“RELASYON” …the second time around!

( Bible Week series #1 )

Medyo MASELAN po ang topic ko ngayon. Sa ibang readers ko, medyo naging paulit-ulit na ito. Pwede nyong lagpasan ito kung ibig nyo. (Basahin nyo na, hindi ko rin naman malalaman!😛 )

Pero kung talagang ayaw nyo, sana pagtiyagaan nyo man lang panuorin ang VIDEOng ito (hiram ko lang). Pakinggan nyo. Yung mga bata-bata pa sa inyo, baka hindi pa ito alam. One of the most beautiful songs ever created!

TAO rin akong paris nyo… I am a dreamer too. Akala nyo ba kayo lang?😦 AKO MAN NANGANGARAP DIN NG GANITO —

Kita nyo yung FOG? Nai-IMAGINE ko, sa ganyang klaseng lugar ko din ibabahay ang MAHAL ko. Nabasa nyo naman na yung mga plano ko sa mga past posts ko… (hehe… pero hindi naman siguro ganyan kalaking mansyon.😆 …nanghihinayang lang ako, napaiksi ang pagsasamang ito… kasi naBARIL si idol?😦 )

ANG TALAGANG PAKSA NG POST NA ITO

Mula ika-21 hanggang ika-27 ng Enero ng taong ito, ipagdiriwang ng bansa ang tinaguriang National Bible Week. National ito ha? Pambansa! Sa lahat ng “Kristyano” — hindi para sa mga tulad kong “bible christian” lang. Check this out guys, may mga pang-Catholic at Protestant activities din sila. Basta pramis nyo MAGBASA din kayo ng Bible NYO ha?😉

Maski sa tingin ko’y may pagka-ecumenical ang unang basis ng pagkakatatag ng Pambansang Linggo ng Bibliya, kung gusto nyong malaman kung papaanong nagsimula ang okasyong ito, i-click nyo lang ang mga sumusunod na pulang titik sa ibaba.

Philippine Bible Society — Celebrate National Bible Week

Ang BIBLE ang tangi at ultimong batayan ng mga doktrina ng kristyanismo. Hindi ang kung anu-anong turo na inimbento lang ng maski sino pang tao. Kung naniniwala ka sa ibang katuruan na SALUNGAT sa sinasabi ng Bible, ibig sabihin part Christian ka lang.

Eto ang isang passage mula sa Bible na mismong si Christ ang nagsabi (maski sa Bible ng religion nyo pa nyo tignan) — himayin mo ang BAWAT salita:

I am the way and the truth and the life. No one comes to the Father except through me.” (John 14:6)

Napakalinaw na niyan… at napakarami na ring ginawang ilustrasyon para mas madaling intindihin iyan. Narito lang ang ilan:

Kung may iba ka pang “padrino” bukod sa kanya, that means hindi ka naniniwala dito sa sinabi nya? Nasasayo yun… basta huwag mo nang sabihin na “full-christian” ka.

Hindi ang pagiging perpekto bilang tao ang pinag-uusapan dito, malilihis lang ang usapan. Ang pinaniniwalaan ang tinutukoy ko.

Kung itinuturing mong kristyano ka, marapat lamang siguro na alam mo ang doktrina ng pananampalataya mo. Huwag kang basta maniniwala lang sa sinasabi KO — o sa pari, pastor, o ministro ng simbahan mo — maski gaano pa sya KAGALING mag-eksplika sa tingin mo. I-check mo ang Bible mo. Ibinigay ng Diyos ang Bible para mabasa ng BAWAT tao. Huwag kang maniniwalang may piling sugo, propeta, apostol, ebanghelista, governing body, o lider lang na “gifted” para basahin, unawain at ipaliwanag ito — kalokohan yan.

“E paano yung mga hindi marunong magbasa?” eka mo siguro.

Hayaan mo na sila. Sa kaso nila, talagang dapat may magbasa at mag-eksplika.

E ikaw? Marunong kang magbasa, di ba? Huwag ka nang magturo ng iba. Lulusot ka pa e…😳 Pasalamat ka nga dahil mas malayo kang mailigaw ng iba. See it for yourself, marunong ka namang magbasa.

Maraming “prophecies” o hula ang Bible na natupad na. Eto ang ilang “trivia” — baka sakaling ma-curious ka.

ILANG “TRIVIA” PROPHECIES MULA SA BIBLIYA

“The wind blows to the south and turns to the north; round and round it goes, ever returning on its course.” (Ecclesiastes 1:6)

Ang mga hanging amihan at habagat ay nadiskubre lang ng modernong meteorolohiya, pero naisulat na ito ni Solomon (under divine inspiration) ilang libong taon na ang nakaraan.

“…as countless as the stars of the sky and as measureless as the sand on the seashore.” (Jeremiah 33:22)

Bago pa maimbento ang naglalakihang teleskopyo, naniniwala ang mga astronomo na ang mga bituin ay pwedeng mabilang; pero alam ni Jeremiah nuon pa na hindi pwedeng bilangin ito.

“Do you send the lightning bolts on their way? Do they report to you, ‘Here we are?’” (Job 38:35)

Hula kaya ito sa pagkakadiskubre ng “radio waves” at sa pagkakaimbento ng radyo? Huwag na tayong lumayo — yang cell phones at text messages ninyo?

“He spreads out the northern skies over empty space; he suspends the earth over nothing…” (Job 26:7)

“He sits enthroned above the circle of the earth…” (Isaiah 40:22)

Ilang libong panahon bago madiskubre ng tao na bilog ang mundo, alam na ng mga manunulat na Bibliya na “ang mundo ay bilog at ‘nakasabit’ sa kawalan.”

Sa mga sinaunang griyego, ang mundo ay pasan sa balikat ni Atlas. Sa mga sinaunang hindus na itinuturing nuong pantas, ang mundo ay pasan-pasan ng apat na elepante. Nitong mga nagdaang siglo, ang mundo ay PATAG (flat) sa paniwala ng mga siyentipiko. Balikan nyo yung istorya ni Magellan bago sya tsinugi ng kawal ni Lapu-lapu.

Trivia lang yan… Ang mga mas lalong higit ay ang mga hulang naganap tungkol kay Kristo.

WHAT’S THIS BOOK HAS IN STORE FOR YOU

Hindi naman puro “Hallelujah” o “Praise the Lord” o “Amen” lang ang mababasa nyo dito. Sa Psalms maraming mababasang ganyan. Kung ako tatanungin nyo, mahalagang basahin nyo yan.

Pero kung nakokornihan kayo dyan, may mga praktikal ding bagay na pwede nyong i-apply sa buhay nyo. Subukan nyong basahin ang Proverbs — o ang “Kawikaan” sa tagalog. Sa Proverbs nyo masusumpungan ang tinatawag na “vertical wisdom for horizontal living.” Vertical — kasi galing sa Panginoon, horizontal — kasi tungkol sa pakikipag-relate nyo sa kapwa-tao.🙄 O…!:mrgreen: O…!😆 Huwag mag-isip ng bastos!😳

“The fear of the Lord is the beginning of knowledge, but fools despise wisdom and discipline.” (Proverbs 1:7)

Kung gusto mo namang basahin ang PLANO ng Dyos sa buhay nyo, mas lalong mabuti. Sa totoo lang, yan ang pinakamahalagang rason kung bakit mayroong Bible. Magsimula ka sa gospel of “John” o “Juan”. Parati kang manalangin at hingin ang gabay ng Author nito (Holy Spirit) para maintindihan mo. Ingat lang… baka ibang ispirito ang kumausap sayo, baka maligaw ka e magtayo ka na rin ng sariling kulto mo.

Magbasa ka ng mga Bible study guides. Marami ring mabibili sa mga Bible bookstores. At huwag kang mahihiyang magtanong-tanong sa mga bible- believers. Sa mga born-again. Siguraduhin mo lang na talagang bible-believer sya. Baka sabi-sabi lang syang born-again sya, “burn-again” pala 😆 kaya nga sabi ko check mo rin sa Bible yung sinasabi nya.

BEWARE — KWIDAW — MAG-INGAT!

Mag-ingat lang kayo sa mga KULTO. Ito ang ilang batayan:

Tignan nyo kung talagang nasa Bible ang sinasabi nila. Tignan nyo rin baka mali ang pagpapaliwanag nila sa Bible — kaya nga sabi ko, magbasa din kayo. Sa Acts 17:11, makikita na ito ang ginagawa ng mga taga-Berea:

“Now the Bereans were of more noble character than the Thessalonians, for they received the message with great eagerness and examined the Scriptures every day to see if what Paul said was true.”

So, nakikinig sila — hindi SARADO agad ang tenga. Pero hindi din naman sila tanggap nang tanggap lang, dahil tsine-check nila sa Bible kung tutuo nga ang sinasabi ni Pablo.

At mas lalong tiyakin nyo na hindi tailor-made to their religion o sariling “bible” translation ng kulto nila ang batayan nila.

Marami na kasing gumawa niyan. Yung iba may idinagdag na mga napakagagandang babasahin which they regard as “special revelations” that is equally important with the Bible. Yung iba mas masahol pa — paris nung binanggit ko sa itaas, gumawa sila ng sariling translation nila ng bibliya para maiangkop ito sa doktrinang pinaniniwalaan nila.

Dapat susunod ang paniwala sa Biblehindi ang Bible, sa paniwala.

Ganun naman talaga e. Pag mahalaga ang isang bagay, hindi mawawalan ng mga “forgeries” o palsipikado. Isipin nyo: kaya me mga huwad ang isang bagay kasi mahalaga. Me peke bang coins na bente-singko o piso?😆 Ngayon siguro meron na — dahil sa hirap ng buhay.:mrgreen: Pero mas pinepeke pa rin ang limandaan o sanlibo, di ba?

So, sa “kristyanismo”, maraming huwad. Isang palatandaan ng kulto ay yung pagtataas nila ng founder nila nang pantay or higit pa kay Kristo. Kaya ang malimit na tanong nila sa religion mo, “Sinong founder nyo?”

Ang bible ganun din — maraming forgeries kasi importante. Ilan libong taon na ang mga unang sipi nito. Hindi ba kayo nagtataka kung bakit hanggang ngayon nililimbag pa? At sa iba’t-ibang lengguwahe pa.

Magtanong-tanong kayo sa mga bible-believers — sa mga born-again. Sabi ko sa inyo hindi religion ang born-again e. Adjective lang yan. Status ito ng isang believer kay Christ. Eto pa ang isa na si Christ mismo ang nagsabi. Ikumpara nyo yan sa isa pang sinabi nya kanina dun sa itaas.

I tell you the truth, no one can see the kingdom of God unless he is born again (or born from above).” (John 3:3)

Yung mga naririnig nyong Baptist, Pentecostal, Evangelical, Full-gospel, Fellowship, etc., mga identification lang yan ng local churches o tipunan na kinabibilangan nila. Pero mga bible-believing christians din ang mga yan… eksampol, parang ikaw — identified as Pinoy. Yung iba intsik, hapon, kano, aprikano, atbp. — pero pare-parehong tao.

Eto pa, may bigla ako naisip sa sinabi ni misis — AP Histallin, Biogesic, Decolgen, Medicol, Tempra, etc. — pare-parehong Paracetamol.

RELIHIYON? KAILANGAN BA TALAGA ITO?

Tutal nabanggit ko na rin lang yang religion, ibida ko na rin ito ng konti:

Napanuod nyo ba yung video sa itaas? Isa yan sa mga favorite kung kanta (at idelohiya) nung istudyante ako. Saulado ko yan nuon at kaya kong kantahin habang naggigitara.

“…and no religion too.”

Ayaw ko ng relihiyon — ito ang ugat ng maraming giyera.😦

Nagsimula naman ang mundo — ang tao — nang WALANG RELIGION e. RELASYON meron — ang magandang relasyon or fellowship ng tao sa Panginoon.

Pero anong nangyari?

Tinukso ng demonyo si Eba, nagpatukso naman si Eba. Idinamay ni Eba si Adan, nagpadamay naman si Adan.

Nung inuusisa na, itinuro ni Adan si Eba — may halong paninisi pa itong si First Gentleman kay God —

“Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay nyo sa akin…” (Gen 3:12)

Tapos, itinuro naman ni Eba ang ahas o demonyo…

“Mangyari po’y nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain.”
(Gen 3:12)

Hehehe, kawawang demonyo, wala nang maituro.👿 Ganun naman talaga pag promotor ka ng gulo. Lalo ka lang madidiin kung iiwas-pusoy ka pa.

Sa madaling kwento, naputol ang magandang relasyon ng tao sa Diyos. BROKEN RELATIONSHIP.

At simula nuon unti-unti nang nagsisulputan ang kung anu-anong RELIHIYON sa pagpupumilit ng tao na manumbalik ang kanyang nawalang fellowship sa Diyos.

Ang tanong: kailangan ba talaga ang relihiyon? Bakit kelangang gumawa ng sariling paraan (relihiyon) ang tao pabalik sa Diyos? Eto na nga — hindi ba’t ang Diyos na mismo ang gumawa ng paraan para ibalik ang nawalang relasyon ng tao sa Diyos?

Iyan ang mensahe ng Bibliya! At ang mensaheng iyan ay si Kristo nga.

Sinabi ng Diyos sa ahas —

“Kayo ng babae’y laging mag-aaway,
Binhi mo’t binhi nya’y laging maglalaban.
Ito ang dudurog ng ulo mong iyan,
At ang sakong niya’y ikaw ang tutuklaw.”
(Genesis 3:15)

So nandun yung promise. And John 3:16 is the realization of that promise.

So — ALL (I don’t say OTHER — I say ALL) religions — including what many people regard as “Christianity” — are VAIN EFFORTS of men trying to find God, while CHRIST (the message of the Bible) is God’s ONLY WAY of showing Himself to men.

“There is a way that seems right to a man, but in the end it leads to death.” (Proverbs 14:12)

“We all, like sheep, have gone astray, each of us has turned to his own way; and the Lord has laid on him the iniquity of us all.” (Proverbs 53:6)

Hindi na kailan ang “padri-padrino” o kung anu-anung “traba-trabaho” para makamit ang kaligtasan mo o maski anupang hinihingi mo. Dumiretso ka na kay Kristo.

Lahat naman ng founders ng mga religions na yan (maski yung mga banal na santo pa) ay nangamatay nang lahat. Si Kristo pa lang ang namatay na nabuhay muli at buhay magpa-hanggang sa ngayon. At buhay si Kristo MAGPAKAILANMAN. At isasama Nya ang bawat taong tumanggap sa Kanya, sa Buhay na Walang-hanggan.😀 yebaaa!!!

Bakit magpapakahirap ka pa? Inilapit na nga ang sagot e, bakit naghahanap ka pa? Si Kristo lang ang sagot. That is why I am always saying that being born-again is not a religion — it is a RESTORED relationship.

Bumili kayo ng Bible. Nakakabili kayo ng nagmamahalang pocket books at magazines linggo-linggo e. Ito, minsanang bilihan lang. Magbasa kayo.

If you think you don’t need the Bible’s message — which is ‘nothing but’ God’s message, it’s up to you. Just leave it… Unopened, unread. May God open your hearts.

This is my faith and I am just sharing it. Hindi ko naman kailangang maging napaka-eksperto sa isang bagay para ibahagi ang maski konting personal experience ko. Saka tutal, BIBLE WEEK NAMAN NGAYON.

If you think this post is not for you, fine… I assume you already knew what I have just said. God bless you.😉

UULITIN KO (para naman dun sa iba):

Hindi kita pinaaalis sa relihiyon mo. At hindi rin kita hinihikayat maski sa anumang bagong relihiyon. Kaya huwag kang masyadong DEFENSIVE. Ayaw ko rin namang basta ka na lang aalis dyan nang HINDI MO NAIINTINDIHAN ang sinasabi ko. Ikaw ang magde-decide nun — PAGKATAPOS mong basahin ang BIBLE.

Ito lang naman ang hamon ko: BASAHIN MO ANG BIBLE. At alam ko namang hindi ka duwag para tanggihan ang hamong ito, maski tiyak kong wala kang pagkatalo pag binasa mo ito.

And please let me leave a gesture which is very popular among the “pehips” generation of my idol dun sa video — PEACE MAN, PEACE!😉

————————————————————————————————

The fear of the Lord is the beginning of knowledge, but fools despise wisdom and discipline.” (Proverbs 1:7)

Thy word is a lamp unto my feet, and a light unto my path.
(Psalm 119:105)

————————————————————————————————

Eto pa isang video, inihabol ko lang — kapapasa lang ni kengkay (see first comment below). Ili-link ko ito uli sa next post ko. Gusto ko sana i-embed, kaya lang hindi ko mawari kung papaano?🙄 Less than 4 minutes lang ito, panuorin nyo.

AUTISM awareness campaign video

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/01/21/%e2%80%9crelasyon%e2%80%9d-%e2%80%a6the-second-time-around/trackback/

RSS feed for comments on this post.

21 CommentsLeave a comment

  1. daan lang ako ng mabilis kasi baka gusto mo ako at silang tulungan
    http://kengkay.wordpress.com/2008/01/20/tungkol-sa-autism/

    balikan ulit kita para basahin yung buong post mo bukas, sleeping beauty muna ako. basta ang alam ko, nagbabasa rin ako ng bible yun nga lang matagal na akong naghahanap ng english version dito; baka sa pinas na ako bumili kasi yung dati kong bible iniwan ko sa kaibigan ko sa bangkok e.

    homebodyhubby: ay bakit, tita? wala bang mabilhang english bibles dyan? sa PBS stores marami silang iba’t-ibang bibles — pang-catholic, protestants, or evangelicals. baka nga may discount, sana abutan mo pa. 🙂

    yung bible mong iniwan sa friend mo, okey lang yun —
    para ka na ring nag-share ng gospel😉

    hehe… bwenamano ka na naman kengks a? kasi maaga pa dyan pag 12 midnight dito — hatinggabi kasi ako magpost. awoooouuuu…!!!😛

    hamo…😦 i-link ko din yang autism campaign na yan.
    wala kayang para din sa mga batang-Pinoy na ganyan?

  2. kuya hubby, akala ko di ako mkarelate dito pero nung habang hinihimay himay ko sa pagbabasa.. ang daming pumasok sa aking katanungan. ung isa lng tlga ang hindi ko mhanap ng sagot.. anu ba talaga ang plano kko sa buhay.. serious ako naun… medyo kc naguguluhan ako sa pagdecide sa sarili ko hanggang ngayon parang wala pa ring akong patutunguhan parang im confused pa rin at this time.. kung anu tlaga gagawin .haiisst salamat sa blog.. cge kuya hubby nag-uumpisa na nga ako mgbasa ng bible kc di ko na tlga nagagawa.. un.. salamat.. ha.. ang seryoso ko ah.. di ata bagay sa kin.. hehehe

    homebodyhubby: hmm…🙄 ganun ba?
    masyado mahaba sana yung sagot ko sa’yo e, kaya ise-send ko na lang thru e-mail yung iba. eto muna iwan ko dito:

    “For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.” (Jeremiah 29:11)

    may sequel pa ang post na ito, kaya lang sa Jan 25 ko pa ipo- post para medyo “mababad” nang matagal itong post na ito.

    subukan mo ring makinig sa 702 Radyo DZAS – malakas ang signal nito dyan sa inyo sa Bulakan(?) …check mo yung mga programs nila.
    eto isang magandang program (sermon):

    Day by Day (Pastor Ed Lapiz)
    Sundays – 12:00-12:30 pm, 9:00-9:30 pm
    Mondays thru Fridays – 6:15 – 6:45 pm
    Saturdays – 8:00-8:30 pm

    pwede ka rin makinig dyan sa PC mo. CLICK mo lang ito:

    702 DZAS

    pag nandun ka na, click mo lang yung “Listen Live to 702 DZAS.”

  3. kuya hubby, grabe! sobrang lalim ng post mo, may bible verses pa. ^^ hay… tinamaan ako sa line na ito.

    Bumili kayo ng Bible. Nakakabili kayo ng nagmamahalang pocket books at magazines linggo-linggo e. Ito, minsanang bilihan lang. Magbasa kayo.

    meron akong bible sa bahay at dont worry, nagbabasa naman po ako ng Bible. lalo na merong nag gu guide sa akin kung ano ang dapat kong unawain at hindi dapat unawain. ^^

    homebodyhubby: 😛 ganyan talaga mga posts ko
    eversince nung nagsisimula pa lang akong mag-blog —
    i mean, hindi yung “malalim” , kundi yung “may bible verses” (to God be the glory!)

    by the way, sabi mo:

    “meron akong bible sa bahay at dont worry, nagbabasa naman po ako ng Bible.”

    that means, hindi ka na kailangang bumili…
    at nagbabasa ka na rin…🙄

    hindi ko ma-gets kung paano ka pa nitamaan. wala naman akong nakikitang masama sa pagbili “ng nagmamahalang pocket books at magazines linggo-linggo.” so no problem! 😛
    ikaw talaga p’re o. 😉

  4. supraaaaaaaaaayss…

    di ko pa po nababasa, may meeting kasi ako to attend(worship sa campus actually) babalikan ko po next time..ü

    teka, ang masobrang ganda ng buwan kagabi, isa ka nga po sa naisip kong pagsabihan kaso hindi naman ako online… meron po kasing rainbow(look-alike) sa paligid ng liwanag nito(fullmoon po diba kaya masyadong maliwanag)ayun, ayos sa pagkakaunawa ko dahil sa isang content ng ulap kaya ganun yun nging epekto… maganda talaga, binulabog ko pa nga yung buhay nung mga madre sa dorm para masaksihan nila.. hehe,

    nitry kong kunan gamit ang uber-ow-may-gas hightech(nung 1950) na cameraphone ko, ang pangit tignan…asar! try nyo nalang pong abang-abangan… sana makunan niyo yung moon sa ganung porma..ü nakakaaliwtalaga… para akong bu-ang sa saya, lunatic…tamang terma.. haha…

    sige po.. Gb..ü

    homebodyhubby: hello koo! musta na you? 😉
    😛 baka hindi ko rin makita yung nakita mo kagabi kasi malamang magkaiba ang atmospheric haze dyan sa inyo at dito sa amin sa Central Luzon. pero na-touch naman ako at naisip mo si ako… lumabas din kami ni misis kagabi, tumingala sa langit kasi may fireworks display dito sa amin. 😀

    palagay ko yung phenomenon na yun, sa ulap nga yun… may isa pang klase, nakita ko nuon — malaking circle na rainbow, nasa gitna ang full moon. water vapor sa atmosphere ang cause nito.

    talagang medyo mahirap syutan yan kasi dapat naka-manual exposure ka, tapos naka-tripod pa. 🙂

    hamo abangan ko gabi-gabi, sa Jan 22 pa naman ang
    full moon. 😉

  5. nagkakaganoong effect po kapag medyo cloudy, pag hindi, bright lang yung moon… ayun..

    sana hindi at sana masaksihan niyo, nararapat lang pong makita niyo rin yun..ü

    cirrostratus po yata yung cloud….ü

    homebodyhubby: sa cloud nga yung nakita mo… hindi kaparis nung nakita ko nuon, clear ang sky, walang clouds pero may rainbow!

    cirrostratus? hmm…🙄 oo nga, yun yata yung matataas at layered na clouds.

    nalimutan ko mag-Gb dun sa taas, dito na lang…
    God bless! 🙂

  6. imagine ol d pipol livin lyf in peace..yuhoooo..

    o sarap nga imajinin yan…. parang di na ata mangyayari..

    oh wel. tnx 4 sharin ur faith, see, madami ang nata tats bcoz of ur post..tho u cant change d world but at least u r makin a diff.

    God Bless u and ur beautiful soul…

    homebodyhubby: hehe… hanggang imagine na lang
    talaga yan ‘mine’ dahil talagang hindi na mangyayari…
    sa “millenium” posible pa, pero hindi natin ma-pinpoint
    kung kelan yun (masyado nang prophetic yun😛 )…
    o kaya sa heaven… yuhoooo…

    “tho u cant change d world but at least u r makin a diff.”
    — anep! 😉

    God Bless you din, miss beautiful u! — i believe your soul is beautiful too… teka… 🙄 bakit wala ka yata emoticons ngayun? …yoko na yata mag-post ng ganito 😦 masyado seryoso e ‘no?

    yung tag mo nga pala, sa Jan 30 ko na i-post ha? 😉 magpapatanda pa ako ng additional na 9 days. :mrgreen:

  7. Thanks for sharing this kuya..
    very enlightening…😀

    homebodyhubby: thanks din for reading! 🙂
    may sequel ito sa friday. (nag-plug-in pa naman e😳 )

  8. huwaaaaaaaaa… ang haba, ayun, dati po nahilig akong magbasa ng bibliya, ngayon nawala… para kasi akong tanga… ah, pero opo nga, maganda talaga yung sa proverbs… nakakapaisip…

    para nga po sa akin, hindi na nagmamatter ang relihiyon… pananalig yan… yun nga lang, minsan kailangan ng ministry na makatutulong sa iyo para matutuhan ang mga bagay-bagay… pero hindi dapat sa kanila lamang dumedepende… subjective kasi ang mga tao, hindi mawawala yun…

    ahaha, new moon ba yung nun isang gabi? baka…

    yun nakita niyo po dati sa gitna mismo nung moon? sakin napapalibutan kasi…

    teka, nabasa ko po yung sagot niyo sa comment ni bunz…. may sequel? bakit po nasesched niyo? namomonitor niyo talaga ang oras niyo? hmmmm… o_O? ahaha

    pero natawa po talaga ako nun linggo, di ako mapakali…”paano ko kaya msasabi sa inyo?” kasi nga, bakasakali nalang na….. haha, sabi nyo nga po magkaiba ang atmospheric haze(yun pala yung term…di mo maexplain sa mga taga ibang lupalop, late ko na kasing naisip…atat kasi magshare nun magnificent scene)..ü

    siyaaaaaaks, curfew nahhhh! GB po..ü

    homebodyhubby: kailangan talaga ang ministry, iha… yung pag-attend ng local church or fellowship — HINDI DAPAT MAWALA yan, kasi posibleng maging “delikado” rin naman kung magbabasa ka ng Bible na mag-isa lang. 😛

    dapat balanse ang personal devotion/study at fellowship
    with bible-believers. at syempre higit sa lahat, dapat nandun ang worship and prayer — kasi only thru these ka lang manghihingi ng guidance from the supreme author of the Bible, who is God Himself. 😉

    “gibbous moon” yung nakita mo nung isang gabi, galing ng first quarter… kanina lang yung full moon… ngayon papa- gibbous na uli, magigi na syang last quarter. 😛

    ang nakita ko nuon, malaking-malaking circle of rainbow
    sa cloudless sky, tapos nasa gitnang-gitna yung full moon.
    yung nakita mo, epekto nga ng clouds yun… kamakalawa
    at kagabi, tinignan ko, cloudy rin dito kaya lang walang rainbow effect. try ko sana kunan ng video kasi maganda yung movement ng clouds, kaso hindi mai-manual exposure sa video mode yung digital cam ko. 🙂

    yung sequel… hanggang Jan 27 kasi itong Bible week. dalawa lang ang related na posts ko, kaya in-stretched ko ang posting within the week. medyo mahaba ang next post ko sa Jan 25, kaya in-split ko pa sa dalawang posts. ibig sabihin, dalawang posts na magkasunod sa byernes. 😛

    God bless! magbasa ka uli at makipag-fellowship. naitse-check ng dalawang iyan ang isa’t-isa para gabayan ang pagkakaunawa natin sa Bible. dapat lang balanse. 😉

  9. Thanks for sharing kuya! I hope madaming ma-enlighten sa post mo na ‘to… Sa bible madami kang matututunan, halos andun na ata lahat eh. Salamat at tinapik ako ni God sa pamamagitan mo, lately kasi di ako nakakapagbasa ng bible.

    homebodyhubby: salamat, sis… 🙂
    aminin ko sa’yo, ako man antagal nang hindi nakapagbasa. 😳 nito lang ulit Sep 2007 nung magsimula akong mag-blog. 😛

    tama ka din Misyel, ang Panginoon ang tumapik sayo… instrumento lang Nya tayo. 😉 …to God be the glory! 😀

  10. babasahin ko ito di muna ngaun. ang haba eh paramis babalikan ko to super intersting eh

    babalikan ko to klasmeyt

    homebodyhubby: you’re always welcome, klasmeyt! 😉

  11. kuya hubby.. lam ko yang ky ed lapiz db otor sya ng buk… hehehe…nkikinig ako nyan minsan nga lng.. hehehe

    homebodyhubby: bago yang avatar mo a — nakita ko yan dun sa english version ng blog mo. 🙂

    hmm… oo alam ko may mga sinusulat din si ed lapiz.
    hindi ako sure a, pero may alam akong pastor na taga-Bulakan din e — hindi ko lang matandaan kung sya yun.

  12. *homebodyhubby:😛 ganyan talaga mga posts ko
    eversince nung nagsisimula pa lang akong mag-blog —
    i mean, hindi yung “malalim” , kundi yung “may bible verses” (to God be the glory!)

    by the way, sabi mo:

    “meron akong bible sa bahay at dont worry, nagbabasa naman po ako ng Bible.”

    that means, hindi ka na kailangang bumili…
    at nagbabasa ka na rin…🙄

    hindi ko ma-gets kung paano ka pa nitamaan. wala naman akong nakikitang masama sa pagbili “ng nagmamahalang pocket books at magazines linggo-linggo.” so no problem!😛
    ikaw talaga p’re o.*

    – kasi sabi nga nila, mas mabuti pang ibili mo ng pangangailangan mo yung perang ipambibili mo ng pocketbooks kasi yung pocketbook di naman siya necessity.

    ang sagot ko naman sa sarili ko, “bakit yung pagkain, pwede bang maging pocketbook?”

    ahehehe

    homebodyhubby: a ok… (nakahinga nang maluwag)
    akala ko ako ang may sabi — so “sila” pala.

    sobra naman sila (ewan ko kung sino), ano?
    mas marunong pa sayo kung ano ang pangangailangan mo.
    a pocketbook can be a necessity too, depende sa tao. atsaka pera mo naman, hindi ka naman nagpapa-libre sa kanila.

    yes! hehe… nakana mo p’re! — tama lang yung
    sagot mo sa sarili mo… sabihin mo rin kaya ito sa kanila?
    para malaman DIN nila. 😉

    gulat ako foo, akala ko mahaba ka na rin magcomment
    (paris ko 😳 ), yun pala ni-cut and paste mo lang yung mahabang reply ko. 😛 …pero no problem.

  13. naalala ko tuloy nung nasa kolehiyo pa ako, medyo confused sa spirituality… kaya tuloy napaka-receptive ko nun sa mga religious groups na naglipana at rumuronda sa oval. sumali nga ako sa isa (na inakusahan ng media dati na isang “kulto” daw) hehehe… umabot din ako ng isang taon sa grupong iyon bago ko tinapos ang ugnayan namin (i finished my membership kaya “kulto finish” yung kinalabasan. wehehehe) heniway, lahat kami nun ay may bible na personal… at nasa akin pa rin ito hanggang ngayon. naisip ko lang, kahit magbago-bago pa ang interpretasyon o appreciation mo sa mga salita ng diyos, ang biblia ay hinding-hindi magbabago🙂 o-ha?!

    homebodyhubby: hehe… taroogs hinihintay kita talaga e. kasi bukod kay ‘mine’ wala pang bumabati dun sa VIDEOng ipinaskel ko? mukhang kokonti lang talaga yung sinasabi ni ‘mine’ na “kyonders” na blogger dito. 😆

    hmm… anu kayang “kulto” yun? 🙄 …baka yung sinalihan
    ko rin a? :mrgreen: hehehe …kung mga late 1980s, marami ngang sabay-sabay na nagkausuhan nuon — “kulto” man o hindi. marami na rin akong naupuan at napakinggan sa kanila.

    yes, i strongly agree with that — ang Biblia ay hinding-hindi magbabago. yung mga translations (or versions), pwede pa, kasi very “fluid” ang language. kung mapupuna mo NIV ang ginagamit ko sa mga quotes ko dito kasi yun pa lang ang may pinaka-understandable english na meron ako. pero sa bible study at analysis, maski King James (1611 canon) tinitignan ko rin for comparison.

    maski sana yung interpretation i hope hindi rin pabago-bago… sabi nga ng maraming bible scholars, the Bible should interpret itself. well, may mga madaling intindihin kaparis ng gospel ni John. may mga passages din na talagang mahirap intindihin lalo na yung mga prophetic, paris nung Daniel at Revelation — at dito medyo mahirap magsalita nang tapos. pero kung mapupuna mo karamihan sa mga kulto ito ang ini-elaborate nang husto, kaya ang mga nakikinig (those who don’t bother to check what they heard), naeengganyo o natatakot, umaanib agad sa kanila.

    and yes, i think maganda rin yung may kanya-kanya tayong personal na Bible. wala na yatang ibang libro na umani ng ganyang pagpapahalaga o kontrobersya nang higit pa rito, maski ilang libong taon na itong nagsimula… dun pa lang, siguro atheista man mag-iisip-isip, kaya masasabi nya sa sarili — “Mabasa (or mapag-aralan) nga…” 😛

    At hindi iilan yung mga kakilala kong atheista na “nagsisi” kung bakit binasa pa nila😆 …kasi na-convert! 🙂

  14. ahaha, natawa ako sa kalokohan ku, yung “new moon”..ayan, tumatawa nanaman ako mag-isa…

    a, now i know… impormatibo talaga…ü

    amen…

    ipamibi ta ang kagurangnan!
    (praise God-bicol version)

    homebodyhubby: ahehe… ako man minsan natatawa
    sa sarili ko pag nagdi-discuss ako about general knowledge… naaalala ko si Ernie Baron? 😆 …huwag mo na isipin kung
    sino yun dahil baka hindi mo rin inabot yun …basta hindi
    ako ganun, mas maraming alam yun. 😛

    ang haba pala ng “Praise God!” sa bicol…🙂

  15. ah cnu yun? dami pastor sa amin ah…uy kuya hubby salamat sa pagbisita sa english ko actually un ung dhilan kung bkit ako nagbakasyon muna.. hehehe..nasira kc xa.. ngayon ayos na.. awww!

    homebodyhubby: hindi ko na matandaan e…
    baka si ptr lapiz nga. 🙂

    nasira pala yung sa blogger mo?
    pero nung pumunta ako dun hindi naman halata. 🙄
    baka gawa na nga nung nagpunta ako. 😛

  16. oy kuya hubby.. mukhang nagbakasyon k rin ah.. di k nag-uupdate ng post mo.. ginaya mo ata ako.. hehehe.. gwa na ata nung dumalaw ka… pinuyatan ko yun eh…

    homebodyhubby: wahehe… o ayan na! dalawa agad ang posts ko… yung part 1 😳 kagabi pa, kaya lang naka-private nung una, kasi hinintay kong matapos muna yung part 2. 😛

  17. hi kuya… ngayon ko lang nabasa ng buo e.. ganda sya.. lagi ko nga dala lately yun bible sa school.. yun maliit nga lang… pero totoo.. nasa bible nga lahat ng sagot.. lahat.. saka lahat talaga ng kailangan nandun na e..

    Acts 19:20-So the word of God grew mighty and prevailed”

    Iniisip ko lang, paano kung iba nga ang bible yun mabasa nung tao.. yung bang may “dagdag bawas” na… anon a mangyayari..?

    Godbless..🙂
    haba na ata ng comment ko.. hehe

    homebodyhubby: dagdag-bawas? 😆 hehe…
    parang mapa rin yan e — magkakanda-lito-lito at magkakanda-ligaw-ligaw din sya.

    God bless din, iha. 🙂

  18. […] So the issue is not on the one God, kundi sa pagkakakilala sa Diyos at ito’y nai-discuss ko na sa “RELASYON” …the second time around!” […]

  19. […] Kamusta naman ang relasyon mo sa Diyos – ang tutuong pinagmulan at patuloy na nagbibigay-buhay, hindi lang sa lahat ng nasa mundo, kundi maging sa araw? Alam mo bang sa lahat ng kanyang mga nilalang – magmula dyan sa mga bagay na nakikita sa paligid mo hanggang sa mga naruon sa hindi na abot-tanaw ng pinakapowerful na microscope at telescope ng mga siyentipiko, ay ikaw ang pinaka “apple of the eye” Nya? Paano mo ngayon ipinamumuhay ang buhay na ‘hiram lang’ sa Kanya? […]

  20. […] Apat na tulog na lang, ipagdidiwang na naman natin ang “berdey” Nya.
    Pakatandaan na lang: hangga’t ang “Kristianismo” ay kinikilala nating isang adhikain o relihiyon LANG, wala ring silbi ang pasko… wala ring ipinagkaiba. […]

  21. […] Related post: ◙ 2008 National Bible Week
    (In-update nila yung website; pati yung ni-link ko nuon nabago) […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: