Hulog ng langit, yari sa lupa

03 September 2007

Dusk view from my western window (Falling star effect by CorelDraw).

Alam nyo ba na ang mga hayop ay may “kaluluwa”?

Nakakagulat ba? Siguro… kasi ang nakagawian nating pakahulugan sa kaluluwa ay yung “multo” na vaporous substance na parang ‘usok’ o wa-et leydi na lulutang-lutang.

Tuloy mo lang ang pagbabasa, bago mo ako ma-mis-understood…😆

Oo, ang kaluluwa ay “soul” sa ingles. Pero iba pa yung “espirito” o spirit sa ingles. Minsan ‘ghost’ din ang tawag pero hindi yung “multo”… (multo is familiar spirit, probably fallen angel or demon.) … Anubayan, paskung-pasko undas na naman pag-uusapan!

“UNDASekon dey op kulismas, may tlulayb geyb to mi…”

nativity (with animals)

A card given to us by a friend on Christmas day 10 years ago. She was a Pilipina unmarried mother. She is now happily married and living in the U.S.A. with her daughter who turned 20 this October. (Arts credit: Rene Cloke. Copyright Burgoyne Inc., Philadelphia.)

Dyan nagkaiba ang tao at ang hayop. Ang hayop may two-fold nature lang: body at soul; Ang tao may tatlo: body, soul at spirit.

Yung body ay ang katawang lupa. “Kaha” o lalagyan lang ng soul (at spirit). So hindi ito ang talagang tao kasi kumukupas ito, tumatanda, namamatay, nabubulok.

Poreksampol ako: Pag naDEDO ako at isinilid na sa kabaong, hindi ang nakahigang yun si homebodyhubby. Kaha lang iyon ng kaluluwa at ispiritu na talagang si ako na lumisan na sa kahang iyon.

Yung soul ang rason kung bakit buhay ang katawang lupa. Nasa soul yung will, intellect at emotion… Hindi ba meron ang lahat ng hayop ng tatlong nyan? Meron syang sariling desisyon ng ibig nyang gawin, may talino sya (kaya nga may turuang hayop kasi matalino sya), at marunong ding malungkot, magalit, maging masaya (emotion).

Pero yung spirit, which is God-consciousness, e wala sila… May nakita ka na bang hayop na sumasamba? (hehehe taong sumasamba sa hayop, marami) … o kaya aso o pusa o maski daga pa, na nagpe-PRAY? Wala `di ba?

Kaya ang hayop, pag namatay, tigok lang — period. Kasama ng katawan niyang titigil sa pag-exist ang kanyang “kaluluwa”. Sasama lang sila sa alabok sa kalikasan. Walang “pet heaven” kumbaga.

Ang tao, bukod sa may katawan at kaluluwa, ay may ispirito. Isa syang moral being. Maski maging atheist pa sya, hindi nawawala sa kanya yung “god-consciousness” … Kaya wala syang lusot maski ano paniwala nya, kasi TAO pa rin sya.

Kung susuriin mo nga sa Genesis, bukod-tanging ang tao lang ang nilikha ng Diyos na ginamitan nya ng sarili Nyang mga kamay. Ang ibang bagay — mga halaman at hayop man puro “Let there be…” lang ang sinabi Nya. Ang tao — ang kanyang kaluluwa, binigyang BUHAY ng ‘hininga’ ng Banal na Espiritu.

“ And the LORD God formed man of the dust of the ground, and breathed into his nostrils the breath of life; and man became a living soul” (Genesis 2:7)

Yan ang rason kung bakit ang Diyos ay nagkatawang-tao sa katauhan ni Kristo — para sa TAO. Upang bigyang-buhay MULI ng Espiritu ng Diyos ang namatay na kaluluwa ng tao. Ang Diyos ay si Kristo at ang Kristo ay ang Diyos. Mayroon pa ngang isang persona — ang Banal na Ispirito (Holy Spirit). Tatlong persona pero iisang Diyos.

Paanong nangyari yun?

Sa tutuo lang aaminin ko hindi ko rin alam. Sinabi lang naman ng Diyos na ganun sya e. Pero hindi nya ipinaliwanag kung papaanong nagkaganun.

“ The secret things belong to the LORD our God, but the things revealed belong to us and to our children forever, that we may follow all the words of this law.” (Deuteronomy 29:29)

Basta alam ko nasa Bible yung triune nature ng Diyos.

Maraming kulto, hindi naniniwala dito maski alam nilang nasa Bible yan. Kasi hindi nila maintindihan o kayang ipaliwanag ang “logic” nun. Tuloy, nag-iimbento sila ng sariling paliwanag. Ang mas masahol pa, yung ibang kulto, gumagawa ng sariling translation ng bibliya nila, para lang tumugma sa doktrinang itinuturo nila. Negosyo’t pagkakakitaan rin kasi ang tingin ng iba dyan e.

Hindi mo naman kailangang malaman ang logic nun para paniwalaan. Siguro mas kakayanin munang ipaliwanag ng isang UOD ang kalikasan (nature) ng isang tao, bago pa maipaliwanag ng TAO ang kalikasan ng DIYOS.

Huwag mo na kasing pilitin. Sino ba ang may alam? Sikreto Nya yan e. Maghintay ka na lang dahil balang araw sa paghuhukom duon pa lang natin malalaman.

Tanong ko: Saan ka kaya Niya ide-destino pagkatapos ng paghuhukom?

Click mo yung “On births and deaths” ko dyan sa sidebar. O kaya punta buksan mo yung pencil case at basahin mo dun yung post na John 3:16.

Sige na… Ngayon ko lang uli sinasabi ito kasi Pasko naman. Sa New Year’s eve na yung susunod 😆 kaya magtago na ka (joke lang)… Yung John 3:16 nga ang dahilan ng Diyos kung bakit nagka-pasko.

Hindi kita pinaaalis sa religion mo kung ayaw mo. Bilang isang edukado at open-minded na indibidwal, basahin mo lang… Tapos pag-isip-isipan mo.

Sayang… Kung nakakabili ka at nakapagbabasa ng mga regular issues ng mga magazines o ang mga bestsellers na libro ngayon, may kamahalan yan. Samantalang ang Bible na mahigit 2000 taon na at nalimbag na sa libo-libong wika, ang mura-mura naman at minsan mo lang bibilhin, ay siya pang hindi mo mabili at mabasa.

Saradong relihiyon din ako nuon — de kandado pa nga, ‘nilunok ang susi’ (binasa ko lang yan) hindi naman ako ‘ipinanganak’ na “born-again” na e… NITO na lang nung maunawaan ko yan at tanggapin ko Sya sa aking buhay.

Basahin mo lang kaibigan… tutal libreng-libre naman yan.

Maligayang pasko sa inyong lahat. Nawa’y maranasan ninyo ang libreng BUHAY na kaloob ng Panginoon at Tagapagligtas na si Jesukristo.

To God be the glory.

nativity (with children)

This card was given to us by the family of Aldo and Jingjing on Christmas 1993. They are residing in Canada. (Arts copyright: Smithbooks. Marque de commerce de FICG Inc.)

“ Glory to God in the highest,

and on earth peace to men on whom his favor rests.”

(Luke 2:14)

“ For God so loved the world that he gave his one and only Son,

that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.”

(John 3:16)

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2007/12/25/hulog-ng-langit-yari-sa-lupa/trackback/

RSS feed for comments on this post.

12 CommentsLeave a comment

  1. aba, talagang nakapag blog ka pa ngayong pasko ha. parang ako, eto at naka online din, hahaha… kasi ang aga ng aming celebrasyon e. nagising para mamingwit ng isda sa palaisdaan na dinayo pa namin. mga dalawang oras din biyahe punta at uwi, di umabot sa misa ng protestante, kaya nag antay kami at umabot sa misa ng katoliko. oo, si kengkay dalawang relihiyon ang dinadalaw ngunit kapit ang aking paniniwala sa isang diyos lamang. kasi dito ang protestante at katoliko ay pareho lamang, may mga misa pa nga sila na ecumenist ang tawag, meaning — sabay ang misa nilang dalawa, depende kung saang simbahan, basta yung parehong pari ng dalawang relihiyon, yon ang parehong magmimisa. natutuwa nga ako kasi dito kapag misa para sa mga pamilyang may mga bata, halos puno ang simbahan. at halo halo na, kung katoliko man o protestante. si kengkoy kasi protestante pero ako at ang mga little kengkays katoliko. kunsabagay, nung asa thailand nga ako e nakikidalaw din ako sa mga buddhist templo nila e… depende, basta andun yung hanap ko na katahimikan ng aking puso, isip at kaluluwa.. basta alam ko kung sino ang tunay na diyos😀

    homebodyhubby: oo tita… kung kelan nga bakasyon sa blogging yung iba, ako naman dumami pa ang “TRABAHO” hehehe… may ipo-post pa ako sa Dec 28 (tungkol sa mga bunsong DAGA ko), sa 30 (sikret!), at 31 (paris uli nito😆 )… kaya nga yung hinhingi kong “etneb” na tag sa’yo, bibilangin ko pa lang sa lahat ng daliri ko, sa enero.

    hehehe, “palaisdaan”… talaga palang marami dyang ISDA na pwedeng mag-volunteer para LUMUNOK dun sa SUSI ng de-kandadong

    KARSURSILYONG BAKAL

    na ibinebenta ko ha! 😆 hehe. (yung nag-i-isip kung ano ito — click nyo yung word na “karsursilyong bakal” — may link yun. iskrol nyo yung post ni kengkay pababa, hanapin nyo yung comment ko)

    tungkol sa relihiyon: maigi naman pala at may ganyan diyan — isang indikasyon ng “bukas na isipan.” 😛

    nung nagpunta ako ng Okinawa, sa loob ng US base dun may “hall” na nag-a-accomodate ng service ng iba’t-ibang FAITHS — catholics, protestants, pseudo-christians, jewish (Judaism). pero halinhinan, hindi sabay-sabaw. 😆 varied kasi talaga ang beliefs ng iba’t-ibang tao, at hanga ako sa mga na nagte-take ng stand nila on what they believe. and I think it is proper lang na igalang natin sila at ang kanilang natatanging paniwala. kung isini-SHARE man nila ang kanilang paniwala, i know maganda ang motibo nila — without this religious bigotry.

    tulad ko halimbawa — marami na ang nag-alok sa akin ng pungsoy. yung iba ang motibo ay talagang makabenta, yung iba naman ang MOTIBO para sa akin ay MAGANDA — gusto nilang “swertihin” ako… talaga nagpapasalamat ako… pero dahil ang pungsoy ay taliwas naman sa sinasabi ng Bibliyang pinaniniwalaan ko (faith is not a matter of chance), tinatanggihan ko ito with a SMILE at hindi naman nao-offend ang kaibigan kong nagbibigay nito… HINDI “bawal” ang pungsoy sa amin, dahil WALA namang BAWAL sa isang born-again na paris ko (we are living NOT under any LAW, but by FAITH). i’d rather call it CONVICTION, not “bawal”. 😉

    salamat kengkay sa comment mo. dahil bakasyon ang mga bloggers ngayon, hindi ko inaasahan na may magkukomento. pero sana marami pang tumugon dito kasi talaga namang marami rin akong natututunan sa inyo. 😉 meron nga akong porendyer na muslim na ka-blog at binabasa ko rin ang mga posts niya.

    maalala ko uli yung isda… mukhang tamang-tama dun sa FISH embutido! patikim naman ng embutido oyropeo… 😆

  2. akala ko destiny yung is not a matter of chance ;)) hehe meri xmas sau mr. santa blogger😆

    di na ko magkokoment sa post mo altho i respect ur opinion & ur belief & i find it very much helpful indeed

    and i admire u for being not only a believer but a survivor as wel.

    homebodyhubby: santa? hehe… siguro magkamukha
    din kami — mataba lang sya at puti ang balbas nya… pero
    pareho kami tisoy :mrgreen: at maliit lang tyan ko. 😆

  3. hi! Merry Christmas and also to your family.. May you have the best season this year!!! oH btw, ur ECARD is in my site.. pls grab it!! thanks.. -Jeniffer

    http://www.taratsilipin.wordpress.com
    http://www.walongbote.co.nr

    homebodyhubby: thanks Jeniffer!
    merry christmas din sayo at sa pamilya mo… 😀

  4. aba.. my natutunan na naman ako sayo kuya.. ang bagsik talaga!!! my post nang pasko.. idol… my tym for blog hehehe….

    homebodyhubby: hhehe. hongah e. paskong-paksiw e nagtatarbaho… masipag ba? inde… ‘ala lang magawa! 😆

  5. klasmeyt meri krismas ulet hehehehe.

    naniniwala ako sa pinost mo hehehe. kaya magpasalamat tayo Sa Kanya…we’re so blessed diba… hehe

    homebodyhubby: uy klasmeyt, bumalik ka… nangangaroling ka ba? (jokes) 😛

    syempre pa… we’re so blessed! 🙂 meri krismas din ulit!

  6. merry xmas po uliT!
    ahihihihi!!!

    awwww. ..

    akalain mong ppag pumupunta ako dito may natututunan agad ako.

    Sana post nmn 2ngkol sa math!

    wakekek!

    homebodyhubby: ahahay. 😯 huwag po! bobo ako sa math!
    kaw na lang mag-post ng math, iha. rerebyuhin ko, pramis. 😆

    nipanood mo na ba yung bidyo sa next post? biro mo…? memoryado pala ng mga bata yung “dyinggam-bel” natin!? 😛

  7. may kaluluwa ang hayop… bago.

    homebodyhubby: hindi na talaga bago yan…
    singluma na yan ng Bible. 😉
    tulad ng binanggit ko sa itaas nagmumukhang bago lang
    ang usapin na yan depende sa kung papano natin bigyang- kahulugan ang salitang “kaluluwa.”

    Kung ang pagkakaintindi mo sa konseptong tinutukoy ko
    rito ay paris sa konsteksto nung sinasabi ng mga relihiyong naniniwala sa reincarnation… ahehe no way!
    Ekskyus mi po, malayung-malayo duon.😆

    p’re in-identify ng akisment ang comment na ito as spam.
    pero sa tingin ko, wala naman… kaya ni de-spam ko.
    mukhang returning blogger ka p’re? …pakita mo naman avatar mo. 🙂

  8. may conflict ka sa sinabi mong trinity ng pagka Diyos na iisa sila ni kristo at nang maylalang, sa John 3: 16 maliwanag na May mas mataas pa k Kristo siya nga na maylalang at nagpangyari na maging ang mundo at ang tao. Kahit pa nuong nandito si Kristo sinasabi niya na mayroon pang mas mataas sa kanya na syang karapat dapat na sambahin ang Ama nga na lumikha rin sa kanya, kaya hindi nya pinapahintulutan nuon na luhuran sya nga mga tagasunod nya.

    homebodyhubby: hello ching! …musta ka na?
    tutal kaibigan naman kita, at hindi ka naman kilala ng readers ko, at hindi din nila alam ang religion mo, kaya diretsahan ko ring sasagutin ang DIRETSANG comment mo. 😉

    marami na akong nakausap na myembro nyo at pilit nilang ipinaliliwanag yung “logic” niyan — dinetalye ko na yan sa itaas, kaya hindi ko na uulitin dito… (pakibasa na lang uli
    at intindihin yung 7 paragraphs mula dun sa “Paanong nangyari yun?” )

    ang parating ipinakikita sa akin ay ang mga nagga- gandahang LITERATURES nila, which they regard as EQUALLY important with the Bible, plus yung SARILING translation nila ng Bibliya na hindi naman accepted ng mas nakararami at totoong Bible scholars…

    sa Bible NYO kasi, God the Father is “Almighty God,”
    God the Son (Jesus) is only a “mighty god” — or a LESSER god.

    alam ko may experience ka nuon with born-again christians… pero palagay ko hindi mo nakuha — or hindi masyadong nai-explain sayo ang doktrinang itinuro nila…

    mas pursigido kasi yang mga miyembro ng religion mo ngayon. at aminado ako — MAS MARAMING MABABAIT
    sa kanila. (shame on us) 😦

    peace… 😉

  9. […] Pero HINDI ito nangangahulugan na hindi ka na pwedeng magkamali o magkasala. Maski born-again ka pa! We are souls that are still trapped in these YET imperfect bodies, a perfect battleground for good and evil. That is why our spirit should be controlled by HIS Spirit; and it is your choice whether you want to follow His will or not. […]

  10. […] Oo nga… wala sa life agenda ng mga hamsters yan
    (o maski na anong hayop). […]

  11. […] Hindi ko alam kung na-imagine mo nang wala ang Diyos. Posible din namang isa ka sa mga taong hindi naniniwalang may Diyos. Ahehe… akala mo lang yun. Maski ano pa paniwala mo, hindi mo mababago ang katotohanang mayroong Diyos na nagbibigay- hininga sa patay na katawang-lupa mo. […]

  12. […] Pero ang tao iba… we go beyond just physical
    (and emotional and social) existence — may ispiritwal
    na kalikasan ang tao
    . […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: