Wala lang…

Brothers
Where is my ‘closest’ friend and brother?

Oo, WALA LANG… gusto ko lang i-release itong luha ko na hindi ko na naman mapigilan.

Tanghali na ako nagising kanina, mga alas-diyes, dahil napuyat ako sa pagpaskel nitong nakaraang hatinggabi ng tag ni ‘minyang’. Hindi pa ako nag-aagahan, nagbukas ako ng laptop, namasyal sa mga ka-blog.

Medyo nalungkot sa mga namatay sa emergency room ni Yeye… Medyo nag-isip sa status ng kaluluwa ng pinaglamayan kina ‘mine’… Medyo nabahala sa balita sa post ni kengkay tungkol sa isang nawawalang-bata, at isa pang ‘nagwawalang’ sikat na hindi na gaanong bata.

Dito medyo nagsimulang mangilid ang luha ko:

Walls instead of bridges

Pero ang mga ito ang isa-isang nagpa-agnas sa pusong-mamon ko:

Pamamaalam ng isang ‘anak’

Best friend?

Ang pinakagrabe ay iyang pinakahuli…

You MAY continue on reading…

Published in: on 30 January 2008 at 6:00 pm  Comments (1)  
Tags:

Once young, onse-young

koreanbug (long-legged goldbeetle)

Nabati ko minsan yung metamorphosis ng isang LADY BLUGger dito sa WordPress. Akala ko isa na namang TAG, kasi de-numero. Hindi pala tag, pero dahil inungkat ko, ayun — bigla ngang ‘naging TAG’ at isa ako sa dalawang ‘kyonders’ na ni-TAG. 😆

Tenkyu, ‘minyang’ may naisulat tuloy uli ako. 😉 eyan, inihuli pa kita ng salagubang, o… (dinekwat ko lang sa internet 😛 )

Medyo natagalan lang ang pagsagot ko kasi nataon sa Bible Week, sempre pa naka-“Si Father” (tatay) mode ako. 😆Ngayon tapos na yun, kaya eto naka-“totoy” mode uli ako, maski sabihin pa ni ‘mine’ na kyonders na ako. :mrgreen: Sa tutuo lang, ang mga sermong yan ang nagpapakunot ng noo ko at lalong nagpapatanda sa itsura ko. 😦 Wala lang… conviction… trabaho

Samantalahin ko lang ang pagkakataon na sabihin dito…

While my messages in my sermons are open to everybody, the sarcasm or whatever “kalupitan” or “kabagsikan” I am showing are aimed at my unknown or invisible audience. When I say invisible, I mean readers, bloggers or non- bloggers, that I do not know.

Huwag nyo sanang personalin ang mga iyon, mga ka-blog ko. Ganyan na ang diskarte ko sapul nung nagsimula pa lang ako, bago nyo pa ako nakilala — nuong mga panahong nagsasalita pa lang akong mag-isa dito dahil wala akong commentor ni isa. Kaya huwag sana kayong magtatampo. Maski ano pa ang prinsipyo at pinaniniwalaan nyo, mga kaibigan ko pa rin kayo. Love ko pa rin kayong lahat, sana ma-gets nyo.

Well, so much for that… baka ma- 😦 lang ako.*

May mga dumating nga palang mga bisitang Hapon ang mga daga ko dito. Bunga ito ng minsang naipangako ko kay Repah nuon. Eto po sila i-CLICK nyo:

Japanese visitors

Okey ba? 😛 Ahehe… sino ba sa akala nyo? Maski na magtu-two months ko nang ni-pramis ito hindi ko pa rin nalilimutan. Eto yung pangako ko kay Repah:

pramis kay repah

Atsaka parang gift ko na rin yan, pati kay ‘minyang’ …kasi sabi nya dito, hindi nya pa kilala ang mga iyan:

hindi nya sila kilala nung una

Atsaka medyo pinagmi-MITING-an na rin ako ng mga amo kong alaga dito dahil wala nang naipi-feature na kauri nila dito sa blog NILA. 😆 O di eyan — mga daga-ibang bansa pa yan!

Sabi ko naman sa inyo naka-“bagets” mode ako ngayon. Basta sa mga ganyan, bata pa rin tayo. May kartuns nga akong iniwang legacy sa dating pinagtatrabahuhan ko e… 🙄 sa March 1, pakita ko senyo.

“E teka muna, kinse yang bisita mo a, bakit ‘onse’ kamo”

“Kasi yung TAG… eleven itong akin, yung kay ‘mine’ 10 lang.”

“Hindi…! Ibig ko sabihin, bakit ‘onse-young’ yung nasa taytol mo? At bakit din kelangan mo pang dagdagan ng isa”

“A… yun ba? …kasi 11 years old na ako this year!”

🙄

Huwag mo nang itanong kung paanong nangyari yun… basta 11 na ako. Kung gusto, mo hulaan mo muna. Naroon ang sagot sa dulo sa baba, tignan mo na lang mamaya. O… o! sabi ko “mamaya!” 😕

ANG AKING “ONCE YOUNG, ONSE-YOUNG” TAG

Yung kay ‘mine’ ang maraming tinukoy ay yung nahihiya syang lumabas na mag-isa nung bata pa. Ako, nung bata pa man o ngayong tumanda na, talagang lumalakad nang mag-isa kasi loner ako. Nuon, minsan may kasama rin akong taong ka-close ko — bestfriend ko halimbawa, o paris nung “puppy love” ko nuon sa Calamba. 😳

1. Hiking at pamumundok. Nung bata pa ako, mahilig akong umakyat ng burol, tanawin ang buong kapaligiran, at hintayin ang paglubog ng araw. Nung college na, mas matataas na bundok na ang inaakyat ko. Minsan hindi lang maghintay ng paglubog doon ng araw. Nasubukan ko ngang mag-overnight nang mag-isa sa volcanic Mudspring sa bundok ng Makiling. 😯 Awoooooooo…

(You may click on this for the story 😳 )

Simula nang mag-resigned ako, sa bahay na ako nagtratrabaho. Bihira na akong nakaka-tuntong sa lupa (nakatira ako sa 4th floor ng isang building). Sa ngayon, kuntento pa akong tumanaw na lang sa bintana, panuorin ang paglubog ng araw, at wikain sa natatanaw kong bundok sa malayo:

sunset 12

Mababa ka lang… Balang-araw, maaakyat at

matutulugan din kita!

2. Dobleng pantalon. Nung kabataan ko, mahilig akong manghuli ng ahas. Dahil mountaineer din ako, ingat akong matuklaw sa binti kaya doble ang pantalon ko. Sa katagalan naging habit ko na ito, kasi nahihiya rin ako sa hindi kalakihang masel sa binti ko. 😛

Ngayon, parati akong naka-nyorts lang, walang brip, walang karsursilyo. Maano naman… wala namang ibang titingin? Minsan nga pag talagang mainit, habang nagpe-frame o nagba-BLOG, maski naka-BOLG na lang. :mrgreen: Kaya nga maski anong pilit ni misis, ayaw ko palagyan ng webcam itong laptop. Baka may ka-chat ako e, biglang yumuko si webcam at kung saan mapatutok.

3. Pag-inom-inom. Nung estudyante malimit ito. Naranasan ko pang uminom nung purong lambanog na nagliliyab pag sinindihan ng posporo. Nung binata na ako at may trabaho, dalawang boteng frozen San Miguel beer ang mabilis kong tinutungga gabi-gabi pagkagaling sa opisina bago umuwi sa bahay namin sa Calamba.

Simula nung August 2007, itinigil ko na ang pag-inom ng hanggang dalawang boteng Red Horse beer kada katapusan ng buwan. Kasi sa hindi ko maintindihang dahilan, bigla akong nagka-vertigo, o yung pasumpong-sumpong na pagkahilo. 🙄

4. Paninigarilyo. Naikwento ko na ito. Simula sa minsanang paghitit ng dahon-de-papayang tabako nung grade III ako, hanggang sa mas mahal-mahal na Philipp Morris menthol long nung magkatrabaho ako.

Simula nung gerprenen ko si misis, one snap kong naitigil ang pagyoyosi ko. Naging kape na lang ang stimulant ko. Yung pagkape-kape ko ang hindi ko pa rin matanggal-tanggal. Nagsimula ito nung malimit na overtime ko nung nagtratrabaho pa ako.

5. Pagkain ng karne ng baboy. Nung bata pa ako, wan-tu-sawa ang pagkain ko ng pork. Nung binata ako, mas masarap na pulutan ito. Mas okey sana ang karne ng kambing dahil sabi nila, titigas ang etet ko. Aanhin ko naman ang matigas na pututoy e binata nga ako? …tseee!!!

Ngayon, pag kumakain ako ng baboy, “nalulula” na ako. Pwera na lang kung litson… ano bang lula-lula!? Pero pag may karne ng kambing na tinda sa palengke, hindi ito pinaliligtas ng misis ko. :mrgreen: kasi mahilig syang magluto ng kaldereta?

At buti, may mga alaga akong daga na ibinibili ni misis ng carrots, mansanas, peras, yakon, papaya, pipino, chico, kamote at repolyo. Nakakakain din ako ng mga prutas at gulay, kasalo ng mga daga ko. 😆

6. Pagbubuhat. Nuong binata ako, type ko ang magbuhat. Tuwang-tuwa nga ako nung mabuhat ko ang barbel na minana pa naming magkakapatid sa Daddy namin. Paminsan-minsan naeengganyo rin akong mag-weights paris nung isang brother ko. Nung mag-asawa na ako, peborit kong buhatin ang misis ko.

Ngayon, medyo ingat na ako. May co-hiker kasi ako, nitong nakaraang taon, sa pagpitas lang ng papaya, may lumagutok sa likod. Na-paralyzed ang mga binti. At nako, maibalik lang, anlaki ng ginastos.

Cool ka lang, gulugod ko. Mahal kita kaya ako’y mag-iingat. Kung bakit naman itong si misis, kung kelan naman ako delikado nang magbubuhat, saka naman yata bumigat? 😕 …Pero pag nakahiga naman, daganan nya ako hanggang type nya. 😛

7. Pagsa-shampoo. Long hair ako nuon kaya alagang-alaga ko ang buhok ko… “I swear, pumuti ang buhok ko!” — sabi nga sa commercial.

Ngayon, long hair pa rin ako. Pero ingat na ako sa pagsa-shampoo kasi mahal ko rin ang anit at bumbunan ko. Takot ko lang maging “one-sit-apart” ang mga hairs ko. Mahirap nang makalbo, baka parating masirenohan ako. 😛

8. Pagtulog nang naka-pajama. Ang tutyal ko nuon… dapat naka-pajama pag natulog. De-garter na terno pa, say mo?

Nung mag-asawa ako, medyo mas naging kapiranggot na lang ang suot ko. Kamiseta lang na pang-itaas. Dahil namamantal na sa garter ang slim na bewang ko, solb na — malaya na yung nasa ibaba. :mrgreen: Pag talagang mainit, maski walamanipis na kumot na lang.

9. Pagligo nang may kasabay. Nung bata pa ako hanggang magbinata, parati akong may kasabay na babae sa paliligo ko. Nung bata, sa ulan; nung magbinata sa swimming pool. beh!!!

Nung bagong kasal pa lang kami ni misis, bihira kaming maligo nang sabay sa banyo. Kasi minsan, napukpok nya ako ng tabo sa ulo dahil sa sikip ng banyo. “Nakapikit” kasi kaming pareho? :mrgreen: — pano, ang mga mata namin, parehong may sabon!

Ngayon, mas maluwang na ang aming banyo, pwede na kaming maghabulan… maghabulan ng hininga! 🙄 — sa ginaw, dahil unahan kaming magsabuyan ng tubig sa isa’t-isa sa mga unang buhos pa lang.

10. Pagyu- “yun” naming dalawa ni misis (mga bata lagdawan nyo na itong pangsampu).

Nung honeymoon stage, halos 3 times a day. 😯

Nung katagalan, naging 3 times a week na lang. 😆

Ngayon, pinakamadalas na yata yung once a week 😕 or 5 times a month. At napapansin ko, itong si misis, pagkatapos naming “mag-ganun”, nangangayayat… Pero dahil napapalakas din ang kain dahil sa “kagaganun” namin, agad din namang tumataba rin.

Ano pa kayang mas mabuting gawin kaysa dito sa pagdya

jumping-jack?

ANG PANG-ELEVEN

Bigla lang sumagi sa isip ko ang 11th entry na iyan dahil sa comment na ito:

ang isa pang “mahaba”

Iyan ang mga sinasabi kong pwedeng mangusap sa atin ang Diyos nang hindi kelangang literal na marinig natin ang boses nya (pwede yun kung gusto nya, pero hindi na uso ang ganun for this dispensation)sa pamamagitan ng mga tanong, rebukes o pagsansala, payo o pagpapaalala ng mga kaibiganmaski pa galing sa umaaway natin. Sa mga nababasa o napapanuod natin. Dapat lang bukas ka at keen” o matalas ka sa pakikinig” …pati na rin sa pagsusuri sa mga sirkumstansya na nangyayari sa buhay mo.

Eto yung naisip ko —

11. Pasensya — Umiksi na parang humaba. Nung bata-bata pa ako, medyo matagal akong mag-flare-up pero antagal humupa ng galit ko. Nung college ako medyo mainitin ang ulo ko. Nung mag-asawa ako, medyo bumait-bait ako. :mrgreen:

Nitong mga huling panahon, parang lalong umiksi ang pasensya ko (midlife crisis pa rin ba ito?). Mas mabilis akong mapika ngayon — hayblad baga? Pero normal lang ang BP ko ha? Atsaka mas mabilis namang humupa. Sa pagkukumpara, mula sa bagyo, naging buhawi na lang. Mas matindi, pero hindi nagtatagal (huwag nyo nang alamin yung isang maski dumalang na e, matindi at nagtatagal pa rin sa amin ni misis hanggang ngayon. Sinabi ko naman na senyojumping jack!)

Dahil sa 11th entry na ito, naisipan kong maglista dito sa post ng mga sumusunod na talata mula sa Bibliya. I call these “11-11-11 😆 hehehe… hindi ito vital statistic ni Miss Tapia, ha? …o nung gerpren ni Popeye na si Olive Oil? Bale 33 verses kasi lahat itong nalikom ko.

Nawa’y magsilbing paalala ito sa akin, hindi lamang sa pagba-blog ko, kundi para na rin sa araw-araw na pamumuhay ko.

Maraming salamat sa inyo.

(Patay! Mabibisto na yata ang edad ko…) 😳

CLICK this (Ahehe… HUWAG nyo na lang kayang TIGNAN?)