Sa Paghihiwalay — Saan? Ano? at Paano?

2007-12-16 (Ispidbol, ang dagang-yagit)

Teeeeng– chu !…Teeeeng– chu !…amBUBUWIT ninyo!TENGCHU !

Ang galing mangaroling ni Ispidbol ko ano?Tinuruan ko yan — kasi nakaugalian ko nang mag-count ng blessings sa tuwing matatapos ang taon.

Maalala ko nga pala ito. Natatabunan e. Panuorin mo uli, baka isa dyan ang anak mo. Pero BALIK KA DITO sa POST ko ha?

“Dyinggam-bel, dyinggam-bel, dyinggam olda–wey!!!”

Salamat… pwede mo pa yang i-link sa blog mo at ipasa sa iba.😀

Ambilis ng panahon.Parang kelan lang kararating ng year 2007, ngayon paalis na sya.

Malimit pag ganitong December 31, angmaririnig mong mga tanong ay:

SAAN ka magbabagong-taon?

ANOng gagawin mo? …o

PAANO mo sasalubungin ang paghihiwalay ng taon?

Ikaw… SAAN ka magbabagong-taon?

Siyempre, karamihan sa piling ng kanilang mga pamilya.May konting paniwala kasi tayo na pag hindi sama-sama sa bagong taon ang magpapamilya, isang taon silang hindi magkikita-kita.

Yung mga taga-probinsya na nag-aaral o nagtratrabaho sa Maynila, kalimitan, magpapasko pa lang, nagbyabyahe na pauwi sa lalawigan nila.Babalik na lang ng syudad pagkalipas ng bagong taon na.

Me ilan na maaagap.Katatapos pa lang ng pasko e bumabalik na ng Maynila para iwas-trapik at sa dami ng nagbyayaheng tao.Doon na nagbabagong taon.

Me ilang kabataan naman na imbyerna sa kanilang mga pami-pamilya kaya mas maligaya sa piling ng mga barkada.

May mga mag-boypren, sinasamantala ang kaguluhan ng kani-kanilang mga pamilya.Palihim na pumupuslit sa kanya-kanyang bahay at nagde-date.Hoy!Ambabata pa kayo… 😕 mga pinutukan ng lintek!

Eh PAANO mo naman sasalubungin ang new year?ANOng gagawin mo sa paghihiwalay ng luma at bagong taon?

Natural marami nagpapaputok.Yung tunay na paputok.Yung iba torotot.Yung iba, ibang klaseng paputok.

Bahala kayo mga pare at mare.Magputukan kayo hanggang gusto nyo. 😉 Walang masama tutal mag-asawa naman kayo. Mas masama pa nga kung kayo’y manonorotot. :mrgreen: Yan ang term nung kapanahunan ko.Nanonorotot means nangangaliwa. 😕

Iwas lang kayo sa pinakamalakas at most powerful na paputok na daig pa ang super lolo — yung super-anghit o yung putok sa kilikili powers. 😆

Hindi… basta ingat na lang kayo.Maski ipinagbabawal ang ilang delikadong paputok marami pa ring sige nang sige.Hinihintay pang wala na silang mabilang na daliri.

At dun sa mga ligaw na bala ha? Ingat kayo.Pag me nakita kayong nagpapaputok ng BARIL, isumbong nyo.Pero simple lang kayo at huwag mag-iskandalo.Baka hindi pa nagbabagong taon e mabaril din nya kayo.

Kung medyo relihiyoso kayo malamang magkukulong kayo ng kwarto at magpe-PRAY kayo.Hindi na kelangan yan.Pwede ka namang mag-pray araw-araw e bakit ngayon pa?New year’s resolution lang yata ang minimemorya mo e! Makisaya ka sa labas!Bumati ka ng hapi nyu yir!

Maski sa blogging! Huwag kang magkulong lang dyan sa blog mo… baybayin mo naman ang ibang co-bloggers mo at bumati ka ng “Happy New Year!”Walandyo, walastek. Nagbakasyon at nagbakasyon ka yata nang hindi man lang nakabati ng merry christmas sa iba bago ka ‘nanahimik…’

Kung me alkansya kayo malamang aalug-alugin nyo.Hindi tutuo yan.Magsipag ka na lang na magtrabaho para dumami ang pera mo.Memya mo mabagsak pa yang cute na piggy bank mo.

Yung iba naman polka dots na damit ang isusuot.Hoy miss… huwag na.Tama na yang barya-barya mong mga peklat at bakokang sa binti at hita ahehe.

Kung pandak kayo, pagtalon at paglundag ang tyak na gimik nyo.Hoy DYI-EM-EY… wala nang pag-asa yan dahil bansot din ang nanay at tatay mo.Mag-high heels ka na lang.At bakit kasi ikinahihiya ang 4’ 6” na height?Isipin mo na lang na smol-bat-teribol ka.Me kilala nga akong 6’ 4”6-footer pero 4 inches lang ang pututoy.😆

O sya, sya… bago tayo tuluyang magkabastusan, ibahin na natin ang usapan.

Hindi ko na sana ilalagay ang isang ito dahil maraming naiilang e.Pero I am always compelled to “do” this.TRABAHO lang… Kaya dun sa iba na ang tingin e hindi na applicable ito, pakdawan nyo na ang susunod na usapan at panuorin nyo na lang yung less than two minutes na NEW YEAR VIDEO ko. Walang “ganitong” tema dun sa video, pramis…

YOU MAY SKIP THIS PORTION IF YOU WISH

Sa loob ng apat na taong pag-aalaga ko sa aking mga dag

Ay anubayan, tungkol na naman sa daga mo, ayaw na namin.Alis na kami…!

Ay sandali lang maikli lang naman ito e!Sige na plis…!

Okey…maituloy ko:

Sa loob ng apat na taong pag-aalaga ko sa aking mga daga, higit sa lahat ay dalawang bagay ang natutunan ko:

Life is short.Maiksi ang buhay — ng daga o maging ng tao.

Death is inevitable.Darating ang araw ng pagka-tigok.Tutuo yan, sa daga man o sa tao.

Ang tanong ko:

ANO ang ginagawa mo ngayon sa buhay mo, at PAANO mo ngayon ginugugol ito?

Sa PAGHIHIWALAY ng iyong kaluluwa at katawang-lupa, SAAN ka patutungo?

O di ba?Maiksi lang.Kung mahaba ang sagot nyo bahala kayo.

(Click mo ito: “On births and deaths”)

Marami na rin kasi akong narinig at nabasa.Yan pa lang so far ang plausible explanation.Well, personally sa akin ha?ewan ko sayo…

Okey.Naibibida ko lang.Baka kasi kako hindi nyo pa yan nakita nung undas e.Salamat.

HOT ZONE ENDS AT THIS POINT

About the VIDEO: Kuha ito sa east side ng building na tinitirhan namin — sa 4th floor, sa may veranda.Dito namin pinanuuod ni misis ang putukan tuwing new year.Yung silhouette na makikita nyo ay sa misis ko.Yung mahahabang sound na maririnig nyo ay sirena ng bumbero kasi tapat lang kami ng fire station.

VIDEO:Last year’s “NEW YEAR.”

O di ba?Kumpleto ang ingay at nuod ng putukan dito sa lugar namin tuwing bagong taon.

TO ALL MY READERS AND FELLOW BLOGGERS — HAPPY NEW YEAR !!!

😐 😦 😥😕 😮 😡 🙄 8) 🙂😀😛 😉 😆
Published in: on 31 December 2007 at 12:00 am  Comments (24)  
Tags: , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2007/12/31/sa-paghihiwalay-saan-ano-at-paano/trackback/

RSS feed for comments on this post.

24 CommentsLeave a comment

  1. uy, malapit na nga ang new year’s eve dyan. manigong bagong taon, kaibigan! sana lalong maging masaya ang mga daga mo at sempre ang inyong buhay kasama ng misis mo. kami dito lang din sa bahay – bisita sa lola at lolo, kain, nood ng tv para palipas ng oras, tapos bumili kami ng konting fireworks na walang ingay at ayaw ng mga anak ko nyan, tapos mag toast kami ng buong pamilya kapag mag alas dose na tapos sempre, magkakantahan kami kahit na wala sa tono, hehe… at yung mga new year’s resolution, wala kami nyan. kasi basta gusto naming gawin, hindi na kami nag aantay ng new year, ginagawa na namin kaagad. aba kung sa ikagaganda ng buhay namin at sa ikagaganda ng mundo, dapat hindi na mag antay pa di ba? alam kong magiging maganda ang 2008, pramis yan!

    homebodyhubby: hello! nung makita kita, naalala ko yung “Jinggam Bells” natin. hanggang january 06, 2008 pa nga pala yun. kaya ayun itinaas ko uli, hehe. 🙂

    oo nga pala… nalimutan kong maski PINOY pala ang ibang ka-blog ko, may ibang magse-celebrate ng new year nang hindi sabay dito.
    ang ganda siguro ng new year dyan. 🙄 hehe parang gusto kong mag-celebrate nang 3 BESES! UNA, dito sa ‘Pinas… tapos lipad kami ni misis dyan sa Germany… tapos lipad naman kami kay Misyel sa Canada… hindi naman siguro kami biglang tatanda ng 3 taon pag ginawa namin yun… 😛

  2. happy new year.. ayan khit nagpuputukan tlga samin tlagang pumunta ako dito sa bahay mo para batiin ka… habang nagpapaputok ako ng watusi.. hehehe.. ako dito lng smin ako mgbabagong taon at sasalabungin ko sya ng welkam 2008.. at hihilingin ko sana maging msaya ang lahat ng tao sa pagpasok ng 2008.. at ibigay na ang greatest gift mo.. hehehe.. happy new year

    homebodyhubby: naku… anlayo ng inyo dito sa amin a? bulakan(?) ka, central luzon ako. sige, ingat ka sa pag-uwi. huwag ka masyado pagagabi dahil marami naghahagis ng rebentador sa daan hehe… at yung watusi mo, ingatan mo’t baka maisubo mo — nakakatetano yan. (jokes)

    salamat sa wish mo na maging masaya ang lahat ng tao — iyan din ang p’rati wish ko… 🙂
    at sana hindi magkasunog…
    at sana hindi rin umitim ang kulangot ko sa usok. 😆
    at yung greatest gift ko ahehe… tama… dapat talaga may bata dito para may katulong akong mag-alaga ng mga daga eheheh.

  3. ganda ng vid ah. parang station year ender clip😀

    niweis, hapi new year sau n wifey and hammies😀

    tnx 4 being a part of my ’07 (knowing ur blog is 1 of d hylyts😀 ) and lukin 4ward to more “chikas chuva” in d coming year..sss..

    kabooommm!!!!:mrgreen:

    homebodyhubby: wahehe… may wisol-bam ka pa ha? …ingat ka dyan sa paputok. 😛

    yung video — fire station year ender? 😆

    ‘kaw din — isa ka sa naging significant part ng blog ko —
    at ng buhay ko… magtatapos ang taon pero hindi ang pagiging magkaibigan natin… pramis! 😆 — ay mali!
    …eto pala: :mrgreen: — hehe… mali uli!

    …eto na talaga: 😉 HBH-XXX 😀

  4. aaaaaaaaaarrrghhh, ayaw ko ng INGAY ng paputok… the way it looks, ayos lang..pero yung ingaaaay…. argh, pero bakit kaya ang ingles ng paputok ay fireworks…

    parang magkaiba yung sense…

    yung tagalog pang tenga…

    yung pang-ingles para sa paningin….

    sige po, kahit sasaltik-saltik ako at bihirang-bihira akong bumabati, happy new year po…

    sana magkailaw na ulit ako… masyado yata akong mailaw nung 2006 kaya nagkapundi-pundi….

    üü fly fly! toink!

    homebodyhubby: anggaling ng analysis mo a?
    — di ko pa naiisip yun! …totots yun bilib ako! 🙂

    hamo pasahan kita ng ilaw kong sobra-sobra…
    silaw na silaw na nga ako e. 😛

    happy new year din, iha!

  5. sabagay, it won’t make sound kung walang fire..yun pala yung sense… ahaha, mindless me! toink!

    homebodyhubby: posible sis… may mga kidlat sa langit
    na wala kang maririnig na kulog! …at hindi ka mindless, toink… sabi ko nga sayo oks yung analysis mo. 🙂

  6. happy new year ninonG!
    ahihihiH!!!

    weeeeeeeeeeeeee!!!

    putukan time na naman!!!

    panigurado ako maganda ‘tong mga paputok nmn kasi lumuwas pa kami ng bulacan para dun bumili ng mga to. And oh! kanina lang napanood ko sa news ung pagsabog sa bocaue bulacan. Yaong mga tindahan ng paputok natupok ng apoy. kawawa nmn sila. Lugi negosyo!!!!

    HAPPY NEW YEARRRRRRRR!!!
    Sna maging maganda pasok ng taong 2008 sa ating lahat!!!

    homebodyhubby: happy new year, inaanak! heheh…
    (bigla yata ako nagka-inaanak sa blog?) 😆
    pero pass muna ako sa regalo sayo ha? — tutal may bago ka nang laptop! 😉 …ganda talaga! …ingatan mo iha.

    kawawa naman yung nasunugan…😦 pero at least wala naman yatang namatay o malubhang nasaktan(?)

    o sige… ingat na lang kayo sa pagpapaputok!
    at yung mga kulangot — ingatang umitim dahil sa usok. 😆

  7. have a blessed 2008!!

    hehehe..

    kakatuwa talaga ang mga daga mo…

    akalain mo e kumakanta pa…

    hahaha!!

    Godbless po!!

    homebodyhubby: hehe… hindi lang basta kanta —
    karoling pa! 😛 …okey …God bless din!

  8. happy new year po..totoo na to.. ahehe….

    ay garabe naman po yung mga litrato niyo… nawala ako sa tamang kamalayan at natulig ng parang kuliglig(uh, ano daw?)…

    hindi ka po normal na tao, hango na din sa mga litrato mo…

    may powers ka po… meron nga, penge naman… toink!

    ay garabe, idol talaga!!

    nakita ko na po dati yung iba, pero may dagdag ngayon…

    panis naman yung mga kuha ko…. ahehe….

    basta, may powers ka nga!!toink!

    hindi masyadong maingay dito sa area namin.. parang tunog lang ng kaldero kapag nagluluto ng smething na prito… anu? ahhhhhhhh… matutulog na po ako…

    ang haba! ahaha!

    homebodyhubby: kung powers man yun, galing sa itaas… ahehe. hingi ka sa Kanya. 😉
    sige tulog ka muna… ako antok na rin. kaya lang masyado ako busog ayoko pa matulog. baka ako bangungutin. 😛

  9. hApI nEw YeAr!!!
    la lang, intv. uli ha? Lols😆

    homebodyhubby: kanina lang tayo nagchat, miss mo
    nako agad? (joke) :mrgreen:
    sige ba, pero dapat mauna ka magpainterbyu. 😛

    hapi nyu yir din uli. musta na lang kay Bentong. 😆

  10. la kc aq magawa, buchog na buchog aq Lols😆
    kya di dn aq mk2log kc bka bangungutin din aq😀 ayaw q lumabas at mag mamam, takot aq sa putok😀

    pero ngaun alas 3 na, bka 2log ka na nga, ako,m22log na! hehe….ciao!

    homebodyhubby: gising pa ako! may ipo-post ako
    alas kwatro… :mrgreen:
    hindi ka babangungutin — lalake lang ang binabangungot, hindi mo ba alam yun? 😆

  11. happy new year po!

    Hay grabe bilis ng panahon.. parang kahapon lang hhaayyzz..

    sa totoo lang nag celebrate ako ng new year, nakatunganga ako sa computer at kausap ang mom ko. hehehehe….

    Ni lusis hindi ako nakahawak samantalang last year nakikipag agawan ako kahit sa picollo..🙂

    HAPPY NEW YEAR PO!!!

    homebodyhubby: o, bunso! alas tres na gising ka pa? hehe… mabuti naman at nakausap mo mom mo. 😀
    basta yung promise mo ha? bagong taon, bagong buhay! 😉

  12. ganun b yun? di q alam😀 pde pala ako ma2log anytym😀 sure ka ha, cge ka, pag aq binangungot, ikaw una q dadalawin, tatanggalan kita kumot!!! Lols😆

    homebodyhubby: HUWAG! 😯 hindi ako sure… sabi lang ng duktor na kakilala ko, according to statistics, lalaki lang — and take note — at Pinoy ang binabangungot! hindi ko alam, baka Philippine stat lang yung nabasa nya? 😆

    hehehe… MULTUHIN mo na ko, HUWAG mo lang ako tatanggalan ng KUMOT! :mrgreen:

  13. ang lupet nga e, kahit hindi ako humihingi, binigyan na din niya ako…

    yun nga lang, sana pag humingi din ako ng better cam… ahem, mabatukan niya yung magulang ko na ibili ako…

    pag-iipunan ko? ummmmmmmmm? hmmm… ahaha.. hmmmmmmmm… *thinks*

    sabi kasi kagabi:
    “nikolaaaaaaaaaaaai, matulog ka naaaaaaaaaaa”

    homebodyhubby: hehehe… siguro sa loob ng sangtaon kayang-kaya mo pag-ipunan. maski yung mura lang, nikolai… kasi sunset lang naman, madaling kunan… yung higit na magpapaganda sa kuha, diskarte na Niya. 😉

  14. ahaha.. mahilig din akong kumuha sa tao at sa flowers at sa kung saan saan… so far, hindi ako bilib sa kaledad ng kinalalabasan kasi…. madaming kasi…

    nung umeepal ako sa spider kanina, ayun, di na siya nakita… ahaha… super blurred.

    ay, may kwentong salamander po ako, habang umeepal ako sa paglitrato sa isang bulaklak, ayun nagulat ako kasi may salamander na malapit na malapit na malapit sa paa ko, nakaslippers pa naman ako.. todo sigawness naman ako, instant sikat nanaman… ay annoying!! haha. kwento lang po. bow..

    binalak ko siyang kunan ng pic, kaso hindi ko kayang makipagtitigan.. eeky!! haha

    homebodyhubby: hehe. oo marami pwedeng subjects. shoot lang nang shoot, digital naman — hindi yan masyado magastos…

  15. meron po pala dito.. yashica electro 35, sa tatay ko dati… kaso hinalughug ko na ang pwede kong mahalughukan para makahanap ng 5.6v na batt… wala talaga, naging emosyonal pa nga ako nun hindi talaga ako makahanap ng batt… hehe..

    eto, medyo expensive kung kakaririn ko… ayun e kung may makuha ako baterya..hehe..

    blog pa po ba ito?
    chatroom! toink!

    homebodyhubby: hehe… walang kaso iha. toink!
    pero bakit gising ka pa pala…😛

    pwede rin sa YM kung gusto mo, may account ako dun — palitan mo lang yung gmail add ko ng @yahoo.com.
    kaya lang tiis ka sa tuldok sistem kong pagsagot. 😆

    yashica electro 35? digital ba yan? sana nga makahanap ka ng baterya… baka sa hidalgo, quiapo meron. pero huwag ka ma-frustrate kung wala ka makita. talagang ganyan ang buhay. 😉

  16. haha… hanggang ngayon gising pa…

    mom: abuso ka na.. matulog ka na
    koo: may tinatapos lang..

    maya-maya

    lola: alas kwatro na, matulog ka na
    koo: alas tres palang…

    toink.. hindi po digital yung yashica..

    haha, taga hidalgo, quiapo po ako dati(nun nov lang umalis dun).. syempre po ni-try ko na.. yun nga lang ang sagot “naku, wala ng ganyan ngayon…”

    pero try ko po…ULIT..

    ahaha, may bago po akong blog… über haba porlayp.. dapat po mabasa niyo at masasabi niyong “ay saykotik nga” ahaha…üü

    homebodyhubby: ay, taga-hidalgo ka pala? 🙄 toink! toink!
    “naku, wala ng ganyan ngayon…” — ansaklap naman…😦
    ako man, dumami na ang koleksyon ko ng camera dahil sa walang mahagilap na FILM😆 at piyesa!

    ahehe… kaya ka siguro napupundi, prati ka nagpupuyat.
    kain at tulog lang ang kelangan para makabawi ka. 😉

    bagong “blog” o bagong “post”? …kung bagong blog, sige puntahan ko, anong URL?
    hindi saykotik yun — “beautiful mind” lang siguro. marami
    na ako experience sa mga tao tulad nila. 😛 ewan ko kung nipanood mo sa sumunod na post ko yung video:

    “Fool on the hill”

    ala-pilosopo Tasyo yan, porendyer at bata-bata nga laang! 😆

  17. bagong blog post po.. okay na? ahaha… sa MAKULAY padin…yearend chorva.. naglulungkot-lungkotan ako marami pala akong masaya at nakakabaliw na adventures and experiences… haha…

    buti nalang naisip kong magsulat…

    basa po ninyo ha..ü

    homebodyhubby: hehe… chabi ko na nga ba e.
    chige puntahan ko memya.

  18. teka, naisip ko po to kagabi…

    kilala niyo po ba si Bob Ong?

    homebodyhubby: nababasa kong binabanggit sa ibang blog, pero hindi ko sya kilala. sino ba ito? pasensya ka na iha, marami kilala na ng buong mundo na hindi ko pa kilala e.

    babgoong alam ko… marami nyan sa Carmen o kaya sa Balayan. (kurni)

  19. babgoong pala ha… ahaha.

    wala kang bagong blog? este blog post pala… ahehe.. ala’y ako’y nagulat…

    basta, si Bob Ong… isa yun sa manunulat na nagtulak sa akin para magsulat… nakabasa kasi ako ng libro niya nung panahon na nabati ng isang manunulat din ng school paper namin na may potensyal pala akong maging tsorbang manunulat…at inimbitahan niya ako na mageksam.. pero, dahil tsorba nga akong magsulat, hindi ako pumasa..toinkness porlayp! ahaha!

    hmmm.. baka po last comment ko na to..pabalik na kasi ako sa alikabokya-mausok na kamaynilaan… pero pag mago-open ako ng blog, dalaw padin ako… sigurado..sige po..Gb!

    salamat po, sa ilang beses nagsasalita ang Diyos sa iyo para makausap ako… madami akong natutunan…

    DRAMA..ü

    sige po..salamat po ulit..

    homebodyhubby: nataunan mo lang ako ng Disyembre — maraming holidays kaya medyo kasagsagan ang aking pagsusulat. 😛 pero weekly lang talaga ang posting ko
    (kasi kelangan maghanapbuhay din ako), maliban na lang kung may biglang naisip at pag may nag-TAG… this year, maski pa taon ng DAGA😆 baka mas dumalang pa.

    sa pagsusulat: ala namang kaso kung nakapasa ka o hindi — basta “passion” mo walang makakapigil sayo. 😉
    sulat lang ng sulat hangga’t gusto mo (at kaya mo).
    yung “makulay” mo, hayaan mo lang nakabukas dahil tulad ng sabi ko dun sa kumento ko, babalik-balik pa ako.

    salamat naman kung ginamit ako ng Panginoon para may maibahagi sayo… to Him be all the glory! 😀

    Salamat din sayo! Pagpalain ka ng Diyos, kapatid!

  20. may reply nga po pala ako sa comment nyo sa blog ko… mahaba din yun..as owez..ahaha!!

    di ka po ba talaga si Bob Ong? ahaha! sabagya, politikal na mga isyu ang madalas kong nababasa sa kanya…

    yun po palang abt sa “local church”..org lang actually… di ko kasi nabanggit sa reply ko sa kumento…ü

    fly fly…ü

    homebodyhubby: kagagaling ko dun, at nabasa ko na reply mo. 🙂 … “kwidaw” means “ingat”

    political issues? …hehe, pagod na pagod na ako dyan.😕
    ang ultimong ugat din naman ng mga isyung politikal na yan e ang kakulangan — kung hindi man kawalan — ng pagtitiwala at takot sa Diyos. 😦
    Hayaan na dun si Bob Ong… kung magaling sya magsulat tungkol duon, malamang “calling” nya yun . 🙂

    sige… God bless.

  21. happy new year pards..late na pala pagbati ko hehe!

    di na ba kayo uuwi ng pinas? pyesta samin nung new year kaya dobleng saya…

    cute yang si ispidbol mo kakaiba yung kulay talented pa..hehe! God bless sa inyo ng family mo.

    homebodyhubby: happy new year uli pards!

    dyinodyok mo naman ako e… 😛 nasa ‘Pinas kame nasa
    4th floor lang… o baka may hang-over ka pa ng bakasyon?
    biro mo nga naman — pasko, birthday mo, bagong taon,
    tapos pyesta pa pala sa inyo! p’re hindi kaya naubos ang savings nyong mag-asawa? …ang gastos siguro.
    pero okey lang pards, basta sama-sama kayo at masaya! yang datung madali namang bumabalik din yan e. 🙂

    maalala ko rin pala — naglipat din kayo kaya lalo sigurong grabe ang hang-over mo. okey lang pards, I understand. 🙂 minsan ganyan din ako.

    si Ispidbol magtu-two years old na yan sa March, kaya malamang malapit na rin syang magpaalam.

    God bless din sayo at sa family mo… nawa’y patuloy na managana ang 2008 at ang mga susunod pang taon para sa inyo! 😀

  22. […] The Salamander encounter […]

  23. […] Sa balkonaheng ito rin kami nanunuod ni misis ng mga kwitis at putukan tuwing bagong taon. […]

  24. […] Last year’s post. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: