Sori din, itay… (Part 2)

( Bible Week series #2—2 )

NOTE: Kung binasa mo ang naunang post ( “Sori anak… Part 1” ) pero hindi mo babasahin ito, tsismis lang ang napala mo. Di bale nang huwag mong basahin ang Part 1, basta basahin mo lang sana itong Part 2. …sige na please.

Eto yung iniwan kong tanong —

“May tanim ka pa rin bang galit sa tatay mo?”

————————————————————————————————

— KAMUSTA NA KAYO NG TATAY MO? —

Huwag mo nang hintaying magSORI ang tatay mo. Bihira sa ating mga lalaki ang nagsasabi ng “feelings” natin, kasi napagkakamalan tayong “bakla” (tangnang stereotyping na yan!)

Isa pa, hindi basta-basta magbababa ng pride chicken nya yun. Baka lang kasi lalo mong arte-artehan.

Kaya kung hihintayin mong magsori sayo ang tatay mo, baka umaasa ka lang sa wala. Do not use your EAR — use your HEART! Ano bang pinagsasasabi mong “Time heals wound?” Bakit hindi ngayon na habang buhay pa sya?

“LOVE heals all wounds” na lang, mas madrama pang pakinggan.🙂

Pansin nyo siguro, malimit, ang ama ang “terror” na magulang… sya ang mahigpit! Bukod sa “sya kasi ang lalaki,” bakit kaya?

Paano, malimit din, ang mga nanay sobrang bait at kayang-kayang artehan at i-manipulate ng mga anak — nakukuha sa pang-ii-emotional blackmail si Mama. Hehehe… baka naman binabalanse lang ni Papa? Kasi kung pati si Papa ay kaya mo ring ganyan-ganyanin, ikaw na ang magpatakbo ng pamilya nyo… Tuloy, bida si Mama. Si Mama ang spoiler, kaya kay Mama na ako. Sa tingin ng mga anak, si Mama ang anghel na martir😥 si Papa ang demonyo.👿

Pag tanda mo, saka mo lang malalaman na hindi pala talagang ganun si tatay mo. Sana lang, huwag mong dalhin ang impresyong iyan hanggang sa pagtanda mo. In the long run, MAGKAKAMPI yang nanay at tatay mo — alang-alang sayo. Kung ikaw din lang ang pag-uusapan, palagay ko’y walang bida’t kontrabida dyan.

Maaaring nasa middle age ka na, humigit-kumulang nasa kwarenta… Ang tatay mong nasa sisenta o sitenta na, naruon sa Golden Acres… o kaya sa probinsya — o maski sa bilibid pa! Hindi mo man lang madalaw dahil sa ginawang pagbalibag sayo nang minsang uminit ang ulo nya dahil sa kaiiyak mo nung musmos ka pa lang.

Matagal na yun. Matanda na tatay mo. Mahina na. Maski hindi umamin, matagal nang nagsisi yun.

Puntahan mo! Baka magulat ka pa pag nabigyan ka ng payo na hindi mo pa naririnig sa tanang buhay mong mahigit na sa apat na dekada. Tandaan mo: maski tumatanda ka pa, mas di hamak na tumatanda rin naman ang tatay mo nang higit pa sayo.

O e di sige, kung hindi mo pa kaya (o talagang hindi na pwede) huwag na (muna). Ito na lang ang iiwan ko sa inyong mga lalaking may galit sa tatay nyo — Mahihirapan kang maging epektibong ama hangga’t may kimkim kang galit sa tatay mo dyan sa PUSO mo.

Sa limang buwan na itinagal ng blog na ito, wala na akong minura kundi ang mga luko-lukong ama na nagpakaluko-luko nung kabataan pa nila.

(Pwede nyong balikan ito: Pamana ng isang DAGA)

Mga ilang panahon pa, ipapasa na nya ang BATON sayo — ang “baton” na iyan ang magkakalat ng lahi nyo😆 magiging tatay ka rin. Gagaya ka pa ba sa kalokohan nya?

Parang relay race din yan (one of my PE courses sa college, track and field). Kailangang maipasa muna sayo ng naunang tumakbo ang baton bago ka makatakbo.

Ang tanong: Sisihin mo ba ang nauna sayo, na kaya kayo matatalo sa race e dahil ang bagal nyang tumakbo?🙄 Bakit hindi mo na lang tanggapin ang baton sa kanya at tumakbo ka nang mabilis sa abot ng makakaya mo?

Alam kong mahirap sa parte mo… Pero isipin mo din naman yung susunod na runner na pag-aabutan mo. Mahihirapan din ang anak mo kung tutulad ka sa pagtakbo ng tatay mo — may kimkim na galit?

Sa pagkakataong ito, dedepensahan ko naman ang mga ama nyong nagsisisi na. Hayaan nyong ako ang magsabi nito sa inyo para sa kanila:

SORI ANAK…” 😦

———— • ————

— KAMUSTA NAMAN KAYO NG “TATAY MO SA ITAAS” ? —

Bakit ba ang iba sa atin, hindi tuwirang masabi ang mga katagang “Diyos” o “Panginoon” pag tinutukoy natin Sya? Parati na lang “yung nasa itaas.” Mag-ingat ka baka butiki sa kisame o paniki sa himpapawid ang maituro mo.

Tanong ko ulit:

“Kumusta na ang relasyon mo sa Diyos? May galit ka pa ba sa Kanya dahil sa mga ‘kamalasang’ nangyayari sa buhay mo?”

Kung bihira sa mga ama sa laman ang nagsasabi ng “sori” sa mga anak nila, palagay ko’y sa Diyos talagang wala kang aasahan. Pero ito ang tiyak ko: mahal Ka nya at may maganda Syang plano sa buhay mo. Nananatiling bukas ang kanyang mga palad para tanggapin ka, nakaangat ang mga braso para yakapin ka — kung magbabalik-loob ka lang.

Sa palagay ko, tatlong klase lang naman yang mga “kamalasang” sinasabi mo — una, pagsubok; pangalawa, pagsupil o pagsansala; at pangatlo, parusa. (Hindi ako naniniwala sa “malas” but for the sake of convenience, yan muna ang word na gagamitin ko)

Pagsubok, kung sa tingin mo banal na banal ka na, pero “minamalas” ka pa. Ito’y para lalo kang palakasin at patatagin sa mga posibleng mas mabibigat pang problemang darating sa buhay mo.

For you, O god, tested us; you refined us like silver.

— Psalms 66:10

Pero teka muna… Talaga bang banal ka? Kumusta naman ang pakikisalamuha mo sa ibang tao? Baka “maka-Diyos” ka nga, hindi ka naman makatao? Pwede ba yun?

Baka ang pinagkakaabalahan mong pagpapakabanal ay ang paglalakad lang ng paluhod sa simbahan? Bakit mo ba ginagawa yan? May itinatago ka pa bang kasalanan sa puso mo?

He who conceals his sins does not prosper, but whoever confesses and renounces them finds mercy. Blessed is the man who always fears the Lord, but he who hardens his heart falls into trouble.

— Proverb 28:14

Ang hirap kasi sa atin, dasal tayo nang dasal… Hingi tayo nang hingi sa Kanya, pero hindi naman natin naririnig ang sagot Nya.

“Paano natin malalaman ang sagot Nya?” eka mo siguro, “Pwede ba nating marinig ang boses Nya?”

Huwag mo nang hintayin na marinig ang boses nya, kasi pag nangyari yun baka nagha-hallucinate ka lang dahil nababaliw ka na. Pwede Nyang iparinig literally ang tinig Nya sayo kung gugustuhin Nya dahil wala namang imposible sa Kanya. Kaya lang, it doesn’t always work that way in this dispensation, kaya huwag ka nang maghintay ng kababalaghan.

“So, paano nga namin malalaman ang sagot Nya?”

Ayan! … Yang Bible mong inaamag na yata at dikit-dikit na ang pahina dahil hindi mo man lang binubuksan. Salita Nya yan, ‘di ba? Basahin mo. Hindi yang kung anu-anong ‘formula’ ang sinasaulo mo at inuusal ng paulit-ulit — dahil ang pananampalataya, hindi isang madyik.

At maging aware ka rin sa mga circumstances sa buhay mo para makapag-decide ka. Pakinggan mo rin ang sinasabi ng mga taong nagmamalasakit sayo para paalalahanan ka. Ang mga ito man — circumstances at mga tao sa buhay mo — ay pwedeng gamitin ng Diyos para “kausapin” ka.

My son, do not despise the Lord’s discipline and do not resent his rebuke, because the Lord disciplines those he loves, as a father the son he delights in.

— Proverbs 3:11-12

Malinaw na ang nangyayaring “kamalasan” sayo ay isang pagsupil at pagsansala. Maski ikaw pa’y “swertihin” (huwag mo nang hintayin na ikaw ay “malasin”) — useless ang mga ginagawa mong pagpapahirap sa sarili mo. Hindi na kailangan ng Diyos yan dahil ginawa na yan ng Anak niya. Pag inuulit mo ito ibig sabihin tinatanggihan mo ang ginawa na ni Kristo para sayo.

At lalong mahirap kung sa paulit-ulit na pagsansala hindi ka nakikinig:

A man who remains stiff-necked after many rebukes will suddenly be destroyed — without remedy.

— Proverbs 29:1

Minsan maski ikaw ay nagsisi na, asahan mong may consequences ang mga kalokohang ginawa mo. Yan ang parusa.

Tignan mo si Haring David… Maski sising-sisi na sa kasalanan nya kay Bathsheba (2 Samuel chapter 11) kinuha pa rin ang sanggol na anak nila (chapter 12) … Kalaunan, ang consequences ng kasalanan nyang ito ay nagpatuloy pang parang isang sumpa hanggang sa tumanda sya (chapter 13 and following). Pati ang anak nyang si Absalom ay kinuha pa! (chapter 18 ).

Pero huwag kang mawalan ng pag-asa. May iba pang pagkakataong ibinibigay Sya para “makabawi” ka. Magbalik-loob ka lang, p’re.😉

Sayong dati nang mananampalataya na nagtampo sa TATAY mo:

Bakit hindi ka magbalik-loob sa Kanya?

Sayong hindi pa nakakakilala:

Bakit hindi ka lumapit sa Diyos at tanggapin ang ALOK Niya?

Sa pagkakataong ito, kayo naman ang pagsasabihan ko:

MAGSORI KA NA ANAK!”

————————————————————————————————

Story 2

… he came to his senses … So he got up and went to his father.
But while he was still a long way off, his father saw him and was filled with compassion for him; he ran to his son, threw his arms around him and kissed him.

The son said to him, “Father, I have sinned against heaven and against you. I am no longer worthy to be called your son.”

But the father said to his servants, “Quick! Bring the best robe and put it on him. Put a ring on his finger and sandals on his feet. Bring the fattened calf and kill it. Let’s have a feast and celebrate. For this son of mine was dead and is alive again; he was lost and is found.

— Luke 15:17, 20-24

————————————————————————————————

Makati (1996). The second generation ‘runners’ from Erasmus: from left — 1st, 2nd, and 5th are my brothers; 3rd, 4th, and 6th are my first cousins (Tito Bobby’s sons). Syempre yung pinakagwapo sa kanan (LASING na), si ‘big’ brother homebodykuya😆 (nagmukha lang akong malaki rito kasi wide-angle yung lens na ginamit at low-angle ang view ng shot, saka ako pinakamalapit sa camera — si misis ko ba naman ang na-nyut!). May isa pa — pinsan ko rin at “tukayo” ko, once ko pa lang nakita (wala sa picture).

The “race” is not over yet… but for sure, nasa KANYA ang ikapapanalo ng laban.

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/01/25/sori-din-itay-part-2/trackback/

RSS feed for comments on this post.

7 CommentsLeave a comment

  1. kuya hubby tingnan mo ako una.. fans mo tlga ako.. hehehe.. kung ako tatanungin mo kung okey kmi ni itay sa itaas??? cguro oo! naman… aktualy dalwa cla andun c pudang at ska xa… hehehe.. db ok tlga kmi.. ksama nya pa ang father earth ko.. lau pa father’s day ah… pero cge batiin na kita… happy father’s day!

    homebodyhubby: oo… nabasa ko nga nabanggit mo nuon sa blog mo na nauna na si pudang mo. 🙂 si pudang ko rin matagal na nauna — more than 22 years ago na.

    kelan nga ba father’s day? 🙄 ahehe… hindi nako nakapaghintay, sa Bible Week ko tuloy nailagay? 😆

  2. kami ni tatay ko kulitan parati; at yung tatay ko sa itaas? ibang kulitan din ang nangyayari😀 at yung tatay in law ko dito, ganun din, kulitan din. bakit kaya, e hindi naman ako makulit, hmmmm🙂 pero kasi yun ang lambing nang anak na babae sa mga tatay e… alam mo sa amin, tatay ko malakas ang boses pero si nanay ko ang hari at reyna. at sempre alam mo yan, kahit na sikret nila kunyari yan. at dito sa bahay ni kengkay? hulaan mo kung sino ang bossing😀

    homebodyhubby: ay, buti pa pala ikaw kengkay,
    kumpleto ka pa sa mga tatay…

    hindi ko naranasan ang magkaroon ng byenang lalaki,
    kasi maaga ring yumao ang father ng misis ko… dalaga pa lang sya nuon, 18 years old… (sabagay pareho naman
    kaming may mabait na byenang babae) 🙂

    at alam mo bang peborit din sya ng tatay nya?
    maski daw kasi nung paslit pa lang sya, nagbubuhat sya ng hollow blocks pag gumagawa ang tatay nya ng kulungan ng baboy. 😆 atsaka sa mga anak na babae, si misis ko lang ang nagdadala ng maraming friends sa bahay nila.

    sinong bossing sa bahay nyo? 🙄 hmm… ang little kengkays!😆 hehe… jokes! — syempre ikaw… 😛

    hehehe… ngayon ko lang napansin — kamukha pala ito 😆
    ng piktyur ko dito sa sidebar ko? hmm… ito yata 😀

  3. wahahah. tama ka,😀 yan kamukha nung sidebar mo, hehe. at tama ka ulit, mga little kengkays ang bossing sa bahay, maliit pa e nagmana na, hehe

    homebodyhubby: ahahahah! yung unang hula ko pala ang tama! 😀 siguro lalo na pag nagsipagdalaga na ang mga iyan — dobol da trobol, kasi twice ni kengkay, ahehe… 😆

    yung piktyur ko sa sidebar, mas mukha pa yatang matino yung piktyur nung daga ko sa itaas. 😛 ahehe…

  4. ay parang ang kyuty ni bro.#1 hehe
    ***
    dun sa dadi ko sa “taas, dati ok na ok kami, kaso ngaun mejo dyahe pa ko sa kanya.. bsta , sana nga, mabalik ..

    kc nung tym na close kami, sabi ko sa kanya, ngaung may problema ko, close tayo, how much more pa kung wala, mas lalo tayong magiging close kc wala na kong ibang distraction..

    kaya ayun, inalis naman nga ang problema… pero totoo pala ang cnabi nya, nung nawala ang problema, pati closeness namin nawala, kc napunta na ang atensyon ko sa iba…

    (meron akong parable na alam na parang gan2 eh kaso maxado hahaba hehe😀 )

    so ayun, sa ngaun, mejo naninimbang pa ko ika nga, lam ko nmn, na lumapit lang ako, di ako mapapahiya,kaso di p ko redi..

    ayokong magkunwari… ayaw kong mag “feeling Close” lang.. ayoko ko kc na saktan ko xa ulit ….

    homebodyhubby: ahehe… 😆 nakakita ka na naman
    ng ibang gwapo! 😕 hmp! tsk tsk tsk! 😕 akala ko ba ako?:mrgreen:

    mamaya na kita uli sagutin, gagamit daw si misis ng kompyuter…

    eun…
    yung brother ko na yun (1st sa photo), aktwali
    2nd brother ko — pang-4th sa aming lahat at sya yung itinuturing na “swerte” ng mga parents ko kasi sya yung ipinagbubuntis nung mapasok ang father ko sa PRC.
    yung katabi nya (my 3rd brother) ang sumunod sa kanya. yung nasa gitna na pinakamalapit sa monitor (5th from left
    sa photo) ang sumunod sa akin (my 1st brother).
    hehehe… iisa ang nanay at iisa din ang tatay namin, ha? :mrgreen:

    sa brother kong yan (yung ‘parang ang kyuty’ na sinasabi mo)
    nagsimula ang mga kapatid kong tisoy at tisay ang kutis.
    1st three sa aming magkakapatid kasi, morena at moreno ang kutis; the last three, mapuputi — at medyo blond ang buhok nung maliliit. nung ipinanganak nga ang brod kong yan ng nanay ko, akala nila namumutla lang dahil antagal yata bago nailabas? 😯 …pero taka sila antagal na e ganun pa rin, yun pala talagang maputi.

    ‘koryano’ at ‘borkano’ nga ang tawag ng lolo ko
    (my mother’s father) sa 2nd and 3rd brothers kong yan…😆

    repeat… isa lang ang tatay namin ha? 😆

    hehehe… nawili na naman ako sa kwento… 😳
    ***

    yung dadi mo sa itaas… tingin ko, hindi mo kelangang
    maging “redi” para bumalik…

    and i think, HINDI ka naman talaga ‘makakalapit’ kung “magkukunwari” o “magpi- ‘feeling close'” ka lang…
    — IMPOSIBLE, i would say — kasi ALAM Nya yun…
    (see Prov 28:14 sa itaas) 😉

    lumapit ka na kasi para mawala yang “dyahi” mo. 😉
    wala nang “sana-sana.” 😛

    anu kayang parable yun? 🙄

  5. ok nmn kmi ni papa sa taas! Lagi nya nga ako nigaguide eh! At ramdam na ramdam ko iyon. Si papa as in my dad, ok na ok kmi!
    InpaK, tatay’s girl nga ako eh!
    Lagi nya ako nipagtatanggoL! Ahihihi!
    Pero dalwang beses na kmi nag-away ni papa. At aun nagdrama at nag-iyakan tlg kming dalawa. May ngawa akong kasalanan at meron din sya. Pero dabest tlg tatay kO! All in one tatay kumbaga!!!

    Mejo natagalaan din ako bumalik dito sa blogosphere!
    Sobrang busy eh! HAyzzzz!
    AhihihihI!

    homebodyhubby: ahehe… bihira ang tatay na ganyan… mapalad ka, ineng. 🙂

    okey lang yun… studies pa rin ang dapat na priority
    ng mga paris mong estudyante. 😉

  6. sobra na pagpapaiyak mo sakin! Hehehe..

    Yung sa Dad ko naman sa itaas..

    Actually, kakatapos lang ng recollection namin.. Talaga namang nakakatulong yon, para mas maging maayos yung relasyon ko with God.. Todo iyak ako at sobrang pagsisisi sa mga nagawa kong kasalanan.. Nakalimot din ako a kanya pero ngayon bumabawi naman na ko.. Kuya, thanks sa pagpopost mo ng mga ganitong entries ha.. Salamat talaga!

    homebodyhubby: basta ayos ang relasyon sa Panginoon, anumang kasalanan mas makakayang maiwasan. anumang pagsubok kakayanin maski gaano kabigat at kahirap. 😀

    salamat din for reading…😉

  7. […] Sori din, Itay… (Part 2) […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: