Nakaka-RELATE ka na ba?

( Bible Week series #3 — last )

Jesus reading the Scriptures

Ngayon ang huling araw ng Bible week kaya, for now, isasara ko na muna ulit ang “topic” na ito (wheeew! Tsalamat!).

Pero hanggang sa January 30 pa ang activities — check this out, catholics or protestants, may activities dito:

Highlights of National Bible Week 2008 Celebration

At tutal, Bibliya ang pinag-uusapan dito, baka gusto nyo ring tignan ito (trabaho lang, walang personalan):😛

The Noble Bereans

Mahirap din talaga magsalita tungkol sa mga bagay na ito. Baka isipin nung iba, nang-aaway ako. Part na kasi ng pagiging bible-believer ko ang enthusiasm na i-share ang conviction ko para magbahagi ng impormasyon — HINDI para makipagdebate o makipagtalo lang…

“Don’t have anything to do with foolish and stupid arguments, because you know they produce quarrels.” (2 Timothy 2:23)

Hindi yung pagbabahagi ng Salita ang tinutukoy na ‘foolish and stupid arguments’ dito ha — kundi yung pakikipagtalo at pakikipagdebate.

Natandaan ko yung isang comment dito sa blog ko nung Monday —

“You cannot change the world, but at least you can make a difference.”
… great!!! 😉

Naalala ko tuloy yung trabaho ng mga rescuers. Maybe sometimes, it is impossible to save everybody. But let us save as many as we can. The focus is NOT on the rescuers — na wala namang ulterior motive na magpa-star lang (ewan ko lang yung iba, bahala sila) — ang focus ay sa mga taong dapat i-rescue.

Light pa nga ang approach ko e. Ayaw ko kasing mag-drop ng names ng grupo — hindi dahil sa takot ako sa kanila, o takot akong maparatangan ng slander o libelo o paninirang-puri. Pero nakita nyo naman mas grabe pa nga yung iba sa TV, may kanya-kanya pang channels ang mga ito, kasi malakas at obligado ang “tithing” nila.

Hehehe… naiisip ko nga minsan, sana simpleng libro na lang ng “pagpapakabait” yang Bible e. O parang guides sa “How to quit smoking or to stop drinking coffee”?😆 or “10 ways to get slim and sexy in five days”🙄 (pede ba yun?) or ganito, o ganyan — mas madali pa sana. Andaling sabihin: “Eto o basahin mo, kung gusto mong maging ganito.”

Kaso iba talaga ang sentro at pangunahing mensahe ng Biblia. Mahirap namang hindi isali yun. Parang hindi ko matanggap na ibahagi ang mga “secondary” messages ng Bible without sharing the “primary” message.😦 Hayzz! Nako Dyoskopo, ayoko na yata…

Basta magbasa ka ng Bible. Tignan mo kung tama o mali ang sinasabi ko.

Mas bilib nga ako sa taong pinaninindigan ang kanyang paniwala at kung ano ang SA TINGIN NYA AY TAMA, hindi yung parang ispongha na tanggap nang tanggap na lang. Ngayon kung nabasa mo na ang Bible — which is the final authority of the Christian faith, at nakita mo nang hindi pala tama ang kinatatayuan mo, at ayaw mo pang umalis dyan, nasasayo na yan.

RELIHIYONG KINAGISNAN

Eto isang eksampol. May sinisimbahan ka di ba? Tignan mo ang 10 commandments sa entrance ng simbahan nyo. Ikumpara mo yan sa Exodus 20 sa Bibliya. Makikita mo may dagdag-bawas at binago. Saan na nga ba napunta yung Exodus 20:4-6? At yung verse 17, bakit hinati at ginawang dalawang magkahiwalay na utos?

Syempre, tinanggal yung second commandment (verse 4-6), ay di siyam na lang. Kailangan pa ng isa para maghusto ulit na sampu, kaya duon sa tenth commandment (verse 17) kinuha.

Nagulat ka ba? E pano nga, hindi mo binabasa ang Bible mo. Naniniwala ka lang sa kung anong sabihin ng lider ng sinisimbahan mo.

Tanungin mo ang lider nyo, kung anu-ano pang palusot ang sasabihin. Pag hindi nga naman nila tinanggal yung second commandment, patay ang isang practice nila na posibleng pinagkakakitaan pa. (I love the practitioner, but I hate the practice.😕 ) Malinaw na ni-corrupt ang Bible — ang Salita ng Diyos.😦

Alam ko namang marami pang posibleng “mas praktikal” na dahilan kaya hindi mo maiwan yan e. Maaaring dahil sa baka magalit ang nanay at tatay mo, o kaya baka hiwalayan ka ng boypren o gerpren mo. Pwede ring nagi-guilty ka sa mabait mong lolong namatay na, kung kanino mo minana ang relihiyon mong sarado… o kaya baka singilin ka ng iglesyang pinagkakautangan mo…

Nasa sayo yan. Pero ang pinakamabigat na dahilan ay ang PRIDE. Ganyan din ako nuon e.

Marahil ngayon, ikaw na ang nakakapangyari sa pamilya mo. Bakit hindi ka manguna sa pagbabago ngayong alam mo na ito? Pero huwag mo silang pilitin.

Pwede din naman kasi, kuntento ka na dyan, at sabi mo —

“Huuu… pare-pareho lang yan!”😐

E di sige… Ewan ko ba kumbakit mas type mo dyan, samantalang kung tutuusin, mas marami ka ngang kailangan pang “trabahuhin” dyan.

O kaya, sasabihin mo —

“Ipokrito at mapagkunwari ang mga nangangaral na yan!”😕

Hehehe… e di ikaw, tutuo kang tao, bakit hindi ka mangaral — o maski magbasa ka na lang sa sarili mo? Ginagawa mo pang palusot ang iba e. Tumingin ka sa sinasabi nila, magbasa ka, hindi yang ganyang naka-focus ka sa ugali ng tao. Accountable sila sa sarili nila, may nakalaang parusa para sa kanila.

O kaya, sasabihin mo —

“Wala pa akong time para sa kaluluwa ko e!”😦

E di sige uli… total malakas ka pa naman… kelan ka kaya magkaka-time? Pag may sakit ka na at malapit ka nang matigok?

O ano? …wala ka nang masabi? …baka eto na sasabihin mo —

“HINDI AKO NANINIWALA SA BIBLE!”😡

Okey… dun din pala ang tumbok mo, pinaikot-ikot mo pa ako. Derpor hindi ka pala kristyano… Sori, ha? Napikon pa kita.

Sige, huwag ka nang umalis diyan. Sabi ko nga sa post ko nung lunes, hindi naman kita pinaaalis. Lalo na kung mga magulang mo ang dahilan. Pag-aralan mo muna nang husto. At pag nagpasya kang umalis, MAG-INGAT ka rin dahil maski ako ang naging dahilan ng pag-alis mo, marami dyang mga KULTOng naghihintay na sasambot sayo. Parang“Out from the frying pan, into the fire.” — araykopo!

MAG-INGAT!!!

Kung ako ikaw, babasahin ko itong link ng The Noble Bereans (binanggit ko na rin ito dun sa itaas).

Magbasa ka ng Bible. Sa mga Bible-believers ka magtatanong. Suriin nyong pareho at pag-usapan, at makipag-fellowship kayo sa mga Bible-believing Christians. Huwag dyan sa may mga sariling translation ng “bible” nila. Huwag din dyan sa mga may isinisingit na kung anu-anong libro at magasin na kung hindi mo raw babasahin, hindi mo raw maiintindihan ang Bible.

KULTO! KULTO! AT KULTO PA!

Pansinin mo rin ang karamihan sa kulto — may isang pinaka-peborit silang talata sa Bible maski hindi masyadong “significant” — kasi binabanggit dun ang pangalan ng “kulto” nila. In fact, dun nga nila kinuha ang pangalan ng “church” nila.

Well… uulitin ko ha? Hindi religion ang “born-again” — adjective lang yan. Maski basahin nyo, talaga namang yan ang central message ng Bible — si Christ, and receiving Him as Savior and Lord. Being “born from above” — being born again.

Isa pang tatak ng kulto at relihiyon — may mga “bawal” … kesyo bawal kumain nito, bawal magsuot ng ganito. May mga “dapat” gawin — kesyo magsimba ka lang sa ganitong araw, memoryahin mo ito, magbigay ka sa ganito.

Pag “bawal” kasi, hindi mo lang gagawin kasi may nakakakita. At yung mga “dapat” gawin, gagawin mo lang kasi ipinag-uutos nila.

BORN AGAIN OR BIBLE-BELIEVING CHRISTIAN

Sa isang born-again christian, mas importante yung conviction. Gagawin o hindi mo ang isang bagay, kasi yan ang sinasabi sa Bible, meaning, sinasabi sayo ng Diyos — kasi mahal mo ang Diyos. Pag hindi mo Sya sinunod, maski walang “parusa” o church discipline galing sa local church mo (halimbawang hindi nila alam kasi inililihim mo), ikaw rin ang daranas ng hirap.

Paano? Syempre, pag hindi mo sinusunod ang mga sinabi ng Diyos, magi-guilty ka sa Kanya at mahihiya ka nang lumapit sa Kanya. Hindi ba’t sa simula’t-simula pa, ang pagsuway sa Kanya ang nagpalayo ng fellowship o relasyon natin sa Kanya?

Bakit biglang nagtago si Adan, matapos sumuway sa Diyos? Bakit nalaman nyang “hubo’t-hubad” sya, sinong may sabi sa kanya nuon? Wala… guilty kasi sya. Kaya sya biglang nagtago — kasi may kasalanan siya, NAHIHIYA sya.

E di aminin at i-confess mo! Kita at alam rin naman yan ng Diyos maski anung tago pa ang gawin mo…

“If I had cherished sin in my heart, the Lord would have not listened.” (Psalm 66:18).

Pagbabalik-loob lang ang kailangan. “Pagbabalik-loob” means talagang totoo sa loob, hindi yung nagkukunwari ka lang. Pag nagpapakitang-tao ka lang, REJECTED ka na agad — paano, nababasa ng Diyos ang puso mo dahil omniscient o all-knowing Sya.

“He who conceals his sins does not prosper, but whoever confesses and renounces them finds mercy. Blessed is the man who always fears the Lord, but he who hardens his heart falls into trouble.” (Proverb 28:14).

Kaya nga maski na born-again ka na at sabihin mo pang “ligtas” ka na, pag sumuway ka uli, maski pa hindi nawawala ang kaligtasan mo, napuputol ang fellowship mo sa Kanya. Ang mga blessings o pagpapala Nya, wala ka ulit mapapala.

Now you are torn between two — ipagpapatuloy mo ba ang kasalanan mo, o lalapit ka sa Kanya? It’s your CHOICE. Ano ba talaga ang mas type mo?

Pag gusto maraming paraan, pag ayaw maraming dahilan.

TEKA MUNA… RELATED KA BA TALAGA SA KANYA? SIGURADO KA?

Ito ang importanteng malaman mo: dapat may relasyon ka muna sa Kanya.

Baka naman nakiki-christian-Christian din ako!”ka, hindi mo naman alam ang sinasabi mo — hindi mo alam ang prinsipyo? Eto, alam mo ba ito? — Hindi lahat ng tao anak ng Diyos.

Hindi lahat ng tao anak ng Diyos — NILIKHA, oo… Pero lahat may karapatan at pagkakataong maging anak Nya:

Yet to all who received him, to those who believed in his name, he gave the right to become children of God
children born not of natural descent, nor of human decision or a husband’s will, but born of God.” (John 1:12—13)

Nandyan na rin yung sagot kung papaano. Eto pa isa, mas malinaw —

“You are all sons of God through faith in Christ Jesus.”
(Galatians 3:26)

THE TRUE FAITH

Ang FAITH — o ang pagiging kristyano ay hindi namamana. Hindi ang mga magulang mo ang pipili ng pananampalataya mo. Personal yun e!

Kaya hindi rin komo anak ka ng pastor na born-again e born-again ka na rin. Ikaw ang magdedesisyon nuon. Ikaw ang personal na tatanggap kay Kristo.

Kaya kung may mga baby kayo na namatay nang hindi nabibinyagan, huwag kayong ma-guilty. Tignan nyo uli ang istorya ni David, implied duon na ang sanggol nila sa pagkakasala ni Bathsheba ay pumunta sa langit (2 Samuel 12:13-23). Kung kelan nga namatay yung baby, saka tumigil si David ng kadadasal.

Walang “limbo” o maski anong “processing centers” sa kabilang buhay (See Luke 16:19-31). Malimit naman yang mga dasal-dasal sa mga namatay na e, paghuhugas na lang ng guilt ng mga namatayan dahil sa pagkukulang nila sa mga namatay nilang mahal sa buhay.

Mapalad yung mga sanggol na namamatay dahil wala pa sila sa age of accountability. Wala pa sila sa hustong gulang para maunawaan ang mensahe ng kaligtasan, kaya exempted sila. E ikaw? … Matanda ka na at maaaring paulit-ulit mo nang narinig at naintindihan ang mga mensaheng tulad nito.

ISANG ILUSTRASYON

Bilang pagwawakas, pag-aralan natin at suriin ang John chapter 3 (John 3:1-7, 9-10, 16; or you may want to see the whole John 3:1-16 for yourself).

1Now there was a man of the Pharisees named Nicodemus, a member of the Jewish ruling council. 2He came to Jesus at night and said, “Rabbi, we know you are a teacher who has come from God. For no one could perform the miraculous signs you are doing if God were not with him.”

3In reply Jesus declared, “I tell you the truth, no one can see the kingdom of God unless he is born again.

4“How can a man be born when he is old?” Nicodemus asked. “Surely he cannot enter a second time into his mother’s womb to be born!”

5Jesus answered, “I tell you the truth, no one can enter the kingdom of God unless he is born of water and the Spirit. 6Flesh gives birth to flesh, but the Spirit gives birth to spirit. 7You should not be surprised at may saying, ‘You must be born again.’

9“How can this be?” Nicodemus asked.

10You are Israel’s teacher,” said Jesus, “and do you not understand these things?

16For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.

Eto ang ilang katotohanan tungkol kay Nicodemus (true-to-life story ito ha?)

  1. Si Nicodemus, ang relihiyon ay Judaismo — kasi yun ang namana at KINAGISNAN nya mula sa kanyang mga ninuno.
  2. Si Nicodemus, nakapag-aral at naging opisyal pa ng kanilang relihiyon (kasama na dito ang politiko)
  3. Si Nicodemus, kung kailan GABI, saka pumunta kay Kristo. Bakit kaya? Ayaw nya kayang may makakita sa kanya (ka-relihiyon man nya o hindi) na pumunta sya at nakipag-usap kay Kristo? Bakit kaya? PRIDE?
  4. Si Nicodemus, matanda na pero hindi maintindihan ang sinasabi ni Kristo… SARADO ang utak sa relihiyong alam?
  5. At least, may maganda syang ipinasya — lumapit, nagtanong at nakinig sya kay Kristo.

Si Nicodemus… nagpakatanda-tanda… nag-master at doctorate pa yata ng kanyang kinagisnang relihiyon, hindi pa pala nakaka-RELATE sa Panginoon?

Ikaw kaibigan, nakaRELATE ka na ba sa Kanya?

At ikaw naman kapatid, nakakaRELATE ka pa ba sa Kanya?

Well… salamat naman. Basta sigurado ka ha?

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/01/27/nakaka-relate-ka-na-ba/trackback/

RSS feed for comments on this post.

15 CommentsLeave a comment

  1. uuuyy pamilyar na koment😀 hehe

    mahirap kc tlaga yung sarado kandado, mahirap yung lunok ng lunok sa bwat isubo ng di nag iisip, mahirap din nmn yung maxado ang bilib sa sarili at la ng pinapaniwalaang iba.. ah maxado kumplikado…

    btsa evrything in moderation..

    everything with God as the first & ultimate consideration, hindi ka maliligaw ….

    homebodyhubby: yung koment ahehe…
    sabi ko sayo, hulog ka ng langit e. 😉

    kagagaling ko sa blog mo,
    naaliw ako dun sa ni-post mong video. 😉
    first kita dito sa ‘relasyon’ ko,
    first mo ko dun sa ‘panaginip‘ mo. 😛

  2. hehe….. homebody…… may katanungan po ako…

    ano po ba ang tunay na relihiyon dito sa earth? kasi narinig ko iisa lang naman ang tunay na relihiyon at dun ka daw dapat sumali. medyo naguguluhan kasi ako eh.

    *kain cookies* gusto mo? ^^

    homebodyhubby: Bible-believer ako, kaya syempre naniniwala ako sa sinasabi ng Bible. Yung tanong mo, na-discuss ko na yan dun sa unang post ko:

    ‘RELASYON’ …the second time around!

    duon sa heading na
    “RELIHIYON? KAILANGAN BA TALAGA ITO?” 😉

    ngayon ko lang nakita comment mo, baka ubos na cookies mo ahehe…😛

  3. amen ako sa lahat ng sinulat mo!

    homebodyhubby: amen! 🙂
    salamat sa pagdaan mo 4angels… hahanapin ko sa google
    ang blog mo kasi hindi clickable ang avatar at name mo. 😉

    nahanap ko na… nai-link na rin kita sa blogroll ko. 😉

  4. in God we trust😀 ako kahit ano pa gawin ko at balak kong gawin, parati ko syang tinatawag sa tabi ko. alam mo ba dito, andaming tumitiwalag sa kanilang relihiyon kasi naman ang laki ng kinakaltas sa kanilang tax para sa simbahan e. alam mo yun, they are willing to give up their faith, kasi talagang aalisin ka sa register book e– dahil lang mas gusto nilang gamitin yung pera para mag bakasyon o kaya ibili ng tv or kung ano pa man.. malaki laki rin talaga e. kaya andaming munting bata na walang relihiyon. pero may mga kakilala akong mga magulang na pinag isipan nilang mabuti kasi nga naman, mas mabuti na raw magbayad kesa walang kinikilalang faith ang kanilang mga anak.

    homebodyhubby: totoo kengkay? grabe pala ano…😦
    to think na German pa si Martin Luther.

    ang ‘faith’ at ‘religion’ kasi, minsan pwede rin naman
    nating sabihin na one and the same thing, they can be used interchangeably — it is a matter of semantics, sabi nga ng iba. ang nakalulungkot lang isipin ay kumbakit ang totoong ‘faith’ ay na-reduced na lang sa isang ‘religion’ na parang nothing but a code of ethics or morals to follow na lang, as if parang mild version na lang ng Mosaic law (law of Moses).
    parang para lang “magpakabait” ? but we know faith
    is more than that…

    minsan hindi mo rin masisisi sila dyan kung kinakaltas pala sa tax nila ang para sa simbahan, kasi hindi rin naman tatakbo ang simbahan kung walang pera, di ba? maganda sana kung walang pilitan, at maganda rin kung kusang-loob na nagbibigay ang mga mamamayan… kaso nga, sa panahon ngayon, maraming mas nagpapahalaga sa materyal na bagay kaysa sa pangangailangang ispiritwal o moral… kaya tulad ng sabi ko, faith or religion should be more than just a code of ethics or morals — it should be a personal relationship with the living God.

    mas maganda pa nga yung unang sinabi mo —
    “in God we trust”!😀 …hindi ba ito ang parang motto ng amerika na makikita mo sa mga dokumento nila katulad ng coins and bills? maraming nagsasabi na ang amerika daw, kaya ganun kaprogresibo ay dahil sa pagtitiwala nila sa Diyos.

    Christianity is not a western faith — it is a middle eastern faith… pero kung matatandaan mo sa Philippine history, mga amerikano ang nagpasok ng mga protestant at evangelical christianity dito sa Pilipinas — dahilan para mapasakamay ng pangkaraniwang pilipinong mamamayan ang Bible.

    nung panahon kasi ng mga kastila, ipinagbabawal ng mga prayleng katoliko ang pagta-translate ng bibliya. latin lang, kaya sila lang ang nakakaintindi. at ayaw naman din nilang natututo ng latin ang mga pinoy nuon, kaya yumayaman ang mga padre damaso kasi napapaikot tayo.

    ngayon marami nang translation ang Bible sa iba’t-ibang dialektong Pilipino — Tagalog, Ilokano, Kapampangan, Bikolano, Bisaya, Cebuano, Hiligaynon, atbp. 😀

  5. 🙂

    “Ikaw kaibigan, naka-RELATE ka na ba sa Kanya?

    At ikaw naman kapatid, nakaka-RELATE ka pa ba sa Kanya?

    Well… salamat naman. Basta sigurado ka ha? ”

    kuya.. nakakarelate pa po!🙂 sure na sure.. di ko ata kaya pag di na ko makarelate sa Kanya e..

    lumaki ako sa christian family.. ngunit unang pinaintindi ng magulang ko din na di dahil born again sila ay ganun na din ako.. personal relationship at commitment kay God dapat.. kaya oks na oks meron ako nun.. sana marami pang magkaroon ng ganung relasyon sa Panginoon..🙂

    God bless..🙂

    homebodyhubby: mapalad ka sa pagkakaroon
    ng ganyang mga magulang.

    tama, personal relationship — at commitment! 😀
    ako man, kung sa sariling ‘lakas’ ko lang, wala akong magagawa.
    huwag kang manlalamig, iha…😉

    God bless din sayo at sa pamilya mo. 🙂

    jezreel, may wordpress blog ka ba? galing ako sa friendster mo, may lumalabas na “nth visitor”🙄 …hindi tuloy ako makapag-iwan ng comment. 😦

  6. pards huling araw na pala ng bible week? di ko man lang nalaman na meron pala neto.

    naka-relate din ako. mas ok nga yang merong faith and commitment kesa wala ka kinikilalang Diyos dahil malamang kulto ang kabagsakan mo…hindi maganda yung naniniwala ka na lang sa lahat ng sasabihin ng nakakatanda sayo. yung iba kasing leader eh sa sobrang galing magsalita eh maeengganyo ka talaga. kaya sila yumayaman dahil sa talent nilang yun.

    ikaw pards naniniwala ka ba sa healing priest? yun ang sikat ngyon eh!

    God Bless!

    homebodyhubby: halu pards! 🙂

    kung nasilip ka last week may nai-post ako starting Jan 21. eniwey ala din namang kaso kung tapos na, maliban na lang kung interesado ka sa mga activities sa iba’t-ibang lugar.
    and usually, may mas mabababa silang mga discounted
    Bibles sa PBS stores pag bible week. 😛

    right! listen to all the things they say, but do not believe
    in everything they declare — maski sinong pari o pastor o ministro o lider pa yan, maski gaano pa sila parang kagaling. hehehe… nagmumukha lang namang “magaling” ang iba sa mga iyan sa mga taong walang kaalam-alam sa Bible —
    kaya nakakapambola sila. 😆

    sa akin man p’re dapat ganun din… ang pinakaimportante ay magbasa tayo personally ng bible — available sa lahat iyan. para makita natin kung totoo yung sinasabi ko o nila.
    nabasa mo naman siguro yun link The Noble Bereans😉

    yang panggagamot, of course naniniwala ako dyan,
    at meron din namang mga “authentic” na talagang nakaga- gawa na nyan… isa LANG yan dun sa mga tinatawag na “spiritual gifts” at MASKI sinong tao, hindi man sya pari o pastor, posibleng pagkalooban nyan DEPENDE sa Diyos.
    ang dapat na itinataas ay HINDI ang taong nanggagamot, kundi ang DIYOS dahil sa Kanya galing ang “panggagamot” hindi sa tao na ginagamit lang ng Diyos para makapanggamot. 🙂

    pero p’re, dapat ingat din tayo — dahil EVEN THE DEVIL, Satan himself CAN DO WONDERS to deceive. o kaya yung mga ispirito man ng diablo o demons na gusto sigurong “magpakabait” o makabawi ng kapatawaran sa Diyos
    (maski alam nilang useless na ito) PWEDE RIN GUMAWA
    ng kababalaghan… maraming pwede gumawa ng “madyik”
    kaya ako, hindi na masyado nagugulat dyan. 😐

    aanhin ng tao ang isang malusog na pangangatawan kung ang kapalit ay ang KALULUWA nya naman? 😉

    kaya nga sabi sa 1 John 4:1-3 (dun ito sa maiiksing letters
    ni John, before the book of the Revelation — not the gospel
    of John) — TEST THE SPIRITS… masyadong mahaba yung verses e, basahin mo na lang sa Bible o kaya etong comment ko sa baba, pagkatapos ng comment mong ito. 🙂

  7. about ‘healing’ — as response to the previous comment above.

    “Dear friends, do not believe every spirit, but test the spirits to see whether they are from God, because many false prophets have gone out into the world.
    This is how you can recognize the Spirit of God: Every spirit that acknowledges that Jesus Christ has come in the flesh is from God, but every spirit that does not acknowledge Jesus
    is not from God. This is the spirit of the antichrist, which you have heard is coming and even now is already in the world.”
    (1 John 4:1-3)

    eto mas matindi: (Si Christ ang mismong nagsabi)

    “Many will say to me on that day (Judgement Day), ‘Lord, Lord, did we not prophecy in your name, and in your name DRIVE OUT DEMONS and PERFORM MANY MIRACLES?’
    Then I will tell them plainly, ‘I NEVER KNEW YOU. AWAY FROM ME, YOU EVIL-DOERS!”
    (Matthew 7:22-23)

    eto pa:

    “For false Christs and false prophets will appear and PERFORM GREAT SIGNS and MIRACLES to deceive even the elect…”
    (Matthew 24:24)

    eto isang eksampol ng “madyikero” na iniwan ang ‘galing’ nya nung makilala si Kristo: (hindi ‘link’ yan — kayo na magbuklat sa Bible nyo at magbasa!) 😉

    Acts 8:9-13

    eto isang eksampol ng “manghuhula” na ginagamit ng mga amo nya para magkakwarta. iniwan ang ‘galing’ nung tumanggap kay Kristo, kaya sina Paul at Silas ipinabugbog at ipinakulong nung mga amo nya:

    Acts 16:16-24

    pwede nyo rin basahin ito, kaya lang masyado prophetic na: 🙄

    2 Thessalonians 2:9, Revelation 13:13, 16:14, 19:20

  8. helow kuya!😉

    ako nakarelate dito….” “Wala pa akong time para sa kaluluwa ko e!”😦

    E di sige uli… total malakas ka pa naman… kelan ka kaya magkaka-time? Pag may sakit ka na at malapit ka nang matigok?…..”

    pag ang tao malakas pa at medyo nde pa kinakapos ang bulsa, ala talagang taym magreflect sa kanilang mga sarili…minsan nga naisip ko rin, buti pa yung lolo’t lola ko, nahatulan na sila at mapayapa na sila kung san man sila ngayon..eh ako? sa dami ng kasalanan ko, di ko pa alam kung anu hatol sa kin. well, at least aware ako about dun, diba?

    nice post kuya rob!… tsaka pinakahabang comment ko to..so far… ingat po..😉

    homebodyhubby: maski anong dami ng kasalanan mo, kayang-kayang i- “delete” yan ni Christ. 😉

    maigi din talaga yung aware tayo… kaya lang di tayo sure kung kelan tayo mate-teggy. 😛 sabagay bata ka pa naman… yan ba talaga idad mo sa picture mo? (jokes)

    thanks sa comment… take care din, and God bless you, camille.🙂

  9. kuya hubby.. syang di nga rin ako nksama sa national bible week dito smin… slamat sayo parang nkasali na rin ako… tenchu..,

    homebodyhubby: okey lang yun, repah! …for all season namang nandyan lang ang Bible… 😉

    sabagay maganda ring makapag-participate dyan…
    next year na lang. 😛

    siyanga pala… mamayang hatinggabi, tutuparin ko na yung isang pramis ko sayo. maaaring hindi mo nakita ang pramis na yun, o nakita mo man nalimutan mo na. 🙄 tagal na rin e.

    simple lang naman, not really a big deal. kaya huwag mo na hintayin tonight, baka mapuyat ka pa. balikan mo na lang bukas, o maski sa kamakalawa. 😉

    God bless you, repah! 🙂

  10. hmmm…

    napaisip, sinusubukang makipag-relate MULI sa kanya…

    siya nga ba? napaisip ulit.

    napaisip lalo nung sinabing “napaisip”

    magandang gabi po..ü

    Gb.ü

    homebodyhubby: hinay-hinay lang koo… baka mapagod ka sa kaiisip. pray at sing praises na lang muna. 😉

    God bless.

  11. hello!
    kamusta po..

    kuya.. nabasa mo blogs ko? hehe.. alam mo dapat talga umalis na ko sa friendster e.. di rin daw makapgcomment yun mga kaibigan ko.. tuwing gagawa na ko ng blog ko.. di ko naman alam kung ano papangalan ko at kung ano ilalagay ko.. nanghihinayang din ako sa mga naiblog ko sa friendster ko… pwede ko kaya ilipat yun.. hehe..

    ayun..

    God bless po sa inyo ng family mo.. alam mo nickname ko pompom! haha.. kapangalan ko pa ata yun isa mong alaga.. hehe

    homebodyhubby: hello! 🙂

    ang alam ko pwedeng import ang mga naipost na from one
    blog to another. pero kung maaayos pa yung sa friendster mo, pwede rin maski hindi ka na maglipat kung type mo pa dun. may account din ako dun e, kaya lang wala akong blog. nandun ang karamihan sa mga pamangkin ko.

    hehe… oo nakita ko nga yung nickname mo.
    at mukhang nakapaglibot ka na rin pala dito sa lungga ko. yung hamster ko kasing yun (Teepee Pompom), round siya
    at saka fluffy na parang puting pompom ball. 😛

    yes, God bless din!

  12. ahaha.. wala, nakiusyoso lang… (=

    homebodyhubby: ano kaya nakita mo… 😉

  13. Kuya! Happy New Year! I haven’t been blogging lately k’se tamad ako😦 Actually no, I’ve been busy with “life” and other stuff but yeah I am still around. Thanks for the greetings/comments on my blog and my apologies for not getting back to you sooner. Hope you’re okay there though. Regards also to Ate & da cutie hammies! Keep on blogging! Ingats!

    Outtie 4 now,

    J.

    homebodyhubby: Hi! 😀 yes, no problem… thanks! 🙂
    malapit na uli ang Spring, sis… 😉

  14. […] Miracles and Wonders […]

  15. […] Nung naging born-again ako, I was inclined to believe that I was “healed” by a spirit OTHER than God Himself. Perhaps a so called ‘familiar spirit’ or ‘disembodied spirit’ or demon — because even demons can “heal” to deceive. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: