A “Choi”ful heart

Grade 2. Mahiyain ang bata nuong una. Makikita sa litrato na pinagkakaguluhan ang dalang laruan nya — parts ng house na yari sa karton. Hindi naman daw kamahalan paris nung sa mga kaklase nya, pero “naiiba”.

————————————————————————————————

Hindi matanaw ang araw nung magising ako kaninang umaga.

Hindi talaga makulimlim… Nakasisilaw nga ang liwanag maski walang makitang araw. Diffused o kalat kasi ang liwanag — isinasabog ng mga nakakulumbong na mga ulap. Sa photography, ito yung lighting condition na “cloudy bright” — wala kang makitang anino maski sobrang maliwanag. Ang ganitong klaseng liwanag ang parating nagpapasakit sa ulo ko.

Nawalan pa ng kuryente. Okey lang dahil wala akong planong mag-computer; kaya lang, mainit dahil hindi rin magamit ang electric fan.

Pagdating ni misis galing sa morning worship service sa church, nag-stay na lang kami sa bahay. Nag-amoy curry powder ang loob ng buong bahay dahil nagluto sya ng chicken curry. Sabi ko nga sa inyo, isang wall lang ng rented space namin ang may bintana — that one facing west, kaya hindi well-ventilated, kasi hindi lusut-lusutan ang hangin. Yung luto ni misis, hindi din nagalaw agad dahil nakatulog kaming hindi na nakapagpananghalian. Nagising kami, mag-aalas tres na.

Birthday ni Choi ngayon, February 3. Maski burdened pa rin ang heart ko, at tamad na tamad pa ring mag-blog, hindi ako papayag na hindi mai-post ito.

————————————————————————————————

Ang isang trait ng misis ko na nagustuhan ko sa kanya — na minsan ay ikinababahala din, ay ang kanyang pagiging malapit at walang-malisyang pagtitiwala sa tao… May naibida sya nuon sa akin tungkol sa isang experience nya nung six years old pa lang sya.

Naglalaro siya nuon kasama ang apat pang bata malapit sa “Learn and Play School” sa may kanto ng Sct Gandia sa Kamuning. May tumawag sa kanila na isang lalaking nakasakay sa kotse at nagtanong sa kanila ng —

Saan ba may ospital dito?

Lumapit sila sa bumukas na bintana ng kotse at nasilip duon ang ginagawang “paglalaro” ng lalaking ito sa sariling ari na sa pagkaka-described ng misis ko ay “pulang-pula” na. Mga inosente palibhasa, ang mga bata, nakipag-usap pa. Buti na lang at may lumapit na kakilala silang batang lalaki na nasa sampung taong gulang at sinabihan sila ng —

Takbo na, ________ yan!

Hindi na natandaan ni misis yung term na ginamit — pero exhibitionist ang ibig sabihin.

Gaano kaligtas kaya ang mga bata sa mga halimaw sa likod ng matinong mukha ng mga taong paris nito? This event, if not timely prevented, could have led to child molestation and rape. Kaya nga minsan nakakakaba din yung mga taong maski na sabihin nilang may pinag-aralan sila, lustful naman ang mga pag-iisip lalo na kung ibinubuyo ng mga readily available na smut sa mga bangketa. Even the ‘safest’ sex magazines, if they fall on the “wrong hands” of even the most apparently “educated” person. Maraming mga paris nito — titulado nga, sociopath at manyakis naman pala. Mga nasa loob ang kulo.

Sabagay hindi ko problema ito — wala naman akong anak, lalo na anak na batang babae. Sana lang walang masamang nangyari sa batang si Angel na nawawala simula pa nung Dec 29. 😦

CLICK to read more…

Wala na.

Nung dumating si misis nung… hmm… kelan ba ako “nagmukmok” nun? …nung a-trenta, may ipinakita sya sa akin na umagaw na ng atensyon ko nitong mga nakaraang araw.

VOICE publications

Lumuwas kasi sya at nakitulog sa isang lady missionary friend (a German national na mas magaling managalog kaysa mag-ingles) sa may Diliman, QC.

Hindi ko tuloy masyadong napagsisilip ang lungga ko (at least nakapag-frame ako at nakapag-‘muni-muni’). Kaya itong si misis, tuwang-tuwa dahil dire-diretso syang nakakagamit ng laptop nya (ahehe… kanya naman talaga ito — ‘regalo’ ko ito sa kanya). Ewan ko lang kung nagla-login sya sa wordpress account ko, kasi minsan sya ang pinagla-login ko sa mga accounts ko. Malamang, kabisado na nya ang ilang usernames at passwords ko.

Hindi ko naman ipaaalam sa kanya ang mga ito kung may inililihim ako, di ba? Para sa akin, ang aking asawa ang pinaka-pinagtitiwalaan kong kaibigan. Sigurado ako sa misis ko.

CLICK THIS to continue on reading…

Published in: on 3 February 2008 at 12:00 am  Comments (5)  
Tags: