang bukingan…

    Nung elementary magkaklase pa nga kami, kase sabay kaming pinag-aral ng parents namin… Remember ko pa non na madalas kami nag-aaway kahit sa classroom, pero kapag may umaaway na sakin, inaabangan na ng kuya sa labas ng school..😀

    homebodyhubby: tulad ng wish ko kay ‘mine”,
    yun din ang wish ko sa’yo, ‘angel’… sana maging magkalapit pa ang loob nyo ng kuya mo.

    nabasa ko yung October posts mo (yun pa lang so far).
    at parang nakita ko na ang reason kung bakit nagka-‘ganun’ ka tulad ng pagdescribe mo sa sarili mo via title ng blog mo. atensyon ng isang TATAY ang talagang hanap mo kasi mukhang di gaanong palagay ang loob mo sa father mo.

    i hope i-encourage ng bawat isa sa inyo ang pag-uusap-usap — ikaw, ang kuya mo, at ang dad mo. (mas okey nga sana kung babalik si mom) hindi masama kung ikaw ang mag-i-initiate. lalo na sa tatay mo? tumatanda na yan kaya maski papano medyo magme-mellow na yan.
    mag-usap-usap kayo at maging transparent sa isa’t-isa. tatatlo na nga lang kayo sa bahay. 🙂

  4. kuryus lang ako, kapatid… ito bang exceptional knowledge mo sa kultura ng hamsters (kultura na, hindi lang psychology, kasi lahat ng aspeto ng buhay nila e tila nabusisi mo na. hehehe) ay dulot ng pormal na pagaaral o totally experiential lang lahat? Nakapagsulat ka na din ba ng libro tungkol sa pagaalaga at pagpapadami ng hamsters?

    medyo interesado kasi yung dawter ko na mag-alaga ng hamster… kaso 3 1/2 yrs old lang siya… ano tingin mo?

    homebodyhubby: hehe… wala ako formal study. nakahiligan ko lang kasi mag-alaga ng small animal pets.
    pag nakahiligan ko ang isang bagay, nagbabasa-basa ako
    ng libro, at nitong September lang — sa internet.

    wala din ako alam sa breeding. 7th generation na nga yung mga “pinakabunso” ko 😆 nito ko lang nalaman na hindi pala maganda ang breeding practices ko? …yun namang alam ko sa pag-aalaga, minsan, isinisingit ko dito sa mga posts ko.

    okey na okey ang hamster sa 3 1/2 yrs old na bata,
    pero syempre dapat may supervision din ng parents o mas matandang kapatid — sa pagpapakain, paglilinis ng kulungan, at higit sa lahat, sa pagha-handle. hindi kasi cuddling pet ang hamster tulad ng aso o pusa… unang-una, kasi maliit si hamster. maski “hardy” sya, delicate ang bone structure nya at hindi sya paris ng mga dagang bahay na kayang tumalon
    o mahulog nang mataas. at pag naapakan o naupuan, dedo syang tiyak pag napuruhan, hindi paris ng aso o pusa na
    aatungal o ngingiyaw lang. 😆

    sabagay may mga pets namang mas magandang pinapanood kaysa kina-cuddle. paris ng isda. 😆 ang hamster nakakaaliw ding panuorin habang kumakain o naglalaro. minsan kelangan rin naman palabasin sya sa kulungan at palakarin sa kama o mesa. kwidaw ka nga lang baka may mga nagmimiron ding mga aso o pusa.

  5. hay ano ba to – katatapos ko lang masermonan ang aking panganay, na guilty tuloy ako. pero alam mo, tama ka, sa magkakapatid talaga ibat ibang katauhan ang asa loob ng mga iyan, kahit pa sabihin mong pareho ang magulang nila. dapat talaga maging magpagpasensiya at sempre, dapat maging understanding talaga kasi nga magkaiba talaga. aminin ko, mahirap gawin yan. kasi minsan punong puno ka na rin at gusto mo na ring sumabog. ako minsan napapalo ko itong mga anak ko, pero yung tiping pasaltik lang, kasi nakakabaliw talaga e. pero bago ko gawin yon e explain ko muna ng sangkatutak at kausapin ko sila ng matino, kung ayaw pa rin talaga tumigil at matigas ulo, at sempre, mainit na rin ulo ko.. ayun. pero pagkatapos non, kapag huminahon na, explain ko ulit kung bakit ko ginawa yon at sempre mag sorry din ako at sabihin mahal ko sila. hindi talaga simple maging magulang. at hindi rin simple maging kapatid, lalo pat isa akong panganay. sa totoo lang, medyo spoiled talaga ang panganay pero kahit na, tatayo ka ring nanay at tatay sa mga kapatid mo. imagine, ang lahat ng sweldo ko napupunta sa enrollment nila, minsan di na ko kakain dahil napadala ko buong sweldo ko sa kanila, huhuhuh… pero okay lang, masaya ako nung ginagawa ko yon. hay ano ba yun, napakwento na ako, hehe

    homebodyhubby: okey lang kengkay. type ko ring nakikinig sa kwento ng iba, kasi marami ako natututunan.

    agree ako dun. iba-iba kasi ang personality ng bawat bata. may kanya-kanya silang idiosyncrasy kaya hindi ubra ang pare-parehong pakikitungo sa kanila. dapat talaga iba ang dealing mo sa bawat isa. kung sa’yo lang din naman, kengkay, bilib ako sa’yo kasi alam kong magaling at uliran kang nanay.

    at tamo yan, panganay ka rin pala? tiyak naging responsable ka rin nuon (in fact hanggang ngayon) sa mga kapatid mo (sana makapagtapos lahat sila). hindi katakatakang maging ulirang nanay ang isang responsableng panganay, kasi sa
    mga kapatid pa lang nahasa na siya.

  6. […] NBI — Naulila ni Beriong ImbestiGADA […]

  7. […] Offspring: 6 (only one litter, the Boolagangs) […]

  8. […] Iniisip ko ngayon kung papaano namin dadalhin ang mga hamsters kung luluwas. Hindi sila pwedeng magkasama- sama sa isang kulungan, mag-aaway, maliban kina Boolaboys Bebong at Berio na hanggang ngayon magkasundo pa. Lima pa ang hamsters ko, kaya apat na kulungan ang dapat naming bitbitin. […]

  9. […] ◙ At 22 mos 21 das, the Boolaboys are still
    the best of buddies; The Chochobebes (19 mos 22 das)
    are living separate lives. […]

  10. […] Ngayong araw na ito, saktong dalawang taon
    (24 months) na ang Boolaboys. […]

  11. […] Nauna pa nga si Berio sa kuya nya. […]

  12. […] Dagang may pinagsamahan. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: