Kahayupan ng Pilipino

Bebang-girdel (♀)

The Holiday is over but I still feel the hangover…
hohuuummm, inaantok pa rin ako!

Hehehe… nagulat ba kayo? Akala nyo siguro minumura ko na ang lahi ko. Hindi a… Ano ako, hilo?

Hindi rin ito TAG. Kaya huwag kayo kabahan kung may makita kayong numbered list sa ibaba. Naa-allergic na ba kayo pag nakakakita kayo ng numbered list?😆

Na-inspire lang kasi ako sa post ni Eloiski tungkol sa mga salawikaing Pinoy. At dahil medyo nangangamba rin akong mawala ang pagka—“PET blog” nitong lungga ko, gumawa rin ako ng sarili ko. Sa tatlong ito lang naman umiinog ang blog na ito: maka-DAGA, maka-PAMILYA, at maka-PINOY.

Syanga pala… nung nakaraang post, nagrereklamo ako dahil wala pa kaming kalendaryo. May nagbigay na sa amin — dalawang malalaking company wall calendar. May isa pang maliit — desktop calendar naman, bigay ng isang non-blogging reader ko… at ito ang mas gusto ko! Bakit? Eto o, tinginin nyo:

2008-01-11 (kalendaryo) 12008-01-11 (kalendaryo) 22008-01-11 (kalendaryo) 32008-01-11 (kalendaryo) 4

O di ba? HAMSTER calendar! Andanda-danda! May ‘glittering glitters’ pa iyan! Inggit kayo, no? Salamat sa’yo, Camille — nahuli mo ang kursunada ko.

Okey balik tayo sa salawikain na na-inspire ni Eloiski.

Nalimutan ko na kung ano ang tawag dito sa ingles. Oo, idiomatic expressions or figures of speech — pero simile ba? metaphor? parallelisms? Ewan ko, hindi ko na alam… pero sa Tagalog siguro, sapat nang tawagin itong mga KASABIHAN.

Ineksakto ko nang pitumpo (70). Kasi sa taong ito, may 70ng mapipilitang magpalabas sa akin ng bahay…🙄 …Eniway, baka may maidagdag kayong alam nyo o sariling “bersyon” ninyo. Hindi ko na isinulat ang ibig sabihin kasi obvious naman. Pero kung meron kayong hindi alam o di naintindihan, tanong nyo lang.

Okey, umpisahan natin sa DAGA — sempre kasi sila ang bida sa blog na ito. Saka year of the RAT naman ngayon.

  1. Mahirap pa sa DAGA
  2. Mayaman pa sa DAGA (Blog ito — ng mga hamster ko)😆
  3. May DAGA sa dibdib
  4. Ngiping-DAGA
  5. Tengang-DAGA
  6. Pag wala ang PUSA, naglalaro ang mga DAGA
  7. Parang naglalampungang PUSA
  8. Parang PUSAng hindi-mapaanak
  9. Kumiyakis na parang PUSA
  10. Sinlamig ng ilong ng PUSA
  11. Matang-PUSA
  12. Saling-PUSA
  13. Parang ASO’t—PUSA kung mag-away
  14. Ngising-ASO
  15. Parang ASOng bumabalik sa sariling isinuka
  16. Tila ASOng bahag ang buntot
  17. Animo ASOng ulol
  18. Tumahol na parang ASO
  19. Parang BABOY na pagkatapos paliguan, muling naglulublob sa putikan
  20. Parang nakakain ng “ekek” ng BABOY
  21. Parang KAMBING na nguya nang nguya
  22. Maamong parang TUPA
  23. Malakas pa sa KALABAW
  24. Kayod-KALABAW
  25. Balat-KALABAW
  26. Galing sa dede ng COW (ay hanu ba yan! commercial yan …okey lang, ice-breaker lang naman)
  27. Matandang KABAYOng mahilig sa sariwang damo
  28. Anong KUTO ang gumagapang sa KABAYO? (sagot — plantsa):mrgreen:
  29. Matulin pa sa KABAYO
  30. Makupad pa sa PAGONG
  31. Makalaglag-MATSING
  32. Tuso pa sa MATSING
  33. Umatungal na parang LEON
  34. Malayang tulad ng IBON
  35. Taratitat na parang TARAT
  36. KALAPATIng mababa ang lipad
  37. Pagputi ng UWAK (itim talaga ang uwak)
  38. Pag-itim ng TAGAK (puti ang tagak)
  39. KUWAGOng nakatira sa palasyo
  40. Parang mga BUWITRE kung mang-intriga
  41. Amoy-ITIK
  42. Kung gumiri parang TANDANG
  43. Parang INAHINg puputak-putak
  44. Parang puwet ng MANOK kung magsalita
  45. Ga-HANIP sa liit
  46. SUROT ng budhi (kasama ba ito?)🙄
  47. Sing-sipag ng LANGGAM
  48. Makulit pa sa LAMOK
  49. Parang LANGAW na susunud-sunod
  50. Walang pahinga tulad ng BUBUYOG
  51. Animo PARU-PAROng aali-aligid sa bulaklak
  52. Koreanang SALAGUBANG (blogger po ito, hindi idiomatic expression — one of the three queens ng blog life ko)
  53. ALITAPTAP na aandap-andap (blogger din po sya, kaibigan ko na rin, bilib ako sa pananagalog nya)
  54. Masayang parang TIPAKLONG
  55. Utak-BIYA
  56. Mistisong BANGUS
  57. May sa-PALOS ang bilis at dulas
  58. Singlaki ng BALYENA
  59. Parang DIKYAng kung saan lang dalhin ng alon
  60. Sipsip na parang LINTA
  61. Pasulpot-sulpot na parang SUSO (susô as in “KUHOL” or SNAIL sa ingles, hindi yung BOOBS dahil hindi dapat basta-basta na lang isinusulpot kung kani-kanino lang ang pares na yan)😕
  62. Tila BUTETE na sa laki ng tiyan
  63. Bumukaka na parang PALAKA
  64. Parang BUTIKIng humalik sa lupa
  65. Kapit-TUKO
  66. Parang nag-alaga ng AHAS
  67. Gumapang na parang AHAS
  68. Parang mga AHAS-KUYOG na pinagtulung-tulungan ako
  69. Parang SAWA kung makalingkis
  70. BUWAYA sa pamahalaan at lipunan

Pansin nyo ba? Ang object ng comparison ay ang distinguishing trait ng hayop. Napaka-creative talaga ng tao. Pinapalitan lang yung salitang “Tila” o “Parang” ng “Mas” o “Higit pa” depende sa degree ng intensity ng gusto nating ipahayag. Yung iba pangit, yung iba maganda — well at least sa pananaw natin. Pero sa ganang kanila — silang mga hayop, may problema kaya dun?

Halimbawa, sa tingin ba ng pagong talagang makupad sya? At pinoproblema ba nila ang pagiging makupad nila? Sa sineng “Ice Age” o anumang kartuns ko lang yata nakikita yun…
Yung ahas na nanunuklaw matapos mong pakainin, traydor ba yun?
At ang mga asong walang-kiyemeng “nagyayarian” sa kalye, bastos ba sila nun?

That is their NATURE, the way they are created. Pag isina-TAO yung asal-hayop syempre nagiging iba na. Maghubo ka nga lang sa kalye, bastos na, makikipagyarian ka pa?😯

Nagiging “hayop!” lang naman ang ‘asal-hayop’ pag kinopya at idinikit na ng tao sa kanyang pagkatao. Hehe… “kinopya at idinikit… ” Parang “COPY-PASTE” or “CUT and PASTE”!!! Ang tutyal-tutyal…

Naging parte na ng ‘bokabularyo’ natin:

“ANIMAL ka!” “Hayuffh you!” (pa-cute pa e no?)
“NapakaBABOY mo!” (Mukha kang piggy bank?)
“UNGGOY ka!” (Ang wais mo!)
“Isa kang AHAS!” (Ang switik mo!)
“Anak ng TUTUBI!” (Lagnatin pa ko pag nakagat mo’ng dede ko!)
“Anak ng PUTAKTE!” (Ay, baka magkapantal-pantal ang byuti ko!)

Kung gaano yata karami ang hayop, ganuon din karami ang pwedeng imbentuhing PAPURI ng tao. Kung bakit ito kasing si Noah, nag-shipping import pa ng pares-pares na “MURA.”(joke) Ehehe… nag-ran-errand lang naman sya.

Ngayon nga may mga bagong breed na ng tao — eheste, hayop! —

BANAL NA ASO at SANTONG KABAYO

Tseka muna, HAYOP nga ba ito?🙄 Ewan ko sa kanila…

Basta ako?

Sa aking sarili, HINDI ako banal, HINDI ako santo. Simpleng TAO din ako — paris nya, paris mo… MAKASALANAN, PWEDE ring maakit at mahulog sa TUKSO. Basta iwas lang ako sa tukso, — “bahala na sa akin” si KRISTO.😎

“When I want to do good, evil is right there with me. For in my inner being I delight in God’s law; but I see another law at work in the members of my body, waging war against the law of my mind and making me a prisoner of the law of sin at work within my members. What a wretched man I am! Who will rescue me from this body of death? Thanks be to God — through Jesus Christ our Lord!

Romans 7:21-25

I can do all things through Christ which strengtheneth me.

Philippians 4:13

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/01/12/kahayupan-ng-pilipino/trackback/

RSS feed for comments on this post.

24 CommentsLeave a comment

  1. uuuyy extra na nmn ako😳
    may dagdag ako😀
    balat hunyango = mapagkunwari di ba
    (parang mga lalake😀 este yung iba lng pla😀 )

    P.S> di q knows yung hanip at saka biya😀

    homebodyhubby: uy chameleon! maigi’t nipaalala mo! naalala ko tuloy yung badaf na singer nung panahon ko —
    Si Boy George! 😆 idol ko sya kaya hindi ako hunyango —
    kasi bading ako! 😆

    yung “hanip” — tanungin mo si Petnok. :mrgreen: pero kung alaga
    mo sya ng suyod, hindi nya rin alam yun — KUTO ng manok,
    or “KUTNOK” ni Petnok. 😆

    yung “biya” — isang klase ng ISDA na malimit naming ulam nuong mga panahong wala na kaming makain sa Calamba — mas mahal nang kaunti sa “ayungin” (isda rin). 😆

    #71 — balat-HUNYANGO

  2. kyut kyut nga pala ni bebang😀 parang nihaharana ang pose😀

    Parang nakakain ng “ekek” ng BABOY <<< saka ano nga meaning nito?😀

    homebodyhubby: hehehe… anggaling mo talagang manghula basta sa mga area na yan! — ‘in-heat’ o lumalandi yang si Bebang kaya napa-pose ko nuon nang ganyan! :mrgreen:

    dyan naman ako hindi naniniwala… “ekek” lang hindi mo
    pa alam? eto… “keke” 😳 alam mo na? 😳 …ikaw kasi eh! 😳

    ibig sabihin nyan, walang tigil ng walang saysay na kadadaldal! 🙄 ewan ko kung panong nangyari yun?

  3. nyahaha, alam ko yung ekek ang di ko kako alam yung meaning😛
    yan, may naalala tuloy ako😀
    boses ekek este boses ipis!😀

    homebodyhubby: sabi ko na e, indi pwedeng di mo alam yun dahil common yun 😳 — i mean common na term yun… pero alam mo ‘mine’ maski ganyan ka makipagbiruan, inosente ka pa rin sa tingin ko. totoo yun. 🙂

    tama! boses-IPIS! may kaklase akong babae nung elementary na ganyan ang tukso nila kasi kahina ng boses. 😛 hehehe… nakaka-72 na tayo.

    #72 — boses-IPIS

    maalala ko din — nung natanggap ko yung kalendaryo kahapon, naalala ko yung tatlong comment mo dito:

    kalendaryong-daga” 😀

  4. Salamat uli sa kalendaryo Camille! (non-blogger.
    may kapangalan ka kasing blogger dito sa wordpress — nandyan sa blogroll ko sa kanan)😀

    alam mo bang kung hindi pa ako nagpa-piktyur kay ate mo, hindi ko mapapansin na anghaba na pala ng balbas ko? 😳
    …pati ang kuko ko. yaiiks! 😳 soweee…

  5. inosente ?😳 wahihi cge na nga (kala mo lang yun😛 )

    may naisip pa tuloy ulo ako sa koment mo

    >> mala MOLA 😀 Lols😆

    ( napuno ko na tuloy koment nyahaha )

    homebodyhubby: a basta inosente ka! 😕

    “may naisip pa tuloy ulo ako sa koment mo” —
    anong “ulo” ? :mrgreen: tsk tsk tsk!

    MOLA? 🙄 as in keso de MOLA? 🙄 …a! as in totoy MOLA! 😆 sige na nga —

    #73 — mala-MOLAng _ _ _ _!

    sabi ko na nga inosente ka! 😆
    at saang ‘comment ko’ naman kaya mo nakita yun para maisip mo ito… 🙄 ako yata ang inosente a? 🙄 :mrgreen:

  6. *titig kay homebodyhubby* kakaiba ka… ano kinakain mo at ng ma absorb ko naman ng mabuti ang mga pino posts mo. *burp* sarap, parang CHICKEN lang kung mag post. ^&^

    homebodyhubby: kakaiba ba yun? wala nga ako formal training sa writing — inspired lang din ako sa mga posts ng mga blogger-friends dito. 😉

    yang “parang chicken” maski may pagka-ingles, tutal na- absorb na rin ng Pinoy — parang chicken joy ng Jolibeeng Pinoy, idagdag ko na rin! *galing!*

    #74 — TSIKEN-pid (CHICKEN feed)

  7. ninong!!! nosebleed ako sa mga hayufness na ito! hayuf sa hirap!!! Teka balikan ko n lng muna ito sa susunod!!! Pag-aaraln ko pa. Tanung ko sa instructor ku ung iba!!! WahahHAh!!! Weeee!!!! Dumadami na rin nagkokomento sa akin! yeeyyyyy!!!! ahihihi!

    homebodyhubby: hayuf sa hirap… hmmm… 🙄
    “hayop sa hirap” …qualified ba ito? 🙄 hindi ko muna ida- dagdag, pag-aaralan ko pa… tutal eloiski, 70 naman yung na-inspire mo na! 😉

    sige tanong ka pa sa instructor mo… hehehe.
    kabagang ko ba yan? 😆

  8. hehe kakatuwa nga naman yung calendar na bida ang hamsters.. talagang matutuwa si kuya robert.. naks! nagulat ako sa title nitong entry.. heheh kala ko kung ano na..

    “Yung ahas na nanunuklaw matapos mong pakainin, traydor ba yun?”

    oo traydor yun.. ahehehe.. la lang may naalala lang ako sa ganun.. hhm,mmm?? yung tag po patapos na.. ahehehe bisibisihan kasi sa school.. pero nagdadaan pa rin ako lagi sa blog nyo..😀

    homebodyhubby: wahehe, yang taytol ng entri
    talagang teaser ko lang yan… hindi ba naman kita nasindak
    sa pang-sinakulong piktyur ko? — pang-Hesus nung bata pa, pang-Hudas nung nagkaidad na. 😆

    koreksyon, anak: …hindi traydor yung ahas — ang traydor
    ay ang TAOng NAGPAKA-ahas at nagmistulang HUDAS! 😉
    …sino naman kaya yung naalala mo? 🙄 hhm, mmm?? 😛

    sa tutuo lang bunso miss na rin kita, pero teyk yur taym lang iha… 😉 malapit na birthday mo…

  9. edi ba kapag umuulan tapos maaraw ang sabi naman sa atin e – ikakasal daw ang tikbalang. tikbalang pinoy na pinoy yang monster na yan na hating tao at hating kabayo, hehe…

    homebodyhubby: wahehe oo nga!!!
    bakit ba hindi ko naalala yan e ikinasal na nga pala kami — eheste, may ikinakasal na tikbalang! nung ginawa ko ang videong ito nuon:

    Kasal ng Tikbalang video

    salamat tita kengkay at nagkaroon pa ako ng dahilan
    para i- “plug-in” ang videong yan uli ngayon. 😳

    sige… tikbalang — half-man half-horse creature in Pinoy folklore… at least dito, wala nang effort ng pagkukumpara dahil NAGSANIB na ang HAYOP at ang TAO.
    *ang galing!* na naman!

    #75 — umaaraw–umuulan, may ikinakasal na TIKBALANG!

  10. Ang 20-question tag ni ANGEL! —

    […] Heto na ang tag na pinangako kong sasagutan! Galing kila ate Antuken at Kuya Robert… […]

  11. panalo ung galing sa dede ng cow hehehehehe

    hayup ka talaga klasmeyt hjehehe

    ankyut nung calendar!🙂

    homebodyhubby: hehehe… ang korek pala dyan e —
    “galing sa dodo ng cow” — peborit ko rin yan kasi galing
    sa bibig ng isang musmos at inosenteng bata. 🙂

    kaya yang sinabi mo sa akin — well-taken ko yan kasi
    galing sa’yo, mabait kong klasmeyt.😉 …nung panahon ko may pa-cute na bersyon kami dyan e — “hayep!”
    o kaya “hanep!” 😛

    yung calendar kyut, yung may hawak nakakatakyut! 😆 …parang beauty and the beast? ahehe.

  12. wow calendar boy… puto genic k pla eh… khit saang ang gulo pwede… mukha ka lng highschool ah.. highskul principal… hehehe.. joke lng…. sana maintindihan mo yung calendaryo mo… ksi sulat intsik yan… dahil dyan..may tag pla ako sa yo… hahaha.. peyborit kita eh

    homebodyhubby: ahe… nasulit na naman ang ni-post ko kasi mukhang nakumpleto na ang mga bagets na hinihintay kong magkumento dito.

    sabi ko senyo hindi lang ako putokraper e, puto genic din ako! ahahaha… mukhang talagang pinaghiwalay mo yung “ang gulo” ha? …buti naman at highschool principal lang —
    hindi ba “retired highschool principal?” 😆

    ay intsik nga hano? hamo… kada buwan, bibilangin ko na lang yung bawat araw simula enero uno. 😆

    hanu kayang tag yun?🙄 …siguro yung hinihintay kong sodiyak? 🙄 …yun ang uso ngayon ehehe.

    ay hindi pala “sodiyak” kundi “sogarilyo” ! …ahehe tenkyu repah… tayep ko rin yan kasi dati din akong “sunog-baga” ! :mrgreen: tamo — nagberde na nga ako dahil ang hinihithit ko nuon, dahon ng papaya!

  13. iba ka kuya hubby.. tirador k pla ng dahon ng papaya.. ako ba ang kumumpleto sa mga bagets??? hehehe.. abangan ko iyon i post tapost tingnan ko side comments mo..

    homebodyhubby: oo repah… grade III pa lang ako nun ahehe. kwento ko sayo sa post ko sa miyerkules, kasama na yung tag.

    oo kasi sa point of view ko, halos lahat naman kayo bagets pa… ako na lang ang forgets. 😉 yung mga side comments, sincere ako dun — walang sarcasm, walang malisya. 🙂

    repah! may naisip ako dahil dun sa tag… pag may yosi, malimit kasunod kanser. 🙄 ang cancer, sa zodiac ay “crab” …crab mentality! 😛 …oo nga! kaya eto:

    #76 — utak-TALANGKA!

  14. ahaha, este napunding alitaptap pala..

    flicker ang aandap-andap diba po? busted na ako e… pero under construction..(ay, parang establisyamento) wahaha…

    ngayon may bago ng idyomatikong pahayag– napundingalitaptap–> tawag sa taong, ummmm… ahh.. ehhh… blagistang maganda… TOINK! wahaha, bawal umangal… kahit hindi ko to blog e ang hindi pag-angal ay magmamanipesta(jowk lang, manifest yan) na tayo’y prends na talaga… ahaha..toink toink toink!!

    natawa ako dun ‘masyado’ sa “h*yuff you”… ahaha..

    tumatawa nanaman akong mag-isa dito… morbid,,ahaha!

    ako po ba yung nananagalog, ahaha, parang medyo di ako bilib sa sarili ko sa bandang iyon… kung makakausap mo po ako ng personal, tatawanan mo lang ako habang nagsasalita ako.. basta, iba..

    nangyayari pa rin hanggang ngayon yung “kumain na ikaw?” na dapat ay “kumain ka na?”… madaming-madami pa…ü

    ahaha.. mapapa-TOINK KA NALANG…

    salamat po sa greeting, haha, ang bongga ng 3-day celebration ko…mas bongga kesa last year… hehe. sana mablog ko, garabe, really couldn’t find time(ay ingles!) ahaha.. toink..

    teka, natuwa po pala ako sa pics mo na kaibahan(kasama) mo yung kalendaryong may mga dege(ay slang, da-ga pala).. kamukha mo si michael V este de mesa pala… wahaha… hehe..

    sige po..fly fly..ü

    homebodyhubby: ahaha. oo nga flicker nga pala yung aandap-andap. ayaw ko kasi tanggapin na pundido ka na. recharging lang ang katapat nyan — panalangin baga?
    saka pahinga. 🙂

    totoo namang maganda ka, kasi wala naman pangit na nilikha ang Diyos… saka hindi lang kita friend, i believe ‘kapatid’ din kita. 😉

    saka bilib ako talaga sa tagalog mo. yung hindi sa panulat (personal) ayus lang yun kasi mabilisan, basta nagkaka- intindihan. 😛

    michael de teybol? eheste! …de mesa? 🙄 di ba kalbo na yun? hehe… ako malapit-lapit na rin… kamukha ko nga! 😛

    sige pag may panahon ka, blog mo ang 3-day… 3 days!?? haha… bonggang birthday mo nga! — sana mai-blog mo!

  15. teka teka, nun po palang araw ng pagkapanganak ko, nandun ako sa bahay ng isang kaibigan… binuksan ko yung blog ko, libreng net e..sayang ang oportunidad, ayun…toink!

    hehe, pinakita ko yung mga litrato mo sa flickr… gaya ng pagkabilib ko, nabilib din sila… ahaha, lumaki ang mga mata nila… ahaha,

    ang galing-galing mo daw po.. sinabi ko din yung sabi mo na “hindi naman ikaw yun magaling kundi sya”… mas lalong nabilib ang mga loka… ahaha…ü

    sige po.. GB.. gudbay… ay! God bless pala..ü

    ang ganda po ng ulap dito sa kamaynilaan lately, nakakaaliw pagmasdan, nasasabi ng isip ko “ang mga gawa niya napaka-profound kahit kelan”

    flyfly!

    homebodyhubby: ay salamat naman! 😀
    may nakakita uli sa mga pinta ng Panginoon na nikopya
    lang ng aking camera.

    dito ngayon sa probinsya, ‘nag-uuulan’ …pero ayus lang.
    alam ko naman — sa kabila ng nagdidilim na ulap,
    hindi nawawala ang araw sa kalangitan. 😉
    GOD BLESS din, kapatid.

  16. saka bilib ako talaga sa tagalog mo. yung hindi sa panulat (personal) ayus lang yun kasi mabilisan, basta nagkaka- intindihan.—> di ko pa rin po magets… ahihi…

    toink!

    teka po, napansin niyo ba na hindi napunding alitaptap yung nilagay ko sa name sa last 2comments ko? ahehe, ü

    homebodyhubby: ay uu nga…😳 yung “hindi sa panulat” ibig ko sabihin sa pagsasalita… ano bang inglis dun? verbal,
    or conversational?

    dun sa pinaka-unang comment mo:

    “kung makakausap mo po ako ng personal, tatawanan mo lang ako habang nagsasalita ako.. basta, iba..
    nangyayari pa rin hanggang ngayon yung “kumain na ikaw?” na dapat ay “kumain ka na?”… madaming-madami pa…ü ”

    mas ‘immediate’ at ‘impromptu’ kasi pag personal ang usapan kaya hindi na masyado ‘nae-edit’ — okey lang yun basta nagkakaintindihan… gets na?

    oo nga din napansin ko… ibig sabihin, hindi ka pa pundido…
    at hindi ka mapupundi. 😉

  17. teka, you have been tagged!
    http://foobarph.wordpress.com/2008/01/15/tag-heto-pang-isa/
    please answer, okies? ^_^

    homebodyhubby: answered! three-times pa! 😛 —

    Triple-tripleng BENTE

  18. […] nagkakausuhan na naman ang mga lintek na patago-tagong i-yan. Nabanggit ko nga nuon sa post na ito (Kahayupan ng Pilipino), nakaka-turn-off lang naman ang asal-hayop pag in-adapt na ng tao. […]

  19. AsTig kau ah…

    Cge Lng 2loy 2loy lng…

    SupOrtantA kau..

    ————————————————

    HBH: Salamat sonny. 🙂

    May blog ka ba na pwede ring mabisita?

  20. wow…ang ganda noh..hehehehe
    give some
    ok,,,

    ————————————————

    HBH: Salamat. 🙂
    Pag may naisip kang makahayop na kawikaang-Pinoy na wala pa dito, huwag kang mahihiyang idagdag, hane? 😉

  21. ————————
    Amboy
    #77 — Mas mataas ang LANGAW na nakatuntong sa KALABAW! 😆

  22. […] May racist kaya sa animal kingdom? […]

  23. […] Anhirap pala maging duktor ng hayop…
    Eh yun duktor nga ng tao, pero hinayufaks naman? […]

  24. a.k.a. … a.k.a. … Akala ko “Aso-Kain-Aso”.

    Dog-eats-dog? Ekyusmi. — Sa yomans lang yun!
    ————————————————
    Ampaowtuah-an… entri #78 yun.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: