Kulang sa pansin (Part 2)

Syma (♀)

Syma “sungit”😆

When Syma and Amboy were sent to us for the last time, Syma couldn’t be restrained from harassing her helpless and nervous skinny little brother.

Hamsters, even the untamed ones, can be safely handled by the loose skin behind their neck. But for Syma any way of handling can be unsafe. Even if handled this manner, she has a nasty way of turning her head sideward and backward enabling her to bite my fingers. She is also able to use her paws to hold my hand and kick using her hind leg. Really nasty!

When inside her cage, she is always ready to bite any body part of an intruder — human or hamster alike, that gets its way close to her cage. Whenever she gets loose or escape from her cage, which happened more than once because she was chewing and had managed to make an exit, I had to scoop her up with a plyboard or with a box-cage.

Because of this trait, we named her Syma — short for Symantec, a powerful anti-virus PC software. Mabagsik!😆

Hamsters tend to be unfriendly if they were not accustomed to handling — kulang sa himas, kulang sa pansin. They may not been handled as often as they should have been since they were young. This is a fact which is true in any other pets as well (and mind you — even in humans)

Grumpy Syma

This is what she does whenever I put her in this temporary enclosure while

I am cleaning her cage in the evening. Hamsters do not want the smell of other hamsters except when a female is in heat.

At six months, hindi-hamak na mas malaki sya kay Amboy. At medyo napabait-bait ko — Kita nyo naman sa video nahahawakan na.

————————————————————————————————

— USAPANG PINOY —

Marahil kayong mga may anak, hindi na istranghero sa mga words na ito — Attention-deficit hyperactivity disorder (ADHD) o “ADAHADA”. Mga batang tila hindi na normal ang “kakulitan”.

Binasa ko ang discussion nito sa librong “Synopsis of Psychiatry” (Alam ito nung mga kumukuha ng nursing, dahil siguradong textbook nila ito). Pero huwag na nating i-discuss dito yung nabasa ko dahil baka matuliro lang kayo — paris ko.

Isa pa, likas lang naman sa maraming mga bata ang talagang makulit. Kaya bago nyo isisi sa kung anu-anong genes o ‘syndromes’ ang dahilan ng kakulitan nya (tutal nagmana sa inyo yan hehe), tignan nyo muna baka naman normal lang talaga ang kakulitan nya. Abnormal na ba? Baka naman… kulang lang sa pansin — NINYO? Baka kayo ang abnoy?

May mga tao talaga na sobra ang papansin. Yung tipo bang mahilig magposing-posing at siguro maski magsisirko-sirko at magtambling-tambling e gagawin mapansin mo lang?

Yung iba e talagang magagaling naman. Malimit pa nga mga excellent o outstanding pupil mula nursery hanggang college. Talaga namang akala mo cellphone stand yung dingding ng bahay nila sa dami ng naka-frame na medalya.

Pero para sa kanila kulang pa ito. Panay ang buntunghininga. Panay ang reklamo, minsan tuloy wala nang gustong makipag-usap sa kanila. Ang sarap tuloy tanungin: “Are you bragging or complaining?” Nagbubuhat ka lang yata ng sarili mong bangko?

Andaming insecurities sa buhay! Ano bang problema natin, ha?  Mapalad ka nga at medyo nakaangat-angat ka sa iba dahil sa iyong talento. Huwag ka lang hambog at baka magulpi ka ng mga taong kausap mo.

Pero mas nakararami e yung mga naging “dungo” o yung napakababa ng self-esteem kaya ang ginagawa, nagpapauto na lang sa mga akala nila e ang galing-galing… Pssst oist! Sa akala mo ba concerned sa’yo yan? Nagte-take advantage lang sa’yo yan. Kung mahal ka nyan bakit sinisira ang buhay mo?

Hindi lang sa mga ganitong eksampol tutuo yan. Maaaring may “kaibigan” kang napakagaling mambola kasi uutangan ka. Ikaw naman itong si deprived, agad naniniwala.

Ano ang dahilan kumbakit may mga batang ganyan? Sinong unang dapat panagutin? Bago tayo manisi ng ibang tao, kayong mga magulang, suriin muna nyo kung paano nyo sila pakibagayan! Open ba ang mga anak nyo sa inyo? O aloof na kausapin kayo? Sinasabi ko sa inyo, iba yung TAKOT sa RESPETO.

Baka naman sabihin nyo sakin: “Tumahimik kang baog ka, wala kang anak, hindi mo alam ang sinasabi mo!”

O e ikaw, hindi baog — sanrekwa ang anak, alam mo ba ang ginagawa mo?

Hehehe. Mang-iinsulto ka pa e — mapatigil lang ako. Style mo bulok. Hindi mo ko kayang pikunin. Palibhasa nakukunsensya ka, ayaw mong marinig ang sinasabi ko. Marami akong kakilalang tatay o nanay, hindi “baog” — marami ring mga anak, pero matitino… hindi iresponsableng tulad mo.

Kayong mga ate at kuya naman, kumusta kayo kay bunso? Baka komo kayo ang halos bumubuhay at nagpapalamon sa mga kapatid nyo e daig nyo pa ang nanay at tatay nyo sa pagsusuheto. Ayaw nyo na pa-correct maski kanino. Panganay na lalaki ako kaya alam ko ang downside ng pinakamatanda sa magkakapatid. Akala nya alam nya na ang lahat. Minsan nga halos lait-laitin nya na ang mga sariling magulang nya na matatanda na at nakaasa lang sa kanya.

Kaya ito tuloy si bunso, walang ibang mapagsabihan ng problema nya. Walang ibang mahingan ng advice. Saan tumatakbo? Doon sa mga barkadang katanggap-tanggap siya — mga kabataang wala pa ring kamuwang-muwang, mga kabataang nagmula din sa isang DYSFUNCTIONAL family, kaya ang nagkakayarian sila-sila.

Mas masahol yung isa pang pwedeng takbuhan… Hindi kapwa kabataan kundi mga matatandang walang pinagkatandaan. Mga dirty old man. Mga matatandang kabayong makasarili at walang ginawa kundi ang maghanap ng sariwang damo at sumira sa buhay ng mga kabataan. Gumising ka iha…

Hindi talaga magaling iyan — ikaw lang ang kayang bolahin niyan. Itapat mo yan sa mga sing-idad o ka-level nya, urong din ang titi nyan.

PANSININ mo kasi si Jesus Christ na antagal ng kumakalabit at “nagpapapansin” sa’yo. Huwag mong gawin inspirational motto o slogan LANG ang mga scripture verses na nababasa mo. Sa Kanya ka makipagrelasyon. Get to know the AUTHOR of the Bible.

Ano sa tingin nyo, bakit kaya nagkaganun si Syma ko? Kulang sa pansin? Dahil kaya maaga syang iniwan ng ina, babae pa naman siya? Tapos hindi naman sila close ng tatay nyang si Isnobol.

Of course I was just speaking figuratively, again. Daga lang sila. Hamster pa, solitary at maski anupang gawin mo ay talagang kanya-kanya.

Kaya mga nanay at tatay pansinin nyo naman yang mga anak nyo, at ang buhay niyan baka lang mapariwara. Kuya o ate ka? Pansinin mo si bunso… baka maitanan o mabuntis yan ng boypren ng napakaaga.

Mga mag-aasawa. Mga mag-aama at mag-iina. Mga magkakapatid. Lahat kayong miyembro ng pamilya! Komunikasyon ang kailangan. Mag-usap-usap kayo, maging transparent sa isa’t-isa. Mag-PANSINan kumbaga…

Hindi tayo mga hamster…🙂 hindi pwede ang kanya-kanya. Iisang bahay kayo kaya dapat isang tahanan, isang pamilya. “Mabuti pa sa inyo ang mga ‘dagang-bahay’.”

“I praise you because I am fearfully and wonderfully made;

your works are wonderful, I know that full well.”

(Psalm 139:14)

“Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan,

Ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay;

Sa loob ng aking puso lahat ito’y nakikintal.”

(Awit 139:14)

“Keep me as the apple of your eye;

hide me in the shadow of your wings.”

(Psalm 17:8)

“Kung paanong sa mata mo’y lubos ang ‘yong pag-iingat,

Gayon ako ingatan mo sa lilim ng iyong pakpak.”

(Awit 17:8)

————————————————————————————————

May isang post pa mamaya: “Bakit isa, bakit dalawa?” (28 December 2007)

Published in: on 28 December 2007 at 9:00 am  Comments (14)  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2007/12/28/kulang-sa-pansin-part-2/trackback/

RSS feed for comments on this post.

14 CommentsLeave a comment

  1. pasaway na syma😆

    malaki talagang factor ang environment & “parenting practice” sa upbringing ng mga bata, tho may exception as always, it think it is safe to say na nasa magulang din tlga nka depende ang kinakalabasan ng mga bata.
    kasi wala nmn talagang choice cla hanggat bata pa. so para clang “clay” na namo mold ayon sa desyn ng potter.

    pero ganun p man, pag nagka idad, empre may sarili na din clang choices, altho empre, may epek yung rearing sa knila at di lhat ay kayang gaiwng iba yung buhay nila sa buhay na pinag kalakihan nila.

    homebodyhubby: korek ka dyan… in fact may
    konting discussion ako sa isang post ko nuon (viewpoint #2) na medyo related din dyan. tungkol sa —

    “‘chance’ and choices.”

  2. Mas maganda kung Trojan yung pangalan ng hamster, isang malupit na virus. hehehe…

    Happy New Year, tito.

    Tito Arleen😎: Ahehe… talagang malupet yang Trojan dahil mismong virus! Siguradong mas matindi pang tumadyak kaysa kay Symang hamster ang kabayong yan… hamo pag nagkaanak ng lalaki si Syma tawagin kong Achilles! 😆

    Happy New Year din, Ian… regards na lang sa mga kapatid
    at mga pinsan mo, at kay Nanay at mga Tita at Tito mo dyan.
    at syempre kay “Irene”. 🙂

    Hehe… punta daw si Lola mo dito after new year. 😛

  3. tito, gusto ko sana sumama kaso pasukan na agad sa January 3. Dami ko pa ginagawang “raket”. 2 thesis ang ginagawa ko, na hindi akin. ehehehe.

    Tito Arleen😎: 2 thesis? Hirap nun a… ako nga isa
    lang nun inabot na ng siyam-siyam (9 years sa college 😆 ) . Pero huwag mo ko gayahin ha, hehe.

    Hmmm… parang alam ko na kung kanino (joke lang) 😛
    pero oks lang alam kong yakang-yaka mo yan…

    No problem… i doubt it nga kung matuloy ang mame
    sa pagpunta rito… Sabi ko nga huwag obligahin ang sarili,
    lalo na pag ganitong kasagsagan ang mga nagbibiyahe.

    May post ako mamaya, hintayin nyo. 😆

  4. ganun, panganay ka rin pala🙂 hay ako, alam kong may karapatan kong pagsabihan itong mga nakababata kong kapatid kasi itong nanay at tatay ko sobrang bait e. sa sobrang bait e hindi nila halata na inuuto na sila ng mga anak nila, hmp. anyway, maraming pasaway pero kung ituturo sila sa tamang direksyon sa pamamagitan ng pagpapakita ng pagmamahal sa kanila, sa tamang pag uusap, sa tamang pakikinig at sa tamang oras na ibibigay sa kanila. kaya nga itong mga little kengkays ko, ngayon pa lang sinasabi ko sa kanila dapat magsabi sila kung ano ang nararamdaman nila, kung ano ang ayaw at gusto nila… para magsimula na ang open communication kahit na bata pa sila. kakalungkot naman kung paglaki nila e sa iba pa sila maghinga ng sama ng loob. ayaw ko yata nun.

    homebodyhubby: hehehe… tama ka dun sa sinabi mong mga sobrang bait na magulang… minsan kayang-kayang black-mail-in emotionally ng mga anak e. eto namang mga magulang — lalo na si nanay — hindi matiis ang mga anak.

    mapalad pa nga ang mga Pinoy e… may pinupuntahan akong blog — foreigner (anyway wala naman syang link dito kasi ako lang ang nagko-comment sa kanya)… sa kanila pag 18 years old na, maski na babae, they are on their own na — wala nang pakelam sa kanila mga magulang nila… medyo depressive nga yung ka-blog kong babae. 😦 kawawa naman.

  5. siyaaaaaaaaaaaaks… masyado akong natutuwa sayo.. medyo nakita ko yung DATING AKO(sa dating blog ko)… naisisingit si dakilang papa God… nayun kasi…tsk tsk..ewan ko ba…

    garabe…

    natutuwa ako sa segue mo… ang galing ng Diyos sayo…ü ahhhhhhhhhhh… waaaaaaaaaaaaaah!! kakaiba ka…

    idol!

    -napunding alitaptap

    homebodyhubby: ganun ba. hehehe… salamat.
    kaya lang bakit naman nasabi mong “DATING AKO” ?
    (hindi yung “basa!” o yung “Alien!” yan ha? 😆 )… pundido ka na nga ba? bakit hindi mo ibalik ang dating liwanag mo… 😛

  6. alam mo, depende rin yun sa pamilya. dito sa germany, itong pamilya ng aking si kengkoy, super close sila ano. last year lang umalis sa piling ng magulang yung dalawang pamangkin kong german, pareho silang in their late 20s na. kasi iba nga ang palaki nila sa mga anak nila, kahit pa tradisyonal sa kanilang kultura na kapag 18 years old na e layas na dapat sa bahay. at sempre kapag weekend, uwi pa rin sila sa magulang nila. swerte ko talaga sa napuntahang pamilya😀

    homebodyhubby: sa isang banda maganda tradisyon na yan kasi natututo ang anak na tumayo sa sariling paa… pwede namang magreu-reunion pa rin maski magkakaiba ng tinitirhan diba? …o kaya magtulung-tulungan sa oras ng kagipitan (hindi yung habambuhay na nakaasa sa magulang). 😦
    tama ka — in the long run, depende pa rin yan sa kung gaano ka-close ang magpapamilya. 😀

  7. Actually tito, yung 2 thesis, di ko na sagot ang paper works. 2 computer science students kasi yung tinutulungan ko, kaya Program or System lang sagot ko. Yung isa, pakisama sa bestfriend. Yung isa, worth 3,500. Binabaan ko ang singil, STI din kasi e. Normally, and programming works ko ranges from 8,000 to 15,000, depende kung gaano kahirap gawin ang System or program.

    Ano nga pala complete address nyo dyan? Alam nyo naman si Lola, malimit na gusto mag-isa sa mga lakad.

    Tito Arleen😎: Oh i see… hehe. Akala ko puro TY e.
    Hindi na masama yung presyo — at hindi na rin sila lugi dun.

    Sa loob ng bayan mismo, sa street west side ng munisipyo. Tapat lang ng bumbero (fire station) ang building namin —
    sa itaas ng metro bank. (napapaligiran kami ng maraming bangko, wala naman kaming maideposito) 😆

    Yan kasi ang nagpapalakas sa Lola nyo e — ang paglakwa- lakwatsa nang nag-iisa. 😆 70 na sya this coming year…
    Ayan, mabibisto na rin ng readers ang edad ko. :mrgreen:

  8. ahaha… binabalik ko po, pero hindi pa ako nakahanap ng tamang rason para maibalik ito ng lubusan… arghhh…

    grrrrrrrrrrrr…

    basta, mahirap maghanap ng daan kung hindi mo alam kung nasaan ka…kung wala kang ka-ide-ideya…. o kung magtatanga-tangahan ka…. argh…

    pinagiisip niyo po ako…. aynako..

    idol talaga…

    homebodyhubby: ahehe… take yur tym iha… 😉

  9. pero tungkol sa adhd, basta basta… pagiging hyper nga yun pero kung pagpapapansin, medyo iba… histrionic na yun… yun yung attention-seeking chorva…

    pero ma-okay po talaga yung point niyo…

    inayon ko lang po sa palagi naming pinagaaralan sa sikolohiya..üü

    homebodyhubby: oo nga magkaiba yun… hehehe.
    pero madali-dali pa yang histrionic. ang mahirap ispelingin e yung “borderline personality”…😆 o kaya yung sociopath? :mrgreen:

  10. […] The departure of Isnohontas left Syma the only female
    in the family. […]

  11. […] Sila yung magkapatid na di magkasundo.
    Si Syma ang pinakamasungit na hamster ko,
    si Amboy naman ang pinakanerbyoso. […]

  12. […] S = proposed SymAmboy Pilipit na Hagdan-en- Pantalan, winding staircase–dock palabas at pababa ng haybol. Mula sa neym ng monastik na mag-sis-en-brad. […]

  13. […] Si Syma na yata ang pinakamalupet na hamster ko.
    Nung ibinalik sila sa amin, walang puknat kung kawawain
    ang mas batang kapatid na si Amboy. […]

  14. […] As a young hammie, Syma was my most unfriendly.
    She cannot be handled except by the loose skin at the back of her neck, where she showed her protest by the violent kicks of her hind legs… She’s mellower when she grew up. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: