Triple-tripleng BENTE

Nung bata pa ako ang alam kong Three Kings ay ngayon, January 6.Hindi ko alam kung papanong kalaunan ay naging January 3 ito…Ayus lang, mahirap naman pakialam pa ang kalendaryo hehe…(Wala pa kaming bagong kalendaryo!Wala ba kayong sobra dyan?)

Pasensya na kung medyo mahaba ito, pero yung tag ang talagang nagpahaba hehe — kasi naging TRIPLE ang sagot ko.Ni-divide ko na lang ito with headings para hindi masyado nakakainip basahin.

Hindi Three Kings ang rason kung bakit ngayon ko itinaon ang tag na ito.THREE QUEENS ! …ang “Three Queens” sa buhay ko

AteMommyBaby sis

Ang Mommy ko (center), ang Ate ko, at ang Baby sister ko. Iyan ang mga pictures nila nung 16-year old “PRINCESS” pa ang bawat isa sa kanila.One thing in common sa kanila?Hindi pa nila inabot ang BENTE anyos nung sila’y nagsipag-asawa. 😳

Walang kaso “Mame”, “Ate” at “M——”.Sa isang banda may lamang kayo sa amin.Binanggit ko sa TAG sa baba (#3) kung bakit.At saka nakaraos naman na kayolahat kayo, I hope.

O…yung mga teenager na babae!don’t get me wrong ha?Hindi ko sinasabing mag-asawa agad kayo.Hindi nyo lang alam kung gaano ang pinagdaan ng tatlong iyan.Pero I’m proud to say na hanggang mamatay ang father ko at ang unang bayaw ko, intact pa rin ang pagsasama ng parents ko, gayundin ng ate ko at mister nya.

Syanga palaang date na ito, sa mga ganitong oras din (5am) unang naging ganap na nanay ang mommy ko… Nagsimula syang mag-labor ng alas-singko ng madaling araw, at sa ganap na alas-syete ng umaga, lumabas ang kanyang panganay. Ibig sabihin, BIRTHDAY ng ATE ko ngayon!

— KAUNTING KWENTO TUNGKOL SA ATE KO —

Nung maliliit pa kami4 years old sya, ako 3parati ko syang inaaway (kabaligtaran kami ni Syma at Amboy).Napapaiyak ko sya! (salbaheng little brother).Ang ginagawa na lang nya, “isinusumbong ako kay ‘Papa Dyos’ ” ! Ako naman pag naririnig kong nagdadasal na sya, agad namang bumabait at sinusuyo sya, dahil ambilis kong makunsensya. 😆

Pag nag-aaway kami at napundi sa amin ang Mame, itinatali kaming dalawa.Hehe… maluwag lang naman.Kayang-kaya naming kumawala.Pero dahil alam naming parusa yun, iyakan pero stay put lang kami.Mabait ang Mommy kocharush nya lang yun.

Minsan naman may kaaway kamiisang batang nakatira sa itaas ng bahay namin sa V Mapa, Sta Mesa… mas malaki pa sa akin.Dinuraan ako sa ulo!Ewan ko… sinapok kaya ng ate ko!

Nung elementary kami, sya ang sumbungan ng mga titser ko pag may ginagawa akong “milagro” (huwag mo na akong ibisto, Ate) nareverse ang situation nung naging di-hamak syang mas malaki sakin.Sa haiskul, medyo naging magkaiba ang aming mundo.Nung nag-college, kaming dalawa lang sa anim na magkakapatid ang nag-aral sa UPLB, first semester ko nagkasama kami sa dorm.

Nung mag-asawa sya at magka-anak, ako lang ang kinuha nyang ninong ng panganay nya.

Nung mamatay ang bayaw ko, ako lang ang brother nya na nandun.

Happy birthday “Ate”… lusot ka, hindi ko sasabihin ang edad mo kasi mabibisto din nila ang edad ko! 😆

BALIK SA NANAY KO2008-01-03

Pumunta nung Huwebes (Jan 3, three days ago) dito sa amin ang mother ko.Sinyatan ni misis yang picture dyan sa kanan.

Medyo tampo, kasi mas madalang nya raw akong makita kaysa sa utol kong nasa Qatar (panlima) na basta na lamang sumusulpot ng uwi dito sa Pinas!Yung isa namang resident ng Canada (pang-apat), umuwi dito nung summer.Samantalang ako nung isang taon pa (January 2007) huling nadalaw sa Calamba.

Since I resigned, mas hirap na akong pondohan at bunuin ang almost seven hours (x2) byahe.

Pinasalubungan ako ng nanay ko ng trabahotatlong diplomas at isang nakatogang picture nung isa pang brother ko (pangatlo sa amin, sumunod sa akin) na kaga-graduate lang nung May 2007 sa San Diego CA.Ipe-frame baga?Yari… puro TY na naman ito!hehe… anyway nanay ko naman e.Tsaka yung digital camera kong ginagamit ngayonbigay ng utol kong ito.Sa February 29, ibibida ko sya sa inyo nang kaunti.(hehe… Tol, may birthday ka na naman!baka sayo mabisto ang edad ko a?Anyway, tumatanda man, nananatiling BATA naman…)

Okey punta na tayo sa TAG…

THE 20-QUESTION TAG

RULES:(are made to be broken)

Remove 1 question from below, and add in your personal question, make it a total of 20 questions, then tag 8 people in your list, list them out at the end of this post. Notify them in their chat box that he/she has been tagged.

Tatlo nag-tag sa akin kaya tatlo-tatlo sagot komaliban sa #1kasi talagang minsan lang yan.

1.) At what age do you wish to marry?

Tama lang sa nangyarimga before 30.Renewal ng vows, anytime and anywhere pepwede!

2.) What color do you like most?

Pag pagod ako, BLUE.Pero personally, BROWN.“Marital-ly”,Lilac or LAVENDERwedding motif namin.

3.) If you have the chance, what would you probably say to your beloved one?

Parati may chance at ilang ulit ko na ring sinabi sa tuwing pinagmamasdan namin ang aming mga nahihimbing na daga:

“Sana nagkita at nagkabuntisan na tayo nung mga 19 pa lang tayo.Siguro andami na nating anak ngayon hehe…”

(take notekasamang naka-enclosed yung “hehe…” sa quotation marks)

4.) Where is the place that you want to go the most?

VISITS… Miski saan basta kasama si misis.Japannapuntahan ko na kaya lang anlungkot kasi nga hindi kasama si misis.Kung pasyal lang, sa Israel ; kung sa malapit-lapit, sa Australia.

STAY… Kasama pa rin si misis.For all day stay sa bahay. For lifetime stay sa Pilipinas.Forever sa Heaven.

Yung panghuli, obvious namang halos lahat dun ang gusto kasi mas mahaba yata ang eternity (eternity nga e!) sa ‘kabilang buhay’.Maski hindi tayo maniwala sa eternity, dun din ang lagpak nating lahat (tao).hehe.

5.) Which part of you that you hate the most?

ULOmasyado matigas. PUSOmasyado malambot.(Tatlo din yan kasi DALAWA yung una). 😆

6.) When you encounter a sad moment, what do you do?

Nagmumuni-muni nang nakahiga.Kinakausap si misis nang nakahiga.Nananalangin maski saan at maski papaano.

7.) What are you afraid to lose the most?

Syempre yung iiwan ako ng misis ko.Pero mabyudo man ako, hindi naman magtatagal yun dahil “sooner or later” we’ll see each other again as brother and sister.

8.) If you win $1 million, what would you do? Pag nakatisod ka ng malaking kayamanan anong gagawin mo?(Eto yung pinalitan ko according to the rule above.)

Ibebenta ko, tapos magpapatayo ako ng child-welfare agency.Maski children day-care or drop-off center lang.

9.) If you meet someone that you love, would you confess to him/her?

Na-meet ko na… at wala akong hindi ikino-confess.Maski hindi ako ander, parating aminado.

10.) List out 3 good points of the person who tagged you.

Tatlo nag-TAG sa akin.Three “Queens” sa WordPresssa blogging life ko… Kaya maski wala ako hilig sa tong-its at pusoy:

1st. KengkayQueen of diamonds, kasi mayaman sya sa kaibigan (nagulat nga ako nung may nang-away sa kanya)… sana pati sa datung, yumaman ka.Peborit blogger ko.

  1. Prangka at diretsa, yan ang mga taong gusto ko. Hindi yung kinakapa-kapa ka pa.
  2. Isang mabait na “istrangherong kaibigan” (pano hindi ko pa sya personal na nakikita).Truly concerned sa akin at sa aming relationship ni misis.Hindi ako nagkamali ng pagkalabit sa’yo nung undas. 😛
  3. Maganda ang mga ipino-postmaka-Pinoy maski asawa ng Oyropeong si Kengkoy, maka-pamilya maski nasa Alemanya. At may sense magcomment!

2nd. KoreanmineQueen of hearts, though mas bata-bata pang ‘queen’siguro midway between a princess and a queen.I do hope na at this time nakita mo na ang iyong magiging only King of your heartat ikaw man magiging kanyang only Queen of his heart.

  1. Kaharutan ko sa blogging.Prangka at may pagka-liberated ang lifestyle (‘mine’ tama ba?), pero hindi ko naman itinuturing na malisyosa.Maski naman saang blog, friendly syapero isa lang ang luvsy niya.
  2. Parati kong ka-chat sa YM.Sa maniwala kayo’t sa hindi mas “behave” kami sa chat kaysa sa blog.Hindi sya “tukso” sa akin.At sya man, hindi ako papatusin.Napakabata ko para maging tatay nya, pero napakatanda ko naman para maging kuya nya.Ulirang “ateng-nanay” ni Bentong.
  3. Sensible (at sensual) :mrgreen: mag-commentsa kwentong Daga ko man o sa pampamilyang sermon.Namber 1 subskrayber kasi sya ng DAGAzine blog ko.:lol: Nabasa at na-comment-an nya na ang buong blog komagmula kay Bitoy hanggang kay Amboy. ‘Mine’… the feeling is mutual. Fan din ako ni Petnok mo. 😆

3rd. RepahQueen of Spades, pero mas malapit-lapit siguro sa princess kaysa queen. (Diosa nga dapat e) 😉 Spade kasi sa blog nya ako nakakakuha ng “pala-palang” IDEAS — tulad ng pag-post tungkol sa mga pamangkin. At nitong pasko, may surprise pa sya! 🙂

  1. Pala-pala ding pagngiti at hagalpak ng tawa ang nangyayari sa akin pag nagbabasa ako ng post niya o kaya ng comment nya sa post koyung tipo bang hindi ka pa nakakarecover sa pagtawa sa unang linya nya e matatawa ka na sa pangalawa? Despite sa humor, may sense din ang mga posts at maging ang mga comments.
  2. Marami ding ‘badaf words’ ang natutunan ko sa blog nya, that way nakaka-relate ako sa mundo, para maski sa edad kong ito e hindi naman ako nahuhuli (hindi bakla si Repah, ha?at ako man hindi ako bakla!).Don’t get me wronghindi ako galit sa bakla, dahil tao din sila.Mas marami pa nga yatang bakla na talented at bread-winner ng pamilya nila, kaysa sa mga “lalaki” na ipinagyayabang ang pagiging “barako” nila.Ayoko lang ng ilang kabaklaan paris nung pang-i-intriga (sabagay maraming barako, ganito dintignan nyo mamaya yun #13).At lalong pinaka-ayaw ko sa kabaklaan (maski dun sa mga hindi), yung pedophilia.Maski kayo naman ayaw nyo yun, di ba?Yang si Repah, concerned din sa mga bata.
  3. To a woman (take note: womanmore than a lady!) like her, bow ako sa kanya love nya si mudang nya (pati mga pamangkin nya).

4th . Breaking the rule, may pang-apat, WordPress blogger din, pero princess pa sya.Hindi nya ko ni-TAG, pero ita-TAG ko sya… tinginin nyo sa ibaba mayamaya.

11.) What are the requirements that you wish from your other half?

Maka-Diyos.

Maka-tao, lalo na’t Maka-bata.

Maka-homebodyhubby Robert.

12.) Till now, what is the moment that you regret the most?

Bakit ba hindi pa si misis ang naging una kong girlfriendbakit naging pangatlo pa sya.

Let me itemize my regrets:

First, naging girlfriend ko yung una.

Second, naging girlfriend ko yung pangalawa.

Third, hindi ko naging unang girlfriend yung pangatlo.

Sana hindi na ako kelangang makalawang beses na nasaktan muna, at makalawang beses din na NAKASAKIT sa dalawang nauna.Disinsana’y kay misis pa lang, PERIOD NA.Tama yung kasabihang “The last should be the FIRST!”

Wala akong plano mangolekta ng gerpren.Para sakin iba yung girl friends (pwede marami), iba din yung girlfriend (isa lang).

Ang motto ko noonpag wala ka plano pakasalan, huwag mo gerprenen; at pag ginerpren mo, pakasalan mo.So, para sa akin girlfriend at asawa, pareho lang!Kaya ang misis koasawa ko na ngayon, pero girlfriend ko pa din.

13.) Which type of person do you hate the most?

Yung traydor at back-biter.Stealth fighter.Tatlo yan pero pare-parehoTRIPLE-CARA ang mukha, daig pa ang balimbing.Stalker sa blog mo, pag punta mo sa blog nya, topic ka na.Lahat ng terms mo, sarcastically, ginagagad nya. Hindi mo naman inaano, ewan ko ba kung ano ang kanyang problema.Para kang eavesdropper at peeping Tom nyan, hindi ka ba nahihiya?

14.) What is your ambition?

Mababaw langmaski isang munting bahay sa lote namin sa Baguio, na ready mag-accept ng mga bisitang kamag-anak at kakilalakaibigan o kaaway man. At ang aking mga entertainer, ang aking mga dagang turuan.

15.) What is the thing that will make you think she is bad?

Kapag pinagdududahan nya ako, nang hindi humaharap sa akin at hindi nagsasalitana bihira namang nangyayari.Yung konting selos na itinuturing ko namang rebuke at paalala ay parating welcome.

16.) What is it that people doesn’t know about you?

Pag nagalit ako handa akong makipag-awaymula sa lumpuhan hanggang sa basagan ng mukha.Pag uminit ang ulomaski pitikan lang ng betlog.Pag nainis langmaski pahiran na lang ng kulangot.Basta isa-isa lang walang kuyugan. (Joke lang yung dalawang HULI)

17.) What brand of toothbrush do you use?What is your motto in life?

Dalawa ang questions na itoyung isa mula kay kengkay, yung isa kay ‘mine’

Huwag na yung tutbraspero Ganofresh ang toothpaste ko

Yung motto: Bagong taon, bagong tutbras!”See?:mrgreen: anlinis na ng ngipin ko, maski berdeng-berde ako!

18.) Name one of your body part your wife (AND girlfriend) tells you she adores.

Tinanong ko si misistalagang “iyun” daw e! yung isang yun at yung isang pares sa ibaba “nyun” na magkatabi?(total = 3) Pero nahiya yata nung nalamang iba-BLOG ko?…iniba:

Yun daw gusto nyang pinipisil-pisil sa akin! …pinanggigigilan 😆 (waw! saraaaap…!)… hinihimas-himas 😳 (ahhh… super!)… nilalapirot :mrgreen: (aray!)… at hinahalikan! 😯 (shaks!) … eto po CLICK nyo:

“Peborit ni MISIS !!!”

19.) In 2008, do you have a new year’s resolution?

Sa year of the RAT, tatapusin ko ang tatlong buildings na bubuo sa mansyon ng daga ko!

20.) If your better half is cheating on you, will you forgive her?

Malabong mangyari yung cheating.Especially kung marital infidelity (kung ito ang tinutukoy dito). Kasi sa nude male photos lang ayaw nang magtitingin, maliban na lang kung sa akin!hehehe… andami ko yatang pinadala sa kanyang NUDE photos KO nung nasa Japan ako. 😆

Pero syempre maski ano pa bigat ng pagkukulang nya sa akin, parati ko sya handa patawarinmore than three times.

ELABORATION — ANSWER TO QUESTION #20

Let me elaborate on the first paragraph (after # 20).I think that is a sign of real maturity.Kung SINGLES kayo, well… good for you, nasasainyo yun.Pero kung may asawa (at girlfriend?) na kayo, ibang usapan na yun.

Kaya mga married wives, huwag kayong padadala sa kantyaw ng ibana pag nagagalit kayo dahil nagbabasa ng PORNO ang mga mister nyo e napaka- immature nyo na.Hayaan na natin sila…Sila sigurong mag-asawa, hindi kumpleto ang sari-sarili nilakelangan nila ang IBANG stimulant para ma-AROUSE.Lahat naman halos ng HABIT natin ay resulta ng kung papaano natin IKINUNDISYON ang utak natin. Later nagiging OBSESSION na at dyina-JUSTIFY na lang.

I have nothing against NUDE ART — photographer ako, alam ko yan.Yung iba kasi talagang garapalan na at yung mga mahilig magbasa nun e pilit na pinagtatakpan ang kalibugan nila“ART” daw iyun… ow?Talaga ha? hehe, lusot-lusot ka pa, kelan ka pa naging artistic? 😆

Kaya ko nabanggit, meron kasi akong kakilalang mag-asawaganyan (including videos naman)…para daw sila “GANAHAN” … at para din daw sila magka-ANAK.Hindi ito intriga, tutal hindi nyo naman kilala.At kasi rinkinakantyawan kami at PINAGYAYABANGAN ako — at gusto pa akong turuan!Sige lang pagpasensyahan… Kumusta na sila ngayon?ayun!…wala pa ring anak… hiwalay na rin silang mag-asawa ngayon!Halos HINDI makatingin ng diretso sa akin.

Hehe… bahala kayo… Kung walang ibang madadamaylalo na kung mga batamagpakasawa kayo hangga’t ibig nyo…Syempre pag nag-away kayo, lalo na pag umabot sa paghihiwalay nyo, pati ANAK nyo apektado!

I am NOT a moralist.I just want you to consider your spouse’s FEELING, hindi lang yang inyoyou SELFISH chauvinist pig!

Let me ask you:“By reading those ‘sexual stimulants’ are you REALLY satisfying your husband or wife?”Bakit hindi nyo sya tanungin?Aminin!

Maraming ways para maging romantic at creative sa inyong married sex life.Pero dapat hindi lalampas duon sa tulad nung nabasa ko about “Dangerous Fantasies” :

“Fantasy should only be focused on your mate.It should be used to heighten and enrich the sex life in your bed, not the sex life in your head”

Hehe… Mag-isip-isip ka kaibigan…

OKEY… WHO’S NEXT?

Sinong ita-TAG ko?

Eto… sya yung tinutukoy kong pang-apat sa #10 duon sa itaasisang miss na maski bata pa para sumagot ng ganito ay mailatag na nya kung sino ang ideal na magiging prince-charming ng buhay nya.But let me emphasize it once morekung plano ng Diyos na hindi ka maging single habambuhay, Sya din ang magbibigay ng BEST LIFETIME PARTNER para sayo…

Sige na bunso, maski sagutan mo lang yung mga applicable sayo? …mga 75% siguro or 15 out of 20.At paris ng pakikipagrelasyon, hindi mo kailangan madaliin.Just take your time.

TAG ko ang princess ng Blog-life ko si “Angel”...

 

[…] Heto na ang tag na pinangako kong sasagutan! Galing kila ate Antuken at Kuya Robert… […]

Ooops!…may bonus uli ako!Maski hindi ako isa sa Three Kings mayroon akong regalo para sa inyo.

Tutal mga girls ang topic ko ngayon, hayaan nyo akong magpamudmod nito:

20 FLOWERS FOR YOU

flower 07flower 12

flower 01flower 02flower 03flower 04flower 05flower 06flower 08flower 09flower 10flower 11flower 13flower 14flower 15flower 16flower 17flower 18flower 19flower 20

Matagal ko nang siniyut yan — hindi pa uso ang digital camera. Hanyo, pag nakalabas ako, mamimitas ulit ako ng mas magaganda. Pero maski wala yang bango, wala namang pagkalanta yan.Pumitas lang kayo hanggat gusto nyo dahil hindi naman yan mauubusan.

Lagpasan nyo na yang maliliit na fontshindi yan para sa inyo.Dumiretso na kayo dun sa “PAANYAYA.”

PANAWAGAN AT PAUNAWA

Sa mga mahilig magsimula ng away maski hindi naman inaano (see #13 above)

Iwasan na natin ang intrigahan at paggagatungan.Dapat magkakaibigan tayo dito.

Dun sa mga biktima ng hate mailskaparis ko:ingat kayo at huwag basta-basta pagbibintangan ang kung sinu-sino.Malinaw na isa sa mga commentor at ka-blog natin ang sender nyan — alam ang e-mail addresses natin e.Napakadali maski kanino ang magbalatkayo sa IBANG pangalansa blog comments at Yahoo-mails manpara paggalit-galitin ang mga bloggers dito.

Matatapang lang ang mga yan dahil nakatago sa likod ng blog nilanagsusulat in ANONYMITY.

Ikaw na culprit ng hostility ditoKung kaya mo itong gawin, ako hindi.

Andami ko nang ipinakitang litrato ko, at maski buong pangalan ko obvious sa e-mail add ko.Ikaw? ni minsan hindi ka nga yata nagpakita ng litrato mo sa blog mo.In the first place, may blog ka ba? Bakit ayaw mong ipakita? Ikaw ang lumalabas na katawa-tawa nyan hindi mo ba alam?hehe… DUWAG!

This year maglululuwas ako ng Maynila.Pag nakita mo ako, pakilala ka!Kung gusto mo, USAP tayo.MATANDA ka na, BATA… At kung malamang wala ka pang anak,hindi ako mangingiming PATULAN KA.hehe…Baka magsisi ka?

Bagong taon na.Dapat talaga hindi ko na kayo patulang mga bata kayosayang lang ang panahon ko sainyo.Pero dapat minsan sinisinturon kayo hehe.Pero anung magagawa ko?Hindi naman ako ang nagpalaki sa inyo.

TAMA NA ha?Sa tutuo lang, AYOKO ng away…NAUNA ka kasi.

Pero kung sino ka man, KEEP posting lang (kung may blog ka nga). Mahuhuli din kita. At yung mga co-bloggers mo dito, huwag mo na kaming ginagatungan…hangga’t pabalik-balik ang ‘galit’ sa akin ng isang blogger dito, ikaw ang parating suspect kong gatungero.Huwag kang ma-insecure dahil hindi ko naman aagawin ang prend mo.Kayo ang mga halos magsing-edad dito, kaya mas gusto ko ngang nagkakasundu-sundo kayo.

Yung flowersPEACE offering ko.BAGAY yan sa IYO.

PAANYAYA

Tapos na bakasyon kaya medyo dadalang uli ang posting ko — but my blog is always OPEN.Tag nyo lang ako, walang kaso…just let me knowpakihatid lang sa pintuan ng lungga ko.

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/01/06/triple-tripleng-bente/trackback/

RSS feed for comments on this post.

35 CommentsLeave a comment

  1. una ako, una ako 😀 ‘habang sumayaw ng victory dance’ hanu ba yun, teka muna, kukuha muna ako ng magandang vase para sa flowers for me, salamat sa bulaklak. yung no. 14 – sana kasali ako dun sa pwedeng makitira sa baguio, kaya isama ko yan sa dasal ko. yung stimulants, mas ako pa kaya ang curious kesa kay kengkoy, ahaha. nag ba blush si kengkoy kapag ganun ang usapan e mantalang ako naman si tukso, tuwang tuwa.

    kung luluwas ka ng maynila ngayong taon, ibig sabihin lalabas ka ng lungga? sana magkita tayo ano? at sana wag magtampo si nanay 😀

    at dun sa nanggugulo sa buhay mo? ipasa mo sa taas, sya na bahala dun.

    happy birthday to your sister, am sure proud na proud sya na naging brother ka nya. ako nga di tayo magka-ano ano proud ako na nakilala kita e. hindi lang yan dahil sa binabalik ko ang magagandang salitang pinukol mo sa akin kundi dahil isa kang henyo ng pinoy image… kung bakit, basahin na lang nila ang blog mo. salamat sa nakatatabang salita, maganda ang sleeping beauty ko lalo nyan.

    homebodyhubby: yung sa baguio pag nangyari
    welcome maski sino. 🙂

    siguro maglululuwas ako kaya lang baka balikan din
    pauwi kasi wala magbabantay sa mga “anak” ko. 😆
    iniisip ko nga kung ano gawin ko sa birthday ng nanay ko
    kasi nagpaplano ang mga brothers ko na mag-uwian for
    a reunion, sabagay sa September pa naman yun.

    yung mga promotor ng away talaga ni-turn-over ko na
    kay “Tatay”, 😛 pero at least nasabihan ko rin sila dito.

    tutuo yun kengkay, bilib din ako sa mga posts mo.
    sabi kasi ni Christ “Out of the abundance of the heart,
    the mouth speaketh.” ang blog mo malimit si kengkoy
    at ang mga little kengkays ang kwento — ibig sabihin,
    sila ang laman ng puso mo. 😉

  2. wahehe, malisyosa nga tlga ako 😀
    liberated??? hmmnn :mrgreen: liberal na lng (prehas din ba yun 😀 )
    sana nga mangyari ang “hope” mo 😀 tnx

    nipitas ko yung flower4 (hanu b yun? 😀 )
    ***
    kahawig na kahawig u si nanay ah, pati yung bagsak ng mata, yung shape ng cheeks pati bibig
    (sabi daw kung cno ang kamuka, mas yun daw ang minamahal..lyk in ur case, mahal na mahal ng tatay mo ang nanay mo..(sabi lang 😀 ) …)

    ayaw mo ipabuking edad mo, eh yung pix ng mga sis mo, B&W pa 😛 hehe (age is nothin’ but a number daw, kita mo si misis yun ang fave sau, i.e. Mukha 😛 )

    homebodyhubby: “liberal” ang unang naisip ko kaya lang sabi ko parang ‘kulang’ yun? 😆

    yung flower di ko alam pero yan yata yung nakita ko nun sa desk ng 2nd girlfriend ko nung kabe-break-up pa lang namin? 🙄 di ko na matandaan kung ako may bigay o hindi.

    yung sa kahawig — ang alam ko kung sino yung kahawig,
    yun ang “mas nag-enjoy” habang ginagawa… yung bata. 😆

    sepia tone yung picture, madali lang magpamukhang-luma maski ng bagong picture (belat!) 😛

  3. ang ganda naman nila noong dalaga pa..

    hula ko,
    habulin sila ng mga boys dati..

    hehehe..

    katuwa naman at buhay pa ang mga pix..

    e ung sau kuya? san ang pix mo nung bata?

    😀

    homebodyhubby: hehe… oo, ako tagasinop ng mga pictures na yan, mula pa sa aming mga ninunong nakilala ko. buti nga inabot pang buo nung nauso ang pag-i-scan sa computer.

    gusto ko nga i-post mga pictures ko mula beybi pa e. 😆
    kaya lang di ko alam kung kelan. siguro sa birthday ko —
    kaya lang sa September pa. hehehe 😛

  4. K lang yun kahit di si tita ang first. What matters most is that you end up with her.

    Well, di ako nakakarelate kapag ex na yung pinag-uusapan. Pareho kasi tayo sa idea na “the first and the last”. Sabi ko nga sa kanya, there is one thing na gusto ko mabago sa kanya – yung surname nya. hehehe

    i’ll tell mom about this blog. Matutuwa yun.

    Tito Arleen 😎: Hehe… natatawa nga si tita mo
    pag naaalala nya nung una ko syang ipinakilala sa bahay,
    7 ka pa lang yata nun, si Togan e 3? Hehehe — natatawag mo syang “tita Lei” ? 😆 — pero walang kaso dahil nuon pa man, mature mag-isip itong si tita mo ngayon. 😉

    Malapit na 3rd anniv nyo… 🙂

    Sige pakisabi na lang kay Nanay mo, happy birthday!
    Sana nga magawa na yung PC nyo para parati nyo nakikita ang mga posts ko… Lalo na yung mga daga-videos ko — makita ni Biboy. (sabi nga pala ng Lola mo, hayskul na si Biboy!? — ambilis ng panahon.) 😛

  5. weeeeee!!! appi bday sa ate mu ninonG!
    wakekek! salamat at hindi mo po ko nitag kasi wala talaga ako masasabi dyan eh! Puro mga kwestyons about love kasi at relationships kung tutuusin eh. Ahahah!

    Yaong tungkol sa Baguio, sana matupad na iyan habang nasa Baguio pa ako. Bibisitahin ko talaga kayo. Ahihihi! At dapat pakainin niyo ako ah. Saan banda po ba yaong lote niyo sa Baguio? hekhekhek

    homebodyhubby: salamat, anak!
    pwede pa ako mag-TAG… 😆 gusto mo? (joke)

    nung una naisip kita e… kaya lang naisip ko rin na
    hindi pa bagay sayo ito kasi seryoso ka pa sa studies mo…
    hamo, mga 5 years from now, ita-TAG kita nito. 😆

    maski tapos ka na mag-aral at wala ka na sa Baguio, pag
    natupad yun parati ka welcome. nasa may Marcos h-way
    yun sa Teacher’s village sa Bengao, kaya lang lote pa lang ngayon — pag ngayon kayo dumalaw magpapayong lang tayo dun kasi wala pa bahay. 😛

  6. Naku salamat po sa bulaklak, ang gaganda! Sarap gawing wallpaper!

    Happy Birthday sa sister mo at syempre pa sasabihin ko ulit na ang swit naman talaga ni hubby ke wifey. Kapag nagkabahay ka sa Baguio makikituloy din ako ha? 😀

    homebodyhubby: thank you! 😛
    sayang nga at scanned photos pa lang yang mga flowers e — hindi pa kasi uso ang digital camera nung nanyunyut ako niyan. 😳 (bistado ang edad).

    thanks din sa greetings sa mahal kong ate. 🙂 …yung sa Baguio, enitym, oldatym!

  7. Wow. Galing nun sa pics ah, yun mga lumang pics ng mga mom ko wala na ata. Hehehe. Belated Happy Birthday sa ate mo kuya. 🙂 Tagal ko na di nakakapunta Baguio, more than 4 years na. Dati lagi kame sa Pangasinan. 😀

    homebodyhubby: hello, Nika, one of my first visitors, musta ka na?

    naalala ko yung una punta mo dito, bale “Mother’s day” KO naman 🙄 — kasi birthday ko (September 18).
    nakita kita sa post ni taroogs kahapon kaya bigla kita naalala at nadalaw kita sa blog mo. 😀

    hehe… malayo kasi kayo ngayon (Batangas?) sa Baguio… gusto ko rin sa Pangasinan kasi sariwa ang mga isda dun,
    at malapit-lapit yun sa Baguio kaysa dito sa amin sa
    Central Luzon.

  8. api berdey sa ate mu po 🙂

    yehey di ako nitag. kahirap ng tanong weh. hehehehe

    danda ng three queens mo hehehe

    homebodyhubby: thanks, klasmeyt! hehe…
    pareho kayo ng abut-abot na pasasalamat ni eloiski ha —
    na hindi ko kayo ni-TAG? …pede pa naman e — TAG ko kaya kayo? sabay? para kayo naman ang “klasmeyt”? 😆 (jokes)

    sempre danda yang 3 queens ko! …pati yung 3 queens ko
    sa TAG, ganda rin! …pati yung ‘princess’ ko sa blog life ko
    na ni-TAG ko, ganda rin! …pati lahat ng commentor ko,
    ganda rin! …at ang pinakamaganda sa lahat…
    dyaraaaaaaaan…!!!
    — ang misis ko !!! 😛

    hahaha, maganda tayong lahat… at hindi bola yan!
    kasi walang nilalang ang Diyos na panget. 😉 see this post
    and read the Bible verses (Psalms 139) at the end:

    “Bakit isa, bakit dalawa?”

    o di ba? 😉

  9. kuya hubby! una muna eh babatiin ko muna si ate mo nang MALIGAYANG KAARAWAN! sana ay mag-stay ang byuti nyang ala 5- yrs. old forevah!>> preho pla kmi ni ate nanauntok pg my away pero di ako warfreak ah.. leo kc zodiac sign ko kya ayun di ko namamlayan sumusuntok na pla ako.. hehehe… nakakatakot.. hehehe..2nd, para ky mudang cno ang nsa dako paroon ng lrawan nya.. sa likod ng larawan nyang new version nkita ko c chelsea…. hahaha.. kw pla yun.. hehehe.. pangatlo.. ky bunso ate sana ako rin ay nkapagasawa na di umabot ng bente kso its too late… malamig pa rin ako… huhhuhu! 4th>>> ang tag ng buhay.. hehehe… sobra kinabahan, kinabahan,kinabahan tlaga ako kc.. nung mbsa ko ung pangsampu.. binalikan ko yung tag.. wala akong ganung tanung.. di ko ata nsagutan.. un pla ako’y shunga.. gwa mo pla yung tanung na yun… hehehe.. toinktoink!toink! natatz ako sa nobela mo tungkol sa akin bumaha ng luha sa pc ko ,luhang imbisbol , kc tawa-ako ng tawa.. di ko ikinkala na my ganun akong pagkatao… isang clown.. hehehee.. pero serioux… salamat ha.. sobra umiiyak ang veins at arteries ng heart ko sa sobrang tuwa!

    homebodyhubby: hahaha…

    leon ka pala? pag may kaaway ka, hindi mo na kelangan suntukin. harapin mo na lang at bulungan ng malakas na: RAAAAWRRRR!!!

    yung nasa dako pa roon ni mudang, hehe… yes…
    ako at si chelsea ay iisa! 😆

    walang kaso kung late ka na. sabi nga dun sa post ni eloiski —

    Huli man at magaling, HULI PA DIN — eheste,
    NAIHAHABOL DIN!

    (serious:) kung plano ng Diyos na hindi ka maging single habambuhay — may isang BEST Syang pinili na nakalaan sayo.

    sa totoo lang repah, isa ka sa mga blessings sa pagba-blog ko. your writings make me laugh, think, and smile. 😉
    keep posting, sis!

    😀 😀

  10. bumalik uli ako… ang ganda ng flowers na kuha mo!!!! sana naamoy ko naman!!! hehehe…

    homebodyhubby: hahaha… iyon ang hinihintay kong maging posible sa internet — yung naaamoy? 😛

    naiparating ang visual or image (nakikita)…
    naiparating ang audio or sound (naririnig)…
    maipararating din kaya ang aroma or fragrance (naaamoy)? 🙄

    sana maging posible — pero sa mga magaganda at
    matitinong bagay lang. 🙂

  11. Malapit na magawa ang PC namin. Nag-iisip pa rin ako kung DSL or SmartBro ang pipiliin na ISP namin. Nakakapanghinayang yung mga video productions ko, more than a dozen a yung mga Audio-Visual Presentations, 2 lang yata ang naitabi ko.

    1st year high school na si biboy. At sa mga interest nya, mukhang nahahawa sa akin. Gustung-gusto nya rin kasi ang Computer Engineering, Photoeditng at Video Editing. Meron siyang inedit na picture nya, almost professional na rin ang result. may konting sablay lang sa selection.

    Tito Arleen 😎: Marami akong alam na nagrereklamo
    sa SmartBro ( “SmartBroken” nga daw e 😆 ) hindi ko alam kung okey ang service nila dyan sa inyo.

    Yung videos mo, i-DVD mo lahat maski yari na PC nyo.

    So kaha-highschool lang pala ni Biboy… tuli na ba? 😆
    Huwag mo nang sagutin, alam ko malamang tuli na yun —
    hindi nagmana sa sang tito nya na ___ na nung nagpatule! :mrgreen:

    Maganda naman yang hilig na yan, creative at maraming applications at job opportunities… Bantayan lang natin yung working habit — huwag masyado workaholic (take it from me) or sa term na nakikita ko sa pagba-blogging ko dito: “adek!” “adeeeek!!!” 😆

    Bago ako nagsimula mag-Blog nung September,
    may nabalitaan ako dito mismo sa cyberspace: isang blogger namatay dahil sa tuluy-tuloy na oras ng paggawa ng blog! Koreana naman, hindi Pinoy.

    Sige tignan ko yung prendster (saulado ko na URL) …

    Kay Biboy ba yun? — sabihin mo, turuan nya si Lola nyang mag-prendster! :mrgreen: 😆

    AHAHAHA! Nakita ko na! Kay Biboy nga! …asteeg!!! 😆

  12. woooohooo.. here here..ü

    dahil nabasa ko na ang rules ay made to be broken daw, binasa ko padin yun pakikipagbadtripan mo dun sa tsorbang iyon… hmmm, binabatikos ka pala… alay sikat na sikat ka kasi yata… ahaha..ü tama, hayaan mo nalang yun…

    ang haba haba haba din nito.. ahehe, ü
    argh, alam niyo po ba mamatay-matay ako sa jinggam bells… ilang bese ko kasing ni-snob, kinulang tuloy sa oras… naging busy pa.. ahh, ilang araw akong kinakantahan nung mga bata sa isip ko… i should have watched and passed it before… waaahhh…

    ayun, sige po.. magblog lang ikaw… babasa ako..ü

    *smiles* Gb..ü

    homebodyhubby: musta ka na, koo? 🙂

    oo, matagal ko na pinatawad yun, ‘kapatid’ ko naman… sort of paalala ko lang yan sa iba na maaaring hindi ko pa kilala, baka may iba na namang mang-away ule.

    yung “jinggam bells”, hayaan mo na… may susunod pa namang taon, or ibang pagkakataon. yung mga ginawa mo kaya ka naging busy, tiyak naman may kabuluhan din. 😉
    kaya huwag na you ma-guilty. 😉

  13. “….5.) Which part of you that you hate the most?

    ULO — masyado matigas. PUSO — masyado malambot. (Tatlo din yan kasi DALAWA yung una)….”

    ok ah 😆 hahah!

    homebodyhubby: hehe… anu yung ok? — yung ULOng matigas, yung DALAWAng ULO, o yung parehong MATIGAS ang DALAWANG ULO? :mrgreen: lahat na siguro, ano? 😆

    salamat sa pagsilip sa UL– eheste, sa BLOG ko! at sa pagkumento mo. sana pwede ko i-CLICK yung name at ang cute na avatar mo para mabisita ko naman ang BLOG mo. 😛

    hello uli, camille… nakita ko na at sumilip na ako sa blog mo
    at na-proved ko na “shy” ka nga.
    sensya ka na sa joke ko ha? …lam ko naman na maski medyo bata ka pa, yang avatar mo ay mas di hamak na napaka- musmos pa kaysa sayo. …saka “yun” kasi nipansin mo kaya yun din sagot ko. 😳

    ni-add kita sa mundo (blog roll) ko. 😛

  14. wahhhh 😆

    hey hubby! (bat parang binabatukan ako pag sinabi ko yun. anu ba kasi nickname mo? 🙄 )

    tenkyu for adding me in!

    balik balik ako dito.

    homebodyhubby: “hubby” kasi means husband. 😆 pero wala namang kaso, may isa akong friend dito “kuya hubby” tawag sa akin… no problem, screenname ko lang naman yan.

    pero para hindi ka naman maboba dahil sa kababatok ng kung sinuman yan sayo, “kuya Robert” lang, pede na rin. 😉

    syempre ako man balik-balik din sa blog mo. 🙂 ansarap basahin ng mga posts mo kasi kaiikli — hindi paris nung akin (posts :mrgreen: ) — kahahaba.

    hehe… plug-in ko na rin yung sunset photos ko:

    “Masasayang araw”
    (panuorin mo na rin yung video dito 😳 )

    eto pa isa:

    “Good morning… GOOD DAY!”

  15. bok, walang duda, ikaw na nga ang may pinakamahahabang posts sa lahat ng nasa blog roll ko 🙂 kaya ibinibigay ko sayo tong award na to (may inabot na trophy) hehehe

    homebodyhubby: hehe… hanu kayang hitsura, bok? dagang may hawak na keso de bola? 😆
    oo p’re nilubus-lubos ko na… kasi baka matagalan uli yung sunod na post ko hehe.

  16. ok po kuya rob 😉 …salamat

    ay teka, ikot-ikot muna ako sa bahay mo.

    homebodyhubby: sige, feel at home… 😛 …ingat ka lang medyo mababa ang kisame ng lungga ko. watch your head… baka magkabukul-bukol ka. 😉

    salamat din. 🙂

  17. at kuya kailangan nakasingit ka talaga sa pic ni madir mo ha??!! paki-explain nga??!!! lols!!!!

    homebodyhubby: hello, basyang! musta ka na?
    pasensya ka na ha? kagigising ko at kabubukas ng PC. nagulat ako nung makita kong “awaiting moderation” itong comment mo e wala namang spam. mukhang minsan may diperensya din itong “akismet” — tatlong legitimate commenter ko na ang sinasala nang wala namang dahilan. 😉

    punta tayo sa picture ko… hehe, talagang umekstra ako
    para ipakita ang ‘latest photo’ ko. kaya lang syempre medyo “teaser” lang muna kaya niliitan ko lang. “teaser” hindi naman dahil sa ako’y talagang gwapo kundi dahil pag ipinakita ko na ang recent photo ko, malamang ang edad ko ay mabibisto. 😆 pero malapit ko na aminin hehe.

  18. teka muna, bakit at sino namang nag hari harian ang nag declare na jan 3 ang tatlong hari e sa buong mundo e jan 6??? hmmm…

    homebodyhubby: uy si kengkay, bumalik.

    oo nga e. baka ekako tatlong pastol yung bumisita ng jan 3? 😛 hamo try ko rin i-research kung saan nanggaling ang pagbabago ng holiday na yun nuon… pero sigurado ako
    hindi si GMA ang promotor nito. 😆

    waaaaaaaah! …wala pa ako mai-post na bago!

  19. ahaha, nasweetan naman po ako sa tawag niyong “koo”..

    um, may reply po ako sa comment niyo sa blog ko.. garabe…. nanghihiram lang kasi ako nayun ng pc ng dormeyt…. nilalamok na ako, at malolowbatt na siya… waaaaaaaaaah!!

    hmmm, di ako nakakapagblog… salat sa oras..ayy! ang tagalog! ahaha, pero sa totoo lang nakakabuo ako sa pc ko, yun nga lang..hindi tapos na tapos, tapos(ay, puro tapos) at tyaka nalang, masyado ako nageenjoy magreply sa comments… onti lang din oras… di ko kasi sariling pc..

    bakit ba kasi windows abacus at jurassic yung laptop ko.. ahaha..

    Gb po! GOD BLESS.. ahaha… di po uso gudbay… TOINKKKKKKK! ahaha!

    -koo (=

    homebodyhubby: hehe ganun ba? hamo, “koo” na ang parati ko itatawag sayo.

    nakita ko na reply mo. 🙂 …at di na bale yung lamok, hindi naman na yata uso ang dengge, yung paglolobat ang talaga grabeee!

    yung pagba-blog — dyas teyk yur taym (ayan ha, tagalog yan! 😛 )… yung jurassic laptop mo, okey pa naman siguro, ibig sabihin talaga matibay ahaha. toink!

    sige… GOD BLESS DIN, koo…
    and from now on — no more gudbays. 🙂

  20. ay di ko alam kung saaan uN! tatanungin ko nga sa mga kakilala ko! wakekekek!!! Sana matupad na yan agad hindi ko palalampasin lalo na ung blessinG! aiyieeeeeeeeee!!!

    homebodyhubby: indi mo alam? hehehe… napaghahalatang kulang ka sa lakwatsa. (joke)

    lampas yun ng BGH — siguro mga less than 2 kilometers pag palabas ka ng Baguio going to Marcos hi-way — malapit-lapit sa crystal cave… alam mo naman ako maski dito sa blog ko, nakatira sa lungga. 😆

  21. 3 kings ko.. hmmp.. mommy ko din kasama jan.. hehe.. we love our parents.. :p

    may bago po akong blog.. ito na toh hehe..
    http://superjen08.blogspot.com
    pero it will be changed in
    http://superjen.vze.com in 3 days..
    linked me up poh!! :p thanks!!

    homebodyhubby: hehehe… andaya mo fur, bakit
    ngayon ka lang sumilip dito, birthday mo pala kahapon!
    sana nakantyawan kita ng blow-up 😆 (joke)
    eniway belated happy birthday! 😀

    sure ili-link kita, basta link mo din ako? 😆 (joke uli)

    ayan! ni-linked up na kita! link me up mo na din! 😛

  22. kuya hubby ayan my balik-balik moment ako.. nbsa ko kc ung side comments mo dito naiyak ako.. sana nga matupad yung hiling mo sa akin..haha.. blessing pala ako.. grabe ikaw lng yan nagsabi skin… cguro nga kc blessing in disguise ako.. kc tlagang so disguisable ako.. laging nka disguise.. hahahaha..

    homebodyhubby: sempre naman! 😀

    ang tutuo, halos lahat kayong ka-blog ko, blessings sa akin… ikaw man tiyak ko, blessing ka rin sa maraming bloggers dito, nahihiya lang sigurong umamin. 😛

    yan ang isang trait ko — madali kong nasasabi ang nararamdaman ko… kung minsan nga napagkakamalan ng iba na bading ako… hehe… “bading” ba yun — hindi takot o hiyang umamin? 😆

    special mention ka kasi, ikaw ang naalala kong nagpakita
    sa blog mo ng larawan ng mga ‘weakness’ ko — mga bata (specifically yung dalawang nagtatampisaw sa tubig-baha?) maski hindi mo sila kaanu-ano… actually dalawa kayo — lalaki yung isa — nahiraman ko na nga siya ng litrato ng street child.

    tama ka — naka-‘disguise’ lang kayo… sa likod ng inyong natural, spontaneous at effortless (hindi trying-hard) na pagpapatawa, natatago ang isang malalim na adhikain at isang busilak na puso. 😉

  23. hmp, wala pa rin mapost, ahahaha

    homebodyhubby: oo nga eh… 😦 huwaaaaaaaah!!! 😥

    hindi pa kasi ubos yung tinda kong bulaklak e (jokes).

    wahehe… bukas siguro, meron na. 😆

    P.S. — yung about three kings, hindi ko pa na-research.
    sana hindi pa sila umaalis. 😛

  24. ang gaganda naman ng sagot. ibang klase pati yung sana no. 1 este only one na lang si misis para hindi ka na nasaktan at nakasakit ng kapwa…pero bihira kasi mangyari yun 1 hit wonder. ang importante sya yung huli at masaya pa rin kayo. nakakabadtrip naman yung kapitbahay nyo ba yun? nakarma tuloy..hehe!

    pards sino umaaway sayo? clue naman baka napuntahan ko na rin yan.

    homebodyhubby: oo p’re hehe. bihira yun, pero may
    mga kakilala akong ganun. 🙂 sabagay nakaraan na yun,
    kaya nasasabi ko na lang, “charge it to experience…” 😦
    pag naalala ko lang ang dalawang ‘naunang yun sa akin’
    (pano ba ako dapat mag-react: eto ba? 😆 o eto 😥 ), wish
    ko na lang mas okey na sila sa kalagayan nila ngayon —
    may kanya-kanya na ring asawa at mga anak.

    yung kapitbahay namin nuon, sa tutuo lang naawa din ako
    sa kanila… minsan nakikita pa ni misis yung babae, at so far ang pagkakaalam namin wala namang “third party” —
    kaya wish ko rin magkabalikan sila. kung hindi naman, magpa-annul na lang sila bago mangyaring mag-kanya-
    kanya sila ng ibang “asawa” … sabagay p’re, wala namang anak na nadamay, kaya hindi ko masyadong ‘pinoproblema’.

    yung “nang-aaway” — hindi ko sure kung dalawa yun o isa. yung una mukha namang matagal nang natauhan kaya kinalimutan ko na… yung pangalawa na tinutukoy kong DUWAG dahil ayaw lumantad, ayaw kong isipin na ito rin yung una, iniiba lang ang pangalan… hehe bahala sya, basta pag nakita nya ako pag lumuwas, huwag nya lang akong tratraydurin… pakilala sya. 😆 — “pumapatol” ako sa hindi pamilyado.

  25. Ang 20-question tag ni Angel! —

    […] Heto na ang tag na pinangako kong sasagutan! Galing kila ate Antuken at Kuya Robert… […]

  26. na answeran mo na pala ito, negative na yung request ko sayo. hehe

    homebodyhubby: tol, may tag sa’yo si repah, a? hehe… mag-klasmeyt tayo.

  27. […] See #12 of this tag: “Triple-tripleng BENTE” […]

  28. […] Nakita nyo na rin ang mga Barako! Last time kasi, nakita nyo ang mga chickababes! […]

  29. […] But things turned to the opposite direction… In 1989 (age 19), nag-asawa na si bunso. 😥 Nagaya sya sa kapalaran(?) ng ate ko? Somehow, I could approximate my Dad’s sentiments when my elder sister got married 10 years earlier. […]

  30. […] Yung pangalan ng Ate ko, acronym ng Aida at Ramon;
    yung full first name nyang “Aira Maria” ay isang palindrome (pag binasa mo nang pabalik ay ganun din ang basa at spelling). Ang first letters naman ng name ng mga kapatid ko (A-R-L-E-M) supposed to spell out my name “ARLEEN.” (anggaling gumimik ng dad ko, no?) Kaya lang, pagkapanganak kay Bunso, nagpatali na ang mommy ko. Yan ang malinaw na “Family Planning” na nabulilyaso. Naging Homebody Arlem tuloy ako – “Harlem” in short. […]

  31. […] Ang birthdays ng limang kapatid ko, nai-post ko na rin. Click nyo lang ang kani- kaniyang portrait sa ibaba.
    More or less, 17-year old ang bawat isa nung magpa-pikyur nyan. Yung sa akin, huwag nyo na i-click, kasi baka IBA ang bumulaga… 😆 Syempre nandito ka na sa birthday ko e. […]

  32. […] Sa Flickr photos, maliban sa aking kaDAGAan,
    bukod pa sa mga bulaklak, sunsets ang pinakamakukulay
    na pikyurs ko. […]

  33. […] Ikinasal ang isang anak na lalaki ng ate ko. […]

  34. […] “ Sa year of the RAT, tatapusin ko ang tatlong buildings na bubuo sa mansyon ng daga ko! ”
    (Last year’s resolution ko, 19th question, Bente tag) 😆 […]

  35. […] May 1979… […]
    […] May 1989… […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: