Wala na.

Nung dumating si misis nung… hmm… kelan ba ako “nagmukmok” nun? …nung a-trenta, may ipinakita sya sa akin na umagaw na ng atensyon ko nitong mga nakaraang araw.

VOICE publications

Lumuwas kasi sya at nakitulog sa isang lady missionary friend (a German national na mas magaling managalog kaysa mag-ingles) sa may Diliman, QC.

Hindi ko tuloy masyadong napagsisilip ang lungga ko (at least nakapag-frame ako at nakapag-‘muni-muni’). Kaya itong si misis, tuwang-tuwa dahil dire-diretso syang nakakagamit ng laptop nya (ahehe… kanya naman talaga ito — ‘regalo’ ko ito sa kanya). Ewan ko lang kung nagla-login sya sa wordpress account ko, kasi minsan sya ang pinagla-login ko sa mga accounts ko. Malamang, kabisado na nya ang ilang usernames at passwords ko.

Hindi ko naman ipaaalam sa kanya ang mga ito kung may inililihim ako, di ba? Para sa akin, ang aking asawa ang pinaka-pinagtitiwalaan kong kaibigan. Sigurado ako sa misis ko.

Ikaw? Sigurado ka ba sa kaibigan mo? Baka lip-service lang yan para hindi mo sya “awayin”?

Para bang sinasabi nya:

“Ayan ha? Ilang beses na kitang pinuri. Bati tayo, kaya huwag mo akong babanatan sa blog mo.”

Well… good for you. Gudlak for your friendship.

My readers, gusto kong ipakita sa inyo ito:

…my name is Robert, a homebody… a husband (housebound?) …You see, I and my hamsters have one thing in common — for us, nothing beats the smell of our own homes, except for occasional cases of lakwatsa. Isn’t it delightful for a guy like me to visit somebody else’s “home” without living his own home?

Sinulat ko yan sa isa sa mga pages ng blog ko nung September 6, 2007 — isang araw bago yung Hello world or kauna-unahang post ko.

That’s me… a homebody. Lalo na ngayon, hindi na ako masyadong nakapaglalalabas ng bahay.

This is one of the major reasons kung bakit ako nag-start mag-blog. I like to have friendsand indeed I was blessed with so many friends, ‘strangers’ they may be. I say “strangers” kasi hindi ko pa naman sila personal na nakikita. But at least these people are NOT hiding themselves in anonymity. I am learning a lot from you guys! And I am also very much thankful that through me, God (I am not taking the credit) has been touching some lives(?).

But one question is always bothering me:

“Why is it that there’s a few people ‘out there’ who want to stop me from what I have been doing?”

Am I saying or showing things here that are “too good” to be true? How can I prove my sincerity? I’ve been transparent in my writings and in showing my and my families’ pictures as a gesture of my trust.

In the first place, kailangan ko bang patunayan ang aking sinseridad sa isang tao na tatlong buwan ko nang ‘kilala’ at limang beses na yatang nagpalit ng kanyang anyo pero hanggang ngayon hindi nya pa mai-reveal ang tunay nyang pangalan at ni minsan hindi pa naman nagpakita ng litrato nya o ng maski sino man sa pamilya nya? Ano ba ang konsepto nya sa totoong tao?

Siguro nga wala syang tiwala na iratsada ang kanyang pangalan at tunay na mukha sa blogosphere. This guy is most likely an old returning blogger na ilang beses nang nag-delete ng blog nya at nagpalit ng mukha at pangalan. Siguro nga “nadala” na sya at maraming “natutunan” sa previous blogs nya, kaya ayaw na nyang magtiwala. His recourse is to hide in anonymity. Is that the way in here?

At iyan din ang dahilan kaya hindi na sya nahihiya. Maski anong isulat nya, wala nga namang pagkakakilanlan sa kanya. Diretsong kababastos pa ng mga lengguwahe. Siguro kung may anak akong bata, hindi ko ipagkakatiwala dito, lalo na kung babae? (Yung hindi ko pinatutungkulan, HUWAG ka nang sumabat, please. Panggulo ka lang e.)

Kung sa tingin mo’y “naglolokohan” lang tayo dito, okey fine… I’m tired and sick of you, man. WALA NA

You know, one of the things that I am thankful for is that my family lived a nomadic life. Matatawag kaming walang permanenteng pinanggalingan at tinitirhan. I was born in Olongapo city, was raised in Manila, Quezon city, and Calamba, now residing in central Luzon, and (by God’s will and grace) will be staying in Baguio for the rest of our lives.

I was not conditioned to be regionalistic –- basta Pinoy ako.

Walang masama kung magkakaibigan kayo. I am a peace-loving person, at gusto ko nga nagkakasundo kayo. Pero huwag namang ganyang kami-kami, kayo-kayo. KUYUGAN yan e. You are building walls, instead of bridges.

Magkakaibigan nga kayo, pero nagkakasundo naman kayo to “make fun” of somebody else dahil hindi nyo “kasundo” ang mga adhikain nya. Wala namang basis ang mga sinasabi — makapanira lang at makapagpatawa. Mapagsabihan mo naman ng konti, pikon at nanggagalaiti na.

Hehehe… huwag na kayong magmaang-maanganpapunta pa lang kayo, pauwi na ako. You cannot just “analyze” a person by what you have “learned” from school. “Marami pa kayong kakaining bigas!” O sige, kanin… pilosopo. Maski hamburger pa kung ibig nyo.

Kung minsan tuloy, parang gusto kong pagsisisihan ang ‘pagkalabit’ sa isang ito. Utang na loob ko pa.

Ang ibig kong sabihin ng ‘pagkalabit’ ay yung ako NAUNANG MAGCOMMENT SA BLOG NYA kaya kami naging “magkakilala.” Pero sya naman ang NAUNANG NAGLAGAY NG LINK KO SA BLOG NYA. Akala nya kasi e parating kaparis nung unang post ko na nakita nya ang tema ng blog ko. Nung nagsimulang bumalik na ako sa dating “sermons” ko, ayun… nag-iba na sya — nabanatan agad ako sa isa nyang kwento.

Kayong mga ka-blog ko… be honest. Ilan sa mga links sa blogroll nyo ang pinagsisisihan nyo’t nailagay nyo pa dyan? Ako, so far parang itong isang ito lang naman. Kung nagsisisi kayo’t nandyan ako, go ahead… delete nyo lang, hindi ako magtatampo. Hindi nyo kailangang magpanibago ng blog for a new set of blogroll.

Siguro, ang pagkakamali ko ay ang paghingi ulit ng link nya pagbalik nya, pagkatapos nyang burahin ang unang blog nya. Umaasa kasi ako na mag-aapologize sya. Pero hindi… lalo pang naging sarcastic at cynical sa mga replies nya sa comments ko sa blog nya. Pati ang isang blogger, ginagatungan nya para magalit sa akin.

Nag-umpisa akong mag-blog na napakainosente sa mga bagay na ganito. Ganito ba talaga dito? Asaran? Gatungan? Kuyugan? Paramihan ng hits? Maski tuloy ikaw na walang kamali-‘malisya’ medyo magdududa ka na. Hindi mo na malaman kung ang isang tao ay dalawa pala, at ang dalawang tao isa lang pala? Kasi nga anonymous…

Ang iba kasi masyado lang conscious sa “clicks” at “hits” o sa “blog stats”? Ilang beses na nyang bukambibig yan.

Gusto ko sanang alisin na yang blog stats ko dyan dahil hindi naman ako conscious sa value nyan. Pero aminin mo rin, parekoy na maraming nangingiti pag nakikita yanit adds ‘spice’ to my “pet” blog. Para sa akin kilometrahe” lang ni Faramir yan.

Tignan mo yung MGA PUSANG-GALA sa ibaba. Like spams, cats are ‘unwanted’ here. But though they are ‘hazardous’ to my ‘hamsters’ they are welcomed here but ‘leashed’. Hehehe… You are a writer — you you should know that I am only figurative. Baka sabihin mo, nag-iilusyon ako… Huwag ka kasing masyadong confident dyan sa sinasabi ng diploma mong kung saang school lang naman ang nagbigay sayo.

Sa karanasan ko sa tutuong buhay ko, dalawang “katangian” ng tao ang pinaka-nahirapan akong pakisamahanyung may tinapos na kursong ganyan, at yung nagsasabing naging “christian” ‘daw’ siya. Hehehe… nampota, pinagsama pa ang dalawang traits na ito sayo.

Let me tell you about these people, tutal hindi mo naman kilala.

This one is the same as your finished course, UP graduate pa! Maganda, matalino, at gusto ko nga sanang ligawan. Kaso, anyabang din… akala mo alam na nya ang likaw ng isip ng bawat taong makausap niya. E eto ngang sariling behavior nya hindi nya kayang iesplika at remedyuhan. Lahat na yata ng officemates nya, kaaway nya.

May isa pa, kapit-kwarto namin dito sa building nuon, ganyan din ang natapos. Boss sa trabaho nya, malinis at disente magbihis, at napakalaki ng sweldo. Wala namang kasama sa kwarto, pero hindi lang kinakausap ang sariliinaaway ang sarili at puro coprolalia ang namumutawi sa mga bibig! Nasaway ko minsan dahil maski hatinggabi at madaling-araw, nakakadistorbo na. Ayun… tumigil naman kasi na-conscious sya (pwede naman palang pigilan). Pero hindi na ko masyadong pinagkikikibo. Katatapos lang ng kontrata sa trabaho nya, lumipat uli pabalik ng Maynila at sa Makati na raw magtatrabaho, pero pinaalalahanan ng misis ko“Baguhin mo na ang ‘style’ mo.” Nakinig naman.

Kaya yata nagkurso ng ganun e para”gamutin” ang sarilito find a “cure” for his malady. (Ikaw? Oedipus complex lang yata ang natutunan mo e, trying to understand yourself? at dahil duon e nagkaruon na ng maraming kumplikasyon?) E kaso, dahil nga ganun ang natapos, naging mayabang lang at naging cover-up yung credentials nya sa kanyang mga insecurities. Ang galing magbuhat ng sariling bangko.

Kulang yan totoy. Hindi sakit sa utak yansakit sa puso” yan. Tanggalin mo ang lahat ng prejudices moang lahat ng galit mo sa tatay mo — para hindi ka napa-praning.

Meron namang nagpakilalang ‘born-again’ nuon, binabanatan ang pagtitirik ng kandila sa mga namatay nanaglagay ng pagkahaba-habang comment dito sa blog ko. Ni-moderate ko nga. Dahil maski hindi ako naniniwala sa purgatoryo, hindi ako nanlalait ng mga taong naniniwala duon. Aba’y nung bisitahin ko nuon ang blog nya, yung comment nya palang iyon ay isang buong post nya! … dyan ka mag-post ng conviction mo sa blog mo. Gagawin mo pang pulpito mo ang blog ko.

Tapos nanggagalaiti pa nung mabasa nya yung idinugtong ko duon sa ilalim ng poem (anonymous writer). Akala pala nya, isang commentor ko ang naglagay nuon. Kaya inilagay ko na rin ang ‘pagmumukha’ ko… siguro naman na-gets nya na na ako ang nagsulat nun.

May mga ganyan kasi “christian” lang sa harap ng kapwa “christian” at ang tingin sa mga hindi paris nila ay nakapandidiri na. Kapatid, pamilyar ka naman sa Bible mo na talagang pinagkadalubhaasan mo pa sa Bible school nang husto, bakit hindi mo buklatin yang Bibliya na parating bitbit mo at basahin mo ito:

Luke 5:29-30

Dati ka ring publikano… maski nga hanggang ngayon, tao pa rin tayong makasalanan. Bakit ngayon para kang Pariseo? Kilala mo naman ang ang mga religious leaders na Pharisees di ba? Sila yung mahilig sa “fanfare”may magawa lang na konting ‘kabutihan’ e ipinamamalita na.

Eto pa:

Galatians 2:11-21

Hehehe… Si Pedro na isa sa mga disipulo ni Kristo at matagal nang naging mananampalataya, napagalitan ni Pablo na babago pa lang naging kristyano? Paano, nagpaka-palalo o ‘self-righteous’ itong si Ka Pedro.

Magpaka-humble ka lang at ituring na iyang dunong mo at napag-aralan mo (maski saang Theological seminary pa yan) ang GIFT at CALLING mo. Giftibig sabihin, may PINANGGALINGAN; Callingibig sabihin may MISYON ka! Huwag mong ipagparangya, at baka kunin ng NAGBIGAY sayo e maiwan kang walang-wala.

Kayong mga na-stumble sa mga Christian group o mga kaibigang sinasabi nyo, you have two options:

Option 1. Sige, ipagpatuloy nyo lang ang galit nyo. Bumalik kayo sa “dating” buhay nyo. Kayo din ang magdurusahindi ang mga taong kinasusuklaman nyo. “If you continue to hate someone, you are only helping that someone to continue hurting you.”

I realized the truth of this dahil nanggaling na ako dyan.

Option 2. Huwag nyo nang pansinin. Marami lang deprivation at insecurities sa buhay yan. Grudges, hatredpwedeng humahanap lang ng damay kaya KJ. Inggitero, kaya naiinis pag nakikitang maganda ang buhay nyo. Padadamay ka ba? Focus on the good things that you have started doing.

Kaya ko lang sinasabi ito kasi minsan kailangan din talaga ng rebuke ang ilang mga PUSANG-GALA dito. Hindi naman nila ito malalaman kung hindi ko sasabihin.

ABOUT THE “WALLS”

And about the walls (HINDI na ito related sa mga pusang-gala) — talagang naumpisahan lang akong ma-“burdened”. Walls are protection, but it is also a manifestation of fear and distrust.

Dun sa mga mahinang pumik-ap, lilinawin ko haHINDI yung blogger ng link na ito ang tinutukoy kong kaaway ko dito. Baka na-mixed-up kayo sa nakaraang post ko, napaghalu-halo na ninyo.

Thanks sa post, though. Maski hindi ako naglalalabas ng bahay at hindi na ako masyadong nanunuod sa TV, nakakabalita ako sa mga current issues, with some nuggets of wisdom from the blogger’s opinion or point of view.

What’s happening in Israel is a slow unfolding of Biblical prophecy, don’t you know that guys? Subukan mong pagtabihin ang Bible at world history.

  • Sa BIBLE, Sabi ng Diyos bilang babala sa mga Jews (Israeli ngayon) somewhere between 1450-1400 B.C. (before Christ was born):

“I will scatter you among the nations and will draw out my sword and pursue you. Your land will be laid waste, and your cities will lie in ruins.” (Leviticus 26:32-33)

Pero sinabi Nya rin ito nuon bilang pangako:

“Yet in spite of this, when they are in the land of their enemies, I will not reject them or abhor them so as to destroy them completely…” (Leviticus 26:44)

Sa WORLD HISTORY:

More than 800 years later, nuong 586 B.C., kumpletong nalagay sa isang diaspora o pagkawatak-watak ang mga Hudyo. Wala silang matatawag na sariling bansa nila. Pinagpasasaan ng iba’t-ibang “worldpowers” na bansa nuon ang Israel. Nung panahon nga ni Kristo, hindi ba’t ang bansa nila ay sakop ng mga Romano?

Sa loob ng 1,800 na taon ay persecuted sila, tulad halimbawa ng mahigit sa isang million nuon ang ipinapatay ng Roman Emperor na si Titus nung 70 A.D. At ang pinakagrabeng persecution ay nangyari nung World War II nung panahon ni Hitler (1940s). Pero sa kabila nito, marami pa ring mga Hudyo ang nabubuhay ngayon. Alin? Kung sa ibang lahi ginawa ito, malamang matagal nang “extinct” ang “race” nila.

At ang pinaka-latest na natupad ay nangyari nito lang 1948:

  • Sa BIBLE, Sabi uli Diyos sa pamamagitan ng propetang si Ezekiel, around 580 B.C.nuong mga panahong nasakop na ni Nebuchadnezzar ng Babylon ang natitirang kaharian ng mga Hudyo:

“For I will take you out of the nations; I will gather you from all the countries and bring you back into your own land.” (Ezekiel 36:24)

Sa WORLD HISTORY:

Nung 1948, matapos ang World War II, itinatag ng mga Hudyo na nagbalikan sa Palestine, mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang State of Israel. At simula nuon, kabi-kabila na ang giyera sa pagitan ng mga Palestino (sa tulong ng mga Arabo) at mga Israeli. Sabi din sa Bible, pag nangyari na ang muling pagkakatipon ng mga Hudyo, malapit na ang pagbabalik ni Kristo, bilang hukom ng mga tao.

Hindi ako interesadong pag-usapan pa nang detalyado ito, less I’ll be another doomsday fanatic enticing people into biblical Christianity because they are motivated by fear. Yes, maybe a third world war will be much sweeter than this period of Great Tribulation, but I don’t care so much about these end days issues.

It has been declared even during the apostolic age that the time is near and still now some religious people keep on saying that. But who are we humans to understand God’s timetable? It doesn’t matter “When?” The most important question is ARE YOU READY? ARE YOU SURE?

Kung sa akin din lang, bakit naman ako mag-aalala? Wala naman akong anak o mga generasyong susunod sa akin. Maski naman hindi mo abutan ang end of the world na yan e. Paano kung bangungutin ka ngayong gabi, at sa harap na ng maghahatid sayo sa kabilang buhay ka na magising?

Wala lang… naibida ko lang. And incidentally, yung prayer ko nung babago pa lang ako sa pagiging kristyano ay dalawang verse lang pasulong mula dun sa pinakahuling verse na ni-quote ko sa itaas.

I will remove from you your heart of stone and give you a heart of flesh.(Ezekiel 36:24)

Amf… Paanong hindi ako mapapaiyak niyan? Hehehe… mukhang nasobrahan ako ng ‘hingi’ dito a? …parang gusto ko nang sabihing — Wala na… (Tiyak matutuwa na si “brodah” — hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit ng taong ito sa akin… Para ka ngang si Mr Hyde. Sige, iyo na ang WP blogging world! Spend the rest of your blogging career explaining!)

Kapatid, eto na lang masasabi ko sayo:

Help as many as you can. There are more practical ways para i-apply ang mga sinasabi sa Bible. Hindi mo kailangang maging preacher para makapag- lingkod. Kung galit ka sa akin paris nung kung anumang tampo mo dun sa mga sinasabi mong mga xtian group ni jesas na naka-stumble sayo, huwag nang ako ang tignan mo. I may not be a good example, tignan mo na lang ang mga SINASABI KO. Eto naman yata ang goal mo e — ang pikunin ako para masira ang testimony ko — dahil galit ka sa mga born-again?

Imbyerna ka na sa trabaho mo? Maghanap ka ng iba at magresign ka na dyansayang lang ang isinusweldo sayo. Yung trabahong mamahalin mo at gagawin mo nang buong puso. (Sana bago matapos ang Marso, may gana pa akong magkwento sayo dito ng naging experience ko sa dati kong trabaho.)

In my case and situation, I think, itong “pasalubong” ni misis ang isa sa mga pinakahamak na pwede kong magawa. This would be much better than making blogonobelang drama na matapos makapagpaiyak LANG e wala namang yatang permanenteng epekto pala.

Ikaw na pabalik-balik sa dating patibong na kinaahunan mo… isa lang naman ang nakikita kong advantage pag bumalik ka sa “dating gawi” edadami uli ang “hits” mo, dahil marami naman dyang naghihintay ng tsismis na ‘mapagpipistahan’. Galingan mo dahil hindi ka naman nag-iisa — marami kayo dito. Putangnang blog stats na yan.

Sige, bumalik ka… tutal mas mapapasaya mo ang ibang tao sa ganyan. Siguro nga magiging “happy” ka for making other people “happy.” Tanong ko lang: “Happy” ka nga… pero may INNER JOY ka ba?

Malalaki na kayo. Alam nyo na ang tama sa mali. My task is only to give some advice — at PAKIUSAPAN kayo. The rest is YOUR CHOICE — listen to my advice or ignore it. Anyway, buhay nyo yan.

Linawin ng Diyos ang mga isip nyo sa pagpiling gagawin nyo.

ABOUT VOICE

VOICE Brochure (outer spread)VOICE Brochure (inner spread)

Hehehe… hindi “donasyon” ang hihingin ko, suhestiyon lang.

Wala pa kasi silang website. And our German (Pusong-Pinoy!) friend is asking my wife if I could make some design study. Of course I am always willing to do this all for freelalo na kung para sa mga BATA at PINOY! Kung sa akin lang, maski hanggang sa maintenance ng website pwedeng libre.

Wala nga lang akong masyadong alam sa web-design. Pero madali naman sigurong pag-aralan. Google page creator, I think is not enough. WordPress blog, though good (lalo ngayon 3GB free upload space), I’m not sure if it is appropriate. My question is:

Ano kaya talaga mas maganda, blog o web?

Baka lang ekako mayroon kayong alam na web design software… yung “free” downloadable MUNA siguro nay mayroon na ring webhosting (like WordPress), at pwedeng ipa-paid upgrade later. Para lang muna sa design study at may mai-present ako… later na lang nila pag-usapang kung magha-hire sila ng talagang professional web-designer at web host. Kung may mas magaling na makagagawa e di sige — saka ko na lang ipapasa sa iba.

Any suggestions? Kung wala, I’ll settle sa wordpress na lang MUNA. May bago na nga akong account — HINDI personal, kundi para dito. He he… ano bale? Panibagong heartache na naman? Huwag na ‘toy…

Ewan ko kung magiging “long-lasting” ang magiging epekto ng proyektong ito na susubukan kong pagkaabalahan ngayon, hindi paris ng mga ka-ek-ekan kong pinagpopo-post dito.

Sabagay, mga elementary at highschool pa lang naman ang mga itomga MAS bata pa, kaya hindi pa masyadong matitigas ang mga ulo. Well… I’ll just give it the benefit of the doubt.

Pag capable na kasing mabuntis at makabuntis, mas mahirap nang “makaintindi”kaya WALA NA ang pangmatagalang talab ang maski anupang sabihin ko. Naalala ko tuloy yung malimit sabihin ng ibang mga magulang sa anak nilang hindi na nila masuheto sa tuwing nagwawala — Mabuti pa nung maliliit kayo…

Mga NANAY, KAYO NAMAN! Bahala na kayong umalalay sa mga “batang” ito. Palilipasin ko lang ang Holy Week, pero starting April, I will take this blog back to what it was primarily designed — a pet blog.

Kaya pala mas maraming ama ang nauunang nate-teggy. Maski magpaka- pusong-mamon ka pa, ANG HIRAP PALANG MAGING TATAY.

Ahehe… makabalik kaya ng GRADE 4?

P.S.

  1. Salamat sa mga kaibigan kong nagpilit pumasok sa ibang “bintana” ng lungga ko maski sarado yung “pinto” nung latest post — para i-comfort ako. That is the kind of ‘persistence’ that I always appreciate. Salamat sa inyong dalawa — my nanay-friends.
  2. Sa ibang mga ‘kumausap’ sa akin salamat din maski hindi kayo bumanggit tungkol sa ‘isyu’alam ko ang gusto nyong ipahiwatig dahil PUSO ang parating ginagamit ko sa pakikinig sa inyo. Hindi maintindihan ng ibang barako ito. Salamat sa inyo mga ineng.
  3. Sa mga kaibigan kong sumilip at hindi “nagparamdam” huwag kayong ma-guilty at magtampo. Sa idad kong ito, nauunawaan kong nahihiya lang ang mga paris nyong medyo bata-bata pa na ‘kausapin’ ako. Of course, silence speaks as well. Balik-balik lang kayo, papa-WALA NA ang senti ni homebodykuya nyo.

Saka ko na lang sasagutin yung mga comments nyo sa nakaraang posts. Birthday ni Choi ngayon e… baka magyayang lumabas. 😉

Magandang araw sa inyo.

————————————————————————————————

Take time to see this (Pina-share ni kengkay).

AUTISM awareness campaign video

Published in: on 3 February 2008 at 12:00 am  Comments (5)  
Tags:

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/02/03/wala-na/trackback/

RSS feed for comments on this post.

5 Comments

  1. Happy Bday Mami Choi!!!!😀

    homebodyhubby: yes! happy birthday to my Choi!!! 😀
    salamat ‘mine’ 🙂

  2. makigaya na rin ako, happy birthday choi😀 am glad you are back with your long sermons, ibig sabihin e may inspirasyon ka na naman. nakiraan lang ako kasi may carnival party ang mga kids ngayon at si nanay kengkay e nagprisintang tumulong sa preparations. mamya ulit.

    homebodyhubby: ay uu… “Choi” nga pala ang palayaw
    ni misis ko. 😀 — buti nga ako, simula nung magtrabaho at mag-asawa, “Robert” na ang nakasanayang gamitin ng mga bagong kakilala ko. (kasi sa amin, “Arleen” ang tawag sa akin ng mom at mga kapatid ko) hahaha, kung hindi, lalo na siguro nagkalito-lito kung sino si mister at kung sino si misis… 😀

    thanks… i hope they enjoyed the party.
    (na-late na kasi itong reply ko) 😦

  3. arleen??? hmm. alam ko leslie minsan lalaki o babae, pero arleen? nag enjoy naman mga kiddie sa party, daming sweets at sayawan sila ng todo.

    homebodyhubby: uu kasi dalawa first name ko…
    at yang “arleen” aktwali, acronym yan na pinipilit sanang buuin ng Dad sa first letter ng pangalan ng bawat kapatid ko. kaso, naoperahan yung Mom ko pagkatapos ipanganak yung bunso na naging “M’ naman ang first letter ng pangalan, kaya naging lima lang — “A–R–L–E–M” 😛

    ahehe… pag uwi dito, beach, ulan, at Jollibee naman ang todong ii-enjoy ng mga little Kengkays… 😀

  4. wahehe, ntawa namn ako sa koment ni kengky😀 parang nipagtitiyap😀 di ba arleen???😀 lols😆

    homebodyhubby: 😯 …huwaaaah!!!
    tsk tsk tsk… ikaw talaga minyang! 😛

    HBH added this, 13 August 2008: Ahehe… napasilip lang.
    By now, alam na siguro ni tita kengkay ang tinutukoy mo. 😛
    Nag-EB na kayo nung umuwi sila nina kengkoy at little kengkays dito, di ba? (March?) 🙄

  5. To date, United Nations 2015 (click!) ►


Comments are closed.

%d bloggers like this: