Once young, onse-young

koreanbug (long-legged goldbeetle)

Nabati ko minsan yung metamorphosis ng isang LADY BLUGger dito sa WordPress. Akala ko isa na namang TAG, kasi de-numero. Hindi pala tag, pero dahil inungkat ko, ayun — bigla ngang ‘naging TAG’ at isa ako sa dalawang ‘kyonders’ na ni-TAG.😆

Tenkyu, ‘minyang’ may naisulat tuloy uli ako. 😉 eyan, inihuli pa kita ng salagubang, o… (dinekwat ko lang sa internet😛 )

Medyo natagalan lang ang pagsagot ko kasi nataon sa Bible Week, sempre pa naka-“Si Father” (tatay) mode ako.😆Ngayon tapos na yun, kaya eto naka-“totoy” mode uli ako, maski sabihin pa ni ‘mine’ na kyonders na ako. :mrgreen: Sa tutuo lang, ang mga sermong yan ang nagpapakunot ng noo ko at lalong nagpapatanda sa itsura ko. 😦 Wala lang… conviction… trabaho

Samantalahin ko lang ang pagkakataon na sabihin dito…

While my messages in my sermons are open to everybody, the sarcasm or whatever “kalupitan” or “kabagsikan” I am showing are aimed at my unknown or invisible audience. When I say invisible, I mean readers, bloggers or non- bloggers, that I do not know.

Huwag nyo sanang personalin ang mga iyon, mga ka-blog ko. Ganyan na ang diskarte ko sapul nung nagsimula pa lang ako, bago nyo pa ako nakilala — nuong mga panahong nagsasalita pa lang akong mag-isa dito dahil wala akong commentor ni isa. Kaya huwag sana kayong magtatampo. Maski ano pa ang prinsipyo at pinaniniwalaan nyo, mga kaibigan ko pa rin kayo. Love ko pa rin kayong lahat, sana ma-gets nyo.

Well, so much for that… baka ma- 😦 lang ako.*

May mga dumating nga palang mga bisitang Hapon ang mga daga ko dito. Bunga ito ng minsang naipangako ko kay Repah nuon. Eto po sila i-CLICK nyo:

Japanese visitors

Okey ba? 😛 Ahehe… sino ba sa akala nyo? Maski na magtu-two months ko nang ni-pramis ito hindi ko pa rin nalilimutan. Eto yung pangako ko kay Repah:

pramis kay repah

Atsaka parang gift ko na rin yan, pati kay ‘minyang’ …kasi sabi nya dito, hindi nya pa kilala ang mga iyan:

hindi nya sila kilala nung una

Atsaka medyo pinagmi-MITING-an na rin ako ng mga amo kong alaga dito dahil wala nang naipi-feature na kauri nila dito sa blog NILA. 😆 O di eyan — mga daga-ibang bansa pa yan!

Sabi ko naman sa inyo naka-“bagets” mode ako ngayon. Basta sa mga ganyan, bata pa rin tayo. May kartuns nga akong iniwang legacy sa dating pinagtatrabahuhan ko e… 🙄 sa March 1, pakita ko senyo.

“E teka muna, kinse yang bisita mo a, bakit ‘onse’ kamo”

“Kasi yung TAG… eleven itong akin, yung kay ‘mine’ 10 lang.”

“Hindi…! Ibig ko sabihin, bakit ‘onse-young’ yung nasa taytol mo? At bakit din kelangan mo pang dagdagan ng isa”

“A… yun ba? …kasi 11 years old na ako this year!”

🙄

Huwag mo nang itanong kung paanong nangyari yun… basta 11 na ako. Kung gusto, mo hulaan mo muna. Naroon ang sagot sa dulo sa baba, tignan mo na lang mamaya. O… o! sabi ko “mamaya!” 😕

ANG AKING “ONCE YOUNG, ONSE-YOUNG” TAG

Yung kay ‘mine’ ang maraming tinukoy ay yung nahihiya syang lumabas na mag-isa nung bata pa. Ako, nung bata pa man o ngayong tumanda na, talagang lumalakad nang mag-isa kasi loner ako. Nuon, minsan may kasama rin akong taong ka-close ko — bestfriend ko halimbawa, o paris nung “puppy love” ko nuon sa Calamba. 😳

1. Hiking at pamumundok. Nung bata pa ako, mahilig akong umakyat ng burol, tanawin ang buong kapaligiran, at hintayin ang paglubog ng araw. Nung college na, mas matataas na bundok na ang inaakyat ko. Minsan hindi lang maghintay ng paglubog doon ng araw. Nasubukan ko ngang mag-overnight nang mag-isa sa volcanic Mudspring sa bundok ng Makiling. 😯 Awoooooooo…

(You may click on this for the story 😳 )

Simula nang mag-resigned ako, sa bahay na ako nagtratrabaho. Bihira na akong nakaka-tuntong sa lupa (nakatira ako sa 4th floor ng isang building). Sa ngayon, kuntento pa akong tumanaw na lang sa bintana, panuorin ang paglubog ng araw, at wikain sa natatanaw kong bundok sa malayo:

sunset 12

Mababa ka lang… Balang-araw, maaakyat at

matutulugan din kita!

2. Dobleng pantalon. Nung kabataan ko, mahilig akong manghuli ng ahas. Dahil mountaineer din ako, ingat akong matuklaw sa binti kaya doble ang pantalon ko. Sa katagalan naging habit ko na ito, kasi nahihiya rin ako sa hindi kalakihang masel sa binti ko. 😛

Ngayon, parati akong naka-nyorts lang, walang brip, walang karsursilyo. Maano naman… wala namang ibang titingin? Minsan nga pag talagang mainit, habang nagpe-frame o nagba-BLOG, maski naka-BOLG na lang. :mrgreen: Kaya nga maski anong pilit ni misis, ayaw ko palagyan ng webcam itong laptop. Baka may ka-chat ako e, biglang yumuko si webcam at kung saan mapatutok.

3. Pag-inom-inom. Nung estudyante malimit ito. Naranasan ko pang uminom nung purong lambanog na nagliliyab pag sinindihan ng posporo. Nung binata na ako at may trabaho, dalawang boteng frozen San Miguel beer ang mabilis kong tinutungga gabi-gabi pagkagaling sa opisina bago umuwi sa bahay namin sa Calamba.

Simula nung August 2007, itinigil ko na ang pag-inom ng hanggang dalawang boteng Red Horse beer kada katapusan ng buwan. Kasi sa hindi ko maintindihang dahilan, bigla akong nagka-vertigo, o yung pasumpong-sumpong na pagkahilo. 🙄

4. Paninigarilyo. Naikwento ko na ito. Simula sa minsanang paghitit ng dahon-de-papayang tabako nung grade III ako, hanggang sa mas mahal-mahal na Philipp Morris menthol long nung magkatrabaho ako.

Simula nung gerprenen ko si misis, one snap kong naitigil ang pagyoyosi ko. Naging kape na lang ang stimulant ko. Yung pagkape-kape ko ang hindi ko pa rin matanggal-tanggal. Nagsimula ito nung malimit na overtime ko nung nagtratrabaho pa ako.

5. Pagkain ng karne ng baboy. Nung bata pa ako, wan-tu-sawa ang pagkain ko ng pork. Nung binata ako, mas masarap na pulutan ito. Mas okey sana ang karne ng kambing dahil sabi nila, titigas ang etet ko. Aanhin ko naman ang matigas na pututoy e binata nga ako? …tseee!!!

Ngayon, pag kumakain ako ng baboy, “nalulula” na ako. Pwera na lang kung litson… ano bang lula-lula!? Pero pag may karne ng kambing na tinda sa palengke, hindi ito pinaliligtas ng misis ko. :mrgreen: kasi mahilig syang magluto ng kaldereta?

At buti, may mga alaga akong daga na ibinibili ni misis ng carrots, mansanas, peras, yakon, papaya, pipino, chico, kamote at repolyo. Nakakakain din ako ng mga prutas at gulay, kasalo ng mga daga ko. 😆

6. Pagbubuhat. Nuong binata ako, type ko ang magbuhat. Tuwang-tuwa nga ako nung mabuhat ko ang barbel na minana pa naming magkakapatid sa Daddy namin. Paminsan-minsan naeengganyo rin akong mag-weights paris nung isang brother ko. Nung mag-asawa na ako, peborit kong buhatin ang misis ko.

Ngayon, medyo ingat na ako. May co-hiker kasi ako, nitong nakaraang taon, sa pagpitas lang ng papaya, may lumagutok sa likod. Na-paralyzed ang mga binti. At nako, maibalik lang, anlaki ng ginastos.

Cool ka lang, gulugod ko. Mahal kita kaya ako’y mag-iingat. Kung bakit naman itong si misis, kung kelan naman ako delikado nang magbubuhat, saka naman yata bumigat?😕 …Pero pag nakahiga naman, daganan nya ako hanggang type nya. 😛

7. Pagsa-shampoo. Long hair ako nuon kaya alagang-alaga ko ang buhok ko… “I swear, pumuti ang buhok ko!” — sabi nga sa commercial.

Ngayon, long hair pa rin ako. Pero ingat na ako sa pagsa-shampoo kasi mahal ko rin ang anit at bumbunan ko. Takot ko lang maging “one-sit-apart” ang mga hairs ko. Mahirap nang makalbo, baka parating masirenohan ako.😛

8. Pagtulog nang naka-pajama. Ang tutyal ko nuon… dapat naka-pajama pag natulog. De-garter na terno pa, say mo?

Nung mag-asawa ako, medyo mas naging kapiranggot na lang ang suot ko. Kamiseta lang na pang-itaas. Dahil namamantal na sa garter ang slim na bewang ko, solb na — malaya na yung nasa ibaba. :mrgreen: Pag talagang mainit, maski walamanipis na kumot na lang.

9. Pagligo nang may kasabay. Nung bata pa ako hanggang magbinata, parati akong may kasabay na babae sa paliligo ko. Nung bata, sa ulan; nung magbinata sa swimming pool. beh!!!

Nung bagong kasal pa lang kami ni misis, bihira kaming maligo nang sabay sa banyo. Kasi minsan, napukpok nya ako ng tabo sa ulo dahil sa sikip ng banyo. “Nakapikit” kasi kaming pareho? :mrgreen: — pano, ang mga mata namin, parehong may sabon!

Ngayon, mas maluwang na ang aming banyo, pwede na kaming maghabulan… maghabulan ng hininga! 🙄 — sa ginaw, dahil unahan kaming magsabuyan ng tubig sa isa’t-isa sa mga unang buhos pa lang.

10. Pagyu- “yun” naming dalawa ni misis (mga bata lagdawan nyo na itong pangsampu).

Nung honeymoon stage, halos 3 times a day. 😯

Nung katagalan, naging 3 times a week na lang. 😆

Ngayon, pinakamadalas na yata yung once a week 😕 or 5 times a month. At napapansin ko, itong si misis, pagkatapos naming “mag-ganun”, nangangayayat… Pero dahil napapalakas din ang kain dahil sa “kagaganun” namin, agad din namang tumataba rin.

Ano pa kayang mas mabuting gawin kaysa dito sa pagdya

jumping-jack?

ANG PANG-ELEVEN

Bigla lang sumagi sa isip ko ang 11th entry na iyan dahil sa comment na ito:

ang isa pang “mahaba”

Iyan ang mga sinasabi kong pwedeng mangusap sa atin ang Diyos nang hindi kelangang literal na marinig natin ang boses nya (pwede yun kung gusto nya, pero hindi na uso ang ganun for this dispensation)sa pamamagitan ng mga tanong, rebukes o pagsansala, payo o pagpapaalala ng mga kaibiganmaski pa galing sa umaaway natin. Sa mga nababasa o napapanuod natin. Dapat lang bukas ka at keen” o matalas ka sa pakikinig” …pati na rin sa pagsusuri sa mga sirkumstansya na nangyayari sa buhay mo.

Eto yung naisip ko —

11. Pasensya — Umiksi na parang humaba. Nung bata-bata pa ako, medyo matagal akong mag-flare-up pero antagal humupa ng galit ko. Nung college ako medyo mainitin ang ulo ko. Nung mag-asawa ako, medyo bumait-bait ako. :mrgreen:

Nitong mga huling panahon, parang lalong umiksi ang pasensya ko (midlife crisis pa rin ba ito?). Mas mabilis akong mapika ngayon — hayblad baga? Pero normal lang ang BP ko ha? Atsaka mas mabilis namang humupa. Sa pagkukumpara, mula sa bagyo, naging buhawi na lang. Mas matindi, pero hindi nagtatagal (huwag nyo nang alamin yung isang maski dumalang na e, matindi at nagtatagal pa rin sa amin ni misis hanggang ngayon. Sinabi ko naman na senyojumping jack!)

Dahil sa 11th entry na ito, naisipan kong maglista dito sa post ng mga sumusunod na talata mula sa Bibliya. I call these “11-11-11 😆 hehehe… hindi ito vital statistic ni Miss Tapia, ha? …o nung gerpren ni Popeye na si Olive Oil? Bale 33 verses kasi lahat itong nalikom ko.

Nawa’y magsilbing paalala ito sa akin, hindi lamang sa pagba-blog ko, kundi para na rin sa araw-araw na pamumuhay ko.

Maraming salamat sa inyo.

(Patay! Mabibisto na yata ang edad ko…) 😳

FROM THE BOOK OF PSALMS AND PROVERBS

“In your anger do not sin; when you are on your beds, search your hearts and be silent.” (Psalm 4:4)

“For his anger lasts only a moment, but his favor lasts a lifetime…” (Psalm 30:5)

“Refrain from anger and turn from wrath; do not fret — it leads only to evil.” (Psalm 37:8 )

“But you, O Lord, are a compassionate and gracious God, slow to anger, abounding in love and faithfulness.” (Psalm 86:15)

“The Lord is compassionate ang gracious, slow to anger, abounding in love. He will not always accuse, nor will he harbor his anger forever…” (Psalm 103:8-9)

“Give thanks to the Lord, for he is good; his love endures forever.” (Psalm 107:1)

“The Lord is gracious and righteous; our God is full of compassion.” (Psalm 116:5)

“The Lord is gracious and compassionate, slow to anger and rich in love.” (Psalm 145:8 )

“Hatred stirs up dissension, but love covers over all wrongs.” (Proverbs 10:12)

“A man who lacks judgment derides his neighbor, but a man of understanding holds his tongue.” (Proverbs 11:12)

“A gossip betrays a confidence, but a trustworthy man keeps a secret.” (Proverbs 11:13)

“A fool shows his annoyance at once, but a prudent man overlooks an insult.” (Proverbs 12:16)

“Reckless words pierce like a sword, but the tongue of the wise brings healing.” (Proverbs 12:18 )

“He who guards his lips guards his life, but he who speaks rashly will come to ruin.” (Proverbs 13:3)

“A patient man has great understanding, but a quick-tempered man displays folly.” (Proverbs 14:29)

“A gentle answer turns away wrath, but a harsh word stirs up anger.” (Proverbs 15:1)

“A hot-tempered man stirs up dissension, but a patient man calms a quarrel.” (Proverbs 15:18 )

“The heart of the righteous weighs its answers, but the mouth of the wicked gushes evil.” (Proverbs 15:28 )

“When a man’s ways are pleasing to the Lord, he makes even his enemies live at peace with him.” (Proverbs 16:7)

“Better a patient man than a warrior, a man who controls his temper than one who takes a city.” (Proverbs 16:32)

“A man of knowledge uses words with restraint, and a man of understanding is even-tempered.” (Proverbs 17:27)

“A fool’s lips brings him strife, and his mouth invites a beating.” (Proverbs 18:6)

“A fool’s mouth is his undoing, and his lips are a snare to his soul.” (Proverbs 18:7)

“A man’s wisdom gives him patience; it is to his glory to overlook an offense.” (Proverbs 19:11)

“It is to a man’s honor to avoid strife, but every fool is quick to quarrel.” (Proverbs 20:3)

“Do not make friends with a hot-tempered man, do not associate with one easily angered, or you may learn his ways and get yourself ensnared.” (Proverbs 22:24-25)

“Do not gloat when your enemy falls; when he stumbles, do not let your heart rejoice…” (Proverbs 24:17)

“Do not say, ‘I’ll do to him as he has done to me; I’ll pay that man back for what he did. (Proverbs 24:29)

“Like a city whose walls are broken down is a man who lacks self-control.” (Proverbs 25:28 )

“As charcoal to embers and as wood to fire, so is a quarrelsome man for kindling strife.” (Proverbs 26:21)

“Better is open rebuke than hidden love.” (Proverbs 27:5)

“A fool gives full vent to his anger, but a wise man keeps himself under control.” (Proverbs 29:11)

“An angry man stirs up dissension, and a hot tempered one commits many sins.” (Proverbs 29:22)

Every heart with Christ is a missionary…

…every heart without Christ a mission field. ” *

(cf: Matthew 28:18-20; Mark 16:15)

Ay… Hongah pala… 😳

11 ang sum up ng mga numero ng edad ko… o, mamili kayo:

29 38 47 56 65 74 83 92 119 128 137 146 155 209 218 227 236 245 254 263 272 281 290 308 407 506 605 704 803 902 1028 1037 1046

hingal… tama na… anhirap mag-isip!🙄 33 choices na yan, siguro naman mahihirapan na kayong manghula nyan. 😆 ahehe…

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/01/30/once-young-onse-young/trackback/

RSS feed for comments on this post.

8 CommentsLeave a comment

  1. “Better is open rebuke than hidden love.” (Proverbs 27:5)<< need ko na b magtapat sa crushy ko? Lols😆

    – bat nmn hilig mong mag bold amf😀
    – bat nmn madalang na “yun”, dapt nga dalasan mo eh
    – balistad tau, ako kung kelan tumanda saka na22 uminom😀
    – nung nag asawa ako saka ako may nakasabay sa pag ligo😀
    – mula nuon’gang ngaun, mahilig ako sa porky pig😀
    – nkaka kalbo b shampoo??? pero ako mag 4 yrs na na inde nag sha shampoo puro conditioner laang😀
    – ako din dati gus2 ko lagi terno pan2log pero ngaun, mas gus2 ko naka panty lang😳 (pero mahilig p din ako bumili mga sleepwear😀 )
    – HS na ako ng nag pantalon ng regular kc kelangan sa CAT, pero eversince, mahilig kami magpipinsan na naka “pekpek” shorts😀 kahit na uma alis😀
    – di ko pa nadadanasan mamundok at magbuhat (pero gus2 ko ma exp. mamundok😀 )
    – tagal na din akong alang “yun” Lols😆

    *** tnx sa pag gawa ng tag😀 at tnx sa pag extra ng mga koments😀 *** MKB-XXX

    homebodyhubby: – tanong at * sagot

    “Better is open rebuke than hidden love.” (Proverbs 27:5)<< need ko na b magtapat sa crushy ko? Lols😆

    * ahehe… rebuke nga sa crush mo yun! 😆

    – bat nmn hilig mong mag bold amf😀

    * masarap ang maging “malaya” — hanggang dun
    na nga lang ang ‘kalayaang’ ipinahihintulot ko sa ‘kanya’ 😆

    – bat nmn madalang na “yun”, dapt nga dalasan mo eh

    * jumping-jack? 🙄

    – balistad tau, ako kung kelan tumanda saka na22 uminom😀

    * enjoy mo hanggang wala ka vertigo😆
    …huwag ka lang magpapaka-lasengga… :mrgreen:

    – nung nag asawa ako saka ako may nakasabay sa pag ligo😀

    * e di ngayon, wala? 😥

    – mula nuon’gang ngaun, mahilig ako sa porky😀

    * oks lang yun, huwag lang ikaw ang maging porky:mrgreen:

    – nkaka kalbo b shampoo??? pero ako mag 4 yrs na na inde nag sha shampoo puro conditioner laang😀

    * uu, lalo na kung ‘puro’ mong ibubuhos sa ulo? :mrgreen:

    – ako din dati gus2 ko lagi terno pan2log pero ngaun, mas gus2 ko naka panty lang😳 (pero mahilig p din ako bumili mga sleepwear😀 )

    * subukan mo ring maging ‘malaya’ 😳 :mrgreen:

    – HS na ako ng nag pantalon ng regular kc kelangan sa CAT, pero eversince, mahilig kami magpipinsan na naka “pekpek” shorts😀 kahit na uma alis😀

    * “pekpek” nyorts?🙄 hmm… pekpek nyorts! 😯
    … hanu itsura nun? (yung nyorts… yung isa alam ko na) :mrgreen:

    – di ko pa nadadanasan mamundok at magbuhat (pero gus2 ko ma exp. mamundok😀 )

    * samahan kita! 😛 …isama ko si misis, sama mo si Bentong 😉

    – tagal na din akong alang “yun” Lols😆

    * e di mag “yun” ka!
    … para jumping-jack lang, hindi mo pa magawa! 😕

    – *** tnx sa pag gawa ng tag😀 at tnx sa pag extra ng mga koments😀 *** MKB-XXX

    * sempre! 😎 sabi ko sayo, hulog ka ng langit sa akin… 😉
    inihuli kita ng salagubang, ihuli mo naman ako ng
    malaking daga. :mrgreen: *** HBH-XXX

  2. 8. Pagtulog nang naka-pajama. Ang tutyal ko nuon… dapat naka-pajama pag natulog. De-garter na terno pa, say mo?

    Nung mag-asawa ako, medyo mas naging kapiranggot na lang ang suot ko. Kamiseta lang na pang-itaas. Dahil namamantal na sa garter ang slim na bewang ko, solb na — “malaya” na yung nasa ibaba.:mrgreen: Pag talagang mainit, maski wala — manipis na kumot na lang.

    – i like this better.. woohoo!

    homebodyhubby: ahehe… siguro nakaka-relate ka ano? 😛 talaga naman presko, di ba?

    foo, kita ko yung account mo sa flickr… kaya lang hindi ko
    pa masyado maharap ang pag-log-in at pag-maintain nun. miss ko na nga yung mga “klasmeyts” ko dun e. 🙂

  3. AH KYA PLA ONSE… hehehe.. lam ko na kuya hubby kung bkit nging close agad tayo nkita ko dito sa post mo isa pla akong my dugong daga.. pareho pla kmi ni hamtaro na LEO.. kya pla close tyo… hehehe… salamat.. ayan dinumog tuloy ako ng pamangkin ko dito dhil sa mga ham-ham.. yan na cla… wahhhhhhhhhhhhhaaaa..napisa na ako..

    homebodyhubby: ako, hulaan mo kung sino ang ka-birthday ko? …si Bossing, yung pinakamatanda. 😛

    tina-try ko imagine yung mga pamangkin mong makukulit
    at maliliksi habang nagkukulumpunan sa tabi mo. 😀
    pahiram naman ng maski dalawa lang? 😛

  4. kanya kanyang lang tayong may katuturan ang kawirdohan o kanormalan sa buhay😀 basta ba tolerated ng ating kasama sa bahay e okay lang di ba? ako nung teen ager ako nahihiya rin akong maglakad mag isa, kaya parati akong may hatak hatak na kasama; tapos parang nakakahiya rin nung mga araw na yon na magshort lang kapag lalabas ng bahay… pero ngayon, wala na akong paki. lalo na nung breastfeeding pa itong mga little kengkays at kung saan saan ko sila binusog ng aking mother milk.. ahahaha. lalo pat halos tatlong taon na sila nung tumigil, nung asa pinas ako kung saan dati akong nahiya maglakad mag isa – naku, sa lahat yata ng restaurant e hatakin lang nila ang blusa ni nanay kengkay, game na agad… ahahaha

    homebodyhubby: ako naman nuon, halos hindi makapag- short pag nasa labas ng bahay kasi mapayat ang binti ko —
    e di lalo na ngayon, mas tumatanda na ako at nawawala na masels ko. 😛

    ang galing mo naman tita kengkay — almost 3 years old?
    e di maigi, siguradong malalakas ang naturalesa ng little kengkays mo. 😀 lalo mo akong pinabilib sa pagiging nanay mo… yung iba kasi, mas pinapahalagahan ang sarili nilang figure. 😦

  5. […] 11-11-11 […]

  6. ***cge, pag naka huli ako ng daga, bigay ko sau…
    ===
    oist, ok ka lang??? wak maxado emote ha, pag dating ni misis ok na yan, wak mo na intindihin yun, sabi mo nga, mahaba naman ang… pasensya mo😀

    ska sabi nga,
    always,its between U and Ur God,
    as long as u know in heart wat is true then ders nothing more to say, nothing more to prove….

    n yeah, 4giving is divine, n no matter how hard it may be 4 us, d fact dat wer tryin is wat being a christian is ol about.. a step above being just mere human….

    homebodyhubby: salamat ‘mine’ sa persistence mo…
    maski isinara ko pa yung “pinto” sa sumunod na post ko, nagbigay ka pa rin ng comforting words tungkol duon dito. 🙂 thanks talaga…

  7. :0

    meron na din akong blog sa iba.. sa wakas. pero wala pang laman.. haha.. ok lang ba na i link kita? :0
    http://jez-joy-pom-me.blogspot.com/

    Godbless..

    homebodyhubby: okey lang a-ding (in ilokano,
    “younger sister or brother”) 😉 — walang problema…
    i-link din kita.

  8. hey man… cheer up. everything would turn out okay, i believe in the saying ‘this too shall pass.’ hugs to you.

    homebodyhubby: salamat kengkay… 🙂
    pareho kayo ni ‘mine’ — “makulit” 😛
    … i really appreciate that.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: