Bakit isa, bakit dalawa?

Amboy (♂)Amboy (♂), his other side

Hamsters usually open their eyes when they are about two weeks old. When the Chochobebes were sent to us for the third time, Syma’s eyes were both open, but in case of Amboy, it was only one.

Amboy is my smallest and youngest hamster. He was then so thin and lanky and so nervous he was easily get startled. He was very uneasy and so paranoid whenever I handle him he even jumped from my hand.

Inside his cage, he has chosen to stay most of the time at the innermost corner, and very rarely did he play on the wheel. When he was playing, he was always ready to get back to his “comfort zone” whenever he felt some movement outside his cage.

At first I assumed that the opening of one eyelid was just delayed. When at last it opened, I saw a lifeless amber color that made me realize it was indeed blind. If it was inflicted by Syma’s attacks, I am not so sure. But it was my first time to see and own a one-eye-blind hamster.

As to the etymology of his name, the boy was first called by his former owner as “Spiderman” because of his agility to traverse the ceiling of his mother’s cage in a spider-like fashion. Later I called him by the Pinoy equivalent “Gagamboy” which later changed to “Dagang-boy” (little male rodent) to “Dagang-bulag” (blind mouse) to a sound as it was pronounced by a small child “Dagam-buyag”😆 … Oedisige — Amboy na nga lang!

One-eyed Amboy

Amboy is eating his first tofu (tokwa) here. The cage is his mother’s which

we decided to ‘buy back’ from Chocho’s owner. Amboy is the weaker one,

so he inherited the cage.

At six months, maski medyo maliit pa rin ang built nya, tumaba-taba naman. Nabawasan din ang pagiging PRANING niya.

————————————————————————————————

— USAPANG PINOY —

Wala na akong maisip na ise-sermon kaya mabilisan lang ito. Pero hayaan nyo muna ako “magpatawa” kahit gano kakorni. Nakita nyo yung picture ni Amboy di ba? Eto naman picture ko:

kapten dyak isparo

😆 Iyan ang isa sa mga resulta nung ako’y tinatamad na sa former employment ko at wala nang magawa. Walang lang… kasi iisa din ang mata.

Okey eto na… Basta naisip ko lang ito. Baka may maisip din kayo dagdag nyo lang sa comment nyo.

— Bakit nga ba ISA at bakit DALAWA? —

Simulan natin sa MATA: Bakit dalawa?

Siguro para makita natin ang dalawa o magkabilang mukha ng bawat bagay o ISYU. Maski na iisa ang UTAK natin para hindi tayo maging schizophrenic, e hindi naman tayo maging one-tracked mind. Eka nga nung isang kanta ni Joey Ayala: “Magkabilaan ang mundo.”

Ang KILAY, bakit dalawa? — Para sabay mong itaas pag may babatiin ka. Kase pag isa lang ang itinaas, matapobre o nang-i-SNOB ka na!

Bakit iisa ang ULO? — Mahirap magsuot ng T-shirt pag dalawa… at saka baka magkabadingan e maghalikan pa! PWEE! (Tangina…)

Bakit dalawa ang TENGA at iisa lang ang BIBIG? — para makinig ka nang makalawang ulit bago ka humirit ng dakdak!

Bakit iisa ang ILONG pero dalawang BUTAS? — Mahirap magsuot ng eyeglasses o shades pag dalawa ilong. Kahirap din siguro mag-ahit ng bagote pag dalawa ilong. Yung butas para sa tig-isang HATSING. Pansin nyo ba malimit twice ang bahing?

Bakit dalawang KAMAY? — Para matuto kang magbigay, hindi yung tanggap lang ng tanggap, kuripot! Maski sa mga comment sa blog huwag lang puro tanggap, mag-comment ka rin sa iba! Makunat!😆

Bakit dalawang PAA? — Mahirap maglakad ng nag-i-“istep no” at nagpi-“piko” baka madapa ka pa sana! Imagine? …sa palengke, sa mall, o sa kalsada, lahat ng masalubong mo, nagkaKANDIRIT!

Bakit tig-isa lang nung YUN ang lalaki at babae? — Ibig sabihin TIG-ISA lang ng ASAWA! Atsaka kahirap umuhi pag dalawa ‘no?

E bakit ang BALLS ni lalaki at ang OVARY ni babae tig-dalawa? — Para pag nalaglag yung isa, pedeng magka-anak pa! …O! O… ako’y huwag nyo nang tanungin — maski pa kumpleto!

Bakit ang DEDE ni babae dalawa? — Para pag kambal ang anak, tig-isa sila, anu pa? E paano kung triplets? — Hindi problema yun, bigay nyo na lang sakin yung isa.

Bakit ang KIDNEY dalawa? — Obvious namang uso ang sakit sa bato kaya dapat may reserba para hindi yung agad dinadayalis.

E pano yung GALL BLADDER iisa? — Hayyy!!! Ingatan mo na lang kasi, ang kulit ka!

Bakit ang ATAY iisa? — Maano naman? Pag yan e nalagasan, tumutubo naman!

Bakit ang LUNGS dalawa? — Ewan ko… Sa tig-isang butas ng ilong siguro?

Bakit ang PUSO iisa? Hehehe — Para HINDI KA SALAWAHAN. Huwag mo memoryahin yung nausong kanta!

Pero sa tutuo lang gusto ko: “Sana… dalawa ang puso ko… ♫” Kung pwede nga, TATLO pa… Hindi, gawin mo nang PITO😆 damihan mo na lang kaya, Lord? Kasi hirap na hirap na ang PUSONG-MAMON ko sa dami ng dapat “kaawaan…”

“For you created my inmost being;

you knit me together in my mother’s womb.

I praise you because I am fearfully and wonderfully made;

your works are wonderful, I know that full well.

My frame was not hidden from you when

I was made in the secret place.

When I was woven together in the depths of the earth,

your eyes saw my unformed body.

All the days ordained for me were written in your book

before one of them came to be.”

(Psalm 139:13-16)

“Ang anumang aking sangkap, ikaw O Diyos ang lumikha,

Sa tiyan ng aking ina’y hinugis mo akong bata.

Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan,

Ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay;

Sa loob ng aking puso, lahat ito’y nakikintal.

Ang buto ko sa katawan noong iyon ay hugisin,

Sa loob ng bahay-bata doo’y iyong napapansin;

Lumalaki ako noong sa iyo’y di nalilihim.

Ako’y iyong nakita na, hindi pa man sumisilang,

Batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay;

Pagkat ito’y nakatitik sa aklat mo na talaan,

Matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam.”

(Awit 139:13-16)

————————————————————————————————

At dito po nagtatapos ang aking pagsasalaysay ng mga DAGAMBUHAY — magmula kay BITOY hanggang kay AMBOY…

Bitoy (♂)Amboy (♂)

(Aug 2003 — 15 Nov 2004) BITOY ←→ AMBOY (04 Jun 2007 — )

Patay… may maipo-post pa kaya ako? Bahala na!😀

Published in: on 28 December 2007 at 6:00 pm  Comments (14)  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2007/12/28/bakit-isa-bakit-dalawa/trackback/

RSS feed for comments on this post.

14 CommentsLeave a comment

  1. aq na nmn buena mano😀 ayw q na sna kc bk tumumal kso bk bigla aq ma teggy eh di inde ako nka kumple2 ng koments😆

    – kyut ba din c amboy, d one-eyed jack este amboy nga pla, bat kc may kapten dyak isparo dun sa taas :p😆

    kw b yun? chenes😆 bt kamuka ni Matthew Broderick at kaninong body mo ni photoshop yun? lols😆

    – Bsta yung 2 pde maging 1, pero yung 1 di pde maging 2, riot na!!!

    homebodyhubby: no problem… gusto ko nga prati ka buena mano kasi kaw namber wan daga-hanga ng mga hamster ko. 😆 pero lam mo bang fan na rin ako ni Petnok mo? :mrgreen:

    ‘nu ka? katawan ko yun ‘no? indi ko lalagay mukha ko miski kanino iba katawan (pwera na lang kung hindi topless ha). malusog lang ako nun saka niliyad ko lang konti dibdib ko. 😆

    me tanong ako — anu yung “chenes”? saka yung “chuvaness”? prati ko rinig sayo yun e… :mrgreen:

  2. hala pa xplain daw ba😆 eh.. ahmm.. hmmnn.. nu nga ba😕😆
    chenes = chuvaness = parang ala lang.. parang chuva chuchu = chenelyn😆 lols lalong gumulo😆 ah basta yun na, yung mga bgay na mhirap i label at di ma explain chuva thingy😀

    homebodyhubby: hehehe🙄 lalo ako nahilo? :mrgreen: sige na nga, basta yun na yun! ang anu yun? ewan ko angkulit ko.😆

  3. astig. mukha ka talagang pirates bro..heheh
    kailan nilabas yang issue na yan? happy new year homebuddy! may you have a great year ahead. *cheers*

    homebodyhubby: hehehe…
    bago pa sumikat si barangay kapten dyak isparo. 😆
    napaaga yata yang maskara mo? …happy new year din brod!

  4. ahahaha… ang bangis png national geographic tlaga.. kuya hubby.. pag napupunta ako dito.. nagiging banal ako lalo..

    homebodyhubby: ahehehe… ganun ba repah? ay di maigi… hehehh
    yung bulag dun sa national geographic mas banal yun — namimirata ng pirated CD sa bangketa… barko-barko kung magbenta! 😆 pules kase? tignan mo meron pang boga.

  5. grabe, kung ganun kadami puso mo kawawa ka naman. tama na yung isang puso at least alam mo kung para saan yung kutob nya at yung tibok nya. kasi kahit naman isa lang puso mo pero pusong mamon yon, alam mo kung saan siya isha-share😀

    homebodyhubby: oo nga… tama na ang isa.
    palalakihin ko na lang! 😛

  6. nakakatuwa..ü

    homebodyhubby: me kwento ako sayo… ewan ko kung narinig mo na. 🙄 pakinggan mo:

    Mag-AMA — matutulog na, nag-uusap pa:

    ANAK: “Tay, andaming lamok!”
    TATAY: “Patayin mo ang ilaw, para hindi tayo makita…” :mrgreen:

    pinatay ang ilaw… nagpasukan ang alitaptap.

    ANAK: “Tay… nagdala ng flashlight!”
    😆 😆 😆

  7. […] Ang one-eye-bulag hamster kong si Amboy ay tagal na palang may ka-blind-date? Eto po ang ibig kong sabihin:
    Yes! – may DSL (Dagang Scavenger-Looter) sa bahay.😆 Dagang Smol Lang naman. […]

  8. […] Sa madaling kwento, nakaligtas sa kamatayan itong si Littlebro… Si Bigbro? Okey pa rin naman — pwede kasing mabuhay ang isang tao kahit iisa lang ang kidney.
    One can be enough. […]

  9. […] Sila yung magkapatid na di magkasundo.
    Si Syma ang pinakamasungit na hamster ko,
    si Amboy naman ang pinakanerbyoso. […]

  10. […] S = proposed SymAmboy Pilipit na Hagdan-en- Pantalan, winding staircase–dock palabas at pababa ng haybol. Mula sa neym ng monastik na mag-sis-en-brad. […]

  11. ————————
    Amboy
    […] “Bulag isa mata ko, hindi ako pede magmaneho —
    Hahabulin tayo ng heywey batrol (hagad na flying daga)” […]

  12. […] The presence of fellow-hamsters nearby
    (including Amboy) didn’t seem to bother her anymore. […]

  13. […] Amboy was the cautious-type, a trait which he seemed to acquire from his squabbles with big sister Syma when they were young. […]

  14. so freeking funny


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: