Bantay-BAGA tag

bente pesos

Hindi po ako nagkamali ng ispeling. Hindi po Bantay-BATA o Bantay-DAGA ang ibig kong tukuyin dito. You got it right — Bantay-BAGA. LUNGS. PULMON. (awoooooo!!!) tsk tsk tsk… ayan ka na naman. korni mo. Full moon yun!

May pinausong tag kasi si Repah na pinamagatang Think, don’t smoke.” At isa ako sa siyam na ni-TAG niya.

Okey… cool! Salamat, Repah! Hehe… Ako pa! Grade III pa lang ako nung una kong makasubok manigarilyo (syempre hindi alam ng nanay at tatay ko). Ang dahon de-papayang ekstrak na pang-kapreng tabako.:mrgreen:

Medyo mahaba uli itong post ko… Kung yung tag lang ang gusto nyong basahin e di sige — maikli lang yun, nandun sa baba.

MAIKLING KWENTO TUNGKOL SA PAGYOYOSI KO

Kung sa ngayon ay may papaya extract para sa malasutlang kutis nyo, nung henerasyon namin may pausok-bagang yari sa papaya. Dahil ang “yosi-yosihan” namin ng mga kararo ko, dinurog na tuyong dahong papaya na binalot sa dyaryo *ubo! ubo! uhuboooo!* …hindi na kami umulit dahil kami’y masuka-suka at nagka-liyo-liyo. Yan ang napapala ng mga batang walang magawa. 😳

Sumunod na yosi ko nung college na ko, and this started as sort of rebellion ko sa father ko, who died at age 46 due to cancer because of smoking. (Don’t worry about the rebellion — we both considered this as part of growing up, wala naman sa aming mga boys ang nagrebelde nang grabe). Ako lang ang naging habitual smoker sa aming magkakapatid, palibhasa mga health-conscious yung tatlong brothers koyung sumunod nga sa akin ay body-builder pa.

More than four years din akong naging chain-smoker, 2 packs of Philipp morris na walang filter. Mas mura kasi, kayang-kaya kong bumili mula sa scholarship allowance ko. 😆 …minsan nga may kasama pang patikim-tikim ng ‘damo’ (kaya yata nagka-baog-baog ako)… Tumigil lang akong manigarilyo nung maging gerpren ko na si misis… Kasi kawawa naman sya, magigi syang “passive smoker.”

By the way, uso pa ba itong “damo”? Naalala ko etong tino-tyonggi namin nun sa iskul grounds namin sa LB. Pag me sikyo, biglang tago ahehe. Ngayon ang naririnig kong uso e “bato” 🙄 Bukod sa singhot, pano ba tininira ito? Mukhang matigas e, hindi ba nakakabungi? Ahahuy! — daig mo pa siguro ang pumangal ng tubo!

Teka muna, bago tayo tuluyang magka-bangag-bangag…

Matagal nang tapos yung benteng tag a? Bakit nga pala may BENTE PESOS dyan sa itaas?🙄 Aanhin ko ba yan?

Ahehe… sempre kasi nandyan si President Quezon… Hindi ba namatay sya sa tuberculosis (TB)?Kaya nga “Quezon Institute” ang ipinangalan dun sa retokehan ng BAGA sa E. Rodriguez sa Quezon City.

At eto pa, maalala ko: yung tabako de papaya na niroroling-roling paper namin nuon, matagal na palang nauso? Nung panahon ng Hapon (1943), malapit nang mamatay si Quezon. Eto o, i-quote ko na lang…

KAUNTING KASAYSAYAN NUONG PANAHON NG HAPON

(Hindi ko inabot ito ha?)

“The critical food shortage led the Filipinos to improvise substitutes. As a people, Filipinos think better and become inventive when confronted with a difficult situation… When cigarettes became scarce, papaya leaves cut to fine pieces made a ‘good’ smoke. The Filipino soldiers in Bataan discovered this ersatz when cigarettes were cut out of their rations. Since cigarette paper was nonexistent, newsprint and even pages from books were used to ‘manufacture’ cigarettes. Smoking this kind of cigarette was torture, for the smoker could feel a burning sensation in his throat. In time, however, he got used to it and considered the papaya tree a blessing.”

May karugtong pa yan:

“So common was this kind of cigarette that wags boasted that they were smoking the Encyclopaedia Britannica, the Tribune, or the Paris edition of D.H. Lawrence’s Lady Chatterley’s Lover.”

(source: A short history of the Philippines copyright 1975 Mentor book paperback by T.A. Agoncillo, pp 234-235)

“O e di sana piktyur na lang ni Quezon…” eka nyo siguro. “Bakit buong bente pesos pa nilagay mo dyan? Sayang lang upload space mo!”

Ahehe… me trivia quiz kasi akotinginin ko nga kung masagot nyo!?

KAUNTING PANG-ASAR (LAMBING) KO SENYO

Pahiram ko sainyo yang bente pesos ko.

PAANO KITA PABIBILHIN NG SIGARILYO NANG HINDI AKO MAGSASALITA O SESENYAS SAYO?

Sagot: CLICK mo to — Bilmoko yosi.

O, di ba? 😆

Isa pa… hindi ito tungkol sa yosi… Si Quezon namatay sa States bago pa bumalik si MacArthur at matalo ng mga amerikano ang mga hapon.

Pahiram ko uli sanyo yang bente pesos ko. (basta soli nyo ha?)

PAANO MO IPAPAKITA ANG FACE NI QUEZON

1) nung panahon ng hapon? at

2) nung matalo ng mga amerikano ang mga hapon?

Sagot: CLICK mo to Quezon’s reactions

Ahehe… Tama na, punta na tayo sa TAG. Soli mo na pera ko. 😛

The THINK DON’T SMOKE tag

RULES: Kopyahin lang ang lahat ng tanong at mga pamimilian. Piliin ang sagot na pinakatutuo sa inyo. Ang score, makikita nyo sa link na nasa ibaba. Be honest! Sagutan nyo muna bago kayo sumilip sa sagot o scores. Huwag na kayo mandaya, wala namang pagkatalo sa tag na ito. 😆

1. What would you do during Weekends?
a. Read books
b. Play sports
c. Do household chores
d. Go on trip

my answer: d — 2 (If I’ve got the opportunity, I’ll rather hike and go mountaineering)

2. You dream to be:
a. World Champion
b. Campus Crush
c. Scientist
d. Dream date

my answer: c1 (basta hindi crackpot)

3. What’s your favorite music?
a. Rock
b. Rap
c. Pop
d. Ballads

my answer: a3 (Nuon — Queen, ngayonPetra Christian rock)

4. What’s in your closet?
a. something original and wild
b. latest fashions
c. something classic
d. same as your friends closet

my answer: a3 (mga bagay na ekstraordinaryo at hindi mo basta makikita sa ibabasta hindi skeleton)

5. You watch
a. Romance
b. Sci-fi
c. Comedy
d. Thriller

my answer: d3 (especially psycho-thrillerkursunada kong mag-solve ng crime puzzle paminsan-minsan)

TAG ENDS HERE

Iskor ko12

According to the test evaluation eto daw ako:

YOU LIVE SOCIALLY, YOU KNOW HOW TO BE WITH OTHERS AND THEY LIKE YOU AS YOU ARE. YOU DONT NEED A CIGARETTE TO BE WITH.Ang galing a! natumbok mo?

TAG ko si eloiski at si irish… at saka si mine ! … alam ko meron na ka nito MKB. wala lang. gusto lang kita tag. 😛

Yung scores nandito pa eh. Saka nyo na puntahan. Sagutan nyo muna tag! Cut and paste nyo rin yang score key na yan sa tagong lugar sa blog nyo para sa mga susunod na ita-TAG nyo.

[…] un lang. na tag ako ni klasmeyt hamster […]

[…] … ayan la na q utang sau repah at HBH […]

[…] Harharhar! Iyan ninOng aH! AhihihihI! […]

KAUNTING PAALALA (TEYK KEYR BEKOS AY KEYR)

Sa mga kaibigan kong SMOKERS, etong dagdag ko:

FACT: You have the RIGHT to smoke.
FACT: OTHERS have rights TOO, and they don’t want to smoke.

1. Don’t smoke in NO SMOKING areas.

2. Pag nasa public areas, tignan mo baka mas marami ang nalalanghap na usok ng katabi mo kaysa sayo. Daig mo pa ang fogging machine na pambugaw ng lamok-dengue.

3. Ingat ka din baka makapaso ka ng katabi mo!

“E sa gusto kong magyosi eh!”

“E di magyosi ka! Sabi ko lang ayusin mo hawak sa yosi mo… Tignan mo nga yang miss na katabi mo o — ang-kinis-kinis ng legs, pinuno mo ng tato!”

“Ayyy! Honga noh?”

4. Maghanap ka ng tamang pagtataktakan ng upos mo. Huwag yang ganyang ginagawa mong ashtray ang sapatos ng katabi mo. Kung wala ka mataktakan, dyan na lang sa bulsa mo ingat ka lang baka masunog sana yang polo mo! O kaya, baligtarin mong yosi sa bibig mo paris nung ginagawa ng lola ko.

5. Maski walang NO SMOKING sign, pag maraming non-smokers, tiis ka na lang muna. Huwag yang ganyang namimilosopo ka at sasabihin sa kanyang “Mag-aircon ka na lang!” o “Mag-TAXI ka na lang!”

6. O! o! …yang upos mo, saan mo itatapon? Lunukin mo na lang kaya? Hanap ka ng basurahan.

7. Patayin mo muna sindi bago mo itapon. Ambaho ng amoy ng nasusunog na filter. Atsaka baka pagsimulan pa yan ng sunog.

Yosi-yosi ka pa kasi e, hindi naman bagay sayo. Akala mo ba sosyal ka? Insecured ka lang, baka? Magsunog-baga ka hanggat ibig mo, matuto ka lang manigarilyo nang may disiplina.

READERS, wala akong against sa paninigarilyo… May mga smokers lang kasi na hindi considerate sa kapwa.

May mga ethics din sa paninigarilyo. Be a responsible smoker. Smoke at the right time and in the right place.

Ang mga sumusunod ay isa lang paalalalalo na dun sa mga dinadalahit na ng ubo, yosi pa nang yosi. Aba’y mahihiya ang katawan kay Keanu Ribs e.

WARNING: Cigarette smoking is dangerous to your health.

Baka mamilosopo ka na naman? …sabihin mo:

“E bakit ang lolo kong chain-smoker, umabot pa ng 80 years old nung namatay?” … o kaya:

“Bakit yang si Quezon, hindi naninigarilyo, nagka-TB, at maagang namatay?

Hehehe… sino may sabi sayong maagang namatay si Quezon? At sigurado ka bang hindi sya naninigarilyo? maski hindi pa. Siguro kung naninigarilyo sya, hindi na sya umabot ng panahon ng Hapon. At yang smoker na lolo mo, kung hindi naninigarilyo, baka umabot pa ng isandaan.

TRUTH:

“Everything is permissible for me — but not everything is beneficial. Everything is permissible for mebut I will not be mastered by anything. (1 Corinthians 6:12)

Okey… you’re the boss. Katawan mo yan. Isipin mo lang ang pamilya mo. ang misis mo. ang anak mo. Ikaw na ngang bahala…


“Do you not know that your body is a temple of the Holy Spirit, who is in you, whom you have received from God? You are not your own; you were bought at a price. Therefore honor God with your body.”

(1 Corinthians 6:19)

Published in: on 16 January 2008 at 12:00 am  Comments (26)  
Tags: , , , , , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/01/16/bantay-baga-tag/trackback/

RSS feed for comments on this post.

26 CommentsLeave a comment

  1. una ulit si kengkay, yuhooo😀 alam mo itong si kengkoy chain smoker yan magmula pa nung binatilyo sya e yosi na yan…at ang gamit nya, hindi yosi lang kundi sigarilyo, yung mapapayat ba na kulay brown? pero kapag may pumasok daw sa bahay nya dati e nagtataka kasi hindi maamoy na nag yoyosi sya. kasi nga masinop itong si kengkoy sa bahay e. tapos nung nagkakilala kami, nagpramis sya, kahit na hindi ko naman sya sinasabihan; na ititigil nya ang mag yosi. bawat isang yosi daw e katumbas ng isang bar ng tsokolate para kay kengkay. ayun, mga 21 days lang e biglang tigil mag yosi sya. mahal daw kasi yung tsokolate at takot daw sya na baka tumaba daw ako, wahahaha… yun lang. tanong nga ng mga tao dito kung ano daw ginawa ko at biglang tigil sa yosi si kengkoy. wala naman di ba? sa tingin ko kasi sa utak lang ng tao yan e. kung gusto nila, gusto nila, kung ayaw nila. ayaw. si kengkay nung asa kolehiyo, rebel rebel din daw. may mga tambay din kami na dumating sa pasa pasa ng damo na yan… pero hindi ko kinaya yan, pinabayaan kong mag experiment mga barkada ko. ako konting try ng yosi pero wala lang, hindi para sa akin e. pero kung tequila at vodka, ehem, taas ko kamay ko, hehehe

    homebodyhubby: sempre basta para sa mahal,
    walang hindi kayang gawin. 😉

    sabi nga:
    “pag ayaw maraming dahilan, pag gusto maraming paraan.”

    will power din lang yan… paris ni kengkoy mo, abrupt ko
    ring naitigil nuon ang paninigarilyo… wala din akong craving na naramdaman… walang kendi-kendi, basta stop lang.

    yang marihuana naman — nung naranasan kong kumain
    ng “brownies” hindi na ko umulit. hehe… iba pala ang epekto nyan pag in-ingest sa sikmura kaysa sa lungs thru inhalation lang. 😯 …pag sa sikmura kasi antagal ng absorption at elimination process kaya ilang araw akong groge at high
    na high — akala ko nga nung unang gabi ko hindi na ko magigising kinabukasan.

    *(kayong mga kabataan na nakababasa nito, huwag kayo makyuryus sa kwento ko ha? ummm…😕 huwag nyong susubukan!)*

    sa drinks naman, since august last year ako’y talaga nang nadyeta maski sa 2 bottles of redhorse beer lang kada buwan. mukhang talagang hindi na pepede dahil sa vertigo ko,
    kaya eto — pa-juice-ko-juice-ko-po na lang. 😀

    by the way, may tag ka ring ganito a — galing din kay repah. mag-klasmeyt pala tayo sa tag na ito? 😛

  2. uy ako ang pangalawa.. kuya hubby extraordinaryo ka tlaga… akalain mo to the highest level my research studies ka pa, history, at my flashback pa na back in the past, grabe dahil sayo gumanda tong tag kong to ah… actually my picture yan eh.. ieedit ko uli un… imported pa galing tate pero nabili ko lng sa U.K ukay-ukya.. hahahhaa.. kuya habby…dahil dyan bibigyan kita ng isang malaking tsek!(/).. hihihi.. salamat..

    homebodyhubby: hehe… ordinaryong tao lang ako.
    medyo tumatanda na lang kaya maraming kwento, kasi
    miski papano marami nang karanasan. pero kung susuriin mo, sa inyong mga ka-blog ko rin ako nai-inspire para magsulat. tignan mo nga yan — simpleng 5-question tag lang, kung saan-saan na napunta ang kwento ko. 😳
    sabagay related pa naman…🙄

    ahehe… naging titser ka pa gawa ko 😛 …sige, tanggap ko
    tsek mo (akala ko tseke — joke!) …piktyur? 🙄 anukaya yun? sige intay ko.

  3. na tag na q, ni tag mo pa uli aq😀 bk ma tagtag na aq ng hus2 Lols😆

    cge, gagawin q po, mejo bz pa lang at handaming may bday waaaaaa…

    aq, di nag yoyosi, nag ta try nga kaso TH tlga, pinagtatawanan lng nila aq kaya dehins na lang kaya ang resulta, ako mag isa ang tiga singhot sa usok nila, 1:20 isa ako 20 cla huhuhu

    hanggang ngaun di p aq nkaka kita ng maryjane, shabu o kung ano pa man, gus2 q nga i try ang MJ eh just 4 d sake na ma try ko lang.. harmless nmn daw :D( san b meron?😀 )

    ** grabe ang chaga mo tlga mag post hehe ang haba at may mga pekpek este mga pixpix pa😀

    homebodyhubby: hehehe… dapat pala prati ka
    may gas mask sa opis nyo — hanu kaya hitsura mo? 😆
    ang seksi-seksing🙄 tutyal na babae, may takip ang magandang😳 mukha.

    si maryjane pag sumobra harmful den… kwento ko nga
    sa itaas akala ko mamamatay na ako sa brownies dahil sa overdose! …muntik na nga sa papaya pa lang nung bata pa — wala talagang kadala-dala. 😳

    at maski hindi pa overdose… sabi ko rin nga dahil yata sa miski paunti-unti MJ e nagkandabaog-baog ako :mrgreen: anubayan ang salba-salbahe ko talaga… pero yung “shabu” hindi ako interesado — para lang namang tawas yan pangkili-kili! 😆

    yung pa-peks-peks, pang-break din yan sa textual elements (naks!) na sobra kahahaba. 😛

  4. ay ako siguro 6 mos nang hindi nagyoyosi. 3rd time ko na tong mag-quit. pinaka-mahaba yung 3 years (bumalik dahil sa sobrang buwisit na nadama. hehehe)… nagsimula ako nung 3rd yr. HS, papitik-pitik ng istik ng Hope sa tindahan namin kapag naatasang magbantay… pinaka-murang yosi na tinira ko ay Union (saka tres v tabako na binalot sa pinunit na dyaryo..pweh! pero ganun talaga sa area work.)

    homebodyhubby: hanep ka rin pala sumimple p’re hehe… sa tindahan nyo. anu kaya kung may tindahan din kami nuon? siguro hindi naubos GIA allowance ko sa kabibili ng yosi. 😛

    hindi ko yata alam yang ‘tres v tabako’ 🙄 …yung “laybana” inabot ko.

    sa kape, p’re… hanggang ngayon medyo sobra-sobra ako.

  5. uy, na tag din ako ni repah? dun kasi ako parati naliligaw sa inglis blog nya kaya di ko nakita e. teka nga masilip, sa yo pako naki-chismis, ahaha

    homebodyhubby: oo kengks… 9 tayo lahat, magkasunod pa yung pangalan natin. 😛

  6. ang seksi-seksing tutyal na babae, may takip ang magandang mukha. << hanef sa adjectives ah Lols, isa lang korek jan yung maganda Lols😆

    pero di nmn sa ofis yung mga nag yoyosi, puro kmi babae andun.
    yung sa mga barkada ko, naging 2 set cla eh, tig more than 20,
    kya nung magkakasama p kming laht mahigit 40 katao ang nagbubuga sakin pag mamam kami kc aq lng di nag yoyosi..

    homebodyhubby: ganun ba? hehe… ang akala ko
    ang korek lang yung “may gas mask… sa mukha” (joke):mrgreen:

    mas mahirap yung mumamamam nang may gas mask. 😆

  7. Na try ko na yang yosi na yan pero ngayong college lang ako.. uhm. kuya try lang po..😀 Pati yung damo actually, na try ko na din.. Halos pare-pareho lang naman na lumalanghap ng usok.. Isang beses pa binida sakin nun ng tropa ko yung Peel na lasang orange daw.. na nakakaadik daw.. ako naman nag try noon, pero ganun pa rin eh usok lang pa rin ang nalanghap ko at hindi ko nalasahan yung orange na sinasabi niya!

    Kuya, ang galing nung bente pesos.. hehehe.. aliw na aliw talaga ko..😀 sinubukan ko din eh.. heheh Si ninoy kaya? Hehehe…

    homebodyhubby: hmmm… 🙄 …siguradong bago
    lang yang “peel” na yan kasi ngayon ko lang ‘narinig’ sayo.
    ahehe… huwag mo na kaya i-try ule? …magtalagang “orange” ka na lang, o kaya kalamansi juice — gaganda pa kutis mo. sabagay mukhang wala nang igaganda pa ang kutis mo kasi nakita ko sa piktyur mo sa blog mo na talagang maputi ka
    na at kutis-koreana. 😛

    yung sa bente pesos — ako man aliw na aliw dyan nung
    una ko makita eh… mas maganda sana yung kay Aguinaldo, kaya lang hindi ko na mahagilap kung saan ko nailagay yung luma kong 5 pesos… at sempre din kung kay Aguinaldo ang ginamit ko, hindi na related sa Bantay-BAGA post ko. 😛

    sige nga… try mo yung kay Ninoy. 🙄 …pero alam ko hindi na nakakalumbaba si Ninoy sa mga limandaang piso ngayon eh — nakatakip na ang mukha dahil sa mga pinaggagagawa nuon ni Kris. 😳

    baka biglang mapasara itong blog ko a? 😯 …sabagay
    hindi naman ako ang pasimuno ng pagkalat ng joke na yan.
    at saka mabait naman na yata si Kris.

  8. hehe. ngayon ko lang nalaman yung tungkol sa papaya ekstraks na yun ah! ahahaha… ^_^

    homebodyhubby: ahehe… oo kaibigan. 😛 yosi-yosihan lang namin pag wala kaming magawa nung bata pa ako… nauso na pala nung panahon pa ng hapon?

    napansin ko, halos pareho tayo ng avatar a… baka mahilig
    ka sa sunset… dalawang posts ko ang merong mga ganyan.
    o kaya punta ka sa flickr account ko… iwasan mo na lang
    na makatisod ka ng daga duon. 😉

  9. Okay talaga tong blog mo ang dami ko laging natututunan at ang mga words of wisdom panalo!

    “You have the RIGHT to smoke. OTHERS have rights TOO, and they don’t want to smoke.” -wagi!

    Parang gusto ko tuloy magpost about sa yosi, hehe… Na-tag din pala ako ni Repah, di ko pa nagawa nyay!

    homebodyhubby: ganun ba? 😳 words of wisdom…😳
    hindi naman siguro masyado… (pa-humble pa e’no?) hehe… sign lang yan ng medyo nagkakaidad na… thanks anyway!
    i want to bring back all the glory to God. 😉

    oo nga, nakita ko yung name mo sa post ni repah —
    isa ka sa 8 klasmeyts ko sa tag na ito hehe…

    bakit nga pala misyel, na-try mo rin bang magyosi?
    sabagay wala naman yatang nag-tinedyer na hindi
    nakaranas tumikim ng maski isang stick ng sigarilyo. 🙂
    ewan ko lang yung misis ko🙄 — manang yun eh, hehe… tanong ko sya pag-uwi sa sabado.

    pero ang tatay ko mas grabe ang sinabi sa akin nuon:

    “wala namang nag-college na hindi nakaranas gumamit
    ng damo.” 😯

    antindi! …pano nya kaya nasabi ito e ang higpit ko na ngang ipinagkatagu-tago? 😳 hehe. mas wais sa akin ang tatay ko. 😛

  10. Ang “Think, don’t smoke” tag ni Yeye —

    […] un lang. na tag ako ni klasmeyt hamster […]

  11. aun ha salamat sa tag!

    di ako nagyoyosi. bilang isang estudent nars, kelangan maging modelo. alangan naman nagtuturo kami sa pasyente na wag magyosi tas kami eh gumagawa nun..?? mali diba? hehehe tska mabaho sa kamay at baka magkaemphysema pa ako hehehehe.

    i tried once…tikim lang. aun. amats. nagustuhan ko hahahaha. sabi ko pa nga “patay baka maadik ako” buti na lang at meron ako nung tinatawag na self control. hehehehehehe

    aun,

    homebodyhubby: haun! — sabi ko na e… kaya pala
    parang bumaba ang bentahan ng yosi sa mga estudyante,
    kasi dumami ang kumukuha ng nursing…🙄
    hehehe, saka nakakadilaw din yang paninigarilyo ng
    kuko at ngipin — pati siguro baga, hindi ko lang makita…
    pero sure daw na nakaka-polka-dot yan ng lungs.

    “self control” …ilang panahong kong hinanap sa unibersidad yan, kumbakit nakita ko lang nung gerprenen ko na si misis… yung sa kape kaya, paano ko kokontrolin? isip-isep…🙄
    sa blogging? 🙄 hmmm… hindi pa naman adek. 😆

    thank you din, klasmeyt, sa pagsagot ng tag… 🙂

  12. yung “tres v” ay isang bloke ng mumurahing tabako na korteng rektangulo (malaki ng konti sa kahon ng posporo). kukurot ka ng onti at dudurugin para ibilot sa papel. ansama ng lasa pero napakamura naman🙂

    homebodyhubby: talaga? …ngayon ko lang ‘narinig’ yan. …12 years kong nakatrabaho sa dati kong pinapasukan ang maraming taga-Batac Ilocos, wala yatang nakapagbida sa akin nyan — dito pa sa blog at sayo ko pa nalaman.🙂
    hehe… mahirap din palang puro bigas lang ang pinag-uusapan. 😛

  13. may naalala lang ako. 🙄

    yun bang pinausong sigarilyo nuon ni Joey de Leon sa
    “Wow, mali!” ? — yung BORNEBOL? 😆

    wala lang… pang-TRESE kasing kumento ito, saluhin ko lang ang lahat ng malas nyo — para hindi kayo malasin sa buong taong ito. (joke)

  14. uy kuya hubby yung piktyur eh piktyur lng ng damit yun ng pinagkuhanan ko ng tag kso di pa ako dumadalaw sa bahay ko… pag dumalaw na lng ako…

    homebodyhubby: a, okey… huwag mo lang iwan hindi nakakandado — baka masungkit yung nakasampay na damit. (jokes) 😉

  15. hehe. yeys. SUNSETS are HAWT. ahahaha.

    homebodyhubby: salamat aKDa…🙂
    sa bintana ko lang sinilip ang mga iyan…

  16. Ang “Yosi-Balasi” ni ‘minyang’ 😆 —

    […] … ayan la na q utang sau repah at HBH […]

  17. I admit I smoke but I hate those smokers na walang ethics. Lalong-lalo na yung mga smokers sa public transport.
    Alam ng mommy ko na i smoke but di ko na lang pinapakita, lalong-lalo na sa mga bata.

    Tito Arleen😎: Hehehe… nung nabasa ko ang unang linya mo, yun sana ang itatanong ko —

    “Alam ba ito ni nanay mo?” 😆

    kaso nakita ko yung last sentence mo.

    No problem, nasa hustong edad ka naman na at may sarili
    nang trabaho… Palagay ko wala namang kaso kung makita man ni nanay mo, baka lang mag-alala — kaparis ng lola mo sa akin nuon, alalang-alala sya baka magkasakit ako — at matulad kay Daddy (lolo mo)…
    (3-5 years old ka pa lang nuon, ewan ko kung naalala mo pa)
    Kaya mahal na mahal ng lola mo si Tita mo e —
    napatigil ako sa paninigarilyo. :mrgreen:

    Sa mga kapatid mo, wala naman akong nakikitang masama kung makita man nila… Ewan ko lang sayo — maybe dahil iniiwasan mong matuto din silang manigarilyo paris mo?
    Sa kaso ko, wala naman sa mga tito mo ang gumaya.
    Sabagay maski ako ang panganay na lalaki, mas malalaki
    pa sila sa akin! 😆

    Yung mga smokers sa public transport, marami
    kasing hindi lang conscious o aware na nakakaperwisyo sila,
    kaya hindi naman masamang pagsabihan… Kaya lang minsan nakakailang din sabihan kung malaking mama? 😯 Pero maski na, kung marami kayong magsasabi o magpaparamdam, mapapahiya rin yun.

    Ang ginagawa ko ganito e — titingin ako sa sigarilyo nya,
    tapos tititigan ko sya sa mata… (iniiwasan kong magsalita
    baka mapahiya) Suportado yun ng mga co-passengers na nagtatakipan ng ilong… Ang gagawin nung mama, hihitit ng huling hirit nya, tapos itatapon na sa bintana yung yosi nya maski ang haba-haba pa.

    Hehehe… huwag mo lang basta susubukan ito, p’re ha?
    baka mapaaway ka… tantyahin* mo din.

    *yung sitwasyon, huwag yung as in “tantyahin” yung mama! 😆

  18. asar din ako sa mga nagyoyosi na walang paki sa paligid nya..minsan parang nagyosi na rin ako dahil kumakapit sa damit yun. ayos ang mga banat mo pards…pwedeng ipaskil sa mga buildings at mga kainan ang 7 paalala mo.

    homebodyhubby: salamat sa good gesture mo gasti! 😀
    i really appreciate it. (nabasa mo siguro e-mail ko sayo)

    medyo malungkot lang ako hanggang ngayon at iniisip ko kung dapat ko nang tukuyin ang dapat tukuyin… LAST NA SANA talaga ang pagbanggit ko tungkol sa “isyung” yun sa post kong ito e (see my reply to your comment):

    “Triple-tripleng BENTE”

    plano kong magpost ng paglilinaw — pagtukoy dun sa isa,
    at paumanhin naman dun sa isa pa, one week from now… pakiramdam ko kasi, KASUBUAN na… unintentionally nasasaktan ko pala ang iba. 😦

    tungkol dun sa pagyoyosi — hehe… oo nga pare, hindi ko naisip agad yan — yung dumidikit ang amoy ng usok sa damit! …para ka na ring nanigarilyo. 😛

    yung paalala, isa-isa ko lang naisip yan habang sinusulat ito (maski nga ang post na ito, hindi ko sana maiisip, kung hindi ako ni-TAG ni repah *salamat uli repah*) — marami pa sigurong pwede i-dagdag dyan. 🙂

  19. ang haba na ng post ang haba pa din ng reply mo sa koments, ano p kya mahaba sayo? Lols😆

    >>“wala namang nag-college na hindi nakaranas gumamit
    ng damo.” <<< oist, sabihin mo sa tatay mo dehins tutut yan ha, di p nga ako nakakakita nun ng personal eh

    san b meron? LOls😆 (ayaw ko ng maging virgin!! .. sa drugs😆 ) nyhahaha

    homebodyhubby: anong ibang mahaba? 🙄 eto — T… T…
    Tiyaga! :mrgreen: …bukod dyan huwag mo nang alamin yung isa pa — wala din namang laman yung kambal na “assistant” e 😯
    — hindi makabuo? :mrgreen:

    tsk tsk tsk… ikaw talaga, ‘minyang’ … 😳

    ang isa pang gusto kong pahabain ay ang pasensya ko…
    hamo sa January 25, sisimulan ko.

    hehehe… paano ko sasabihin sa tatay ko?
    sige, pagpanhik ko sa heaven. 😆

    maalala ko, meron akong hindi naikwento dyan sa itaas — dahil mahal ang damo, pag nakakabili ako ng pilip moris menthol na may filter, sa ilong ko pinadadaan. anlamig e. 😆 mag-pilip-moris mentol ka na lang. 🙄 …o kaya “halls” o “snowbear” o “storck” 😆 …yan lang ang kaya kong ituro
    sa yo para hindi ka na maging virgin!! .. sa drugs :mrgreen:

    trivia: huwag subukan — halls na hinalo sa 7-up.

    eto pa: mentos na hinalo sa coke… huwag subukan 😯
    (di ko sure, pero baka ma-teggy kayo!)

  20. pinang hihithit mo yung ilong mo? :O

    at kumakain naman ako ng mentos habang nainom ng coke ah, sama b yun? :-s

    homebodyhubby: uu…😳

    hehehe, yung mentos baka nga rumor lang yun… kaya nga sabi ko sayo di ko sure e, hindi ko pa nae-experiment.

    nakita ko lang sa e-mails ni misis, may na-teggy na latinong (?) bata nung kumain marami mentos tapos inom coke.
    tapos may naka-attached picture sequence dun sa e-mail — nilagyan marami mentos yung isang boteng may lamang coke, maya-maya lang bumulwak yun coke… hamo halungkatin ko e-mails ni misis, tapos forward ko sayo pag nakita ko.
    dumating na nga pala misis ko kagabi. 😳 :mrgreen:

    hehehe… ‘minyang’ pang-ilan balik mo na to a? inip ka na sa next post ko no? 😆 …miss you too. 😳

    :O… :-s 🙄 anu kaya mga ito?

    ‘mine’ thanks nga pala dun sa comment mo sa itaas bago ito… ‘ginising’ ako ng tanong mo tungkol dun sa “mahaba” …mas lalo ako nakapag-isip-isip pagkatapos kong sagutin ang tanong na yun (*ang isa pang gusto kong pahabain ay ang pasensya ko…*), may ipinaalala ang Diyos sa akin.
    talagang hulog ka ng langit sa akin. 🙂

  21. hehe. ‘to ngang sakin, ninakaw ko lang. hahaha.

    homebodyhubby: ang alin aKDa? yung yosi siguro… hehehe, mukhang may tindahan rin kayo. or sa tatay mo siguro. 😛

    on second thought, yung avatar na sunset pala? ngyek! 😛 ahahaha!

  22. wala lang… gusto ko lang ulit tabihan itong avatar ni aKDa. 😛

    atsaka natutuwa lang ako dito (tignan nyo baka lang hindi nyo pa nakita) : 🙂

    German ingenuity

    p’reng taroogs, hiniram ko to a? 🙂

  23. talagang hulog ka ng langit sa akin <<< naku kaw p lng nagsabi saken nyan, kadalasan ang sinasabi eh hagis daw ako ng impyerno eh Lols😆

    :O = shock (sa ym)
    :-s = worried (sa ym)

    tagal mo kc mag post eh, sabagay sulit nmn sa haba b nmn eh😛

    homebodyhubby: wahehe. e “fallen angel” ka nga, di ba? :mrgreen: …sarap mo talaga kausap, ‘minyang’ ! 😉

    yung emoticons…😯 …hamo na (hehe)… baka iba na naman itsura sa “dirty smileys” niyan? 😳 buti na lang miski isa, wala pa ako nakikita. (pabulong) hanu kayang hitsura? 🙄

    mamayang hatinggabi may post ako ule… awoooooooo!!!

  24. pards ngyon ko lang nabasa yung e-mail mo sakin..wedenesday pa pala yung date nun..hehe! check mo na lang yung reply ko.

    sarap naman ng kwentuhan nyo ni ms korean..haha!

    homebodyhubby: okey na pards, nabasa ko na…
    may e-mail uli ako sayo. 😉
    gets ko na rin yung sinasabi mong isang admirer ng shots ko. bakit naman ganun ang screen name nya? hehe, okey secret!

    yang si ‘mine’ … oo, hindi ko nga alam kung paano ko pasu- sukuin sa lambingang-alaskahan ang kaibigan kong yan e.
    (hi, ‘minyang’ ! 😳 )

    by the way, alam mo bang taga-Rizal din ang in-laws ko? malapit-lapit lang sa inyo. 😀

  25. Ang “Itagtag mo” tag ni Eloiski –

    […] Harharhar! Iyan ninOng aH! AhihihihI! […]

  26. […] Buwan din ng Enero (panahon ng tag-ubo?) last year nung magpaskel ako ng isang entry Tungkol sa BAGA
    Pero hindi tuberculosis ang topic ko ngayon. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: