Mananatiling “BATA”

► See all kith and kins posts

1999-05-31 (Centennial pasyal)

Homebodyhubby with Kev. Intramuros, 1999. (inset: with BJ, Kev. Luneta)

Huling araw na naman ng taon bukas. Isang taon na naman ang malalagas. Marami sa atin mas dama ang pagtanda pag ganitong papatapos ang taon kaysa tuwing ipinagdiriwang ang atin-ating birthday o araw ng kapanganakan.

May naalala tuloy akong isang tao na hindi na naramdaman ang kung papaano ang “feeling” ng isang tumantanda. Kasi hindi sya tumanda.

Ang ‘swerte’ nya naman! — ‘eka nyo siguro…

Nakakainggit naman sya… — dagdag nyo pa.

Siguro, hehe… kase sa ganitong araw, binaril sya sa Luneta. 😯

Lumaki ako sa Calamba. Duon, ipinagdiriwang ng buong kabayanan ang birthday nya. Parating may parada, at hindi mawawala ang “appearance” ng ilang mga artista.

Opo… Si Gat Dr. Jose Rizal ang tinutukoy ko — ang ating pambansang bayani. Sa ilang tao sa Calamba, kulang ang tawagin na sya ay “bayani ‘lang’”.

Nung bata pa ako, kasama kong binabagtas ng mga kalaro ko ang pilapil patungo sa sementeryo sa isang BUROL na kung tawagin ay Lecheria. Mula sa tuktok nun, tanaw ko ang buong kabayanan at ang marami pa nuong palayan. Wala pa ang mga naglalakihang gusali nuon tulad nyang mga malls ng Liana’s at Walter Mart. Ang tanging nagpapataasang sumusundot sa langit ay ang Iglesya ni Kristo at ang simbahang Katoliko. May isa pa pala: ang pinapasukan kong highschool na Laguna Institute na naging LCBA na ngayon.

Nung nag-college na ako sa Los Baños (karatig-bayan ng Calamba), bago ako umuwi ng bahay ay parating trip ko ang magpaabot ng dilim sa loob ng sementeryo. Paano, nakahiligan ko nang panuorin ang paglubog ng araw sa itaas ng burol kaya ginagabi ako. Eto ang isang picture ko sa sementeryo:😆

Dinekwat ko lang yan sa lumang album ko kaya maraming komiks clippings. Napansin nyo ba si Ikabod bubwit? Nuon pa man, daga-hanga nya na ako. “Kodalith” (high-contrast B&W) film ang ginamit ko sa litrato. Nung mga panahong ito nahilig ako sa okultismo. Hehehe. Wala namang masamang nangyari, kasi hindi ako pinatulan ni Taning! Ewan ko kung bakit? Takot nya lang siguro kasi nung mga panahong iyon nagsisimula na akong “kalabitin” ni Kristo.

Sa itaas ng burol, may isang maliit na kapilya. Nung bata pa ako parati akong kyuryus na silipin mula sa siwang ng nakasarang pinto ang madilim na loob. Pilit kong inaaninag ang imahen ng iba’t-ibang bayani roon. Si Rizal ang pangunahin, dahil para sa mga miyembro ng Watawat ng Lahi, siya ay isang sugo ng Diyos.

Wala ako “say” dun. Bawat tao’y malayang pumili ng kanyang pananampalataya. Sa ganang akin, ako ay isang Bible-believing christian.

Kung dadako naman tayo sa iba’t-ibang panig ng kapuluan, malinaw na mas pinahahalagahan ng buong bansa ang araw na ito. Kaya nga tinawag na Rizal Day. National o public holiday. Pula sa kalendaryo. Araw na kung saan sya ay naging ganap na isang bayani.

Maraming nagawang kabayanihan si Rizal. Pero hindi ko na yan babanggitin dito. Kaya kayong mga estudyante, huwag nyong hanapin dito sa blog ko ang isasagot sa assignment nyo. Mag-research kasi kayo, ayan at naka-online naman na kayo. Pero pakinggan nyo rin ang sasabihin ko…

Isa sa mga pinagkatandaan kong sinabi ni Rizal (bukod pa dun sa tungkol sa “wika” at “malansang biya”) ay yung:

Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.

Tutuo yun `di ba? … Pero bakit ganun? Antagal nang sinabi ni Rizal yan at paulit-ulit na ring namutawi sa mga labi ng mga guro…

Bakit hanggang ngayon tila wala pa ring kapag-a-pag-asa ang ating bayan?

Naisip ko marahil ito ang dahilan:

Hindi “kabataan” ang maraming may hawak sa liderato ng bayan. Mga matatanda na walang pinagkatandaan!

Ang iba namang dating kabataan, nagsi-tandaan nang hindi natutong “makialam” sa suliranin ng kanyang bayan. Yung iba naman, kandidatong maging salot ng lipunan. Lalo na’t kung ang malawak na kalye ang kanyang bahay — mga street children. Tulad nito:

Nasaan ang kanilang mga magulang? Maaaring sabihin nyong wala nang kapag-a-pag-asa ang mga batang tulad nila. Pero sa ganang akin, marami silang posibleng maibigay na kaginhawaan sa bayan kung tutulungan natin sila. Hindi yung kaiinisan, pandidirihan, katatakutan o kaaawaan (lang)… at lalo na — hindi pagsasamantalahan.

Yung iba, may marangyang buhay nga at napakalaking bahay na hindi mo naman matawag na tahanan.”

Kabataan, kabataan… paano ka magkakaisip at magkakamalay? Iya’y sa kung paano ka pinalaki ng iyong mga magulang. Ang PAMILYA pa rin ang humubog ng pag-iisip mo at pakiramdam. Pero kung napasama ang lagay mo, hindi pa huli ang lahat. May CHOICE ka pa para magbago at mapabuti ang buhay mo.

Gusto ko ipakilala sa inyo ang mga kabataan na naging malapit sa akin nuon. Yung dalawa’y maski papaano ay naranasan kong ipaghele nung beybi pa — at nung lumaki naman ay nagtiis kung hindi man sumuko sa AKING kabargasan.😆 (“Bargas” = salitang Kalambeño na ang ibig sabihin ay malapit sa pagiging “harungas”)

Labintatlo (13) lahat ang pamangkin ko. Paris sa bilang ng alaga kong hamster.😆 Yung kay misis, pito (7) naman. Eto po sila:

Ian — pamangkin at inaanak ko din!

1985-121999-10-31

Sa kanya tutuo yung sabi ng mga matatanda: “Pagkatapos kitang palakihin, malaki ka pa sa akin!” Malaki as in matangkad, ha? Kasi matino ang pamangkin kong yan.

Dominic (alyas “Togan”)

1987-0419871988-01

“Togan” was his own-coined word from “Hulk Hogan” — his favorite wrestler when he was 3 years old. Pinaka-‘maldito’ ito nung maliit (maski yata ngayon? hehe). Pero talagang saludo ako dahil napakaresponsable din! Sumunod na kapatid ni Ian.

BJ nung bata, Brian nung nagbinata. Pamangkin at inaanak ni Misis.

1991-071992-04-171992-11-29

1992-11-291992-11-29

Mabait na kuya, lalo’t malayo (OCWs) ang parents nila. Youth cell group leader (and preacher?). Super-tangkad din nung lumaki (6-footer)

Kevin — pamangkin ni Misis. Inaanak ko din yan!

1993-07-241995-121999-10-311999-10

1999-11-012000-052001-04-15

Pinakamaraming picture, obviously ang pinakamatagal kong nakalaro! Mas nakababata at solong kapatid ni Brian.

Eto yung labing-anim (16) pa (nagmultipol appearance yung iba). Paminsan-minsan ko na lang makita, kasi mga babies pa sila (yung iba hindi pa pinapanganak) nung ikinasal kami ni misis at napadpad agad dito sa probinsya. Yung iba naman, nasa abroad na. Yung iba dyan mga dalaga’t binata na.

1991-11-01 (Bernard with BJ)1992-08-08 (Oald)1994-04-09 (Oald with Bonene, Shirmaine, Gladys)1996-04-05 (CJ)

1996-09 (Vincent Bogo)1996-10-13 (Lorraine, Hannah)1997-01-17 (Darla)1998-07-07 (Katkat, CJ)

1998-10-19 (Tricia with Kev)2000-07-28 (Gigi, Biboy with Clarisse, Gladys, Bonene)2000-08

2000-082003-05 (Bebi Daisy)2006-03-04 (Patrick)2006-03-04 (Tricia, Mariel)

Nung ini-launched ko ang blog na ito, maski ang layunin ko’y ipakilala ang aking kaDAGAan, ang nasasa-isip ko’y kayong lahat na mga pamangkin ko. Kaya ang blog kong dati’y isang hamster nursery, dahil sa mga pictures nyong ito, ngayo’y nagmistula itong child montesori.😆

Maganda ang nakararating ditong mga BALITA mula dyan, at harinawang tuloy-tuloy na yan. Ngayon ko higit na napapatunayan ang katotohanan dun sa sinabi ni Paul sa Philippian jailer:

Believe in the Lord Jesus, and you will be saved — you and your household.

(Acts 16:30, 31-34)

(Pati na rin yung nangyari sa sambahayan ni Cornelius sa Acts 10:24-48.)

Sa side ko, sinumulan yan ng tatlong bunso kong kapatid (1984?); sa side naman ng Tita nyo, sinimulan ng Ate Lolit (1977). Medyo napakatagal na, pero sa bandang huli unti-unting nagkakatotoo. Huwag kayong manlalamig…

Gayunpaman, I am warning you to take heed — baka sumobra ang tiwala nyo sa pagiging “christian” nyo, tuloy malimutan nyo na ang Kristong Syang bumuhay sa inyo.

Ito lang ang gusto kong sabihin sa inyo:

Matuto kayo sa pagkakamali ng mga nauna sa inyo. Gawin nyong modelo ang mga magagandang halimbawa nila kung papaanong kayo’y pinalaki ng mga kapatid ko, o kapatid ng tita nyo. Nawa’y maging mga ulirang PINUNO at MAYBAHAY kayo ng PAMILYANG itatatag nyo sa hinaharap. Ito lang ang sikreto:

Unless the LORD builds the house, its builders labor in vain.

(Psalm 127:1)

Ang blog na ito ay alay ko sa inyo at mga KABATAANG paris nyo.

Mabuhay kayong lahat! GOD BLESS YOU!😀

Tito Arleen/Tito Robert😎

————————————————————————————————

1997-02-03

Four children — three gifted, one special 😉

————————————————————————————————

Be happy, young man, while you are young,

and let your heart give you joy in the days of your youth.

Follow the ways of your heart and whatever your eyes see,

but know that for all these things

God will bring you to judgment.

— Ecclesiastes 11:9

In regard to evil be infants,

but in your thinking be adults.

— 1 Corinthians 14:20

Published in: on 30 December 2007 at 5:00 am  Comments (21)  
Tags: , , , , , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2007/12/30/mananatiling-bata/trackback/

RSS feed for comments on this post.

21 CommentsLeave a comment

  1. wow, photo story😀 thanks for sharing. ang lalaki ng mga pamangkin mo, baka matapakan si ako. hehe. alam mo, tama naman si rizal e (hindi ko pa nga nabibisita yung kanyang estatwa dito, hay, dyahi) asa kabataan ang pagiging simula ng tagumpay ng bayan. kasi sila ang lalaki para gumawa ng paraan, di ba? kaya dapat kapag bata pa lang, yung mga nakakatanda sa kanila katulad ng magulang, tito at tita, mga titser at kung sino pa mang dapat maging example para sa kanila.. yun dapat ang maging daan para ma ipaabot sa kanila ang matinong buhay. Kaya nga si nanay kengkay, kahit na mapahiya o kahit na kapal muks na, basta lang maipakita sa mga little kengkays ko ang tama — gagawin ko.

    homebodyhubby: oo nga pala may Rizal shrine din dyan
    sa Germany! dyan sinulat ni Rizal yung Flores de Heidelberg ba yun? at yung misis nyang si Josephine Bracken na nabuntis pero nakunan ay isang German! (napaka-tsismoso ko
    na yata😳 hehe)
    sige nga tita kengkay, pag nadalaw ka dun, kunan mo ng picture yung shrine at padalhan mo ako ng picture. 😛 hehe. oo… may masa-surf siguro dito sa internet… pero iba yung Pinoy ang kumuha e — tapos kakilala ko pa. 😉

  2. Nakakatuwa naman, bagay na bagay sa panahon. i mean dati kasi may reunion tayong lahat. At least sa blog, family pa rin before mag-new year.

    Haaayyy… Bagong taon na naman. Mabilis talaga ang panahon kapag umabot ka na ng 25. Grabe, mag-sasampung taon na pala ako sa college!

    Tito Arleen😎: Oo nga pala hehe…
    Parang reunion nyo na ring magpipinsan itong nangyari
    sa blog ko… pictures nga lang! 😆

    10 years? Mukhang ibre-break mo ang record ko a?
    Pag medyo hirap kasi ang pamilya talagang mga panganay ang unang apektado ng problema. Tignan mo maski sa aming anim na magkakapatid. Tapos sa case nyo, maaga pang ‘lumisan’ ang tatay mo. Pero the fact is nakabangon kayo. Ganyan din ang nangyari sa amin nung nabyuda ang Lola mo.

    Sabagay nagtratrabaho ka na kasi, so parang ganun din yun.
    Hindi ka naman naging pabigat dahil ang aga mong naging self-supporting. At sabi ni Lola mo, nakakapag-abot ka rin naman sa mga kapatid mo. Pero mag-ipon ka rin sa sarili mo kasi baka malapit ka na mag-asawa. 😆
    At maski naman matanda ka na pwede ka pa ring mag-aral habang nagtratrabaho… at umasenso — living example si
    Tito R mo! 😛

  3. nakakabilib talaga ang mabilisang pagtalon ng storya at pagbalik sa totoong layon…

    ü

    homebodyhubby: ahay! ganun ba? tenkyu 😳
    hindi naman ako writer, by gut feeling lang… buti at tsumatsamba naman. :mrgreen:

    hey miss “psychedelic”… nandun ka na sa sidebar ko. 🙂

  4. Fact: Kabday ko si Jose rizal
    Fact2.: Kamukha ko Siya
    Fact 3: Mas pogi ako..
    Fact 4: Pareho kami ng talino
    Fact 5: Tapos na po.

    homebodyhubby: sa tutuo lang mas okey yung cowboy hat mo kaysa sa “derbi” hat nya — mas pinoy ang dating.
    tutuo ba lahat yan? basta anak huwag ka lang pababaril kaparis nya… pwede nang magpakabayani ngayon nang
    hindi kailangang maging martir. 😛

    hindi ko na nacheck kung nagreply ka dun sa request ko… pero di bale na… dahil nagpunta ka naman dito, I take “yes”
    as your answer. ni-link ko na dito sa post yung pikyur mo ng
    ‘street-child’ ↑. thanks!

  5. ahaha… nakakaiyak, ni-link ako ng iniidolo ko… hindi pa pala manunulat yang lagay na yan…

    nakasambot ka ng madaming wisdom galing ke Dakila e no…

    ü

    ahaha, psychedelic pala… i see..ü toink!

    homebodyhubby: kasi nakita ko ito sa “About Me” mo:

    “mahilig ako sa makulay na makulay, kaya siguro nikolai ang pangalan ko… makulay nikolai..it rhymes, yey!toink! sige, ikaw na ang bahala kung mada-diagnose mo na pychotic ako…”

    go on see it, just klik it —

    “Ang ‘About Me’ ni Napunding Alitaptap”

    and this is how my dictionary defines the word “psychedelic”:
    1. of greatly increased consciousness, sensitivity or perception
    2. having vivid or luminous colours and shapes

    o… ayaw ka pa ba niyan? toink! toink!

    baydawey… siguro kaya ka napunde dahil sa kababatok sa’yo ‘no? …tara paltan natin bumbilya mo.

  6. para ako nanonood ng 80’s movies sa ch. 2 twing hapon ah lols😆
    evolution ng hair at fashion styl mo! hehe😀
    (may mukang mabeet may mukang rapist! lols:mrgreen: )

    may bebe duck at putti tat pa😀
    pero bat mey seksing blondie sa sementeryo! nyahaha
    di ka nga matatakot dun😛
    ***
    …wel, di man tayo mananatiling bata palagi pero ang puso natin, maaaring inde tumanda kung ating gugustuhin…..

    homebodyhubby: sabi ko sayo artistahin ako e 😆
    pede bida, pede kontrabando — ehe! — kontrabida! :mrgreen:

    yang bebe duck pinakaba ako nyan — kwento ko lang sayo:

    mag-isa ako sa building. nakahiga ako sa kwarto, bukas pinto ng bahay. pagsulyap ko sa kusina, nakita ko yang bibe na yan! 😯

    ang sosyal! …bibe??? …nakaakyat ng 4th floor?
    sanay ako sa pusa! …pero bibe! ahehe😆 nakipagtitigan pa sakin! …indi ko ine-expect kaya medyo kinilabutan ako. 😆

    ginawa ko hinuli ko, muntik pa nga lumipad sa veranda pababa e.

    kinulong ko sa banyo, naglagay ako ng batyang may tubig doon… tuwang-tuwa, kaya lang sa tuwing magkakampay e basang-basa ang buong banyo pati ako!

    pagdating ni misis galing maynila, ipinatanong ko sa baba kung sino ang may bibeng nawawala… wala naman.
    so nagtagal din ng mga tatlong araw sa amin yan — nag-amoy itik at balut yung aming banyo.

    later may kakilala pala si misis na may bibihan. sa kanya na lang namin ipinaalaga kasi maraming pedeng katsokaran si bibe sa kanila — maski kinukuyog sya duon nung una. hehehe… gurl pala?

    later in-accept na rin ng tropa at nagkaanak sya ng maraming bibe dun. and she lived with her husband happily ever after.

    enga pala… pangalan nung kakilala ni misis na babae — “Daisy”…😆 nagkataon pa parang “Daisy duck” asawa ni “Donald duck” kwak kwak kwak! :mrgreen:

    yung puttitat, si Vincent Bogo (from Vincent van Gogh) —
    ang pusa kong kaponado. 😆

  7. haha.. opo nga, i didn’t mean anything bad about the “psychedelic nga”….

    ahehe.. definitions 1 and 2 really suit..hmmm…ü

    napaisip nanaman ako..üü

    gaaaraaabe po, lagi kang online… may reply po pala ako sa comment mo sa blog ko..

    napundi, kababatok? hindi nga e… hindi yata nababatukan… ibig sabihin hindi nagagamit ng maayos… hindi nabigyan ng oras na pagpahingahin…masyado din yatang maliwanag dati..napagod..toink toink!

    homebodyhubby: opkurs i know it… just for info
    nung iba readers. 😆
    bakit parang ayaw mo nag-iisip? …siguro na-depressed ka ano? tsk tsk tsk… huwag… so yung “toink” hindi pala sound
    ng kababatok… 😛
    sige puntahan ko uli blog mo.

  8. kuya Robert, galing ako kanina sa bahay ni RIzal.. masaya ako, isa ako sa napiling rep ng school namin…

    At.. hehehe alam ko lahat ng mga binanggit mong lugar!!😉

    homebodyhubby: Wow! …alam ko namang magaling
    ka kaya hindi malayong mapili ka e! ano pa bang ibang event kanina dyan… parada siguro? 😀

    teka muna… sigurado ka bang sa bahay ni Rizal ka lang pumunta? …ummm! baka may tinatanaw kang iba malapit duon… hehehe (joke lang) …I trust your word namang talagang mabait ka na.😉

    yung burol ng Lecheria talagang peborit ko nuon tumambay duon sa sementeryo at hintayin ang paglubog ng araw. 😆 nilalakad ko yun mula sa Elepaño subdivision (likod ng LCBA), and later on from San Jose at Laureola subdivision nung nalipat kami dun.

    o… wala ka bang nakikilala ni isa sa mga pamangkin ko? sabagay marami na rin kasing tao dyan sa Calamba City.

  9. Ang dami niyo po palang mga pamangkins. Nakakasaya talaga ng holidays ang mga bata…😀

    “Four children — three gifted, one special” –> natawa ako sa caption na ‘to… Hehe!

    Happy New Year po sa inyo!🙂

    homebodyhubby: oho… sa mga pamangkin kami
    humamig ng bawi! hehe
    well… that photo is one of mga favorite portraits…😆

    Happy New Year din sa’yo, Jovi! 🙂

  10. toink… a hindi naman po batok yun… parang gamit ko yun pag may mga stupid remarks ako…toink!! yata! toink talaga! ahaha!ü

    homebodyhubby: ah okey, gets ko na. hahaha… may SFX pa pala? parang yung ginagamit ko dyan sa mga daga-bidyo ko pag may ‘sumtin funny’! 😆

    ‘nyanga pala… may comment ako dun sa “not just his day”
    na post mo!

  11. nag reply ako..sabi ko OO..pede mong gamiting yun…ahehe..happy new year tay!

    homebodyhubby: ay ganun ba? hahaha…
    hindi pa kasi uli ako nagla-log-in ng yahoo… salamat amang! at happy new year uli anak!

  12. […] Family. Whenever I hear the word “family” I always think of the future — more of the descendants than the ancestors. Kaya parating ang younger generation ang target ko.
    Yes… maaaring hindi “manggaling” sa akin. Pero umaasa akong maski papaano, kung wala man akong maiiwang “dugo” na nananalaytay sa ugat ng mga batang ito, ay maiukit ko man lang sa mga puso nila ang mga katagang iniiwan ko, hangga’t mga “bata” pa… O maski sa sinumang “batang” makakabasa ng blog na ito… […]

  13. […] Subukan mong tignan ang mga “unglamorous” poses ko kasama ang mga pamangkin ko, lalo na yung with Kevin, dun sa “Mananatiling BATA” […]

  14. […] Noon nga may bibeng umakyat nang mag-isa dito… “Robby-ducky” […]

  15. […] Malapit lang sya sa dalawang sisters ko sa Calamba, at sa siyam sa labintatlong (13) apo nya na yung iba ay mga binata’t dalaga na. Yung apat kasi ay nasa ibayong-dagat nga. […]

  16. […] Ni-ransack ng mga apo ang cupboard ni lola!
    Ahehe, apat pa ang wala dito. […]

  17. […] Almost 28 years ago nung una akong makaranas magkilik at mag-alaga ng beybi — ang kaunaunahang pamangkin naming magkakapatid. Pero hindi ako yung nasa kanang litrato; sya ang panganay na pamangkin ko, this time kilik naman ang kanilang kaunaunahang pamangkin! […]

  18. […] Bente anyos na pala ngayon ang kaunaunahan kong pamangkin na babae?
    … Simula sa aming first three nieces, hindi ko na nasubaybayan ang paglaki ng mga sumunod ko pang pamangkin, dahil mula sa Los Baños ay nalipat ako ng destino sa Nueva Ecija… Then, March the following year, ikinasal kami ni misis at napatira na nga rito. […]

  19. […] On this post, ipakilala ko naman ang mga batang ito na nasa malayong lugar now (overseas), or di pa isinisilang prior to my post eight years ago (Rizal Day 2007) […]

  20. yes yes yo..

    Hongah anak peeling ko inde na‘ko tatanda.

    Cool ka lang ondiwey na yung pampabata.

    ————————————————— Seryusli:
    I can’t barely stand for so long para magframe, yung bibyahe pa kaya?

    My werabawts (dyarnis) during the past two months:

    Nov 8-10 last time na nasa Calamba, nung me dineliver na FRAME sa Sta Rosa.

    Dec 1-9 ako pinakahuling lumagi sa Haybolsite, umorder ng BATO bago bumaba.

    Since Dec 10 nandito uli sa Muñoz, sumaglit lang sa Cabanatuan (Dec 28) para bayaran yung ipaPACKAGE from Manila na eka’y pampabata.

    “BATO” = boulder, nung Dec 18 pa nadeliber.

    “PACKAGE” = fud-medicins, nexyir na darating.

    Samakatuwid, gustuhin ko mang umakyat ngayon ng Baguio ay di talaga uubra… Yes, Dito sa 4th floor ULI ako magnunuyir.

    Hmm, si misis?
    “Ikaw…” ekako sa kanya. “Kung saan ka mas sasaya.”

    Hom it wew youw hewt it.

    ————————————————

    Today at 3:43 piyem itay appended:

    Ispokening of… dumating kanina 3:15 piyem vya eLBiCsi ung pampabata! Napaaga!

    “Welayk tu mubet, mubet! ♫ Welayk tu mubet, mubet!”

    Hapi nyu yir!!!
    ————————————————

    0n 4 January 2016 at 10:33 ayem yootspun appended:

    Nandito yung pikyur ng dumating na LBC package (pampabata daw) ↑ last Dec 30…

    Yeis I kno “no aprub teryapowtek-kleyms” pero sana me maitulong para gumaling na‘ko, kuuU!

    Aha! Yan na ba yung fountain of youth?

    hindi po.. sa nwly opend sm po yn npdaan lng..

    Di ko alam, may SM mall na rin pala dyan sa’tin!?

    Palagi po yta kc study tour nio.

    Hapi tarikings! Meltsong, Gaspang, Baltusang

    Ahahahaha! Three kings? Natawa naman ako dun.

    Wala ka talaga magawa kundi pagtawanan tayo!

    Hongah amo — lima pa pala kayong magkaka-clone?

    Wigolyo and 7 others like this.

    Oist biro laang ha…


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: