Sori anak… (Part 1)

( Bible Week series #2—1 )

Sequel po ito nung naunang post ko Relasyon, the second time around (January 21). May kaugnayan nga lang sa buhay ko.

Erasmus (left)… Monching, with his kid brother Bobby (right), a few years after the liberation of Manila from the Japanese.

Ang nasa kaliwa ay ang nag-iisang picture ng lolo ko. Ni anino nya, maski minsan ay hindi ko nakita. Nakaugalian naming magkakapatid na lalaki na tawagin sya sa pangalang Erasmus.

Ang litratong nasa gawing kanan naman ay sa dalawang anak nyang lalaki — tatay ko yung mas malaki.

Hindi ko isinasalaysay ito para mag-sentimiyento lang. Nung matapos kong isulat ito, medyo nagdadalawang-isip ako kung ipa-publish ko o ipa-private na lang para sa mga pamangkin ko. Baka kasi isipin ng iba, ipinangalandakan ko na ang buhay namin. Pero naisip ko, hindi… sayang ang oportunidad ng pagpapatotoo.

Tutal matagal nang nangyari ito at mababaon din sa limot. Pero umaasa ako na kung may makuha mang aral ang sinumang makababasa nito, ang aral na iyon ang hindi malimutan. Let the living like us learn from the dead like them. Mangyari sanang ang mga yumao na ang magturo sa mga taong ngayon pa lang ‘nagsisimulang’ mabuhay.

Ours is a story of struggle and survival. This is MY PERSONAL testimony… And my hands will always be pointing upward to God for what he has been doing.

————————————————————————————————

Mahabang Istorya ng Aking Ama at ng Aming Pinagsamahan

Ang Simula

Naging mag-asawa ang mga magulang ko sa edad na disinwebe. Maski parehong marangya ang pinanggalingang mga pamilya, hirap — kasi hindi naman nakatapos ng pag-aaral at maagang nagsipag-asawa. Ang una nilang hanapbuhay habang ipinagbubuntis ang kapatid kong panganay ay ang pagtitinda ng banana cue sa kalsada ng Domingo Ampil sa Sta Mesa.

Konduktor ng bus na “Fred Liner” ang Daddy nung mga panahong isinilang ako ng nanay ko, at waiter ng Aristocrat Restaurant nuong lumaki-laki na ako.

Ako ang kanyang unang anak na lalaki. Ang hindi nya malimutan ay ang nakakakunsensyang titig ko. Nagsimula ito nung natututo pa lang akong maglakad. Pag alam kong hawak nya ang kamay ko, nakakahakbang ako nang diretso maski binitawan nya na ako. Pero once na naging “aware” na ako na wala na ang kapit nya sa kamay ko, matutumba na ako. Duon ko sya tititigan sa mata na para bang nagsasabi:

Daddy, daddy… bakit mo ako binitawan?😆

[ dyoks lang, huwag na bigyan ng ibang kahulugan ]

Ang Pag-ahon sa Kahirapan

Nung ipinagbubuntis na ng nanay ko ang pang-apat na kapatid ko, pinalad na naipasok ang Daddy sa Philippine Refining Company ng lola ko (nanay ng tatay ko) dahil kaibigan nito ang amerikanong Presidente ng kumpanya.

Dahil sa pag-alwan ng aming buhay napag-aral kaming magkakapatid sa isang eksklusibong eskwelahan sa Baesa, QC (the homebodykid is shown at right). Yung dating Aristocrat Restaurant na kanyang pinagwe-waiter-an, malimit na naming kinakainan. Madalas din kahit hindi pasko, ipinapasyal kami ng Daddy sa Luneta at ipinamimili ng laruan at damit sa Good Earth Emporium, isang sikat na shopping building nuon sa Quiapo.

Kahit 2nd year highschool lang ang natapos, pinatunayan ng Daddy ang kanyang galing sa salesmanship. Magaling syang magsalita at mangumbinse. Ilang beses syang nag-top sa sales at dinaig pa ang ilang college graduate na kapwa salesmen niya.

Na-assigned sya sa area ng Laguna (Pagsanjan), at namurong maging isang head sa isang panig ng lalawigan. Dahil dito, napalipat ang buong pamilya sa Calamba, Laguna.

Medyo frustrated ang father ko nung maliit pa sya dahil ayaw syang pag-boy-scout-in ng nag-alagang lola niya. Pumasok nga syang “junior police” nung binatilyo sya. Kaya parang nagtataka sya na maski anong encouragement nya sa akin, ako’y walang kahilig-hilig mula sa elementary cub-scouting hanggang sa pag-o-officer ng CAT sa highschool.

Magaling ang tatay ko. Kaya lang, may temperament syang mahirap ispelengin. Ang kanyang dahilan? Hmm… hindi ako gaanong sigurado — pero sa tingin ko, kung hindi man ang hinanakit sa lolo’t lola ko, ay ang kimkim na sama ng loob sa sitwasyon ng “pamilyang” kinalakhan nya.

Ang Unti-unting Pagkakilala Ko sa Aking Ama

Kahit nung musmos pa ako, napakasensitibo ko at fully aware ako sa hindi miminsang pagtatalo (dahil sa kanilang differences) ng mga magulang ko. Maski hatinggabi sila nag-aaway, parang pusa ako na madaling nagigising. Malimit parating naririnig kong sinasabi ng Daddy —

“Hindi kawawa ang mga anak ko dahil may tatay sila.”

Ayon sa kwento ng nanay ko, nung binatilyo pa ang tatay ko at ang kapatid nito, pinupuntahan ng tito ko ang tatay nilang professor nuon ng philosophy at logic sa UST para humingi ng sustento. Ang tatay ko pumupunta para ‘kunsensyahin’ ang lolo ko.

Pero sa tatay ko, ang natandaan ko lang na kwento nya ay ang minsang pakikipaghamon ng square ng lolo ko kay Leopoldo Salcedo. I was inclined to believe that this is true. Pero ang gusto nya lang ipaunawa sa akin, nuong panahon patas ang laban — hindi paris ngayon, trayduran at kuyugan.

Ang Pagbagsak

Sa kasamaang-palad, may ilang mga taong nagdiin sa kanya para ang kaunting pagkakamali ay maging daan para umabot sa hukuman. Ang tatay ko, marahil na-burned-out na rin sa pagtratrabaho, napilitang mag-resign na lang sa pangambang mabuksan pa ang school records nya at mabuking na hindi sya tapos ng kolehiyo.

Ilang panahon ding nagkulong ng bahay, nakipag-usap sa mga Mormons na sa katagalan ay kanya ring pinagtataguan.😆 Matagal na iniisip kung ano ang gagawin sa separation pay na natanggap mula sa opisinang iniwan. Ang nanay ko napilitang tumanggap ng labada. Dahil wala nang maipambayad sa renta ng 2-storey, 3-bedroom na bahay, ang aking mga magulang — kasama kaming anim na magkakapatid, ay napalipat sa isang maliit at iisang-kwartong bahay.

Ang Muling Pagbangon?

Sa kalaunan, nagpasyang mamuhunan si Dad sa pagtitinda ng balut, penoy at sitsarong-baboy. Katu-katulong ang asawa at tatlong panganay na anak (kasama ako dito), naglako ng paninda gabi-gabi sa mga kalye ng San Jose at San Juan sa Calamba.

Memorable sa akin ang itsura ng balot… hehehe. Nakita nyo ba yung icon ng “Mozilla Firefox” sa computer nyo? Ang tingin ko dyan, binalatang balot!😆 At alam nyo bang minsan, pag may natitirang balut na hindi na pwedeng patagalin pa? Kaming magkakapatid ang kumakain, minsan ako nakakatatlo o apat na balut.

Dahil sa pagpasa sa UPCAT at Grants-in-Aid scholarship (😛 pinaka-madaling scholarship ito), nagawa pa naming makatuntong sa college sa Los Baños ng ate ko. Nung freshman ako, sophomore sya, magkasama kaming nag-stay sa co-ed dormitory. Naglagay din kami ng panindang penoy at balot sa coop store at nag-alok-alok para itinda, sa loob ng dorm.

May isang pagkakataon na ang sama talaga ng loob ko. Gabi nuon at nagre-review ako para sa exam ko kinabukasan sa Chem 16. Nung narinig kong sa paging intercom ang pangalan ko at ang message na nagsasabing nandyan ang Mommy ko, tuwang-tuwa akong bumaba. Pero nagulat ako nung makita ko ang mother ko na namumugto ang mata. Maya-maya lang nakita ko na ang Daddy na kunot ang noo. Sinundo nila kaming dalawa ng ate ko at sabay-sabay kaming umuwi ng Calamba maski halos hatinggabi na. Wala lang… mukhang naghahanap lang ng damay sa away nila ng Mommy.😦

Hindi ako nakapag-take ng exam. Buti na lang mabait ang professor ko — akalain mong bigyan ako ng make-up exam, iniwan nya akong mag-isa sa office nya nang hindi binabantayan? Hehehe… maski hindi ako nag-cheat, antaas ng grado ko nuon.

Sabi ko na e… pag may problema, parating may nakalaang remedyo.😀 Hindi talaga ako dapat magtanim ng galit sa tatay ko.

Iba ang tatay ko nuon pag nagtitinda ng balut — naka-toktok, at kuntodo slacks at polo ang bihis na mga damit, mga ginamit nya nuon sa pagse-salesman. Sosyal… kaya kahit magbabalut lang, talagang iginagalang. Maski mayayamang suki ay nagugulat dahil sa magaling na pagsasalita ng ingles at iba pa nyang alam (psychology, philosophy, religion). Dahil ma-PR, nakaka-ubos ng hanggang sa mahigit na 200 pirasong balot at penoy sa loob ng dalawa hanggang apat na oras lang. Sabagay, minsan talagang mabenta, minsan matumal.

Dahil sa pakikisama, sa tuwing mag-aalok ng paninda sa mga nag-iinuman, hindi tumatanggi sa alok na tagay. Kaya ang kaawaawang tatay ko, sa dami ng grupong nag-iinuman, pag-uwi ng bahay lasing, makabenta lang.

Pagbagsak… uli?

May panahon nuon na nawili sya sa pag-inom (lalo na nung nagtanan ang ate ko, ikinasal ng maaga, at hindi na sa amin umuuwi). Halos araw-araw pagdating ng alas-singko, may lasenggong pumupunta sa kapitbahay namin, niyaya sya sa inuman. Parang nagkaphobia na ako nuon, kasi malimit pag nalalasing sya at wala na ang mga hinalempak na lasenggong mga kainuman nya, nagwawala na sya. Dalawa kami ng kapatid kong sumunod sa akin ang malimit na umaawat sa kanya.

Kaya minsan nagreklamo ako sa nanay ko. Ang nanay ko naman nag-hysteria at sinabihan ang tatay ko. Napahiya yata ang Daddy na lasing na nuon, kaya hinarap ako at nanlilisik ang matang sinabi —

“Bakit mo hinayaang sabihan ako ng mommy mo? Susuntukin kita dyan eh!”

Palibhasa maliit lang ako nun at sakitin pa, nanginginig ako sa nerbiyos*…

[ *I-ELABORATE ko ha: Naka-leave-of-absence ako sa UP (1980 Nov – 1982 May). Si ate, sa mga byenan na nya umuuwi. Ang utol kong kasama kong umaawat kay dad ay sa mga mamay (lola namin, mother-side) na sa Zambales nagpatuloy ng 4th year highschool pagkatapos mag-stow-away. Yung tatlong kapatid naming pinakabata ay nasa school (buti na lang). Sa madaling salita, nag-iisa akong anak na naiiwan buong maghapon sa bahay. ]

Nuong mag-take ako ng PMA written exam at nakapasa, very proud sya sa akin, kaya akala ko tuwang-tuwa sya. Inihatid pa nya ako sa V. Luna Hospital sa Kamias for my more-than-a-week-stay physical-medical exam. Pero nung hinihintay na ang resulta, nabanggit sa akin minsang nakainom sya —

“Aanhin ko ang tawagin kang bayani kung mamatay ka naman?”

Ang daddy ko, takot din palang mamatay ako? Hehehe… diyan mo makikitang may mga takot din ang mga tatay. Kung hindi pa lasing, hindi ko pa malalaman.😆

Makalawang ulit akong hindi nakapasa sa physical-medical exam. Wala naman sa aming magkakapatid ang may talagang hilig sa pagsusundalo. Gusto ko lang magpakalayu-layo kaya ako nag-take ng PMA exam. Pero yung dalawang brothers ko, magkasunod na nakapasa all the way sa unang subok lang. Kung anong nangyari, that’s another story

Isa’t kalahating taon rin akong natigil sa pag-aaral. Kami lang ng Daddy ang magkasama nang maghapon sa bahay. Minsan kapag anihan, bigla na lang syang nawawala, at pagdating puno ng dayami ang katawan. Yun pala, bumabayani sa paggapas ng palay.

Mas malapit at bukas-palad ang Daddy sa mga in-laws nya [ In fact, na-missed nga ng dad ang pagkamatay, burol at libing ng nag-iisa nyang kapatid dahil sa pagsundo nya sa pamilya ng brother ng mom para pumisan sa amin nuon ].
Ang kasama ↑ nya sa larawan ay pinsan ng Mommy ko — isa sa mga bayaw nyang tumira sa amin nuong binatilyo pa ito. Ito yung mga panahong binisita nya ang tatay ko nuong kami’y walang-wala na. Sa mga tiyuhin ko, sya ang talagang tumanaw ng malaking utang na loob sa tatay ko. (Sa pagkakatanda ko, sya lang ang tiyuhin kong taga-malayo na dumalaw nuong burol at libing ng tatay ko.)

Ang dad ko ang unang nagturo sa akin na uminom ng serbesa, pero sa bahay lang at sya ang kasama.

Ang Simpleng Pagrerebelde Ko

Bumalik ako ng UPLB at nag-shift from BS Forestry to BS Devcom. Nuong nag-join ako sa UPLB Writer’s Club at napahalubilo sa mga ‘aktibista’, duon nagsimula ang “tapang” ko para i-“dare” ang tatay ko.

Iba ang ‘away’ namin — psy-war at pakiramdaman. Kung ang ibang brothers ko tago ang paninigarilyo, ako sadya kong ginagawa sa bahay para makita nya. Para bang sinasabi ko —

“Sige nga… suntukin mo nga ako!?”

Ang ugali ko nga sa ilong ko pa pinadadaan ang paghitit ng sigarilyo. Hehehe… hindi ako pinatulan?😆

Pero nung makita nya ang paso sa pulso ko (nakuha ko minsang namamalantsa ako), hindi nya sinabi sa akin pero palihim nyang sinabi sa nanay ko —

“Pinaso nya yun kasi nagdra-drugs yang anak mo.”

Eto na naman… Hindi naman ako naging adik, pero bakit parang kabadong-kabado sya?

Naalala ko tuloy minsang inabot ako ng madaling-araw na gising dahil sa paggawa ng aking thesis. Nagmumumura na ako, andami nang lukot na drafts sa paligid ng desk, at halos ibalibag ko na ang typewriter (:mrgreen: hindi pa uso computer) na nasa harapan ko. Tumungo ako sa kusina para maghanap ng maski anong maiinom o masisinghot para hindi antukin. Napadaan ako sa may kwarto, at nasilip ko sa bukas na pinto ang Mom at Dad ko na magkatabing nakahiga, tahimik na gising at punong-puno ng pag-aalala. Hehehe… sila naman ngayon ang animo mga pusang gising habang ako’y nagwawala.

Maski nung maliit pa kaming magkakapatid, ang mga magulang namin, higit sa lahat ako ang pinaka-ingat nilang paluin at pagsabihan. Kasi sensitibo ako nuon at madali namang pumik-ap. Sabi ng nanay ko, anim ang pinakibagayan nyang pagkatao kasi anim kaming lahat na magkakapatid. Pero sa akin sya hirap na hirap. Sa akin na nga sya nahirapang manganak dahil suhi ako, pati sa ugali daw, hindi nya ako mahagilap. Hindi naman ako talaga salbahe, iba lang ang temperament.

Sabi ng tatay ko, year of the OX daw ang birth year ko. Ox is a castrated bull. Bulls are strong-willed and disastrous, but being castrated, they are tamed and easily be subdued. Nakita ko kung paanong nung maliit pa lang ako ay para akong guyang may tali sa binutasang ilong, at nang lumaki na at nagkasungay ay posible nang manuwag. (By the way, I don’t rely on astrology and horoscopes.)

Salamat na lang din sa tamang disiplina ng tatay ko. Nakita ko kasi na parang biglang na-reverse yung situation — nung maliit pa ako, ako ang maraming insecurities na baka magkahiwalay din sila dahil sa pag-aaway nila. Nung lumaki na ako, sila naman ang parang takot na magwala ako, maglayas, at kung ano ang gawin ko sa buhay ko.

May mga panahon kasing hindi ako lumalabas ng kwarto nuon. Maghapong hindi kumakain para magmuni-muni lang. I was not sick… ganun lang talaga ako — masyadong pala-isip.

Ang hirap sigurong maging isang magulang? And God spared me from all those troubles. But surely He also denied me the JOYS of being a father… Kaya nga sasabihin ko sa inyo, halimbawang ako’y umabot man sa sisenta, at napatunayan kong ako’y malakas pa, mag-aadopt at magpapaaral pa rin kami ng bata kung yun ang kalooban ng Diyos.

Pamamaalam sa isang asset — paghalili ng “Magic Slate”

Hindi natagalan, dahil sa pag-iinom-inom at paninigarilyo niya — at marahil sa pagsigaw-sigaw din ng “Penoy-baluuuut!, Chicharon-baboy, baluuuut!” unti-unting namaos ang boses ng tatay ko.

May na-detect na malignant tumor sa lalamunan nya. Sumalang sa laryngectomy sa St Luke’s Medical Center sa Kyusi nung 1983. Nilagyan ng butas ang leeg para dun na huminga, at dahil dito isang “asset” ang binawi ng Diyos sa kanya — hindi na sya nakapagsasalita. Paminsan-minsan, lumalabas pa rin para magtinda, pasenyas-senyas na nga lang at pasulat-sulat sa papel o sa lupa.

Kalaunan, dahil nga sa ma-boka ang father ko, nagkaubusan ng papel at bolpen😆 kaya nagpasya ang Mommy na bumili ng “magic slate.”

Nung una akong nagpakalbo, imbis na magalit, ngumiti pa at sumenyas sa akin ng “thumbs-up” gesture.🙄 Hehehe, sayang hindi nya inabot yung halos kalahating oras na pagbubutas ko ng kaliwang tenga ko para malagyan ng hikaw — sa pamamagitan ng pardible.:mrgreen:

Minsan, aksidenteng natumba ang panganay na pamangkin ko dahil sa pagtuntong sa likod ko. Katatapos ko nuong mag-barbell kaya masakit ang kalamnan kong nagpapahinga nang nakadapa sa isang banig sa lapag. Tumama ang mukha ng bata sa isang aparador at nag-iwan ang nabasag na salamin sa pisngi nya ng dumugong hiwa.

Medyo na-shocked ako. Kaya nga ako nagsimulang mag-barbel uli nuon ay para kalmahin ang sarili ko dahil sa hirap namin sa pamilya at sa problema ko sa thesis at sa kurso ko.

Nagbihis at naggayak ako, ipinasyang ituloy ang matagal ko nang iniisip na pamumundok. Ang dad ko atubiling susunod-sunod nang tingin sa akin. Pinilit kunin ang kamay ko para tignan kung anuman ang tangan ko sa nakakuyom na palad ko. Inagaw ang anim na punglo na naroon at ibinalibag sa sahig. (Buti na lang hindi pumutok!) Alam nya kasing ako ang nagtatago ng baril nya nuon (minsan muntik pa akong makapkapan nuon sa Camp Eldridge habang pauwi akong sakay ng dyip. wala na ito ngayon, kinumpiska na ng utol ko).

Pahagulgol akong napaupo nuon at sinabi sa kanya —

“Dad, hindi ko kayang makita nang habang-buhay ang maiiwang pilat na yan sa mukha ni Ian!”

(To my readers: pamumundok ang ibig kong gawin, hindi suicide! — Ano, bale?😆 )

Pigil ang pag-iyak, sa magic slate, ito ang kanyang isinulat:

“Do not blame yourself for everything!”

Saka nya ako niyapos ng payat na nyang braso nuon, habang umiiyak. Tahimik na lang akong humikbi-hikbi nuon at hinintay ang pagbalik ng Mommy at ni Ian mula sa ospital.

Hindi naman masyadong grabe. Kinahapunan, kasama ko uli ang pamangkin ko, may benda ang tinahing sugat sa pisngi, habang ipinapasyal ko sa may patyo ng simbahang katoliko. Hehehe, nakita ko pa dun at nakausap yung “girl friend” ko (hindi ko naging girlfriend). Dito kasi kami malimit magtagpo at mangarap nung “puppy love” ko.:mrgreen:

Memorable ang simbahan ng Calamba sa akin, dahil dito ako nagka-cry-cry pag-uwi galing eskwela bago dumeretso ng bahay. Minsan may ninakaw pa akong estampita ni Virgin Mary sa bulletin board nila.😳 Nasubukan ko na ring pumuslit sa sakristan para umakyat sa kampanaryo at panuorin ang putukan sa baba nung minsang nag-bagong taon.

Ang Kanyang Pamamaalam… at Paglisan

Pabalik-balik sa ospital ang katawan ng ama kong halos buto’t-balat na lang nuon… Siguro mga twice din syang nag-cobalt therapy.

Lubos kaming namulubi dahil sa pain-killers na Demerol (kulang-kulang 100 pesos per ampule) na kelangang at least every four hours na iturok sa kanya. Pag nasa bahay, ang taga-injection ay ang ate kong kumuha ng Animal Husbandry major in Swine production (hindi pa nakatapos nuon kasi nag-asawa). It sounds funny, pero at least nakatipid kami sa nurse.

Para syang sabog at high-na-high kada tira… Wala nang makaintindi sa mga isinusulat nya.

Isang araw, natulog ako sa bahay ng bestfriend ko sa Los Baños. Hindi pa uso ang cellphones nuon. Kinabukasan pag-uwi ko sa bahay, marami nang tao. Alam ko na…😦

October 25, 1985, tuluyang iniwan ng Daddy ang kanyang pamilya.

Ako na lang ang hinihintay. Lahat ng kapatid ko naroon na bago pa sya ilipat sa kabaong, habang nakaratay pa lang sa folding bed ang katawan nyang wala nang buhay.

Nakita ko sya, nasa kabaong na. Dilat pa ang mata nya kasi kalilipat pa lang. Banaag ko pa rin sa maputla at humpak nyang mukha ang hirap na pinagdaanan. Ang una kong tanong sa Mommy —

“Alam na ba ng Lola Liit?”

Naroon na pala ang Lola, nauna pang dumating sa akin kahit galing pa ng Maynila.

Pumasok ako sa kwarto at inilapag ang napulot ko nuong isang bao ng niyog sa Los Baños na plano kong gawing alkansya. Mula duon, may lumabas na tatlo o apat na itim na mga langgam, at hile-hilerang naglakad sa sahig palayo sa bao. Tahimik na lang akong lumuha. Pumasok ang Lola ko sa kwarto at buong pagpapalubag-loob na hinagod ako sa may balikat.

Mga ilang sandali pa, pumikit na and Daddy dahil inayos na ng mortician.
Ito ang huling eksena namin bago sya tabunan…

Left — Li’l sister, 1st brother (in shades); center — Mom sobbing at Ate’s bosom; right — 2nd and 3rd brothers; crouched — the homebody kid, with Lola (nauna nang “umalis” ang kanyang pamilya: dalawang anak at nag-iisang “asawa”)

Final Nostalgia

Matindi ang naging struggle ng Daddy dahil sa kabila ng hinanakit nya, pinilit nyang maging tatay sa aming mga anak nya. Sayang nga dahil hindi nya man lang nakita kaming mga anak nyang lalaki na isa-isang grumadweyt ng college.

With regards to my rebellion, nai-settle naman ito bago sya namatay. Makailang ulit din namang ako ang malimit na bantay nya sa isang maliit na klinika (affiliated sa St Luke’s Hospital) nuon sa crossing ng Calamba. Nag-uusap kami sa pamamagitan ng pagsenyas nya at pagsulat sa halos gulagulanit nang magic slate.

Sa malimit na pagtambay ko sa may harap ng klinika, minsan din akong nakakita ng inilabas na lang sa stretcher na isang taong nakahiga’t nakatalukbong; maya-maya lang dinampot na sya ng isang hearse ng punerarya.

I knew my dad would come this way soon.

God knows where Dad is at this moment. And nothing will be more rewarding for me than seeing him in His kingdom when I die.

Ikaw? Siguro nga, mas masahol pa ang dinanas mo sa tatay mo. Miski na… tanungin pa rin kita:

Kumusta na kayo? May tanim ka pa rin bang galit sa tatay mo?

————————————————————————————————

Story 1

While David (the king) was sitting between the inner and outer gates, the watchman went up to the roof of the gateway by the wall. As he looked out, he saw a man running alone. The watchman called out to the king and reported it.

The king said, “ If he is alone, he must have good news.

…Then the watchman saw another man running, and he called down to the gatekeeper, “ Look, another man running alone! ”

The king said, “ He must be bringing good news, too.

(The king recognized the first runner)

… “ He’s a good man, ” the king said. “ He comes with a good news.

(When the first runner arrived)

… The king asked, “ Is the young man Absalom safe?

(When the second runner, a Cushite arrived)

… The king asked the Cushite, “ Is the young man Absalom safe?

The Cushite replied, “ May the enemies of my lord the king and all who rise up to harm you be like that young man. ”

The king was shaken. He went up to the room over the gateway and wept. As he went, he said: “ O my son Absalom! My son, my son Absalom! If only I had died instead of you — O Absalom, my son, my son!

— 2 Samuel 18:24-33 (those in parenthesis are mine)

————————————————————————————————

See next post (Part 2) … Otherwise, tsismis lang ang nasagap mo.

Published in: on 25 January 2008 at 12:00 am  Comments (24)  
Tags: , ,

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/01/25/sori-anak-part-1/trackback/

RSS feed for comments on this post.

24 CommentsLeave a comment

  1. hayyy, napagod ako magbasa😀 ang buhay ng tao talaga, pasikot sikot sikot… ako minsan nagtatago rin ako sa tatay ko kahit na sa telepono lang kasi naman ang koleeeettt… ganyan siguro talaga kapag tumatanda ang tao ano? pero na touch ako nung isang beses na hinanap ko sya tapos ang sabi nya sa akin e ‘kaya ayoko minsan kausapin ka kasi nag-babangayan lang tayo sa telepono e’ o di ba, medyo tinamaan yata si kengkay non. pero until now naman nagbabangayan pa rin kami, yun nga lang kapag goodbye time na e tinatapunan ko pa rin sya ng i love you na parati namang kunyari e di nya naririnig, hehehe… kami rin, taas baba rin ang takbo ng buhay namin. pero sa huli e kami pa rin naman ang nagmamahalan. at oo, meron din kaming lola liit at lola laki😀

    homebodyhubby: hehehe… anhaba nga kengkay,
    aktwali ni-summarize ko pa yan! 😆

    pero usually mas close daw talaga ang opposite genders e — father with daughters, mother with sons, and i think natural lang yun… yung konting tampuhan e part na rin ng ‘growing-up’ and learning, for both parents and children.

    yung Lola Liit…😆 hehehe… hindi ko na matandaan,
    pero sabi nung isang utol ko, sa aming magkakapatid,
    ako daw ang unang tumawag nang ganun sa mother ng father ko, ginaya lang nila ako… kasi talaga namang maliit. 😛

  2. ang ganda ng sinulat mo kuya…pati mga napili mong passages sa bible..

    it is indeed a rewarding assurance na you’ll see your dad in His kingdom in His time..

    blessed nga tayo kasi may super galing tayong mga tatay… Si God.. ska tatay natin..

    only child lang ako e.. siguro pag matagal ko di nakita tatay ko.. maiiba takbo ng buhay ko..🙂 haha..

    homebodyhubby: salamat, jezreel… 🙂
    i am really proud of my father.

    yes, that’s right… ako man, maski ngayon, posible pang maiba ang takbo ng buhay ko kung hindi ko parating “nakikita” ang Panginoon. 😉

  3. whew!… hehe

    ‘lam mo, isa sa pinaka thnakful ako, khit maxado komplikado ang buhay ko, never ko nakita na nag away ang “parents” ko, totoo yan..

    tru, minsan nakikita ko parang dun mapupunta, pero mya mya lang makikita ko, tatawa na mami ko, di na22loy kc alam nila i kontrol.

    tampuhan yun of kors meron, pero di nag tatagal, pero yung sabihin na may words na dakdakan or may sakitan, never…

    yung buhay din namin, as in nka ilang ikot na, aktwali, isang rison din yun y maaga ko nakapag asawa, maxado na q naduwag, feeling q, di q na kya harapin yung mga problema ko nun ng mag isa..

    niweis, bk d2 ko pa mawento lyf story ko hehe😀

    bsta ako, i am nd alwys been my dadi’s li’l gurl…
    wala nging conflict bet. us and alam nya naman na lahat ng desisyon ko, di lang para sa sarili ko..

    di man ako “huwarang anak” pero alam ko nmn na naging mabuting anak ako para sa kanya..

    di man ako naging kung ano yung gus2 nyang maging ako, lam ko nmn, nasulit na yun ng binigyan ko xa ng apo😀

    homebodyhubby: “whew!” ba? hehehe…😆

    alam mo ‘mine’ isang bagay ang pinaka-proud ako sa
    parents ko — ‘nagsama’ sila for 28 years, hindi sila nagka- hiwalay, at sila lang dalawa talaga, maski na andaming ‘umaali-aligid’ nuon sa Dad ko.

    my Dad learned from his experience with his ‘father’
    and i saw and felt this struggle. now you know why i dislike broken families, because i had seen my father’s struggle.
    but in the end, he had been the best father for us.

    mas marami pa rin namang masasayang araw sa kanilang mag-asawa at sa pamilya namin, hindi ko na lang binanggit nang husto dito kasi masyado nang hahaba lalo. 😆
    ang in-elaborate ko lang ay yung mga posibleng rason
    para magrebelde ako…

    ang punto ko lang, sana yung ibang anak makita din yung good side ng family nila. yung ‘problema ng parents nila’ maski pa sabihin nilang apektado sila, ay huwag nang masyadong i-ruminate dahil kawawa lang sila.

    isa pa pala — kung mapansin mo siguro, mas malimit
    yung “wars” between father and sons (kaysa sa father and daughters), lalo sa kaso namin — magkaiba ang hilig namin
    ng father ko, maski medyo pareho ng temperament. 😛

    sa case ko naman, late-bloomer na sa pag-aasawa. :mrgreen:

    apo…🙄 hmm… dalawa inabot nya, parehong anak ng ate ko. yung magdadala ng apelyido nya, wala syang inabot. at maski siguro buhay pa sya, sa akin wala na syang makikita…😆

  4. natawa ako at naiiyak habang binabasa ko to.. Kakaiba ka talaga kuya, galing mo magsulat..

    Parang para yata sa akin tong entry na to ah..

    Bilib ako sa Tatay mo, actually, pareho sila ng Tatay ko, may hinanakit din sa mga magulang.. Yung pagdidisiplina niya samin ngayon, nakuha niya sa pagdidisiplina sa kanya ng mga magulang niya noong bata pa sya..

    Kakaiba yung mga napagdaanan ng family mo kuya, pero maswerte pa rin kayo kase wlang iwanan talaga! Although naiintindihan ko rin naman yung mgma magulang ko kung bakit kinakailangan nilang magkahiwalay.. Tsaka tanggap ko na yon.. Kesa naman mas lumala pa yung sitwasyon nila.

    Dahil sa entry na to, mas lalo kong naappreciate yung mga sacrifices na ginagawa ng mga magulang ko para sakin, especially my Dad, kahit na hindi naman kami gaanong close sa ngayon, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya kasi hindi niya pa rin kami iniiwan.. Nagbabantay pa rin sya at nandyan sya para samin. at kahit na hindi sya nagtatanong, alam kong nakikiramdam sya sa kung ano mang pangangailangan namin,, kahit na hindi niya pinapakita samin, alam kong mahal niya kami at hinding hindi niya kami iiwan..

    KUYA, SERYOSO, PINAIYAK NYO PO AKO!

    homebodyhubby: naku, sori angel… 😦
    o e di pano? …bati na kayo ng tatay mo? 😛

    oo… nakalulungkot isipin na may mga cases talaga na
    mas maigi pa nga siguro na maghiwalay na lang ang mga magulang kaysa patuloy pang magsama. kahit napakahirap intindihin ito para sa mga anak, kailangan pag-aralan nilang tanggapin ito nang walang hinanakit maski kanino. 😦

    sa kabilang banda, hindi naman dapat maging parang “wala lang…” ito sa mga anak para maging pangkaraniwan na lang ang paghihiwalay pag sila naman ang nagsipag-asawa.
    sana lang, ang nangyari sa mga magulang, maging aral sa mga anak bago sila pumasok sa buhay may-asawa.

    yang parents mo, pwede pa rin naman nilang gampanan
    ang pagiging mga magulang nila sainyong magkapatid, maski hiwalay na sila. maski sabihin pa nating magkataliwas ang pananaw nila at “magka-away” sila, nagkakasundo pa rin at magkakampi ang mga iyan kung ang SA IKABUBUTI NYO NG KUYA MO ang pag-uusapan. 😉

    mahal ka ng nanay mo — alam na alam mo yan…
    at tama ka — ang tatay mo, maski hindi nagsasalita yan, mahal ka rin nyan. natutuwa ako at na-realized mo yan. 😉 sana maski ang kuya mo, malaman ding mahal na mahal siya ng nanay at tatay nyo. 😀

    kayo man ng kuya mo — dapat maging magka-close kayo… dadalawa na nga lang kayong magkapatid. 😉

    Bev, eto pa ang ilang details o… 😉

    Banga spot — umaabot kami sa pagtitinda ng balut dito.
    Bañadero — dun sa sementeryo dito nilibing ang father ko.
    Del Pilar street — dito nakatira yung ‘girl friend’ kong hindi ko naging “girlfriend”, na pag nagsisilayan ko sa simbahang katoliko ng Calamba e buong-buo na ang araw ko. 😳

    lapit-lapit ang 3 lugar na yan — malapit sa simbahan
    ng Calamba. 😉

    yung photo na Bundok Makiling ang background, sa likod lang yan ng pinakamaliit na bahay na inupahan namin.

  5. Naiyak ako sa post mo na ito sir, lalo na nung minsang gusto mo na mamundok at inawat ka ng daddy mo. Nagpapasalamat talaga ako ke God kasi kahit na dumanas din kami ng hirap noon nalagpasan namin at sa mga naikwento mo dito nakita ko na dapat talaga akong magpuri sa Kanya kasi walang-wala yung naranasan mo sa naranasan ko. Napahanga mo na naman ako sa galing mo magsulat at sa lesson na nakukuha ko dito sa bahay mo. To GOd be the glory! Keep it up!😉

    homebodyhubby: salamat misyel! 🙂

    nakyuryus tuloy ako dun sa naranasan mo 🙄 …ambigat siguro, babae ka pa mandin… pero alam mo “feel” ko sa mga posts mo na very strong ang fighting spirit mo — parang misis ko rin… tama ka — walang hardship na hindi kaya pag kasama ang Panginoon.

    Yes! …to God be the glory! 😀

    by the way… aktwali, hindi pa yan ganun ka-detalyado. 😆 syempre may mga bagay na hindi ko na dapat ikwento. 😦 😛

    the more i say tuloy — to God be all the glory!!! 😀 😀 😀

  6. haha, may mga istoryang rebelyon din ako dahil sa sukdulang pagkainis ko sa ama ko na tinatawag ko ding “daddy”(kaso ang konya, haha)…

    ilang beses ko na ding plinanong magsulat ukol dito… na isinusulat ko din kaso hindi ko na din pinopost, kasi maiintindihan ko din ang punto niya sa kalaunan ng pagsusulat ko…

    maiintindihan ko kasi nararamdaman kong pagmamahal ang laman nito… hindi rin ako aapektuhan kung hindi ko siya mahal… ayun.

    di hamak na mas makulay, mas nakaaanitig at nakakabilib ang mga pangyayari sa buhay niyo pero marapat mo akong sabihing, para sa akin, mas makulay din ang buhay namin…toink! (anu daw? haha)

    pero hindi ko rin kokontrahin ang sasabihin mo… hehe.

    ang gulo ko talaga…

    pero noon hindi naman ako nalulon sa bisyo pero nasiyahan ako sa buhay ganoon… saling-pusa pero hindi epal…

    tinago ko sa lahat ang hmmmm, paninigarilyo…nasubukan ko ding palabasin ito sa ilong(yung yosi? weh, yung usok syempre)… para sa akin, pagrerebelde ko na ito sa kanila…

    pero, hehe, isa sa pinakamasayang banda ng buhay ko nung nagkasama kami ni daddy sa expressway minsan. (nasa sasakyan yung iba naming kasama sa byahe) umarte kami na nagyoyosi kami pareho gamit ang imaginary yosi namin…(trivia: yosi boy din ang tatay ko DATI)

    nagulat siya ng nakita niya na hinithit ko yung imaginary yosi sa totoong pamamaraan.. gets nito po? oo, alam ko..

    tsaka sinabi

    “dad, alam mo naman na nagyoyosi ako dati diba”

    “huh, hindi kaya” (nanlaki ang mata ni pogi)

    “pwes, ngayon alam mo na…”

    hindi maalintana ang kasiyahan na nadama ko noon… may tiwala pala siya sa akin kaya hindi lang man niya ako pinagisipan non..

    nung christmas vacation din nakakita siya ng dalawang kaha ng yosi sa bahay(wala naman nagyoyosi don)… pero sinabi niya sa akin:

    “alam kong hindi sayo yun, alam ko ang conviction mo… 100%pure ka… smoke-free”

    o diba, nagkwento ako dito..hehe, INTRUDER! toink!

    minsan bugnutin yung tatay ko kapag walang pera… simple lang, dahil ayaw niyang nahihirapan yung mga anak niya…. dun ako bilib sa mga ama na pilit iaahon ang buhay sa kapakanan ng mga minamahal niya…

    panalo yung tatay mo, hindi na niya pinagisipan na kakaiba ang mga pinapasok niyang trabaho…. magsisigaw ng “balot”…. hindi ko yun maisip na gagawin ng tatay ko…. panalo talaga. pati kayong magkakapatid, nakikijoin pa kayo… ako din MISMO, di ko maisip ba gagawin ko yun..

    siyaks, blog post ba ito? koo, epal ka… haha..

    marapat nga namang ibida sila…ü

    Gb po..ü

    homebodyhubby: haha… baka nire-reverse-psy ka ng tatay mo para i-discourage kang magyosi? pero sa paraang ganun, mabait si tatay mong pogi sayo. 😉

    syempre wala nang mas kukulay pa kaysa sa sariling buhay. parang yung sinasabi din ng mga anak sa nanay o tatay nila na “your the best mom (or dad) in the world!” marapat lang — hindi dahil sa wala na tayong ibang ‘pamimilian’ — kundi dahil wala namang ibang nanay o tatay na magmamahal sa atin nang higit pa sa pwedeng iukol ng mga sariling magulang natin. extreme cases na lang yung mga few exemptions.

    yung sa pagtitinda ng balut… sa father ko talagang walang kaso, dahil down-to-earth sya. kaming magkakapatid, nung una nahihiya pa — kasi nga mga bata pa… naaalala ko, sumisigaw lang kami ng “baluuuuuuuut!” pag wala kaming taong nakikita. 😆 medyo pumipiyok pa nga ako nuon.
    pero kalaunan, nakasanayan na — at sey mo, ang boses
    modulated pa. 😛

    i-enjoy mo ang tatay mo (pati na rin ang nanay mo)
    hangga’t nandyan pa sila…😉

    Gob bless din sayo, iha. 🙂

  7. sige po… lab lab ko sila..

    hmm, di ka po dumadaan sa bahay ko, o kung oo man, walang paramdam… hehe…

    homebodyhubby: oo, koo… lalo na nitong mga
    nakaraang araw (since Jan 30, Feb 5 na itong reply ko),
    hindi pa ako nakasilip maski sa ibang blog.

    pero nakita ko naman sa “incoming link” sa dashboard ko yung “etiketa: walong wirdo…” mo… alam ko tag yun e — nakita ko sa ibang blog, bago ako nagsimulang hindi maglalalabas.

    hamo isang araw silipin ko (at gawin ko). hintay mo lang…😉

  8. […] Myself. Sabi nila, “the child is the father of the man.” Pagsisiwalat ito ng kabataan ko. Tiyak, kung by MY OWN MIGHT lang, napasama na ako. Pwede mong sabihin na mas masahol ang dinanas mo. I don’t care — Kung gusto mong mabuhay sa nakaraan o ayusin ang iyong hinaharap, CHOICE mo yan. […]

  9. […] Walang grabeng rift na nangyari between any of the four of us brothers with our father. At hindi ba nabanggit ko na sa isang post ko na nai-settle ko na yung cold-war namin ng Dad ko bago pa sya pumanaw? […]

  10. […] Yun namang girl sa dulo… e… kuwan… naalala nyo yung girl sa simbahan na ni-kwento ko sa “Sori anak…” post ko? Wala lang… […]

  11. […] Her two sons had a common ‘father’ – a Pangasinense (or Ilocano? am not sure) she met in Manila, a man whom she cannot claim as her husband. […]

  12. […] Wala lang… panay lang ang paypay nitong aking 3rd brother kay Dad nung umagang iyon, binubugaw ang mga makukulit na langaw sa pagdapo sa father naming dilat na nakatitig sa nakakwadrong imaheng nakasabit sa dingding – isang backlit transparency ng Sacred Heart of Jesus. Hindi napansin agad ni bro na nilisan na pala ni Dad ang katawang lupa nang mga sandaling iyon. […]

  13. […] Ito ang mga lolo (sa father side) na mas kilala ko lang sa mga kuwento ng tatay ko (bukod sa tatay niya) […]

  14. […] My uncle got ill because of liver cancer. Kasama ang dad ko, huli ko syang nakita sa PGH nuong 1981. Talagang ‘bumagsak’ nang husto ang kanyang machong katawan. Ang pinsan kong si Etchet (named after our lolo Erasmus), panganay nyang anak na kaha-highschool pa lang nuon, ang bantay. […]

  15. […] Naibida ko na ang Dad ko DITO ← nuon, di ba? […]

  16. […] Nung ipinanganak at nag-one-year-old na itong si 2nd brother, mas naging enjoy ang pamamasyal dahil nag-provide ang company ng service car sa daddy, at ina-allow naman ito “for family use.” Sa tuwing magpapasko, hindi pumapalya ang pagpunta namin sa Christmas party ng kumpanya. (Kaya maski kamakailan lang kapag nadadaan ako sa United Nations Avenue, ang amoy ng langis ang nagpapaalala sa akin sa isang Amerikanong Santa Klaus, mga sirkero’t madyikero, mga naiuuwing food basket at groceries… at mga laruan! Hindi tumagal ng 12 years ang dad sa trabaho nya. Burnout? Posible… later nagkasakit sya. Mahabang istorya, naibida ko na DITO. […]

  17. […] Nuong umagang namatay ang father ko, magkasama kaming nakitulog ng nagdaang gabi sa bahay ng uncle niya sa Los Baños. Hindi ko na inabot ang tatay ko nung umagang iyon; wala syang kaalam-alam sa nangyari pero pumunta sya sa amin. Oras lang ang pagitan nung malaman ko at malaman din nya na pumanaw na pala ang dad ko. Maliban sa kanya, walang ibang iskulmeyt ko ang nakabalita sa nangyari (Sembreak kasi nuon – kami nama’y hindi dahil lang sa pag-aaral sa unibersidad kaya nagkikita at nagkakasama). Nandun sya sa burol ng dad ko hanggang sa ilibing. […]

  18. […] Sana mangaunti na ang magiging mga anak pang tulad nila… Pero sana dumami pa ang mga Dad na gaya niya. […]

  19. […] 1983 nung na-involved ako sa Writer’s Club. Months after our father died in 1985, naging lalong “pukpukan” na ang pagsusunog ko ng kilay. Siya naman, bukod sa pag-aaral, na-involved sa UPC. Medyo dumalang na ang aming ‘bonding moments’. Maski busy sya, mula pa nung bago sya grumadweyt ng highschool, tumulong na yan sa aming pamilya sa paghahanap-buhay. Naka-imbento sya ng sariling istilo nya ng cassava cake at halayang ube. […]

  20. […] So, eyun… Imbes na mommy – ang nakasanayang tawag namin sa kanya ay “Mame” … wala ring ipinag-iba sa pagtawag namin sa tatay namin: “Dade” – sa halip na daddy. Nasanay kasi kami sa pronunciation ng mudra kong Zambal. […]

  21. […] Nakumpleto ko na pala ang lahat ng short account ko tungkol sa mga taong pinakamalalapit sa puso ko – magmula sa mga lolo at lola ko, thru my dad and mom, tatay at nanay – isama mo na rin ang mga peborit kong auntie, uncle at lolo uncle. Ang aking bestfriend, meron din. At syempre, hindi pwedeng wala si misis ko.😉 […]

  22. […] Isa’t kalahating taon akong sumasama as tindero ng penoy-balut sa gabi; pag-uwi, listener sa mga “buntung-hininga” ng Dad na malagihay na dahil sa pagtanggap ng itinatagay ng mga suki namin sa balut. […]

  23. […] Karatig-bayan lang ito ng lugar na kinagisnan ng
    dad ko… Pasyalan ng buong pamilya ang isang dating
    Good Earth emporium nung elementarya ako. Minsan na rin daw nakapaglakad nang paluhod ang mom ko sa San Sebastian. (kung kailan yun, hindi ko na nausisa — NUONG nagkasakit siguro ang dad ko?) […]

  24. […] Sapul pa nuon, “laban” ko na ITO… […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: