“RELASYON” …the second time around!

( Bible Week series #1 )

Medyo MASELAN po ang topic ko ngayon. Sa ibang readers ko, medyo naging paulit-ulit na ito. Pwede nyong lagpasan ito kung ibig nyo. (Basahin nyo na, hindi ko rin naman malalaman! 😛 )

Pero kung talagang ayaw nyo, sana pagtiyagaan nyo man lang panuorin ang VIDEOng ito (hiram ko lang). Pakinggan nyo. Yung mga bata-bata pa sa inyo, baka hindi pa ito alam. One of the most beautiful songs ever created!

TAO rin akong paris nyo… I am a dreamer too. Akala nyo ba kayo lang? 😦 AKO MAN NANGANGARAP DIN NG GANITO —

Kita nyo yung FOG? Nai-IMAGINE ko, sa ganyang klaseng lugar ko din ibabahay ang MAHAL ko. Nabasa nyo naman na yung mga plano ko sa mga past posts ko… (hehe… pero hindi naman siguro ganyan kalaking mansyon. 😆 …nanghihinayang lang ako, napaiksi ang pagsasamang ito… kasi naBARIL si idol? 😦 )

ANG TALAGANG PAKSA NG POST NA ITO

Mula ika-21 hanggang ika-27 ng Enero ng taong ito, ipagdiriwang ng bansa ang tinaguriang National Bible Week. National ito ha? Pambansa! Sa lahat ng “Kristyano” — hindi para sa mga tulad kong “bible christian” lang. Check this out guys, may mga pang-Catholic at Protestant activities din sila. Basta pramis nyo MAGBASA din kayo ng Bible NYO ha? 😉

Maski sa tingin ko’y may pagka-ecumenical ang unang basis ng pagkakatatag ng Pambansang Linggo ng Bibliya, kung gusto nyong malaman kung papaanong nagsimula ang okasyong ito, i-click nyo lang ang mga sumusunod na pulang titik sa ibaba.

Philippine Bible Society — Celebrate National Bible Week

Ituloy ang pagbasa… ▼ (CLICK)