A “Choi”ful heart

Grade 2. Mahiyain ang bata nuong una. Makikita sa litrato na pinagkakaguluhan ang dalang laruan nya — parts ng house na yari sa karton. Hindi naman daw kamahalan paris nung sa mga kaklase nya, pero “naiiba”.

————————————————————————————————

Hindi matanaw ang araw nung magising ako kaninang umaga.

Hindi talaga makulimlim… Nakasisilaw nga ang liwanag maski walang makitang araw. Diffused o kalat kasi ang liwanag — isinasabog ng mga nakakulumbong na mga ulap. Sa photography, ito yung lighting condition na “cloudy bright” — wala kang makitang anino maski sobrang maliwanag. Ang ganitong klaseng liwanag ang parating nagpapasakit sa ulo ko.

Nawalan pa ng kuryente. Okey lang dahil wala akong planong mag-computer; kaya lang, mainit dahil hindi rin magamit ang electric fan.

Pagdating ni misis galing sa morning worship service sa church, nag-stay na lang kami sa bahay. Nag-amoy curry powder ang loob ng buong bahay dahil nagluto sya ng chicken curry. Sabi ko nga sa inyo, isang wall lang ng rented space namin ang may bintana — that one facing west, kaya hindi well-ventilated, kasi hindi lusut-lusutan ang hangin. Yung luto ni misis, hindi din nagalaw agad dahil nakatulog kaming hindi na nakapagpananghalian. Nagising kami, mag-aalas tres na.

Birthday ni Choi ngayon, February 3. Maski burdened pa rin ang heart ko, at tamad na tamad pa ring mag-blog, hindi ako papayag na hindi mai-post ito.

————————————————————————————————

Ang isang trait ng misis ko na nagustuhan ko sa kanya — na minsan ay ikinababahala din, ay ang kanyang pagiging malapit at walang-malisyang pagtitiwala sa tao… May naibida sya nuon sa akin tungkol sa isang experience nya nung six years old pa lang sya.

Naglalaro siya nuon kasama ang apat pang bata malapit sa “Learn and Play School” sa may kanto ng Sct Gandia sa Kamuning. May tumawag sa kanila na isang lalaking nakasakay sa kotse at nagtanong sa kanila ng —

Saan ba may ospital dito?

Lumapit sila sa bumukas na bintana ng kotse at nasilip duon ang ginagawang “paglalaro” ng lalaking ito sa sariling ari na sa pagkaka-described ng misis ko ay “pulang-pula” na. Mga inosente palibhasa, ang mga bata, nakipag-usap pa. Buti na lang at may lumapit na kakilala silang batang lalaki na nasa sampung taong gulang at sinabihan sila ng —

Takbo na, ________ yan!

Hindi na natandaan ni misis yung term na ginamit — pero exhibitionist ang ibig sabihin.

Gaano kaligtas kaya ang mga bata sa mga halimaw sa likod ng matinong mukha ng mga taong paris nito? This event, if not timely prevented, could have led to child molestation and rape. Kaya nga minsan nakakakaba din yung mga taong maski na sabihin nilang may pinag-aralan sila, lustful naman ang mga pag-iisip lalo na kung ibinubuyo ng mga readily available na smut sa mga bangketa. Even the ‘safest’ sex magazines, if they fall on the “wrong hands” of even the most apparently “educated” person. Maraming mga paris nito — titulado nga, sociopath at manyakis naman pala. Mga nasa loob ang kulo.

Sabagay hindi ko problema ito — wala naman akong anak, lalo na anak na batang babae. Sana lang walang masamang nangyari sa batang si Angel na nawawala simula pa nung Dec 29. 😦

Nung magboypren naman na kami, itong si gerpren (misis ko) ay may pinuntahang mag-isa sa loob ng Camp Aguinaldo sa QC. Nasa opisina ako sa Los Baños.

Nang matapos na ang sadya nya, naki-hitch itong si gerpren sa isang lalaking hindi nya kilala na papalabas na ng kampo. Akala siguro ni lalaki “cheap” sya, nilagyan na ng mga berdeng jokes at sexual overtones yung mga simpleng usapan. May ipinakita pang isang dakot na bala ng .45 caliber pistol — pinahahawak sa kanya na para bang nagyayabang. Nagsimula nang makadama ng kaba nuon itong si gerpren ko, kaya nagpababa sa isang building at nagdahilang may dadaanan duon. Buti naman pumayag itong si lalaki, pero naghintay pala sa paglabas nitong gerpren ko sa tapat ng building.

Nung nalingat itong lalaki, tumalilis si gerpren ko at dali-daling pumunta sa PLDT na malapit duon. Nag-long-distance sa akin sa opisina (hindi pa uso ang cellphones nuon) at sinabi ang sitwasyon nya.

Anong magiging reaksyon ko? Syempre nanggagalaiti ako sa galit dahil wala akong magawa kundi murahin yung ni hindi ko naman masuntok na lalaki. Papagabi pa mandin nuon. Sabi ko na lang kay gerpren:

Nandyan pa ba? Pag hindi mo na nakikita, umalis ka na dyan. Dito ka na lang (sa amin sa Calamba) umuwi.

Mas malapit kung sa kanila (Angono) sya uuwi, pero mag-aalala naman ako kung ano na ang nangyari sa kanya kung hindi ko sya makikita. (Hindi nya ako maite-text man lang kasi nga hindi pa uso nuon ang cellphones.)

Habang sakay ako ng dyip pauwi ng Calamba mula Los Baños, panay ang pag-aalala ko. Pag-uwi ko nahalata ng Mom ko na nanggagalaiti ako. E di ikinuwento ko. Katagalan dumating din si gerpren ko at ayun — nasermunan ko. Napaalalahanan din nang malumanay ng byenan nyang hilaw.

Si misis, nakalakihan ang sobrang pagtitiwala sa tao. Matagal ding panahon na pinoprotektahan siya ng Diyos.

At ngayon, nandito naman na ako para parating paalalahanan sya. Hanggang sa ito nga, medyo may idad na sya… Siguro naman, wala nang mag-iinteres sa kanya. 😀

————————————————————————————————

Some facts about my one-and-only:

  1. Ipinanganak sa Kamuning, Quezon City.
  2. Kapos sa height — 411 ngayon, at mukhang wala nang itataas pa. Pag nakaupo nga sa sofa namin, hindi abot ang paa sa sahig.😆 Ang short ko nga parang tokong na sa kanya.
  3. Pangatlo (3rd) sa pitong magkakapatid na tatlo (3) ang lalaki (Panganay, 5th, at 6th) at apat (4) ang babae.
  4. Nuong maliit pa, mahiyain at ayaw magpakita sa tao, kaya parating kaaway ng kuya nya dahil ayaw nyang lumabas pag pinabibili nito ng sigarilyo.
  5. Tatay’s girl. Nagbubuhat ng hollow blocks (buti hindi nabagsakan ang paa!) at nagpiprisintang taga-halo ng semento sa paggawa ng tatay nya ng kulungan ng baboy nung elementary pa lang sya. Nung highschool, katu-katulong ng tatay nya sa pangungulekta ng kaning-baboy sa Quiapo. Nung nag-debut, sya lang ang naipaghanda dahil sya lang naman ang nagdadala ng maraming friends sa bahay nila. Tanging nakasama ng isang kapitbahay na nagbuhat sa tatay nya nung na-heart attack ito, maski umabot sa ospital nang dead on arrival na.
  6. Laki sa hirap, sanay sa hirap. Kasamang nagtaguyod sa pagbuhay ng pamilya nila nung mamatay ang tatay nya.
  7. Nag-aral sa TIP malapit sa simbahan ng Quiapo. Batang-Quiapo ini kaya well-exposed sa mga gang-rambols at welga ng mga opinionated students at manggagawa. Grumadweyt sa financial assistance ng mga ka-fellowship at kaibigan na pawang mga estudyante rin.
  8. Down to earth, hindi plastic. Mula nung makakilala sa Panginoon, naging malakas, walang-kiyeme at “Homeric (contagious) laughter” o nakakahawa ang pagtawa. Mga rason kung bakit marami syang mga TAPAT na kaibigan.
  9. Hindi naman masyado maganda, pero magaling magdala.😛 Ni minsan yata ay wala pa akong nakita na sukat kong ikata-turn-off sa kanya. Ang walang pagkupas na inner beauty o virtue ang dahilan kung bakit ako na-inlab sa kanya.
  10. Nagtrabaho nung 19 years old as working student sa Philippine Coast Guard sa Pier ng Intramuros. Hindi nakatagal sa mga berdeng usapan ng mga bastos na sundalo na nag-aakalang napaka-macho nila. Nag-AWOL mga ilang araw pa lang, sa takot na ma-harass.
  11. Hindi naman talaga maka-Imeldific, pero nag-work as cartographer sa Ministry of Human Settlements hanggang sa ma-abolished ito. Ang lamang nya sa akin? — Kasama ng kapatirang mga Bible-christians, nandun sya sa EDSA nung February 1986. Ako hindi nakapunta dahil ayaw kong mag-alala ang nanay kong kabyubyuda.
  12. Pumasok sa PhilRice sa Los Baños nung 1987, at duon kami nagkatagpo at nagkakilala.
  13. Una’t huling boypren niya ako.:mrgreen: — Paano, “kuya” agad ang itinatawag sa bawat lalaking ma-sense nyang nagpaplanong manligaw sa kanya, kaya hindi nakapag-boypren ng iba. At ipapahabol daw nya sa ASO niya pag umakyat ng ligaw sa kanya, maski na gaano kagwapo pa sila.😆 Hehehe… sa akin lang ito hindi umubra. Kasi ang aso naman, hindi galit sa isang DAGA.:mrgreen:
  14. Ulirang asawa. Maski hindi perpekto, wala na akong hahanapin pa.
  15. Mahilig magluto maski “sinarobot” — yan ang term nya sa lutong imbe-imbento.
  16. Medyo hindi organized sa bahay pero hindi yata nagsasawa sa kalalaba.
  17. Walang gaanong hilig sa pagbabasa, kaya ipinababasa sa akin ang mga gusto nyang basahin at saka sa akin pina-e-explain.
  18. Kayang magbabad nang “walang kurapan” sa harap ng TV.
  19. Outgoing — hindi mapakali sa loob ng bahay. Para bang laruang de-susi na pag inangat mo e sige ang pispis o hakbang ng mga paa? 😆 O kaya yung sa commercial ng “Energizer” na baterya — “and going… and going… and going…” 😆
  20. Malapit sa tao maski na anong edad pa, pero mas lalo sa kabataan at mga musmos na bata. Mahilig manggigil ng anak ng may anak. Mahilig din manggigil ng mga alaga naming daga. Pati “DAGA” ko pinanggigigilan. Daga — yung masel ko sa braso na wala namang kalaman-laman.😆
  21. Kung ako metikuloso pero maiksi ang pasensya, si misis walang katiyaga-tiyaga pero napakahaba ng pasensya. Mukhang mas maganda yung sa kanya?
  22. Kung mababa ang luha ko, siya hindi. Pero pag umiyak na siya, hindi ko matiis na hindi sya yakapin.
  23. Nagtratrabaho part time sa pagse-sales sa ngayon.
  24. Antagal na naming magkasama. Pero kung hindi pa pala ako nag-blog, hindi ko pa malalamang ipinanganak sya sa year of the RAT?🙄

Bente-kuwatro. Tama na muna ulit yan. Marami naman na akong sinabi tungkol sa kanya sa mga past posts kong ito:

Masasayang araw. Kung naghahanap kayo ng “tikbalang” maghanap kayo sa undas, dahil ang mga maligno, duon lang lumalabas.

Outgoingwifey ni Homebodyhubby. Get to know our “kids”…

————————————————————————————————

Ngayon alam nyo na kung paano ako napangiti dyan sa picture ko sa sidebar sa kanan. Hinihintay ko kasing matapos plantsahin ni misis ang pantalong isusuot ko. (Kaliwete pa o?) Medyo pormal akong tao… si Choi ko lang yata ang may kakayahang makapagpangiti sa akin nang ganito. (Camera on self-timer mode)

————————————

“A cheerful heart is good medicine,

but a crushed spirit dries up the bones.”

(Proverbs 17:22)

“ A wife of noble character is her husband’s crown.”
(Proverbs 12:4)

“ He who finds a wife finds what is good and receives favor from the Lord.” (Proverb 18:22)

“ Houses and wealth are inherited from parents,
but a prudent wife is from the Lord.”
(Proverb 19:14)

————————————————————————————————

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/02/03/a-choiful-heart/trackback/

RSS feed for comments on this post.

13 CommentsLeave a comment

  1. *** ang galing pla ng math dati, tagalog😀

    *** nka bold nga!!! LOls😆

    – kayo nga cguro yung tinatawag na match made in heaven…. yung tipong u complete each other.. naxx..

    “hapy bday uli sa outgoingwifey ni homebodyhubby”

    – MKB-XXX

    homebodyhubby: thanks sa greetings, ‘mine’…🙂

    hindi bold yan, may suot akong tight-fitting short-shorts na pinapanloob ko sa swimming trunks (parang biking shorts, pero mas maiksi)… hindi ako lalapit dyan kung wala — baka mapaso pa ng plantsa e 😛 …atsaka hindi ako nagpapa-nyut nang wala.

  2. hi kuya! hapy bday po sa outgoingwifey mo..🙂
    God bless po sa inyo dalawa!

    homebodyhubby: salamat jezreel. 🙂

  3. naku dpat nagpakanton sya ska nagpahipon.. happy birthday ate wifey.. pagpacenxahan mo na at may memory gap c hubby mo di nya alm na yr. of the rat xa… kamote diba.. hehehe

    homebodyhubby: salamat, repah…🙂
    may naalala lang ako sa kamote. 😦

  4. fgfgcv

    homebodyhubby: ?

  5. bok, bigla akong napa “take a second look” dun sa plantsa eksena ninyo ni misis – para kasing wala kang salwal🙂 hehehe

    homebodyhubby: yan din ang tingin ni ‘mine’. 😛
    may jockey short ako dyan, tight-fitting underwear na hindi naman brief… panloob ko sa mas maluwang na “puruntong” short pag magsi-swimming — summer (April) 1999 kasi kuha yan.

    parang ganito (click) → “nyorts” … pero mas maiksi pa.😆

    dyan ko kinuha yung avatar ko nuon na wala sana akong planong palitan (sa Flickr, yan pa rin).

  6. asan salawal, ahahaha. natawa ako sa taroogs! ang sweet naman, kelan kaya ako makakabasa ng ganyang tribute from kengkoy huy pero sweet din naman yon kaya lang daan nya sa mga regalo at sa mga kilos nya like maglalaba sya, magluluto, maglilinis ng bahay, etc, hahaha! ganyan talaga mga 4’11, iba ang dating , o wag ka na humirit😀 happy birthday, dear choi!

    homebodyhubby: ahehe… ayun, pinapalantsa ni misis! 😆

    yung tribute from kengkoy, pasulat mo sa tagalog.
    ambait naman nya… dapat pala sya ang gawan mo ng tribute pag birthday din nya.😉

    ako man homebodyhouseband.😛

    korek ka dyan, ismol bat teribol — super ang dating (indi ko mapigilan ang humirit 😳 ) — “wonderwoman” nga ang tawag ng pastor at ka-churchmate namin sa kanya nung dalaga pa sya… ewan ko lang ngayon kasi chubby na sya. 😛

    kengkay, february na, pauwi na kayo… happy swimming
    at ligo sa ulan.😀

    thanks sa greetings!

  7. ang alam lang ni kengkoy e ‘mahal kita’😀 uy, tulong naman kung may oras ka at kung sa tingin mo e tama itong project na ito
    http://kengkay.wordpress.com/2008/02/04/maganda-sa-basilan/

    bilang na bilang na ang araw… pinas, here we come! yun nga lang, bawal mag blog, hehe

    homebodyhubby: wahehe…🙄 “Ich liebe dich” nga ba yun?

    bawal blog? batet? sabagay, timing… bakasyon muna din ako — magpe-FRAME.

    yung sa Basilan, hamo pag-aralan ko… gusto ko rin sa lugar na yan, lalu na sa Tawi-tawi?

    Okey… enjoy your native HOME. 😉

  8. happy birthday kay wifey! ang gandang tribute ito para sa kanya, ang sweet niyo talaga. napatitig ako ng sandali dun sa pic kuya, wow ang sexy hahaha!

    homebodyhubby: seksi ba yun? 😳 panipis na nga legs ko dyan kasi hindi na ko masyado nakakapag-hike dyan.
    salamat sa greetings, misyel. 😀

  9. […] in all cases, she is my wife, my “sister” and my friend, so let me choose THREE. We started as friends. But a few years before, even without knowing each other, we became “brother and sister.” Eventually, we became husband and wife. […]

  10. […] Nakumpleto ko na pala ang lahat ng short account ko tungkol sa mga taong pinakamalalapit sa puso ko – magmula sa mga lolo at lola ko, thru my dad and mom, tatay at nanay – isama mo na rin ang mga peborit kong auntie, uncle at lolo uncle. Ang aking bestfriend, meron din. At syempre, hindi pwedeng wala si misis ko.😉 […]

  11. […] Yang nagme-make-up sa akin ay you know who – ang barkada ko pa lang nuon na naging misis ko na ngayon. […]

  12. […] Tiningnan ko… Hindi naman mukha ng ideal girl ko ang nasa pikyur. TIP graduate, huling namasukan sa kase-sekwester na MHS ni madam imeldific. Though not impressed, medyo peculiar para sa akin yung mga skills nya. Babae, cartographer? As to her working experience, napakalawak na. Natanggap sya at nagreport the following month, naging barkada namin, at wala akong kamalay-malay na sya palang magiging lifetime GF ko.😉 […]

  13. […] In a separate world, nagtapos ng college ang misis ko sa isang eskwelahan dito. […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: