Ayyy, dagaaaa!!!

Naalala ko lang yung isang bigotilyo, balbas-sarado at malaki at balbuning mama na bisita dito nuon. May rat-hunting campaign kami sa experimental field ng PhilRice. Nung ni-flame-thrower yung lungga para maglabasan ang mga daga, may napadaang isa sa may paanan nya, napasigaw ng:

Ayyy, dagwaaaa!!!”

Hindi naman bading, may phobia lang daw siya sa daga… Naalala ko din tuloy yung malaking negrong mama sa sineng napanood ko — The Green Mile. “Weird?” … Yes, another fictional character — maybe too good to be true … Heniwey.

Ilan kaya sa mga dagang ito ang kilala nyo? Tiyak, mas marami kayong kilala, mas matanda na kayo. (Balistad yata? Dapat pag bata ka nga, mas marami kang alam na kartuns!)

Daga 1Daga 2

Daga 3Daga 4

Daga 5Daga 6

Daga 7Daga 8

Sige… hulaan nyo nga? Yung sagot, nasa dulong baba uli mamaya — sasabihin sa inyo nung isang PINOY na nagprisintang maging assistant ko dito. Mamayaaaa!

February 7 ngayon, wala ba kayong nalilimutan?

“Bakit? what’s so special today?” eka nyo siguro.

“Kung hay fat choy!”

“Ano kamo? Lalo ko yatang hindi naintindihan!”

“Kung matangkad at mataba lang ang misis ko (Kung height fat Choi) —

siguro ander ako!” (joke lang)😆

Hindi naman ganun kalaki si misis ano? Chubby lang… at saka pabago-bago din. Kaya nga ang bati ko minsan sa kanya —

“Ang taba mo yata ngayong araw na ito?” O kaya “Ang seksi mo ngayon a?” — sabay kindat. 😉

“Korni mo Robert! … ano ngaaaa???”

Okey, okey… Kung hay fat choy!” — meaning, “May you prosper!” This year, today — February 7, is the start of the Chinese New Year.

Pak intsik, siyempule huwak mo kalimot ang mulami swelte. Di ba ang isang common expression ng “May you prosper!” ay “Good luck!”

————————————————————————————————

— SINESWERTE KA —

Mas preferred kong bumati ng God bless!” kasi ang blessing, sa Diyos lang pwedeng manggaling. Hindi paris ng prosperity. You can be prosperous without being BLESSED.

Sabagay (kung motibo ng bumati) ‘Good luck’, ‘God bless’, pareho lang siguro? Ang importante ay yung sinceridad ng taong pinanggagalingan ng pagbating iyon. 😉

Year of the RAT ngayon kaya hindi ko pwede palusutin ang araw na ito nang wala akong pino-post. DAGA ang talagang may-ari ng blog na ito. 😀

Hindi ako nagre-rely sa Chinese horoscope ha? Maski pa sa western astrology o zodiac.

Linawin ko lang yung sinasabi kong “Hindi ako naniniwala sa suwerte…” Ganito yun:

Halimbawa naglalakad ako at nakatisod ng kulay-asul na papel na may Tito, Vic, and Joey (joke lang) — isang libong piso ang ibig kong sabihin. Anong gagawin ko?

Siyempre, lilinga-linga muna ako, tapos pupulutin ko! Pag walang bumalik duon na naghahanap ng nawala nyang sanlibo, SWERTE ko na yun, akin na yun! Ako ang nakapulot e… Bakit ko ibibigay sayo — anu ka, sineswerte?

Pero kung maghapon akong magyuyuyuko dun at maghahanap ng isa pang isang libo, ahehe… ibang usapan na yun. Di bale sana kung alam kong may armored van ng isang bangko na natisod ng isang munggo sa lugar na yun, umalegwa at nagsabog ng katakut-takot na sanlibo…😆

Bakit naman hahayaan kong makontrol ng isang daga (o maski anupang hayop) o ng planeta at mga bituin ang buhay ko — lahat yan created things o beings lang, samantalang pwede naman akong dumiretso sa Creator?

Kaya nga bad trip ako nung pinakawalan nung isang kasambahay ko nuon ang pagong na alaga ko, dahil kaya daw kami minamalas nuon e dahil ke pagong. Ano bang malay ng pagong?

Yang mga year of the rat at zodiac, sa akin laro-laro lang yan. Hindi ko siniseryoso. Sa tutuo lang, hinihintay ko ngang may mag-tag sa akin nung “What this year has in store for me” o yung sinasabi ng aking Zodiac sign. Pero katuwaan lang.

“Iba na yung maagap, saka nag-iingat!” eka mo siguro.

Maski naman wala kang mabasa sa horoscope mo, dapat lang na maagap at mag-ingat ka. Ikaw bahala ka… pero kung makakaabala yan sa normal na takbo ng buhay mo o sa schedule o pagiging produktibo mo, ibang usapan na yun.

Halimbawa, may magandang oportunidad ka ngayon dahil may interview kang naka-schedule sa ina-apply-an mong trabaho. Baka naman biglang magbago ang isip mo dahil sa nabasa mong horoscope warning sa tabloid na “Huwag kang lalabas ng bahay ngayong araw na ito, isang pison ang makasasagasa sayo.” Huwag kang mag-rely dyan. Lagay mo sa tamang lugar.

Okey, Virgo ako… Ibig sabihin nung ipinanganak ako, the sun was in a position in the ecliptic at the constellation The Virgin o Virgo. Now what? For me, it’s nothing but Astronomy… Maraming naniniwala sa Astrology (Horoscope) nang hindi naman naiintindihan ang astronomical basis o principle nito. Kaya kung sinabi ko mang “virgin ako” dun sa Abakadabra tag ko, hindi na dapat ito ginagawan ng isyu. Obvious namang “The Virgin” or “Virgo” ang zodiac sign ko ang ibig sabihin nuon di ba?

Lilinawin ko ha — hindi para sa mga Chinese ang message kong ito (pero kung gusto nilang basahin okey lang). Marami akong kakilalang intsik, at ang magandang tradisyon naman nila ay aking iginagalang (Nakapanood pa nga ako minsan nyan sa area ng Ongpin sa Quintin Paredes sa Sta Cruz). Para sa iyo ito, kapatid kong kristyano na wala namang dugong-intsik. Pero kung sa tingin mo hindi applicable ito sayo, edi mabuti… Huwag mo na akong “patigilin” … Paano naman yung iba?

I’ve been doing ‘this sort of thing’ (exposing the cult’s errors) when I started blogging — in fact since 1991 in Evangelism Explosion, now you wish I could be stopped dahil hindi mo type ang pino-post ko at iniisip mong ikaw ang pinatatamaan ko? Maski konti, may ibang pwedeng magbasa nito, kaya huwag mong personalin parekoy, trabaho lang ito…

Pakita ko lang itong mga Bible passages — hindi ito tungkol sa intsik, kundi dyan sa astrological zodiac mo:

Let no one be found among you who sacrifices his son or daughter

in the fire, who practices divination or sorcery, interprets omens,

engages in witchcraft, or casts spells, or who is a medium or spiritist

or who consults the dead.

(Deuteronomy 18:10-11)

“E syempre, Bible yan e kaya yan ang sinasabi.

Sa horoscope iba ang sinasabi.”

Kaya nga sabi ko sayo magkataliwas yan e. At ang tanong ko nga sayo,

saan ka ba? Sa Bible ng kristiyano o sa Horoscope ng mga pagano?

“Pareho!”

O kaya nga… half pagan, half-christian ka lang.

Baka sabihin mo, idealistic lang ako? Hindi a… compromiser ka lang! Walang bawal-bawal sa born-again. Sabi ko nga sayo hindi relihiyoso ang mga tutoong born again e. Maski naman kasi bawal pwede mong gawin pag walang nakatingin. Ang tunay na bible-believing christian, gagawin at susundin ang alam nyang tama, at hindi gagawin ang mga bagay na taliwas sa ganyang pananampalataya maski walang nakatingin.

“Nagkakatutoo yung horoscope e.”

Yan ang sinasabi ko… Pag may kababalaghan, andali mong maniwala. Sabihin ko sayo, madyik man, pwedeng “ibang” espiritu ang pinanggalingan. Puntahan mo na lang itong comment ko dito. Lalo lang hahaba ang post ko kung iisa-isahin ko dito:

(Click mo) → Miracles and Wonders

Maski ang ibang spirits, created beings yan, hindi nyo ba alam? And according to the Bible, mahigpit na ipinag-uutos ng Diyos na hindi dapat sinasamba o dinadasalan ang created beings:

You shall not make for yourself an idol in the form of anything

in heaven above or on the earth beneath or in the waters below.

You shall not bow down to them or worship them; for I,

the Lord your God, am a jealous God…

(Exodus 20:4-5)

One of the 10 COMMANDMENTS yan, pero hindi mo makikita sa “ten commandments” na naka-ukit sa harap ng maraming simbahan ngayon — paano sinimulang tanggalin nuong mga unang panahon ng isang taong sa tingin ng marami ay “infallible” o hindi maaaring magkamali! (Meron bang taong perpekto?) Taliwas nga naman sa itinuturo at practices ng “simbahang” pinamumunuan niya.

A “CULT” by definition, is a false Christian religious groups. Any group claiming to be Christian, but deviating from the Bible’s teaching at any important point is a cult. By this definition, maliwanag na ang relihiyong kinagisnan ng maraming Pinoy (e sa nauna lang mambola ang mga Kastilaloy e) ay sya na yata ang pinakamalaking Kristyanong KULTO sa buong mundo.

Bago ka manggalaiti ulit sa akin, tumingin ka sa SINASABI KO, huwag mong pairalin yang PRIDE chicken mo. Malinaw na corruption sa Bible (Salita ng Diyos) ang itinuturo nila, hindi ba?

Hindi pa nga ako pumupunta sa turo nilang “nanay ng Diyos” na sinasabi nila. I respect her and do admire what she DID, and indeed the whole world will call her blessed. Pero maski sya man, ayaw nyang dinadasalan at sinasamba na paris ng naging “anak niya” — kasi created being lang din sya at ginamit lang ng Diyos na daluyan upang maisilang ang Manunubos.

I have nothing against traditions… Basta hindi lang ito taliwas at makakasira sa tutuong pananampalatayang kristyano na sinasabi sa Bible (final authority of the Christian faith). Sa DBD nga, nire-revive nila yung mga tradisyon ng Pistang Kristyano pero walang poon-poon. At yung Pasyong Kristyano — mga awit ng pagpuri, hindi pana-panata.

In fairness to the Chinese, hayaan na natin sila sa mga practices nila kasi tradisyon naman nila yun. Hindi pa naman nila alam ang Bible, kasi marami sa kanila hindi pa naman Christian. E ikaw, antagal mo nang kristyano at hindi naman itsik — born again ka na nga, nakikiswerte-swerte ka pa, kaya ang pungsoy at Bible na MAGKATALIWAS, pinaghalo-halo mo na.

Kaya HINDI para sa mga intsik ang mensahe kong ito — huwag mo silang gatungan. Para SA IYO ito, kapatid kong wala namang dugong-itsik pero christian.

“E teka muna, bakit walo yang daga mo dyan? a-siyete kamo ngayon a?”

Ahehe… biglang iniba ang usapan.

Ewan ko kung binasa mo yung link ko. Pero bahala ka. CHOICE mo yan — Ang Bible ng Christian, o yang horoscope mo. Okey… sagutin ko na lang yang iwas-pusoy na tanong mo: Bakit otso at hindi syete.

————————

— PITO-PITO VERSUS OTSO-OTSO —

Kasi maraming nagsasabi, mas swerte daw ang otso kaysa siyete. “Daw” ha? Sabi ko nga sayo, hindi ako bilib sa malas o swerte. May naunang post na ako tungkol dyan sa mga numerology na yan, baka lang gusto mong puntahan:

(Click mo uli) → Twelve or Thirteen

Ang mga Hudyo nuon, peborit number ang seven. Ewan ko kung sa kanila swerte ito. Lahat naman halos ng numero parang swerte o naging peborit na ng iba-iba’t ibang kultura. Ang hapon, halimbawa peborit yata ang lima (Voltes V, etc). But these are just figures… numbers.

————————

— Ang OTSO —

Ako, peborit ko ang korte ng “8” KASI seksi or symmetrical ang korte.

Ang pungsoy, tignan mo 8-sided. Pag may nagpapa-frame sa akin ng krostits na clock, ang ipinipilit ay yung octagon (8-sided), imbes na hexagon (6-sided), kasi swerte daw ang 8. Ewan ko sa kanya… pero mas pabor naman sa akin kasi mas madaling mag-chop-and-join ng octagon kaysa sa hexagon.

Dun sa Philrice-Los Baños na dating pinagtratrabahuhan ko nuon, isa ako sa pioneering staff. Pinilit ng aming butihing Director na makumpleto kami sa walo kasi daw mas magandang isulat ang number eight — pataas… Pansinin nyo — sa lahat ng numero from 1 to 9, “8” lang ang walang putol at pataas kapag isinulat. Yung “0” ganun din, kaya lang null number yun e, kaya hindi kasali yun.

Eto pa:

May kilala akong mayor, nakaligtas sa assassination dahil sa otso. Katanga kasi nung hired killer — sa side-view pa ni mayor napiling pumuwesto! Kaya nung bumabaril, wala ni isang bala ang tumama, dahil si mayor nagsasayaw ng Otso-otso.

Hindi po… napanuood ko lang sa sine yan na ang isa sa mga starring ay yung mismong kumanta ng “Otso-otso” na si Bayani Bayanihan.:mrgreen:

Ahehe… napadaldal na naman ako nang husto. Kaya nga pala otso din e dahil may tag sa akin si napunding alitaptap — ang “Walong Weirdong” tag.

Patay! Ano pa kayang isasagot ko, ay every post ko yata nailagay ko na ang lahat ng kawirduhan ko?

————————————————————————————————

— AND JUST WHAT DO WE MEAN BY “ WEIRD ” ? —

Hindi ko na ni-research, palagay ko lang…

Nung college ako, may mga nagsasabing may pagkaweirdo nga ako. Pero parati namang naka-defend sa akin ang bestfriend ko “Huwag mo pansinin ang mga yun, ‘unconventional’ ka lang!”

Weirdo… Minsan gustong isipin ng iba, nerd, abnormal, crackpot — at kung anu-ano pang mga adjectives ang ikinakabit sa mga taong iba sa kanila. And I think that is the right word — DIFFERENT (from them), NOT WRONG. “Different” as in iba lang sa kanila — and I mean nothing ‘so special’ attached to the word.

Kaweirduhan — peculiarities or idiosyncracies of a particular person, na nagkakaroon lang minsan ng “ibang” kahulugan dahil sa stereotyping ng particular na grupo, kultura o lipunan.

Wala namang masama. Basta hindi ka nakakaperwisyo, at wala kang intensyon na ang kaweirduhan mo ay makatawag ng pansin sa iba — ahehe, pakialam ba nila?

————————

— ANG AKING WALONG WEIRDONG TAG —

1. Hindi mahilig maglalabas ng bahay. Mas productive kasi ako sa bahay. Dito ako nagpe-FRAME at tumatanggap ng photography o computer-jobs bilang HANAP-BUHAY (Mentalidad na ng marami na pag hindi ka employed, wala ka nang trabaho). Hindi ko rin kasi masyado type ang “pagmo-mall.” Pamumundok at pangunguweba, hiking at pagbaybay sa ilog o sa rough at rugged coastline ng beach, pwede pa! (Syempre hindi kumpleto ang mga ito kapag walang camerang dala)… Pero kahapon bumaba uli ako at naki-birthday dun sa mag-iinang kaibigan namin. Ayun, nakipaglaro sa dalawang anak nya na lima at dalawang taong gulang.😀 (another kaweirduhan?)

2. Pagbobonete. Nuon, mahilig akong mag-sombrero. Maski sa panunyut sa bukid sa dati kong trabaho, parati akong naka-baseball cap — mainit e. O kaya tubao, o maliit na tuwalya na nakatali paikot sa noo at ulo… Ngayon, dito sa bahay, nagbo-bonet ako pag malamig ang panahon kasi sumasakit ang ulo ko. Pag nasa labas naman, nagbo-bonet ako kasi ginugulo ng hangin ang mahaba at malambot na buhok ko. Ahehe… kabado lang ako kasi baka ako ay tuluyan nang makalbo (nagre-recede na kasi ang hairline ko).

3. Naninimot. May mga “needful things” akong pinupulot pag nakikita sa aking dinadaan pag lumalabas ng bahay. Halimbawa, turnilyo (Kaninong ulo kaya nalaglag ito?) Later, nakikita ko naman ang gamit pag kailangan sa house-fixing. Minsan, nakapulot naman ako ng isang paketeng condom. Amf! aanhin ko yun?

4. Gupit kuko. Pag naggugupit ako ng kuko, isang buo dirediretso. Hindi ko rin hinahayang tumalsik kung saan-saan; tinitipon sa isang lugar, tapos binibilang.😆 Dapat 20 lahat. Tapos saka ko itatapon. Obsessive-compulsive na ba ako? Hindi a! Tinitiyak ko lang na wala akong daliring nalimutan, at walang pakalat-kalat na kuko na pwede kong maupuan o mahigaan.

5. Pagtatakip ng bintana. Ang misis ko, parating galing sa labas, kaya pagpasok ng bahay, andilim-dilim. Para daw akong bampira o kaya si Batman.😆 E paano naman, talagang napakainit dito sa lugar namin pag pahapon, kasi direktang nakatutok ang araw mula sa kanluran.

6. Mahilig sa cholocolates. Sabi nung Chinese friend kong babae nuong nagtraining ako sa Okinawa, bihira daw ang lalaking mahilig sa chocolates! Totoo ba yun? Ang lagay ba e sila lang? Ahehe, hindi ako papayag… Kaya pag may galing sa abroad, hating-kapatid basta chocolates! (Joke! … Of course I am always willing to sacrifice myself para kay misis. Para chocolates lang! … lunok! )

7. Huli ang masarap. Pag kumakain ako, inihuhuli ko ang pinakamasarap. Kasi, naranasan nyo na bang kumain ng isang kilong lanzones na pagkatamis-tamis, pagkatapos yung nag-iisang pinakahuli e pagkapaet-paet? Pweee! Bad trip! Kaya maski sa ulam, huli ang masarap.😆 Halimbawa, ang aligi pag kumakain ng alimango. Kaya si misis, parati akong naaagawan.

8. Pagba-blog ng tungkol sa daga. Ahehe… pag umay lang naman na ako sa kape-FRAME at wala nang magawa. Huwag na kayong magtaka kung masyadong maarte at detalyado, dahil I tend to put my heart in everything that I do — may katapat na bayad man o maski walang suweldo.

————————————————————————————————

Koo, wala na akong atraso… Ayan may naalala tuloy ako dahil sa “alitaptap” na screen name mo… May joke ako sa mga readers… Naibida ko na ito sayo sa kaunaunahang kumento mo sa blog ko:😉

————————

— HULING HIRIT —

Mag-AMA — matutulog na, nag-uusap pa:

ANAK: Tay, andaming lamok!”

TATAY: Patayin mo ang ilaw, para hindi tayo makita…

( Pinatay ang ilaw… nagpasukan ang alitaptap. )

ANAK: Tay… nagdala ng flashlight!

Eto pa — sila ring mag-ama, nuong si junior ay mas bata-bata pa:

ANAK: Tay, nasan po ang wayis?

TATAY: Hindi “wayis” anak… “Walis” !

Sige anak, sabihin mo nga ulit “Walis” ?

ANAK: Walis!

TATAY: O kaya mo naman pala e…

Nandun — kunin mo sa suyok!

Eto pa — nung binatilyo na sya, si NANAY naman ang kausap:

ANAK: Nay, bibili ako ng high-cake!

NANAY: Hindi “high-cake” anak… “Hot cake!”

ANAK: Ay sige po, “hot cake”… Pahingi na lang ng barya.

NANAY: Kumuha ka na lang sa soldier bag ko.

Haynako, kung saan-saan na naman napunta ang usapan. Plain jokes lang yan na wala namang anumang ibig sabihin.

Pasensya ka na Koo kung natagalan ang pag-post ko nitong tag mo. And by the way, I am sorry kung ka-propesyon mo yung taong mainit ang dugo sa akin. Anyway, malinaw naman na sa lahat kung sino yun. Basta hindi ikaw yun.

I have a few words for you, a-ding. You know Icarus? I think I have learned so much about him. Don’t get “too close to the sun” … dapat balanse ang intellect at emotion — and both should be Spirit-controlled. Alam naman natin yun, di ba? Danga’t nga lang, minsan ay ating nalilimutan. God bless sayo, Koolai…🙂

At naalala ko nga pala… Mahilig kang magkukuha ng litrato ng hayop — tulad ng ibinida mo sa comment mong ito:

The Salamander encounter

Eto may ise-share ako sayo — isang kaweirduhan ko rin ang magkukuha ng ganito (sabagay trabaho ko rin ito nuon). Isang “OCTO-POD” … Isang dangkal lang ang layo sa akin nyan:

Walong paa

Tumingin ka sa aking mga mata

Yaiiiks… Buti na lang hindi ako ginapangan!😯 …maski na ba hindi ako takot sa arachnids ano?

Eto pa, lumang shot ko mula sa dati kong employment:

spider

————————————————————————————————

Ikabod BubwitPINOY!!!

Ikabod-bubwit

Sagot sa walong DAGA :

Mighty MousePicachu

Mickey MouseSpeedy Gonzales

Jerry (Tom’s friend) • Sniffles

Stuart LittleRatatouille

Yung iba mouse, yung iba rat… Basta yun na yun — DAGA!

(By the way, hindi ko ini-endorso ang mga nili-links ko na ito ha? For information lang, tutal isang click lang naman ang bawat isa nyan.)

Bakasyon muna ako. Pagod pa ang puso ko — ewan ko lang sa araw ng mga PUSO.😆 Medyo nagulat na naman ako dahil isa na naman sa mga close co-bloggers ko na super-friendly na nga e may nang-away pa? Buti na lang dito sa blog ko, wala akong gatungerong commentors — I won’t allow it. Maski nung napuno na ako, may lumapit para mang-alo, hindi para manggatong.

Dun sa mga kaibigan ko at concerned sa mga taong “natutulungan” (?) ko, don’t be disappointed dahil tuloy-tuloy lang ang posting ko as my conviction dictates.😉 Ang mababawasan lang siguro ay ang frequency ng pagko-comment-comment ko sa ibang blog. Minsan kasi sa mismong mga comments sa ibang blog nangyayari ang paggagatungan.😦 (Buti pa yata sa blogspot, mukhang tahimik?) As bloggers, I think we are responsible in moderating (handling) or in answering these kinds of “comments”. Huwag mo namang i-delete, huwag mo lang gatungan.

Well, nasasainyo yan dahil kayo ang author nyan. Otherwise, baka isipin nyo pa na I am imposing this to you…

Babayu… full-time framing muna uli ako.

The URI to TrackBack this entry is: https://homebodyhubby.wordpress.com/2008/02/07/ayyy-dagaaaa/trackback/

RSS feed for comments on this post.

16 CommentsLeave a comment

  1. bok, again, nire-reiterate ko (kung sakaling may nagdududa pa) ang aking virtual award sayo na “longest blog poster ever” hehehe… pero dun sa mga model daga na inihilera mo sa simula, isa lang yung hindi ko nakilala (yung ‘sniffles’ ang pangalan). saang kartuns siya lumabas at bakit hindi ko nasubaybayan ang kanyang career?🙂

    homebodyhubby: oops… inabot mo pa ko bok. papalabas na nga sana ako. ahe…wala na nga sigurong nagdududa dun. hamo na mahaba, tagal namang mabababad yan dahil malayo pa kasunod. 😛

    hindi ko rin masyado napapanuod yan nuon,
    pero dati sya sa merrie melodies at looney tunes.

  2. haha.. yun sa naunang cartoons.. gustong gusto ko tom and jerry e.. saka si speedy gonzales! haha..
    nagtatakip din ako ng bintana, ayaw ko ng maliwanag dahil sa migraine ko.. “mindgrain” sabi ng kakilala ko dati.. haha! parang soldier bag at high cake.. haha!
    🙂

    homebodyhubby: oo, si tom and jerry, yung pusa at daga na hindi mo maintindihan kung magkaaway o magkaibigan 😆 si speedy gonzales naman — “ariba, ariba! andale, andale!” 😛

    siguro migraine din itong sa akin, parating isang side lang… minsan left, minsan right — at tumitibok yung sakit lalo na pag naggagagalaw ako pag sumusumpong.

  3. – daga pla c pikachu??? now ko lang nalaman😀
    – di ko din knows c sniffles😀
    – ako lagi may alagang pagong, yung last pair of pagong ko ay last year lang na chugi, tagal din nun sakin, nagkaron din kme ng monkey, malas din daw yun sabi,di din kc kami mapamahiin d2 sa bahay..
    ***
    oist btw, balita ko lang sau, sa sat. kc bday ni bentong, pero ngaun ko binili yung gift nya kc tamang tama kako. chinese new year, year of the rat, a pair of hammies gift ko sa knya, bka swertehing mabuhay ( di daw mapamahiin😀 LOls😆 )

    lam mo b ng binili namin sabi eh bk daw maging c Berio sa hamsdertaker ba yun? ewan ko kung tama , di ko na matandaan, basta yun sabi ni bentong..

    gus2 nga berio daw name, sabi ko di pde..
    tommy(M) at clancey (F) ang name, na bininagy..

    napahaba, sabi mo kc bkasyon ka muna, d2 ko na niwen2 hehe
    o xa, gudlak sa pagha hibern8 mu, tc always, wil mishew – MKB-XXX

    homebodyhubby: parang nag-“evolved” o nag-“mutate”
    na daga yata? — click mo yung link nya sa wikipedia.
    pwede ko na rin sigurong tawaging daga-ibang planeta😆

    yun pagong ko, nakita mo na siguro dun sa “mga saling-pusa” page ko — duon ka first time na nag-comment dito sa blog ko, di ba? 😉 …at duon sa “mini zoo” ko pa kita unang nakilala…

    minyang, ni-BOLD-an ko yung dalawang key-words dito sa comment mo ha? i-link ko uli ito sa isang susunod na post ko. 😛

  4. owww… <– shortest blog commenter

    (but seriously, di ako naniniwala sa mga year of the rat eklabu na yan. hehe)

    hama: pero bakit ka nag post ng zodiac sign description?
    foo: napaka inconsistent mo raymond.
    raymond: shadap!

    homebodyhubby: hehe… alang problema raymond —
    hindi ka naman seriously naniniwala e… sabi ko nga sa post kong ito, ako man naghihintay nuon ng tag na ganun. 😉 laro-laro lang naman…

  5. ay si pikachu ehehehehe kyut

    yeah klasmeyt
    mas gusto kong sabihing God bless kesa Good luck…
    kasi kristyano tayo, di na dapat tayo umaasa sa swerte. hehehe
    un lang

    homebodyhubby: uy mukhang peborit mo rin si picachu, klasmeyt ha? 😉

    God bless sayo! 🙂

  6. sniffles lang din ako hindi masyado pamilyar..nag alaga ka rin pala ng pagong dati? kami meron 3 pagong sa bahay..maliliksi pa rin😀 di rin naman ako naniniwala sa mga pamahiin na yan eh

    kung hei fat choi! basta alam ko ang tao ang gumagawa ng sarili nyang kamalasan.

    homebodyhubby: oo, may picture nga yung pagong ko dyan sa “mga saling-pusa” page ko — dun sa dulong ibaba.

    at naalala ko rin yung pagong na ibinida mo sa akin nung undas — di ba may kontrata nga tayong magbi-breed ng “hamstartel” ? (jokes)

    tama ka, gasti — maski sarili nyang “swerte” tao ang gumagawa. 😉

    kung hei fat choi din, pards! 🙂

  7. kuya hubby, kilala ko clang lhat pero di ko na enunumerate ha.. bka kc maikwento ko pa cla.. isa-isa.. kung hei fat choi…

    homebodyhubby: pareho tayong mahilig sa kartuns…😛

    kung hei fat choi din sayo, repah!

  8. ay, daga pala si pikachu?

    homebodyhubby: ayon sa nabasa ko, sya ay isang daga… click mo yung link nya sa wikipedia. 🙂

  9. indi naman daga si picachu ah?lols…isa siyang,,,hmmm?/?tarsier na nakuryente..lols..kung he fat chuI!perfect ako..kilala ko pa sila lahat!

    homebodyhubby: mukhang kilala mo talaga si picachu ha? yun ang keyword dun — kuryente hehe… parang lightning bolt yun buntot nya eh…

    sabi sa nabasa ko, daga daw sya…
    kung tarsier sya, di ako sure… hindi pa ako nakakita tarsier e. sa mga lugar sa Pilipinas, yang Bisaya na lang ang hindi ko pa narating… buti pa yung isang utol ko, napuntahan na yung “Panglao islands” ba yun? sa Bohol kung saan maraming tarsier.

    “Sori, anak…” hindi ako makakatok sa bahay mo,
    baka hindi ikaw ang datnan ko dun…

    kung hei fat choi! at happy valentines na rin sayo. 😀

  10. hepi nu yir, penge akong tikoy😀 nagmamadali at hindi pa ako nag eempake, waahh

    homebodyhubby: happy chinese new year din, kengkay!
    at happy valentines na rin, kasi late ko na na-reply-an ang lahat ng comments nyo dito 😛 …ingat kayo sa byahe!

  11. ahehehe.. at napasulat nga naman ako ng number 8..😀 Akala ko pa totoo yung kay Mayor! wahh slow..!
    *Parang si kuya ka pala po, hindi rin mahilig maglalalabas, pero ako kasi iba eh, lakwatsera! Ahihi..
    *Yung condom kuya, sayang yon, swerte saw yun, ay hindi yata ng swerte pala yung kapag may nagbigay sayo.. pero hindi ko rin alam, napahiya na ko once dyan eh.. sa pagtatago ng condom sa wallet ko..
    *Weakness ko yang chocolates na yan.. Lalo pa yung mga dark wahh… kakatakam tuloy.. Pero ngayon, hinay-hinay muna, binabawasan ko na kasi diet ako😀..
    *Si speedy lang yung hindi ko kilala sa kanilang lahat😦 Pero pasado pa rin!😀

    Hayyss kuya, maghihintay pa rin po ko ng mga susunod nyong entries..😀 inuunti-unti ko na pong tapusin yung mga entries nyo.. Ang gaganda kasi tsaka nakakarelate po ako.😀

    homebodyhubby: oo ‘angel’ — medyo busy na rin ako
    dahil natambakan ako ng framing jobs. 😉 alam mo na — kelangan din maghanap-buhay…

  12. haaaay kuya, namimiss na po kita..

    haha, “don’t get too close to the sun”.. nakwento ko na po ba na nakikipagtitigan ako dati sa araw?? ang weirdo talaga!! basta.. hehe…

    hindi ko nagets yung 3rd joke..about pancakes… i guess it’s for the brainies…hehe…ü

    edi hindi ka din magko-comment back dito, syempre para fair sa iba..

    a, kapropesyon ko pala, bum din? toink! haha… i mean aktibista din? huh? a okay okay…. gets gets…

    meron pong banat sa isang chubby na partner…

    “lamu parang tumataba ka na…

    “unti-unti ka ng bumibilog………

    AT NAGIGING MUNDO KO…”

    toink, kaso given naman na na mundo mo na rin siya… hehe, nakwento ko po ba na galing ako sa Calamba last last weekend? iba pa rin ang powers ng sunset dun…wahaha, sun NANAMAN…

    basta po.. Godbless…

    ayaw ko din ng GOOD LUCK, parang ang unfaithful kasi…ü

    sige po..ü

    homebodyhubby: hehe… walang malalim na joke dyan. yung “high cake” — hot cake, “soldier bag” — shoulder bag. wala lang… naisipan ko lang ilagay.

    “not commenting-back” is not ‘intentional’ …hindi ako masyado nagko-computer ngayon, balik muna ako sa full-time na hanapbuhay — and i am enjoying it…

    si misis ko, in some way, talagang sya ang “mundo” ko, 😛
    pero si God pa rin ang “langit” ko. 😀

    kung napanood mo yung video ko, “pinakamasayang araw” ko yung nakasal kami; pero “pinakamaligayang araw” ko naman nung na-born-again ako… si misis man ganun din. Panginoon muna bago ang iba, maski pa asawa — tutal hindi naman ipagdadamot ng Diyos sa akin ang aking asawa. 😉

    thanks for acknowledging my lifetime partner. 🙂

  13. […] Ang sabi ni Bentong […]

  14. […] Ay daga… daga… – saksakan ng haba, pwede din may gantimpala […]

  15. […] Sadyang napakabilis ng buhay ng mga hamsterdaga. Maging ang year of the rat — napaiksi din yata: 354 days! (2008 Feb 7 — 2009 Jan 25) […]

  16. […] • Pero, um-okey naman yang timing dahil pagpasok
    ng 2008 nawelkam ng mga hamsters ko ang pinsan nilang DAGA . […]


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: