Sa Paghihiwalay — Saan? Ano? at Paano?

2007-12-16 (Ispidbol, ang dagang-yagit)

Teeeeng– chu !…Teeeeng– chu !…amBUBUWIT ninyo!TENGCHU !

Ang galing mangaroling ni Ispidbol ko ano?Tinuruan ko yan — kasi nakaugalian ko nang mag-count ng blessings sa tuwing matatapos ang taon.

Maalala ko nga pala ito. Natatabunan e. Panuorin mo uli, baka isa dyan ang anak mo. Pero BALIK KA DITO sa POST ko ha?

“Dyinggam-bel, dyinggam-bel, dyinggam olda–wey!!!”

Salamat… pwede mo pa yang i-link sa blog mo at ipasa sa iba. 😀

Ambilis ng panahon.Parang kelan lang kararating ng year 2007, ngayon paalis na sya.

Malimit pag ganitong December 31, angmaririnig mong mga tanong ay:

SAAN ka magbabagong-taon?

ANOng gagawin mo? …o

PAANO mo sasalubungin ang paghihiwalay ng taon?

Ikaw… SAAN ka magbabagong-taon?

Siyempre, karamihan sa piling ng kanilang mga pamilya.May konting paniwala kasi tayo na pag hindi sama-sama sa bagong taon ang magpapamilya, isang taon silang hindi magkikita-kita.

Yung mga taga-probinsya na nag-aaral o nagtratrabaho sa Maynila, kalimitan, magpapasko pa lang, nagbyabyahe na pauwi sa lalawigan nila.Babalik na lang ng syudad pagkalipas ng bagong taon na.

Me ilan na maaagap.Katatapos pa lang ng pasko e bumabalik na ng Maynila para iwas-trapik at sa dami ng nagbyayaheng tao.Doon na nagbabagong taon.

Me ilang kabataan naman na imbyerna sa kanilang mga pami-pamilya kaya mas maligaya sa piling ng mga barkada.

May mga mag-boypren, sinasamantala ang kaguluhan ng kani-kanilang mga pamilya.Palihim na pumupuslit sa kanya-kanyang bahay at nagde-date.Hoy!Ambabata pa kayo… 😕 mga pinutukan ng lintek!

Eh PAANO mo naman sasalubungin ang new year?ANOng gagawin mo sa paghihiwalay ng luma at bagong taon?

Natural marami nagpapaputok.Yung tunay na paputok.Yung iba torotot.Yung iba, ibang klaseng paputok.

Bahala kayo mga pare at mare.Magputukan kayo hanggang gusto nyo. 😉 Walang masama tutal mag-asawa naman kayo. Mas masama pa nga kung kayo’y manonorotot. :mrgreen: Yan ang term nung kapanahunan ko.Nanonorotot means nangangaliwa. 😕

Iwas lang kayo sa pinakamalakas at most powerful na paputok na daig pa ang super lolo — yung super-anghit o yung putok sa kilikili powers. 😆

Hindi… basta ingat na lang kayo.Maski ipinagbabawal ang ilang delikadong paputok marami pa ring sige nang sige.Hinihintay pang wala na silang mabilang na daliri.

At dun sa mga ligaw na bala ha? Ingat kayo.Pag me nakita kayong nagpapaputok ng BARIL, isumbong nyo.Pero simple lang kayo at huwag mag-iskandalo.Baka hindi pa nagbabagong taon e mabaril din nya kayo.

Kung medyo relihiyoso kayo malamang magkukulong kayo ng kwarto at magpe-PRAY kayo.Hindi na kelangan yan.Pwede ka namang mag-pray araw-araw e bakit ngayon pa?New year’s resolution lang yata ang minimemorya mo e! Makisaya ka sa labas!Bumati ka ng hapi nyu yir!

Maski sa blogging! Huwag kang magkulong lang dyan sa blog mo… baybayin mo naman ang ibang co-bloggers mo at bumati ka ng “Happy New Year!”Walandyo, walastek. Nagbakasyon at nagbakasyon ka yata nang hindi man lang nakabati ng merry christmas sa iba bago ka ‘nanahimik…’

Kung me alkansya kayo malamang aalug-alugin nyo.Hindi tutuo yan.Magsipag ka na lang na magtrabaho para dumami ang pera mo.Memya mo mabagsak pa yang cute na piggy bank mo.

Yung iba naman polka dots na damit ang isusuot.Hoy miss… huwag na.Tama na yang barya-barya mong mga peklat at bakokang sa binti at hita ahehe.

Kung pandak kayo, pagtalon at paglundag ang tyak na gimik nyo.Hoy DYI-EM-EY… wala nang pag-asa yan dahil bansot din ang nanay at tatay mo.Mag-high heels ka na lang.At bakit kasi ikinahihiya ang 4’ 6” na height?Isipin mo na lang na smol-bat-teribol ka.Me kilala nga akong 6’ 4”6-footer pero 4 inches lang ang pututoy.😆

O sya, sya… bago tayo tuluyang magkabastusan, ibahin na natin ang usapan.

i-CLICK mo ito para sa ibang usapan at NEW YEAR VIDEO…

Published in: on 31 December 2007 at 12:00 am  Comments (24)  
Tags: , , , ,